Chapter 1
“Slow down, manong,” utos ko sa driver nang matanawan ko sa malayo ang arko kung saan nakabalandra ang pangalan ng lugar.
Pagkatigil ng sasakyan ay dumungaw ko sa labas ng bintana ng sasakyan.
I draw a smile on my lips. I am happy that the former name of the island, Bella Esperanza, was back. I am very proud as a citizen of the town for fifteen years. May pait man akong nalasahan dahil sa nakaraan ko noon ngunit nangibabaw pa rin ang tamis sa galak.
Umiling ako nang parang may biglang gustong sumingit sa utak ko para masira ang magandang bungad ng araw ko. Iwinaksi nang iwinaksi ko iyon hanggang sa nagawa ko.
Huminga ako nang malalim at muling tumingala taglay ang matatag na mukha, damdamin at pag-iisip.
“I am here to take care of the ranch and the hacienda... for the meantime. Hindi ang mag-reminisce ng mga pangyayaring matagal nang tapos,” I sternly remind myself. “Let’s go, manong.”
Nagpatuloy ang biyahe. Mula sa dalawang kilometrong tulay hanggang sa bungad ng isla ng Bella Esperanza ay nagpatuloy pa ang isang oras na biyahe hanggang sa mansion.
Kung noon, hatid at sundo kami ng private helicopter ng Lolo, ngayon ay mano-manong pagbiyahe na ang ginagawa namin. Dahil sa pagkalugi ng kompanya, napilitan ang Lolong ipagbili ito para sa personal naming pangangailangan.
Two weeks nang nandidito ang Mommy at Daddy. Gusto ko mang hindi sumunod pero minumulto ako ng konsensiya. Ipinagkatiwala ng Lolo ang rancho at ang hacienda sa akin. Iyon ang nakalathala sa last will and testament niya. He said there that I would not let our businesses die there when he was gone.
Bawat pagpikit at pagmulat ng aking mga mata, ang mga habilin niya ang nag-e-echo sa mga tainga ko. Unfair naman sa side niya kapag hindi ko tinupad dahil lang sa pansarili kong takot at bitterness sa nangyari sa akin noon.
“Nakarating ka rin,” tuwang-tuwang bungad sa akin ng Mommy. Yumakap siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. “Kumusta ang biyahe?” tanong niya pagkakalas.
“I enjoyed the view going here.”
Tumakbo ang dalawang kasambahay papunta ng sasakyan para kunin ang mga gamit ko.
“Perfect! Ang dami mong nakita panigurado!”
Iginaya niya ako sa paglalakad papasok ng mansion. Habang naglalakad ay inililibot ko ang paningin. Wala naman gaanong nagbago sa itsura maliban sa lumuma ito dahil sa paglipas ng ilang taon.
Our mansion was a historical type of adaptation from a Spanish colony. The structures are built with very thick walls, typically white stucco over adobe brick or stone, and have a limited number of small window openings; in my early years here, these tiny windows didn’t have glass, just holes with wood shutters that opened and closed. Ang paligid ay purong mga halaman at matatanda nang mga puno.
“Sakto lang naman po. Ang daming nagbago rito sa isla.”
“A beautiful nostalgia just interrupted you, sweety,”
“Sort of,” tipid kong sinabi sabay aktong parang wala lang iyon.
Bumungad sa aking ang grand staircase na isa sa pinakapaborito kong parte dito sa mansion. Double staircase with divided flights. Usually, the first flight rises to a half-landing and then divides into two symmetrical flights both rising with an equal number of steps and turning to the next floor. Pagtuntong mo roon ay ang sunud-sunod na mga kuwarto at ang pinakadulo ay ang main veranda ng the second floor.
Pagkatapos niya akong ihatid dito sa rati kong kuwarto at bilinang magpahinga ay nagpatiuna na ito sa pag-alis.
My room is an example of a room during the Romeo and Juliet era. The types of furniture here have a very opulent look – curved lines, rich materials such as silk, brocade or velvet, and intricate carvings, with and without gilding. Pieces such as dining room tables, beds and sofas tend to have a larger-than-life look and can be physically large and heavy, as well. The interior design inside the mansion is elegant, distinguished and casually grand as an entirety.
Tumakbo ang isang linggo rito nang masaya at payapa. May mga pagkakataong mainit ang ulo ng Mommy pero hindi ko iyon inaalala. Kung anuman ang ikinagagalit o problema niya, tiyak kong hindi niya ipagsasabi sa akin. Maybe because we are still being attacked by critics.
Alas-singko nang tumawag si Levi.
