IPAPARAMDAM NA LANG ROSE "Wintermelon for Anne! Tiramisu for Jeff!" Lumapit ang dalawang customer na tinawag ko para kunin ang kanilang mga in- order. Inabot noong lalaki pareho ang order at saka ako nginitian. Ngumiti naman ako pabalik dahil iyon ang bilin sa amin ng aming manager. Tiningnan ko ang nakasabit na orasan sa pader at nakitang isang oras na lang at matatapos na ang shift ko. Makakauwi na ako at makakagawa ng assignment sa wakas.. Inasikaso ko ang register habang walang bagong customer na dumadating. Mas maganda ito para mabilis akong makakauwi mamaya, idadagdag ko na lang yung mga susunod na order kung meron man. Tumunog ang pinto hudyat na may bagong customer na dumating. Nag- angat ako ng tingin at inihanda ang aking ngiti para sa customer pero natigilan ako nang maki