Chapter 2
Marami akong mga dalang damit pauwi rito at marami ring naiwang damit sa closet ko nang lisanin ko ang bayang ito. Sobra-sobra ang pagpipilian pero nagpasya akong isuot ang ipinadalang regalo sa akin ni Levi two weeks ago, a monthsary gift, a fairy floral suspender dress off shoulder champagne sling dress.
When I wore it, I felt like I had a solid shield in case anything happened later. Isinadya ko itong piliin para mai-remind ko sa sariling may isang Levi sa buhay kong tinanggap ako at minahal nang higit pa sa taong makahaharap ko mamaya.
I have nothing to worry about. I am taken and maybe he is, too. It is impossible that there is no woman in his life. Sa pagkakakilala ko sa kaniya, he’s a notorious womaniser! That was also one of the reasons why the connection formed between us didn’t work. He just used me... and tasted me, like what he said to his girlfriend.
I want to say that he took advantage of my innocence, but I know to myself that I offered myself to him wholeheartedly, willingly. Kung may sisisihin man ako, ang sarili ko rin mismo.
Hinati ko ang gitna ng buhok ko at hinayaan lang na nakalugay ang hanggang below the ribcage kong buhok na medyo may pagka-wavy. Hindi maiwasang kumawala ang ilang hibla papunta sa gilid ng mukha ko. I like it that way. Madalas kong hairstyle ito kapag rumarampa dahil may maliit akong mukha. I applied a simple yet fierce touch of make-up. My last touch is my red lip tint.
My face seduced many people and great brands. I have a sweet face, long black hair, dark brown eyes, and angelic air. One of my managers dyed my hair a blonde color because they want to explore the other side of me. They believe I can kill diverse projections in front of cameras by changing some of my natural features.
“Hindi naman siguro ako magmumukhang bata sa itsura kong ito,” I said while criticizing my look in the mirror. An increase in body mass and fiercer glow up was what I earned for five years.
Sa pananatili ko sa iba’t ibang bansa, natuto akong i-explore ang mundo ng fashion. I grabbed a lot of opportunities for modelling different brands while studying. Nakarating ako sa iba’t ibang bansa just to attend prestigious ramp events. I love exploring and appreciating other people’s culture, food, tourism and a lot more.
At age of sixteen, I made my route to heighten my expectation in life. I just realized that there is more outside the ranch and hacienda where I grew up with. Most of all, I realised that the guy from five years ago was not the only man I’ll ever met in my life. Marami akong na-meet na mas mababait, mas guwapo, mas mayaman at higit sa lahat at pinakamahalaga, iyong hindi ako sasaktan at iti-take for granted lang.
I am worth loving because I don’t play with others’ emotions. Kapag mahal ko, mahal ko.
I don’t know if what I am preparing is for myself or my ex-MU. Maybe both... Pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin noon, tama lang namang ipakita kong maayos at hindi basta-basta ang kinahinatnan ko. Regardless of what happened to our company, I still have this kind of elegance I should maintain and show because our downfall do not hit the success I had achieved with my career.
I made a final look in the mirror before I left my room.
“Ready to go?” ani Mommy nang pababa na ako ng hagdanan. “We’re just going to cancel the upcoming ringing bell but you seem prepared yourself for it, sweety,” may tuwa at panunukso sa tinig nito.
Gusto kong mamula sa sinabi niya.
“Hindi kaya magbago ang isip ng isa sa mga heridero ni Don Leonardo sa ayos mong iyan.” She’s proud and showing it with a tease.
Pinaikot ko ang mga mata ko. “Your daughter is a model. Just a twenty-year-old girl who had published hundreds of magazines with my face and name on the cover. Hindi naman siguro nila ikagagalit that I chose to look decent and expensive.” I smirked after.
“Well, I like it! You’re right! Mukha pa rin tayong yayamanin, hija.” Sinundan niya iyon nang malutong na halakhak.
“Let’s call it fashion. And fashion is for everyone who possesses creativity out of available resources. In fact, you will still look elegant even if you wear banana leaves, just be smart enough to design it and execute its beauty by killing the catwalk when you exhibit it in front of people.”
Tumawa siya nang marahan. Kahit hindi niya sabihin, ramdam ko ang nagmamalaki niyang tingin.
“Mukhang dapat nagpatayo rin ang Papa ng kompanya that will suit you someday to avoid mismanagement to the future heir... It’s too late for that,” malungkot niyang sinabi.
Company Fresh Fish Lio consists of twenty vessels for fishing for our can goods products. We are the number one supplier of fish can goods in Asia and number five around the globe. Sinabayan ng pagkasira ng twelve vessels namin dahil sa bagyo ang pagkasira ng kalidad ng produkto namin. Lolo closed a very important deal that will going to produce us tin plates for five years. Pero nagkamali ang Lolo sa pagtitiwala sa kompanyang iyon. The control in can production was not restrained because they used the contract signed by my grandfather to continue. Ang masakit, the quality they produced for the remaining three years was not that good, it rusts easily and that really creates issues and accusations to CFFL.
That started our nightmare na pinalala ng mga iba pa naming rivals. Rivals created exaggerated and fake news about our products that led our sales to deteriorate and collapse after.
Ayaw kong isiping ang pagbagsak ng kompanya ang naging sanhi ng pagpanaw ng Lolo, it pains me like hell. Marami siyang mga kinaharap na kaso, maraming casualties because some says they ate our products and they got poisoned. Nagkapatong-patong ang problema hanggang sa bumigay na ang Lolo. Hanggang ngayon may binabayaran pa rin kaming utang sa mga ibang casualties and to our workers. At hanggang ngayon may kinaharap pa rin kaming kaso.
Evil was so powerful at those times. After graduation, ang pagpanaw ng Lolo at paglubog ng kompanya ang sumalubong sa akin. Naisip ko, nakamamatay pala ang sobrang pagiging mayaman. The more money and businesses you have, the more responsibilities and risks you have to take.
“Are my girls ready?” nakangiting bungad ni Daddy.
Lumapit siya kay Mommy, hinapit ito sa baywang at hinalikan sa pisngi. He offered his available hand toward me which I yanked shortly. Gently, he pulled me and kissed me on my forehead.
“You’re beautiful, my sweetest! Your beauty is something the Alviajanos won’t resist! I hope Devereaux won’t be bewitching to your dazzling beauty, hija. You are successful, happy and free without the shadow of our ruined company and name.”
“Oh, come on, Dad!” I clamored. Iniunan ko ang pisngi sa balikat niya. “Let them go and do whatever they decide. Mas gusto kong maputol na ang mga taling nagbubuklod sa atin, so we could start all over again with the remaining resources that we have. I’ll work hard more. Babangon muli tayo... Pangako ko iyan.”
“Hija, hindi mo kami responsibilidad. Kami ang may responsibilidad sa iyo.”
“No, Dad... Mahal ko kayo, pamilya... Kapag mahal mo, walang sukatan ng responsibilidad. I’ll help because I want to... Ngayon natin mas kailangan ang isa’t isa...”
“I am so proud of you, my sweetest! At a very young age, you’ve made us so proud of your achievements in the industry of your dreams and chosen path... I envy you so much.”
Habang nasa biyahe kami ay pilit kong ikinakalma ang sarili. Ang dami-daming pumapasok sa isip ko sa muli naming pagkikita. Ano na kayang itsura niya? Siguro napakarami nang nagbago sa kaniya. Dahil pinagloloko lang naman niya ako noon, natatandaan pa kaya niya ako?
Halos lahat ng mga nadadaanan namin ay nagpapaalala sa kaniya sa akin. Naalala ko ang sarili kong sinusundan siyang lagi.
Flashback
“Nababaliw ka na, Thea! Bakit mo siya susundan doon?” pagalit na tanong sa akin ni Emerald. Isa siya sa mga tropa ko. “Magmumukha kang loka-loka sa ginagawa mo!”
“Eme, pagbigyan mo na ako. Sasamahan mo lang naman ako, eh. Hindi naman natin sila lalapitan. Gusto ko lang siyang pagmasdan mula sa malayo.”
Humalukipkip siya at tiningnan ako nang matiim. “Real talk lang, ha, hindi magkakagusto sa ‘yo si Devereaux! Ang tanda-tanda na no’n. Isa pa, ang gaganda ng mga nakakasamang babae ng lalaking iyon! Walang tapon! Lahat sexy at yayamanin! Don’t get me wrong, okay?” Itinaas niya ang mga kamay na tila nangangako. “Yes, maganda ka, sobrang ganda at mayaman din pero hindi tugma ang mga edad ninyo.”
“Sobra ba'ng laki ng eight years gap namin? Bakit ‘yong iba mas malaki pa nga, eh?”
“Sa kanila ‘yon, oo. Kasi love ang puhunan! Eh, kayo ba ng lalaking ‘yon? Ni hindi ka nga niya matingnan, eh, kasi bata lang ang tingin niya sa ‘yo.”
“Eh, bakit ko nararamdamang, he’s the one for me?”
“Itanong mo sa edad mo. Magbasa ka tungkol sa mga pag-uugali ng mga teenagers. That’s normal but dangerous too. Kaya pansin mo hindi na ako tanga hindi katulad dati? Kasi aware na ako.”
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at desididong sundan siya hanggang sa ni-rent ng mga itong cottage rito sa resort ng mga Albia.
“Huwag mong sabihing susundan mo sila hanggang kuwarto, ah!” The horror in her face is near to satan’s face. “Puwede kang ma-sidekick palabas ng cottage!”
“They said, kapag napilayan ka o nabalian ng buto na bata ka pa, it will heal again and you’ll achieved harder bone mass in the broken part.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Thea! Don’t ever do it!”
Tumakbo ako nang mabilis at agad tinungo ang cottage nila. Hinugot ko ang paper bag sa bulsa at isinuot sa ulo. May dalawang butas na ito sa bandang mga mata ko. Sinipa ko nang malakas ang bamboo door at bumalandra ito sa pader sa gilid nito. Salamat dahil nakalimutan nilang isarado
“What the!” gulat na tili ng babae. “Who are you?”
My young heart exploded in pain because I spotted them kissing and touching each other’s body parts. Sa inis, agad kong isinagawa ang plano ko. Inilabas ko si Betty mula sa paper bag kong dala at inihagis patungo sa babae. Dahil spider man na pusa si Betty, kumapit ang mga matatalim na kuko nito sa brassiere ng babae.
Nagtitili ito sa gulat at pagkainis sa akin. Si Devereaux naman ay napapamura na lang nang tahimik habang tinutulungan ang babaeng alisin ang pusa.
“Mabuti nga sa inyo ‘yan! Mga malalandi!” Ginaya ko ang boses ni Santa Claus para hind nila ako makilala. Pagkasabi iyon ay tumakbo na ako paalis.
End of flashback
Nanumbalik ako sa katauhan ko nang tumigil ang sasakyan sa harapan ng napakalaking gate ng mga Alviajanos. Tiningala ko ito at kasunod nito ang paglagaslas ng mga alaala. Nakita ko ang batang akong pumasok sa gate at agad tinungo ang pinto papasok ng mansion na ang tanging gustong makita at puntahan ay siya, Devereaux Cylair Alviajano Delavin. I smiled painfully.
Ang mansion ng mga Alviajanos ay hawig din ng mansion namin, mas maluwang nga lang ito at mas modern ang style dahil taon-taon itong ipinapa-renovate. Iyon ang pagkakatanda ko.
Sinalubong kami ni Tita Esperanza at Tito Rehan. Ang mag-asawa bagaman may kaunting itinanda pero marikit at guwapo pa rin. Nagmano ako pagkalapit sa kanila.
“Ito na ba si Kallithea?”
“Yes, amiga... Siya na nga iyan,” si Mommy.
“Oh! Ang laki mo na, hija! At mas lalo kang gumanda! Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng puberty sa isang batang paslit lang noon. I am so surprised and happy for you, hija. You’re a piece of diamond,” kumikinang ang mata niyang papuri sa akin habang panay ang paghagod ng tingin sa akin.
Nahihiya man, pinilit kong magmukhang magiliw. “Thank you po, Tita, kayo rin po...”
“Let’s go to the dining area. Nakahanda na ang dinner,” ani Tito Rehan.
Pagkaupo namin ay agad nag-umpisa ang chikahan ng apat.
“Ang Don Leonardo, amiga?” tanong ng Mommy sa gitna ng usapan.
“Ang Papa ay nasa Maynila ngayon. Hindi niya sinasagot kung kailan siya uuwi... Basta uuwi na lang daw bigla.”
“At ang mga anak mo?”
“Si Jevo Garko at ang asawa niya ay umuwi ng Italy. Bibisitahin nila ang plantasyon nila roon. Si Devereaux naman...” Ibinitin nito ang sinasabi at pasimple akong sinulyapan. “Male-late siya ngayon. Marami siyang inaasikaso sa rancho. Nagdesisyon na rin ang Papang ipahawak sa kaniya ang main branch ng Esperanza Bellaia Hotel and Condo. Alam mo naman ang batang iyon, hindi makapagdesisyon kung ang rancho o ang iniaatang sa kaniya ng Lolo niya ang pipiliin.”
Tumango ang Mommy at pumormal ang mukha. “Katulad ng lagi kong sinasabi sa iyo, Esperanza, may pagkakataong pupunta kami rito para ayusin ang kasunduang ginawa ng dalawang Don sa kanilang mga apo.”
“I know you already got the news about what happened to the CFFL. I don’t think we still have the front to continue it. We are here to open that matter,” pagpapatuloy ng Daddy.
“I heard what happened. At nalulungkot ako sa nangyari... Hindi lang namin kayo kinausap tungkol dito nang lumuwas at nakiramay kami sa inyo dahil hindi naman iyon ang tamang pagkakataon para pag-usapan ang tungkol sa mga bata,” malumanay at nakikisimpatyang wika naman ni Tita.
All eyes went to the door as it opened and released the person who is also part of this conversation.
“I’m sorry, I’m late,” paumanhin niya sa pormal na tinig.
Ang pagkabigla at paghanga sa biglaang tingin ko sa kaniya ay tinakpan ko ng pormal na aura. What I am doing is a model face.
Walang ingay siyang naglakad patungo sa amin. Pinutol niya ang tingin sa akin para halikan ang ina sa pisngi. Umikot siya para puntahan ang Mommy at ang Daddy. Amoy na amoy ko ang natirang amoy nito sa maghapon sa pagdaan niya sa likuran ko. Nanatili lang akong tahimik at pormal habang hinahalikan niya ang Mommy sa pisngi at nakikipagkamay kay Daddy.
“How are you, hijo?” magiliw na tanong sa kaniya ng Mommy.
“I’m doing as usual, Tita...”
“Happy to know that. Our daughter, Kallithea, is here with us too.” Nginitian ako ni Mommy, tila sinasabihan akong magsalita.
Labag man sa loob ko ay tiningala ko siya, ginawaran nang pormal na ngiti at tinanguhan pababa.
“Hello,” I greeted in mono-tone.
Tamad na ngiting patagilid ang isinukli niya. Kung hindi lang ako na-trained mag-project ng iba’t ibang facial expressions sa mundo ng modelling ay baka namula na ako sa ginawa niya. Lahat na yata ng mga destructive faces tuwing rumarampa ako ay na-encountered ko na. We are trained to ignore unnecessary movements and aura around us and just focus on our state.
“Masaya akong makita kang muli, hijo,” si Daddy. “Maupo ka at nang makapagkuwentuhan na tayo.”
Tinapik siya ng Daddy sa likod bago ulit siya umikot at naupo sa upuang nasa tabi ng ina nito, sa mismong tapat ko. Pigil-pigil ko ang paglunok ‘cause he’s looking at me plainly as he does the sitting like a prince.
The young adult I drooled over before is now a hunk. His deep eyes, strong charisma, good looks and drool-worthy well-sculpted body synchronized with his dapper style. The brown long sleeve folded up to his elbow with four opened buttons made my eyes work more attentively to what’s beneath it, a wide and muscular chest with fine hairs. Ang baywang hanggang paa nito’y ang medyo hapit na suot nitong kulay-itim na maong na ang dulo’y itinago ng leather boots nitong brown na brown sa kintab.
He used to grow his hair long before but now he has this clean-cut that made the shape of his jaw and face more defined. The slightly grown moustache and beard, perfect nose bridge and thick eyebrows make him hotter than yesterday. And the mole near his nose that I used to touch is still there...
“At last, we’re complete! Let’s eat while having our chitchat,” masayang anunsiyo ni Tita.
Masasarap ang mga pagkain at katakam-takam pero para akong nauumay sa bawat pagdapo ng mga mata ng lalaking kaharap sa akin.
Dahil may catwalk projects pa akong nakatenggang gagawin sa pag-uwi ko, I needed to maintain my diet. Tanging green salad at limang putaheng sinlalaki lang ng posporo ang nilagay ko sa plato.
“Are you on a diet, hija?”
Natigilan ako sa paghahati ng beefsteak sa tanong na iyon ni Tita.
“I heard and saw some of your covered magazines, hija.”
Nagulat pa akong alam niya iyon.
Ngumiti ang Mommy at Daddy sa kanila at proud na proud akong binalingan ng tingin. “Siya lang ang hindi na bankrupt sa amin, amiga,” pabirong sinabi ng Daddy. “She has been earning her own income since she was sixteen through modelling,” he added while smiling big at everyone.
“Oh! Hindi na ako magtataka kung matagumpay siya sa pinili niyang karera. She’s beautiful and has this perfect curve body. And she’s young and fresh in the industry.” Binalingan nito ang anak na tahimik lang na kumakain. “She’s lovely, ‘di ba, Devereaux?”
Isang basag na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. This is awkward to talk about it in front of the only man who just saw and feel every part of my body.
Tumigil naman ito sa pagsubo, bahagyang itinaas ang mukha at bored akong tiningnan.
“Of course. How would I say no to my fiance you chose for me?” he said weakly and smirked just for me.
I shifted to my seat. Mukhang hindi pa niya alam ang ipinunta namin dito.
“We are here to cancel the arrangement.” Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para ibuka ang bibig at sabihin iyon.