“Babe, ayaw ko talagang pumunta rito kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Lolo. The Hacienda Castleleñas have been so close to my heart. I grew up here, exposed to life as a rancher for fifteen years. My life was the wide and greenery lawn, the horses and the beach near us.” Mahinang ngiti ang pinakawalan ko. “For five years of staying to different cities all over the world, there is that place that I’m sure I go back time to time... And it's the island of Bella Esperanza. The land na kahit nahati sa dalawa ay naging isa muli dahil sa pag-ibig.”
Naalala ko bigla sina Kuya Zephyr Kalen at Ate Astrid Fiore. The two towns were united again because of them, because of forgiveness and unity brought by their love. I heard ikinasal daw ang dalawa sa isang engrandeng beach wedding na naganap bago matapos ang taong siya ko namang pag-alis. Mas lalo pa itong tumibay matapos magpakasal muli ang kaisa-isang anak ni Rafael de Silvar at Esperanza Alviajano na si Jevo Garko sa longtime wife nito sa papel na si Klaveniece Isla.
“That’s amazing, babe! I want to go there with you if only I am not busy with so many workloads here.”
Levi is a simple employee of Quaranta Company na nakabase sa bansang Greece. Isa siyang Application Development Analyst doon. Graduate Siya ng information technology sa UST. Naroon na siya nang maging kami. Hindi pa kami nag-meet in person pero madalas naman kaming magkita at magkausap sa video call.
Ang balak niyang pag-uwi rito last month ay hindi natuloy because their company badly needed him nang mapasok ng virus ang ilan sa mga important data receptors nila.
Weird but I have fallen in love with him for very unexpected reasons and his traits. Mahiyain siya, very formal and conservative even if he’s a guy. Hindi ganoon ang mga tipo ko noon, malayong-malayo. Nauuto at patay na patay ako sa mapang-akit na katawan at mukha ng lalaking iyon mula sa aking nakaraan. But that’s part of growing. You’ll gonna realize one day who would be better for you, mentally and emotionally.
Levi is enough for me. Kung ilalatad ko lahat ang mga dahilan para mahalin siya ay kulang ang isang pahina ng one whole sheet of paper. He knows everything about me, mula sa naging buhay ko rito sa San Bellaza hanggang sa sitwasyon ko sa kasalukuyan. Tanggap niya ako from my past that was as crazy as horror.
“We’ll have a vacation here once you come home. I’ll tour you for free,” nangingiti kong wika. I heard him giggled on the other side. “Kaya umuwi ka na agad dito, ha?”
“Malapit na iyan, babe! I promise you that! I love you, babe,” masuyo niyang sinabi.
Napangiti ako nang matamis sa kiliting hatid ng sinabi niya. Napatingala ako sa kalawakan sa itaas na tila ba kasama niya ang mga butuin doon na nakangiti sa akin.
“Ang I love you most, Levi... I miss you... And can’t wait to see you...”
“Mas lalo na ako, babe. I miss you every day. You are always part of my fantasies and dreams...”
“Kallithea, hija...” Humarap ako at tumingin sa pinto kong kinakatok ni Nanay Marites.
“Sige na, babe. Mag-video call na lang tayo mamaya, okay? Baka hinahanap na ako ng Mommy.”
“Sure, babe,” pagpayag naman niya. “I love you!”
“I love you too!”
Pinatay ko na ang tawag pagkatapos ay naglakad patungo sa pinto at binuksan. Nakangiting Nanay Marites ang bumungad sa akin. A very charming mayordoma in her early sixties. Siya ang nagsilbing tagapangalaga ko sa mga taon ko rito at ng buong mansion. Natutuwa akong makita siyang nandito pa rin at naninilbihan. Nang malugi ang kompanya’y kasunod nito ang pagtiwalag ng mga kaibigan, trabahador at kasosyo namin.
Tingnan mo nga naman talaga kung ano’ng nagagawa ng pera. Kaya nitong palabasin ang totoong ugali at intention ng tao. Their betrayal left as a success for very inspiring motivation to detect who we will trust in the next voyage but a pain to our hearts at the time. Like, pera-pera na lang ba talaga ang basehan ngayon? Why do we only gain respect, love and praise because of money? Can’t we continue respecting others for being a human created by God and not because of his success, contributions, titles and so on that will uplift you or see you higher than anyone?
Respect should be measured by a genuine heart and not because you have this and that, that’s why you have my respect! F*ck society for being so cruel to those who are less fortunate but fortunate and loved by the Father above.
At least we’ve become healthy. The journey of our downfall was the process of detoxification of the fake and toxic people around us.
Pumormal ang itsura ng matanda nang biglang dumating si Mommy. Ramdam kong hindi maganda ang timpla ng postura at mukha niya.
“Sige na, Nanay Marites. Ako na ang bahala rito.” Tumango ang matanda at tila labag sa loob nito ang pag-alis. “Tumayo ka riyan at isukat mo itong binili kong dress na susuotin mo sa dinner mamaya.”
Nagkunwari akong hindi siya narinig. I focus my attention on the screen of my cell phone. Ka-text ko ang boyfriend kong si Levi. Limang buwan na ang tagong-relasyon namin. Kailangan dahil sigurado akong makikialam na naman ang Mommy kapag nalaman niya.
Napaatras ako nang biglang umilaw ang cell phone, tumatawag siya. Itinaob ko ito sa kama at tinabunan ng comforter bago pa malingat si Mommy.
“Kallithea, naririnig mo ba ang sinasabi ko?” aniya nang lingunin ako.
“Dinner,” nalilito kong sambit. Sunusubukan kong alamin kung may appointment kami ngayong kakain sa labas. “Hindi n’yo nabanggit kaninang kakain tayo sa labas.”
“Mga bagay na hindi ko na kailangang i-report sa iyo, hija,” patuya naman niyang sagot.
Sumunod ako rito sa Bella Esperanza para asikasuhin ang mga natitirang ari-arian namin dito. A ten hectares of hacienda and ranch. Ayaw ko talagang sumunod kung hindi lang kami nagtalo ni Mommy. That fight leads to my father’s supreme anger for me. Nabastusan siya sa ginawa kong pagsagot-sagot kay Mommy.
Ang dulo ng pagtatalo namin ay ang pagsama ko, sa ayaw ko man o sa gusto. Hindi naman kami aabot sa ganoong pagtatalo kung hindi lang niya nabanggit ang lalaking iyon. Ang lalaking dahilan kung bakit minsan ko nang gustong tapusin ang buhay ko. Ang taong nag-iwan ng napakalalim na sugat sa pagkatao ko. Kung alam lang nila!
Bumuntong-hininga ako at hindi na lang nagsalita. I’d rather choose to become deaf or mute than aid her create a world-war-like discussion again with her.
“Pupunta ngayon tayo sa mansion ng mga Alviajanos.”
Nanatili akong manhid at pormal sa pagkakaupo ko rito sa kama kung sa panlabas na anyo ko lang ang pagbabatayan. Pero sa loob-loob ko, parang kurot iyon na nagpagising sa libu-libong alaalang akala ko’y naibaon ko na.
The last sentence she said occurs like a bitter nostalgia to my taste, a destructive thunder to my ears, a rough touch to my skin, a decayed smell to my nose, like a rotten rat on hay, and darkness to my sight.
I revolve my eyes around my eye sockets. I can’t believe after our company broke down she still has the remaining guts to pursue the arranged marriage my Lolo Roman and his friend, Don Leonardo, made when they first see us together, me and Devereaux. He’s Don’s grandson, the richest man in San Bellaza, who owns almost half of the land. While in fact, magkasama lang naman kami noon because he’s making fun of me, so close to bullying, I should say.
“Of course I’m hearing you even if you don’t talk again. Sapat na ang pangalawang sentence mula sa huling mga sinabi mo,” nagpipigil sa inis kong bulalas. “You’ve been reminding about that since Lolo and Don Leonardo agreed to that shitty idea.”
“Kallithea!” Tumaas ang tinig niya at nagbadya nang katakot-takot na pagbabanta.
I looked at her fast and fiercely. “Para saan pa iyon, Mommy? Our company was bankrupt! We don’t have anything to boast to anyone, especially to that family! F*ck Alviajanos!” Bumunghalit na ako sa iyak dahil sa galit at panlulumo. “How could they endure us! They just sit still and watch our boat sink! After what had happened, may plano pa kayong ipagkatiwala ako sa kanila? They betrayed us! Iyan ang ang sinasabi ninyo noong matatag na friendship ng dalawang matanda?”
“You don’t have the right to talk like that, Kallithea! Wala kang alam sa mga nangyari at sa mga nangyayari! What do you know? You’re only a teenager during that time! Ni ang obligasyon mong pumayag na magpakasal sa apo ni Don Leonardo ay hindi mo nagawa! You had wasted a lot dahil sa kaartehan mo!”
“Alam mo, Mommy, sometimes I really am doubting if you are really my mother. Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa bibig mo, mula sa bibig ng sarili kong ina!”
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ang lalim ng ibinagsak ng pamumuhay namin ngayon. It’s funny how the word “irony” reflects and hit us so hard when it comes to the financial entity. Mas maganda pang pakinggang iyong “From rag to riches.” kaysa “From riches to rag.” Napangiti ako nang mapait sa bahaging iyon.
