DELIKADO ROSE Malamig ang tungo sa akin ni Shin sa mga sumunod na araw. Hindi ko alam kung bakit ganoon pero hindi ko rin naman magawang itanong. Hindi kasi siya masyadong maimik kaya hindi ko rin magawang mag- initiate masyado ng conversation. Bukod doon ay abala pa siya sa trabaho at pati na rin sa ibang importanteng bagay. Isang linggo na ang nakalipas mula noong pagbisita ni River. Although medyo nagkakausap kami ni Shin tuwing magkasabay kumain, nananatili namang pormal ang kanyang pakikitungo. Hindi siya masyadong nagi- initiate ng conversation. Hindi ko rin tuloy masabi sa kanya na nakahanap na ako ng part- time job doon sa isang milk tea shop malapit sa bagong boarding house na tutuluyan ko. Makakasama ko roon si Jelly dahil iyong boarding house ay sa tita niya. Nang nababan