Kabanata 5 - Pagtanggap

1014 Words
Sinubukan kong huwag masyadong kiligin sa kaniya dahil baka makitang namumula ang aking mukha. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at pinanindigan na mataray ako at hindi nasisilaw sa kagwapuhan niya. "As far as I remember, may nerd na scholar ang school na ito. Ikaw ba iyon?" tanong ni Charlie, halatang sinasadya naman kahit alam niya na ako iyon. Baka isipin ni Rinniel ay kalat na ang tungkol sa pagiging scholar ko. Well, offered naman iyon ng school dahil ako ang nag-top sa entrance exam para sa IT at overall exam. "Yep at hindi ko iyon ikinahihiya," sagot ko. Gustong-gusto ko na ring irapan si Charlie sa mga pakulo niya. Alam kong natutuwa lang siyang asarin ako ngayon. Pasalamat siya at behave lang ako magpakitang gilas kay Rinniel. "Chill. What's your name? Kailangan ko kasi ng assistant ni Rinniel sa gagawin naming photoshoot this coming month at maganda sana kung iyong babaeng hindi tili nang tili dahil iniidolo si Rinniel. Pwede ka ba? Dagdag income din iyon sa iyo," pag-offer ni Charlie. Tumaas ang aking kilay. Talaga bang si Rinniel na ang kukunin ng company namin? Wala naman siguro si Mom at Dad sa photoshoot na iyon kaya ayos lang na tanggapin? "Paano ka nakasiguro na hindi ako fan niya?" natatawang tanong ko. Kita ko ang pagkamangha sa itsura na Rinniel. Para bang natutuwa siya sa tanong ko. Minsan lang ba siya makakita ng babae na walang reaction kapag katabi na siya? "Based on your reactions, wala namang kakaiba. Hindi mo naman iniisip na artista iyang katabi mo. Ganiyan ang hanap namin para hindi na kami mahirapan pa kung matagal i-orient kapag fan ang nakuha," paliwanag ni Charlie. Totoo naman na mahihirapan si Rinniel katrabaho ang fan. Bukod sa pag-irit, tiyak na hindi pa nagsisimula ang photoshoot, nauna na itong kukuha ng pictures ni Rinniel. Hindi naman ako ganoon ka-adik sa kanya para gawin iyon. Kailangan ko ngang tigilan muna ang pagkuha ng larawan para hindi makahalata na ako ang owner noong isang malaking fan group ni Rinniel. "Just make sure na magiging maayos ang trabaho mo at hindi ka magagaya sa mga ibang nakuha ni Rinniel. Ang dami kasing nababaliw sa kanyang mga babae, lalo na sa trabaho. Mahirap makasama ang mga ganoon," dagdag pa ni Charlie. "Grabe naman sa nababaliw, Bro. Hindi lang talaga nila nagagawa ang tasks dahil distracted. Ayoko ng ganoon sa trabaho. Mahirap naman kung lalaki ang kukunin kong assistant. Wala rin kasing masyadong may gusto," natatawang sabi ni Rinniel. Ang sarap pagmasdan ni Rinniel kapag tumatawa siya. Pinagpala ata ako para makita siyang ganito. Sanay kaming mga fans niya sa masungit niyang itsura. Walang masyadong photos na nakangiti siya kapag palihim kaming kumukuha. Ang mga pictures naman niya sa photoshoot ay panay fierce din. Sigurado akong matutuwa ang mga kapwa fans ko kapag nakuhanan ko siya ng larawan na tumatawa o nakangiti. Sa ngayon ay hindi pwede dahil mahahalata na ako. "Pangako po na hindi ko kayo bibiguin. Kailangan ko rin kasi ng extra budget para sa pag-aaral at suportahan ang sarili hanggang sa makapagtapos. Masaya po ako na nakapasok ako sa standard na hinahanap ninyo," nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Rinniel. "I will double your salary if you accept Charlie's offer," saad pa ni Rinniel. Aba, sino ba naman ang tatanggi sa offer ni Rinniel? Kahit wala pang sahod ay ayos lang basta makasama ko siya! Sobrang nakaka-excite naman ito. "Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya, hindi ba? Kailan ba iyan?" tanong ko. "Ako nga pala si Mori Seraya." Gamit ko ang apilyedo ni Mom at second name lang ang pinapakilala ko. Chanel Morissette pa rin naman ang pangalan ko sa papeles na pinabago ko. Wala namang nakakaalam na may kambal si Charlie kaya ayos lang iyon. "Good. It's nice to work with you, Ms. Mori. Kukunin ko ang number mo para i-update ka kung kailan ang start. May pipirmahan ka ring contract at si Rinniel na ang bahalang magbigay sa iyo," saad ni Charlie. "Thank you sa pagtanggap ng trabahong ito. Maipapangako ko naman na maayos din akong katrabaho," paninigurado ni Rinniel. Kahit hindi niya pa sabihin iyan, talagang maayos siyang katrabaho. Kahit hindi niya ako pansinin, ayos lang din. Ang mahalaga ay nakikita ko siya palagi. Kinuha nilang dalawa ang aking number. Medyo kinabahan ako dahil nai-text ko nga pala si Rinniel noong nakaraan. Mabuti na lamang ay dalawa ang aking number. Iyon na ang aking binigay. Kapag nalaman niya na ako ang nag-message sa kaniya last time, baka hindi niya pa ako kunin bilang assistant niya. "See you around," saad ni Rinniel sa akin bago magpaalam kay Charlie. Nagpaalam na rin ako sa kanya, kunwari ay formal lang din akong kausap at hindi masyadong humahanga sa kanya. Si Charlie naman ay pinipigilan ang tawa. Palihim ko siyang sinamaan ng tingin. Paniguradong aasarin na naman niya ako mamaya pag-uwi. Nauna na akong umalis para pumasok sa unang subject. Sa pagmamadali ko ay nalagpasan ko pa si Rinniel na ine-enjoy yata ang paglalakad. Hindi na ako lumingon sa kaniya dahil maraming nakatingin at pinag-uusapan si Rinniel. Kapag pinansin ako ni Rinniel, baka maraming mainis sa akin kaya huwag na lang. Nagpanggap lang ako na normal na pag-uusap lang iyon. Isang maling ngiti lamang ay masasabi na nilang patay na patay ako kay Rinniel. Ito ang ikinatatakot ko, ang makuha ang atensyon ng iba nang dahil lang sa kanya. Ayoko rin ma-bully, sawa na ako sa ganoon. Bakit ba kapag hindi maganda ang isang tao, ayaw na sa iyo ng iba? Kaya gusto ko rin ang ganitong itsura. Gusto kong maranasan ang magkaroon ng simple at payapang buhay. Hindi ko sukat akalain na mas mabu-bully pa ako. Hindi naman magiging hadlang sa akin ang tingin ng ibang tao para magbago. As long as wala naman akong ginagawa, mas magpapakatatag ako. Masaya pa rin naman ako sa ganito. Nasanay na akong maging mag-isa at walang kaibigan. Tanging si Charlie lamang ang nakakasama ko sa lahat ng oras, pero kapag sa school, para kaming hindi magkakilala. Habang may isang sumusuporta sa akin, hindi ako mabilis mapasuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD