Kabanata 4 - Assistant

1012 Words
Magkakaroon ng event ang school. Panay palaro ang gagawin para malaman daw namin kung ano ang babagay sa aming organization sa school na ito. Ang aga naman nito para sa mga ganiyang bagay. Dapat focus muna ang mga bagong pasok sa pag-aaral. Wala akong interes sumali sa mga grupo. Pero kung mayroon man na pwedeng salihan at nandoon si Rinniel, ayos lang. Siguro naman ay sisipagin ako kapag may inspirasyon sa ginagawa, at si Rinniel iyon. Gagawin ko ang makakaya ko para matutunan ang mga kakayahan ni Rinniel sa specific na laro. Kailangan ko lang malaman kung ano ang org niya para makapaghanda ako at kung kakayanin ko ba. Mas gusto ko pa kasing magbasa ng mga libro kaysa tumambay sa mga org. Mababawasan pa ang oras ko para makita si Rinniel kung hindi lang din naman siya kasama. "Charlie, alam mo ba kung ano ang organization ni Rinniel sa school? Hindi ba second year na siya, so mayroon ba iyon sinalihan?" tanong ko habang hindi pa kami umaalis sa bahay. Sana kahit papaano ay may alam siya kahit na hindi namin ka-course si Rinniel. Hindi ko lang ginaya ang course niya para hindi masyadong halata ang pagiging fangirl ko. "Ang alam ko lang ay magaling siya sa judo. Baka may iba pa siyang org dahil marami naman siyang alam. Bakit mo naitanong?" sagot niya. Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. "Don't tell me na sasali ka kung nasaan siya? Sinasabi ko talaga sa iyo, Chanel." Natawa ako sa reaction niya. Kuhang-kuha naman niya ang gusto kong mangyari. Ang bilis niyang ma-realize kung ano ang aking gagawin. "Exactly!" pagkumpirma ko. "Ganiyan nga ang aking gagawin. Wala akong interes sa ibang org e. Naisip ko lang na gaganahan lang ako kapag kasama si Rinniel." Masama ang tingin niya sa akin na para bang may naiisip na may gagawin na naman akong kalokohan. Kilala naman niya ako at kadalasan ng kanyang iniisip ay tama. "Hindi ka naman marunong ng judo, paano ka makakasali sa kanila? Mas madali ang chance na makapasok kapag kita nilang magaling ka talaga at possible na maging varsity ka pa," saad ni Charlie. Nakalimutan ata niya na magaling akong gumawa ng paraan? Kapag gusto, nakagagawa agad ng paraan. "Well, mag-hire tayo ng private tutor para matuto agad tayo. Kailangan din natin iyan para marunong tayong lumaban at madepensahan ang sarili," paliwanag ko. "Natin? Idadamay mo pa talaga ako sa pagsali sa org na iyan? Alam mo namang basketball at tenis ang hilig ko. Huwag mo ako isama, hindi ako fan ng lalaking iyan," natatawa niyang sabi. Ngumuso ako. Hindi niya nakuha ang gusto kong ipahiwatig. "Hindi mo kailangan sumali sa org na iyon. Ang gusto ko ay ikaw ang magsabi kila Mom at Dad na magkaroon tayo ng private tutor for self-defense, hindi lang judo ang ituturo. Kapag ako ang nag-request, pagagalitan lang ako at kung anu-ano ang sasabihin," paliwanag ko pa. Napakamot siya sa kaniyang ulo. Ganito naman ang gawain namin, siya ang nagpapaalam para sa aming dalawa. Ayaw niya naman na nagtatampo ako kaya ginagawa na lang niya. "O siya, sige. Sabi mo ay kailangan din naman natin for self-defense kaya ako papayag sa gusto mo. Basta huwag masyadong patay na patay kay Rinniel at gagawin ang mga bagay na hindi na angkop sa iyo na ikapapahamak mo ha? Pagbibigyan lang kita ngayon kasi valid naman ang paliwanag mo," ika niya. "Ang bait talaga ng kambal ko!" masayang sabi ko. "Malaking tulong na sa akin ito. Pangako na hindi ako papasok sa sitwasyon na ikapapahamak ko. Maraming salamat, Charlie!" Napailing na lang siya bago umalis para pumasok sa school. Dating gawi, siya ang unang aalis tapos susunod ako at magpapahatid hanggang sa may kanto lang malapit sa school para makapaglakad ako. Ayos lang naman sa akin ang maglakad pa para rin exercise sa umaga. Hindi naman ako masyadong pinagpapawisan. Nagiging hobby ko na ang paglalakad at magpanggap na hindi mayaman para magkaroon ng simpleng buhay. Sa ganito ay nakikita ko kung sino ang totoo at sino ang lalapit lang kapag alam na may kaya ako. Pagkababa ko sa school ay binagalan ko muna ang aking lakad. Talagang ita-timing ko sa pagdating ni Rinniel. Nagsisimula naman na rin na mapansin niya ako kahit nerd lang ako. Gusto kong mapaisip siya kung bakit lagi niya akong nakakasalubong o nakikita. Alam ko na ang oras ng pasok niya. Good thing, same kami na 8am ang unang klase. Parang sinadya talaga na magkasalubong kami palagi. Sana nga sa susunod ay maging kaklase ko na siya sa mga minor subjects. Mukhang imposible lang gawa second year na siya. Hintayin ko na lang ang elective subjects ko at aalamin ko kung ano ang mga kukunin niya. Nakita ko si Charlie at Rinniel na nag-uusap. Napansin ko na mukhang natatawa ang kambal ko sa reaction ko. Hindi naman sila close ni Rinniel pero bakit napapansin ko na magkakilalang-magkakilala na sila sa lagay na iyan? Nagtatawanan pa sila na parang normal na magkaibigan. Kung titingnan ko sila, iisipin ko pa nga na magkababata sila sa sobrang close nila ngayon. Wala namang nababanggit sa akin ang kapatid ko tungkol kay Rinniel. Alam niya lang na fan ako nito at hindi niya ako masyadong pinapakialaman. "I didn't expect it. Thank you for considering me," saad ni Rinniel. Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawa? Sinamaan ko ng tingin si Charlie. Mamaya ay kailangan niyang ipaliwanag sa akin ang nangyayari. Ano iyong kino-consider si Rinniel? Involve ba ang company namin? Ang alam ko ay naghahanap ng bagong model sila Mom at Dad. Hindi kaya si Rinniel ang napili nila? Naku, sana naman! Para pwede akong makasilay nang todo sa kanya. "Ms. Nerd, come here!" tawag sa akin ni Charlie. Tinaasan ko siya ng kilay sa pagtawag sa aking nerd. Akalain mo na pati siya ay makikisakay sa trip ko? Pero lumapit pa rin ako para mapatabi kay Rinniel. Mukhang gumagawa ng paraan si Charlie pata mapalapit ako kay Rinniel. Very good siya sa part na iyon. "Ano iyon?" mataray na tanong ko. "Wow, she's so feisty!" nakangiting sabi ni Rinniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD