Prologue
Nanumbalik ako sa katauhan ko nang tumigil ang sasakyan sa harapan ng napakalaking gate ng mga Alviajanos. Tiningala ko ito at kasunod nito ang paglagaslas ng mga alaala. Nakita ko ang batang akong pumasok sa gate at agad tinungo ang pinto papasok ng mansion na ang tanging gustong makita at puntahan ay siya, Devereaux Cylair Alviajano Delavin. I smiled painfully.
Ang mansion ng mga Alviajanos ay hawig din ng mansion namin, mas maluwang nga lang ito at mas modern ang style dahil taon-taon itong ipinapa-renovate. Iyon ang pagkakatanda ko.
Sinalubong kami ni Tita Esperanza at Tito Rehan. Ang mag-asawa bagaman may kaunting itinanda pero marikit at guwapo pa rin. Nagmano ako pagkalapit sa kanila.
“Ito na ba si Kallithea?”
“Yes, amiga... Siya na nga iyan,” si Mommy.
“Oh! Ang laki mo na, hija! At mas lalo kang gumanda! Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng puberty sa isang batang paslit lang noon. I am so surprised and happy for you, hija. You’re a piece of diamond,” kumikinang ang mata niyang papuri sa akin habang panay ang paghagod ng tingin sa akin.
Nahihiya man, pinilit kong magmukhang magiliw. “Thank you po, Tita, kayo rin po...”
“Let’s go to the dining area. Nakahanda na ang dinner,” ani Tito Rehan.
Pagkaupo namin ay agad nag-umpisa ang chikahan ng apat.
“Ang Don Leonardo, amiga?” tanong ng Mommy sa gitna ng usapan.
“Ang Papa ay nasa Maynila ngayon. Hindi niya sinasagot kung kailan siya uuwi... Basta uuwi na lang daw bigla.”
“At ang mga anak mo?”
“Si Jevo Garko at ang asawa niya ay umuwi ng Italy. Bibisitahin nila ang plantasyon nila roon. Si Deveraux naman...” Ibinitin nito ang sinasabi at pasimple akong sinulyapan. “Male-late siya ngayon. Marami siyang inaasikaso sa rancho. Nagdesisyon na rin ang Papang ipahawak sa kaniya ang main branch ng Esperanza Bellaia Hotel and Condo. Alam mo naman ang batang iyon, hindi makapagdesisyon kung ang rancho o ang iniaatang sa kaniya ng Lolo niya ang pipiliin.”
Tumango ang Mommy at pumormal ang mukha. “Katulad ng lagi kong sinasabi sa iyo, Esperanza, may pagkakataong pupunta kami rito para ayusin ang kasunduang ginawa ng dalawang Don sa kanilang mga apo.”
“I know you already got the news about what happened to the CFFL. I don’t think we still have the front to continue it. We are here to open that matter,” pagpapatuloy ng Daddy.
“I heard what happened. At Nalulungkot ako sa nangyari... Hindi lang namin kayo kinausap tungkol dito nang lumuwas at nakiramay kami sa inyo dahil hindi naman iyon ang tamang pagkakataon para pag-usapan ang tungkol sa mga bata,” malumanay at nakikisimpatyang wika naman ni Tita.
All eyes went to the door as it opened and released the person who is also part of this conversation.
“I’m sorry, I’m late,” paumanhin niya sa pormal na tinig.
Ang pagkabigla at paghanga sa biglaang tingin ko sa kaniya ay tinakpan ko ng pormal na aura. What I am doing is a model face.
Walang ingay siyang naglakad patungo sa amin. Pinutol niya ang tingin sa akin para halikan ang ina sa pisngi. Umikot siya para puntahan ang Mommy at ang Daddy. Amoy na amoy ko ang natirang amoy nito sa maghapon sa pagdaan niya sa likuran ko. Nanatili lang akong tahimik at pormal habang hinahalikan niya ang Mommy sa pisngi at nakikipagkamay kay Daddy.
“How are you, hijo?” magiliw na tanong sa kaniya ng Mommy.
“I’m doing as usual, Tita...”
“Happy to know that. Our daughter, Kallithea, is here with us too.” Nginitian ako ni Mommy, tila sinasabihan akong magsalita.
Labag man sa loob ko ay tiningala ko siya, ginawaran nang pormal na ngiti at tinanguhan pababa.
“Hello,” I greeted in mono-tone.
Tamad na ngiting patagilid ang isinukli niya. Kung hindi lang ako na-trained mag-project ng iba’t ibang facial expressions sa mundo ng modelling ay baka namula na ako sa ginawa niya. Lahat na yata ng mga destructive faces tuwing rumarampa ako ay na-encountered ko na. We are trained to ignore unnecessary movements and aura around us and just focus on our state.
“Masaya akong makita kang muli, hijo,” si Daddy. “Maupo ka at nang makapagkuwentuhan na tayo.”
Tinapik siya ng Daddy sa likod bago ulit siya umikot at naupo sa upuang nasa tabi ng ina nito, sa mismong tapat ko. Pigil-pigil ko ang paglunok ‘cause he’s looking at me plainly as he does the sitting like a prince.
The young adult I drooled over before is now a hunk. His deep eyes, strong charisma, good looks and drool-worthy well-sculpted body synchronized with his dapper style. The brown long sleeve folded up to his elbow with four opened buttons made my eyes work more attentively to what’s beneath it, a wide and muscular chest with fine hairs. Ang baywang hanggang paa nito’y ang medyo hapit na suot nitong kulay-itim na maong na ang dulo’y itinago ng leather boots nitong brown na brown sa kintab.
He used to grow his hair long before but now he has this clean-cut that made the shape of his jaw and face more defined. The slightly grown moustache and beard, perfect nose bridge and thick eyebrows make him hotter than yesterday. And the mole near his nose that I used to touch is still there...
“At last, we’re complete! Let’s eat while having our chitchat,” masayang anunsiyo ni Tita.
Masasarap ang mga pagkain at katakam-takam pero para akong nauumay sa bawat pagdapo ng mga mata ng lalaking kaharap sa akin.
Dahil may catwalk projects pa akong nakatenggang gagawin sa pag-uwi ko, I needed to maintain my diet. Tanging green salad at limang putaheng sinlalaki lang ng posporo ang nilagay ko sa plato.
“Are you on a diet, hija?”
Natigilan ako sa paghahati ng beefsteak sa tanong na iyon ni Tita.
“I heard and saw some of your covered magazines, hija.”
Nagulat pa akong alam niya iyon.
Ngumiti ang Mommy at Daddy sa kanila at proud na proud akong binalingan ng tingin. “Siya lang ang hindi na bankrupt sa amin, amiga,” pabirong sinabi ng Daddy. “She has been earning her own income since she was sixteen through modelling,” he added while smiling big at everyone.
“Oh! Hindi na ako magtataka kung matagumpay siya sa pinili niyang karera. She’s beautiful and has this perfect curve body. And she’s young and fresh in the industry.” Binalingan nito ang anak na tahimik lang na kumakain. “She’s lovely, ‘di ba, Devereaux?”
Isang basag na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. This is awkward to talk about it in front of the only man who just saw and feel every part of my body.
Tumigil naman ito sa pagsubo, bahagyang itinaas ang mukha at bored akong tiningnan.
“Of course. How would I say no to my fiance you chose for me?” he said weakly and smirked just for me.
I shifted to my seat. Mukhang hindi pa niya alam ang ipinunta namin dito.
“We are here to cancel the arrangement.” Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para ibuka ang bibig at sabihin iyon.