Negosyo ang dahilan ng nangyaring marriage arrangement. Now the same sh*t reason why we have to go back and grab it again!
Mas maganda pang isipin ko na about sa arranged marriage kaya kami pupunta roon pero hindi ganoon ang dating sa akin... Pakiramdam ko, pupunta kami roon para mamalimos which I hate most doing.
Paulit-ulit na akong namalimos sa lalaking iyon pero he just dumped me na tila ginusto ko naman ang walang katuturang arranged marriage na iyon! Noong ngang we're almost on top of the world because of the success of our company he disagrees at the top of his lungs, ngayon pa kayang halos pulutin na kami sa kangkungan!
“Stop it, Mom! Please, stop! Hindi na tayo pagkakainteresan ng pamilyang iyon! We’ve lost our credibility, our power and our ties to other friends and company colleagues! Who will be insane to help us or our company who just met its own bitter dose of downfall? Wala, Mom! So stop insisting that f*cking arranged marriage you had just made for the benefits of your businesses and international interest! Wala tayong maipapangakong kapalit sa kasal na iyon, Mom. Pagtatawanan lang tayo ng mga tao. And most of all, ayaw ko nang bumalik doon kahit kailan!”
“Yes, maybe you are right. But at least we can make it up to them by simply loosening up the knot in a polite way. And that is to talk about it with them privately, without compromising our rights and away from the media.”
Kahit paano, nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Tama nga siguro siya, kailangan kumalas nang maayos kahit pa ang totoo’y matagal nang walang bisa iyon dahil sa nangyari sa pagitan namin Devereaux. Hindi lang nila alam ang nangyaring kasunduan sa pagitan namin ng lalaking ipinagkasundo nila sa akin.
Sa ngalan ng ikatatahimik nila, pagbibigyan ko sila. Ano lang naman iyong muli at huling pagkikita namin para malinawan ang lahat na magwawakas na itong kasunduang ito, ‘di ba?
“Okay!” pagpayag ko kasabay ng pagtayo ko. “I am meeting that one of the heirs of Alviajano for the last time and end everything between the treaty!”
Ngumiti ang Mommy at lumambot ang ekspresyon. “Good!” Lumapit siya at maingat na ipinahiga sa kama ang dress. “Mag-ayos ka na,” mariin niyang utos bago tumalikod at tinungo ang pinto.
Napatingala ako at napabuga na lang ng hangin. After five years, magkikita muli kami. Siguro naman ay kaya ko na...
Five years ago, I saw myself as the most foolish teenager in our town. I never planned to leave the town I grew up with for fifteen years. But still, I flee because of the most foolish reason too. Dahil sa isang lalaki... Dahil lang sa isang lalaki... Devereaux Cylair Alviajano Delavin. The notorious heartthrob, handsome and hotty on our campus.
Five years ago, one cold and swiftly afternoon, I was fifteen years old then, I gave up my whole self to him, my love, body and soul. I think lahat naman.
Buong-buo ang desisyon ko nang buong pagmamahal kong isuko ang lahat-lahat sa akin sa ngalan ng pagmamahal ko sa kaniya. But it’s true, you’ll only get the answer when you take a risk. And I was absolutely broken after that. Hindi nagsilbing ilaw sa akin ang pag-ibig bagkus ay naging piring ito sa aking mga mata. Hindi ko nakita ang katotohanan, ang mga posibilidad. Naging padalos-dalos ako.
The only and best gift that I could give to the man I love, to the father of my future children and to my last and true man who will be waiting for me at the end of the aisle was given to the first person I love who just broke me in return. I have been feeling so guilty but what else can I do? Tapos na iyon. Marami akong natutunan kahit sobrang sakit, kahit halos ikamatay ko na ‘yong sakit.
Whenever I felt bad, my only way to solve or ease it was to leave, escaping the worse and perhaps the worst that was possibly coming.
Pero nakatulong nga ba ang pag-alis ko sa paghilom ko? Gusto kong paniwalaang oo. Sa limang taong nakalipas, I consumed my everyday life forgetting him, digging holes where I could put every memory we shared, whether good or not, happy or sad, worth it or trash.
“Kaya mo ito, Kallithea! Nasaktan ka lang niya noon kasi hinayaan mo, dahil tanga ka at mahina. Baliw na baliw ka sa lalaking iyon! Pero ngayon hindi na ikaw iyon. Ibang nilalang ka na ngayon. Ang ginawa niya sa ‘yo noon ay hindi na mauulit pa... dahil hindi ka na papayag...”