RESPECT ROSE "Hey." Ang boses na iyon ang nagpaangat ng aking tingin mula sa notebook na kaharap. Bumungad sa akin ang pamilyar na matamis na ngiti na awtomatiko rin namang nagbigay daan para sa isang ngiti sa sarili kong mga labi. He came, he really came. He's always true to his words. Hindi ko alam kung ano na ang aking itsura mula sa ilang oras na pagtatrabaho pero hiling ko na sana hindi ako masyadong haggard tingnan. Hindi ko akalaing ngayon pa ako mako- conscious sa aking itsura samantalang he's seen me with a bed hair and sleep in my eyes before. "Hi." Lumapad ang ngiti sa kanyang mukha at napunta ang atensyon niya sa notebook na hawak ko. "You studying?" Bahagya akong tumango. "I have a quiz tomorrow. Final exams na rin pati. Sembreak is just around the corner." He nodde