Chapter Three

2628 Words
FRIEND   ROSE   Mabilis kong tinapos ang pagsusulat ng lecture sa aking notebook habang ang ibang mga kaklase ko naman ay nagmamadaling inaayos ang kanilang mga gamit. Tapos na ang huling klase namin sa araw na to kaya naman excited nang magsiuwi ang mga kaklase ko. Habang sila ay mga nagmamadaling makauwi, ako naman ay sa library ang diretso. Mahaba ang free time ko ngayon bago ang part time job ko kaya siguradong matatapos ko ang isang lecture na ina-advanced study ko. Excited pa ko sa naiisip kong pagrereview nang biglang dakmain ng kung sino ang braso ko. Bahagya akong napasigaw dahil doon. Napalingon tuloy sa akin yung iba kong kaklase na nasa class room pa. "Ashton, that wasn't funny!" Angil ko sa kay Ashton na natatawa habang nakatingin sa akin. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa aking balikat. "Don't do that again." Tawa lang siya ng tawa kaya napairap na lang ako saka siya nilampasan para makaalis. I was slightly annoyed by his action. I'm usually calm and composed. Hindi ako yung tipo ng tao na overreacting. Pero sa tuwing lumalapit saken si Ashton, ewan ko, nawawala yung pagiging kalmado ko. "Rose!" Narinig kong pagtawag niya sa akin. Hindi ko naman siya nilingon. Gusto kong umiwas sa kanya, yun naman ang pilit kong ginagawa pero hindi ko mapagtagumpayan. Paano ba naman kasi, bigla na lang siyang sumusulpot sa tuwing natatapos ang klase ko. Lagi siyang nakaabang sa labas ng classroom ko, yun ang napapansin ko these past few day. Napapaisip na lang ako, doesn't he have class? How come he has so much free time? To think na graduating pa siya. He's been like this since last friday. At first it was okay with me coz he's really nice kahit na medyo palabiro. Pero simula kahapon, nag- iiba na yung tingin ko sa pagsunud- sunod niya saken. It's making me uncomfortable. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso kaya napatigil ako. "Rose, sandali." "Bakit ba, Ashton?" Hindi ko sinasadya iyon, pero naging masyado yatang masama ang tono ko sa kanya. Agad ko rin naman iyong pinagsisihan nang makita kong natigilan siya. I wanted to apologize for how I reacted but then naisip ko I had to be straightforward if I wanted to stop him from his intentions. Napatingin ako sa aming paligid at saka ko lamang napansin na nakatingin na naman sa amin halos lahat ng taong nasa paligid. Again... palagi na lang ba? Nagbubulungan ang karamihan at ang iba pa ay masama ang tingin sa akin. Lagi na lamang ganito ang eksena kapag nasa paligid si Ashton. Susulpot siya, gagawa ng eksena, titingnan ako ng masama ng mga tao at sasabihan ng masama. I've had enough of this. "A- Are you mad?" Napabuntong hininga na lang ako. "H-hindi." In the end hindi ko rin siya madiretso. Rose, ano ba? "Akala ko galit ka na saken." Medyo ilang siyang kumilos dahil sa nangyari. Napakamot siya sa kanyang ulo. "Sorry if I've been so annoying lately. You must be so irritated with me now." "N-no. It's not like that." Pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi na nga ako natutuwa sa presensya niya diba? That would be so mean. "Pero aminin mo... naiinis ka na saken no?" Tahasan niyang tanong. Agad akong napalingon sa mga taong patuloy pa ring nanunuod samen. Ano ba. Artista ba kami sa drama para panuorin ng lahat? Napabuntong hininga na lang ako bago siya hinila paalis doon. Masyadong maraming tao sa paligid, gusto ko pa man ding sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. No. Hindi ako aamin ng pagmamahal. It's not like that. Gusto ko lang malaman niya kung anong tingin ko talaga sa pagbuntot- buntot niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Tuluy- tuloy lang ang paglalakad ko hanggang makarating na kami sa labas ng building at nasa school grounds na kami. May mga tao man sa paligid, mangilan- ngilan na lang iyon dahil kung hindi papasok ay pauwi naman ang iba. Saka ko siya hinarap nang mapagdesisyunang dito na siya kausapin. "Ashton." Banggit ko sa kanyang pangalan. Nanatili naman ang tingin niya sa akin, halata ang kaba sa mga mata niya. "Hind---" "I like you, Rose." Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Literal na nalaglag ang panga ko sa narinig mula sa kanya. I've somewhat expected this pero nabigla pa din ako ng marinig mismo mula sa kanya. "Why do you like me?" Diretso kong tanong. "I don't know. I- I just like you. That's it." Hindi ako kumbinsido sa kanyang sagot kaya naman agad niyang dinugtungan ang kanyang sagot. "I liked you since the day I first saw you. You're the most beautiful girl I've seen and I don't know if you have any idea about it." Dahil sa itsura ko kaya niya ako gusto? Sige let's say that's true. Pero kapag nakakita siya ng mas magandang babae saken, ibig sabihin ba non mawawala yung pagkagusto niya saken? "You don't even try to be beautiful but you look perfect each time. And you're not just a pretty face, you are a dedicated student, a talented athlete and you're also very kind." Why am I feeling awkward now? Dapat siguro hindi ko na itinanong ang bagay na yon. He's raining praises on me. I don't even know kung totoo ba ang mga yon. "If you still ask me why I like you, I can go on and on with all the reasons why. Because that's how much I like you." He looked so sincere na I almost wanted to believe him. "Rose. I like you, and I want you to be my girl." Napaatras ako dahil sa huli niyang sinabi. "Ashton... I'm sorry. I can't." Agad ko siyang tinalikuran upang makaalis roon ngunit natigilan ako ng bigla siyang sumigaw. Sa sobrang lakas niyon ay parang aabot na sa mga katabing building ang boses niya. "I like you Rose! I like you so much that I can wait even for a long time until yo—-." Dali dali ko siyang binalikan para pigilan siya sa kanyang isinisigaw. "Ashton! Bakit mo isinisigaw yon?" Natataranta kong sabi. "Cause you were going to leave me. I needed to do something to stop you from walking away." Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mga mata at bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya sa aking kamay. Nanigas ang kamay kong hawak niya. Napatitig ako sa kanya dahil doon. "I like you. That's why I've been chasing you all around. I thought by now you already know that fact." You think I didn't? I'm inexperienced but not naive, Ashton. I grew up in the mountains but I'm not that innocent. Well technically I am... "Just because a guy approaches me doesn't mean I'll assume he likes me na agad." Ani ko habang marahang inaalis ang pagkakhawak niya sa aking kamay. There's no way I'll admit na alam ko yung nararamdaman niya. He doesn't need to know that. "Nagpapasalamat ako dahil sa magandang tingin mo saken, Ashton. Thank you for being nice to me. But please don't like me." Unti- unting kumunot ang kanyang noo. "B- but why? Don't you like me? If you don't like me yet, you can still get to know me. You might like me too." "It's nothing personal, Ashton. Wala lang talaga akong panahon para sa ganyang mga bagay." Bumuntong hininga ako bago diretsong tumingin sa kanyang mga mata. "I know you already know this. Pero mahirap lang ako, Ashton. Galing akong Benguet at tanging ang scholarship ko ang dahilan kung bakit ako nakapag- aral rito. Ayokong magkaroon ng hadlang o kahit anumang makakagambala sa akin sa pag- aaral ko rito. My family depends on me. I'm their only hope. Kaya sorry. I don't have time for love and relationships. Iba na lang, Ashton. Wag ako." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Agad na akong umalis pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang dahilan ko. Pinatitinginan na naman kami ng mga kapwa namin estudyante. Alam ko ang nasa isipan nila. Pero wala na akong pakialam roon. It doesn't matter who he is. I don't have time for things like this. *** "A- Ashton..." Kulang ang sabihing nabigla ako nang paglabas sa aming classroom ay nakita ko si Ashton na prenteng nakasandal sa pader sa harap ng pinto ng silid namin. Natigilan ako sa paglalakad at nanlaki ang mga mata ko. Batid kong ganoon din ang mga kaklase ko. Ramdam kong nakatayo sila sa may likuran ko at naririnig ko pa ang mga bulungan nila. "Rose, bat nandyan si Ashton?" Narinig kong tanong ni Jelly saken. Isa siya sa mga kaklase at kaibigan ko na rin. Gaya ng inaasahan ko, mabilis ngang kumalat sa buong university ang balita tungkol sa nangyari sa school ground. Nung nakaraang linggo pa iyon nangyari, bahagya na ngang nakalimot ang mga tao roon pero dahil narito na naman siya... hindi malabong kumalat na naman ang hindi magagandang balita. Napailing na lamang ako habang nakatingin kay Ashton. Limang araw ko siyang hindi nakita, sa palagay ko ay umiiwas siya mula noong huwebes. Martes na ngayon. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya, lalo na ang pupuntahan niya ako rito sa classroom. "Rose, tumuloy ba sa panliligaw sayo si Ashton?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Kim. Hindi ako nakasagot. Kahit naman ako ay walang ideya sa mga nangyayari ngayon. Biglaan kasi ang pagsulpot niya rito sa labas ng classroom. Nahigit ko ang aking hininga nang umalis siya sa pagkakasandal sa pader at nagsimulang maglakad papalapit sa akin. Ako ba talaga ang ipinunta niya rito o isa sa mga kaklase ko? S- sana hindi ako... "Rose." "A- Ashton..." Ako nga ang pinunta niya rito. "Rose, c- can we talk? Please." Napatitig ako sa kanyang mukha. Kitang- kita ko ang lungkot at pag- asa roon. Hindi ko alam ang dapat gawin. Gusto kong umiwas na lang sa kanya para matigil o mawala na yung pagkakagusto niya saken, iyon lang naman ang nakikita kong solusyon sa problemang to. Pero isang parte ko ang gustong kausapin siya ng masinsinan, nararapat lang naman kasi iyon. Tapos naririnig ko pa ang udyok ng mga kaklase ko sa akin na kausapin ko na siya. "Rose, kausapin mo na si Ashton." "Bigyan mo na ng chance, kawawa naman siya oh?" "Rose, sayang naman. Si Ashton na yan oh!" "Oo nga, Rose. Ang swerte mo nga kay Ashton eh." Nakatingin lang ako kay Ashton habang sinasabi iyon ng mga kaklase ko. Ayokong magpadala sa pangu- udyok nila pero mukhang hindi nila ako titigilan. Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Dahan- dahan akong tumango sa kanya at agad kong nakita ang bahagyang pagliliwanag ng kanyang mukha. "Sige. Saan tayo mag- uusap?" "Come with me?" Aniya habang nakalahad ang isang kamay. Napatitig lang ako roon at nang mabatid niyang wala akong planong tanggapin ang kanyang kamay ay siya na mismo ang nagbawi noon. "T- tara?" Tumango lang ako at nauna na siyang naglakad, tahimik akong sumunod sa kanya. Patuloy lang kaming naglalakad hanggang sa nakarating kami sa parking lot kung saan naroon ang kanyang kotse. Hindi ko na lang binibigyan ng pansin ang kapwa namin mga estudyante na nakasunod ng tingin sa amin at biglang magbubulungan. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "There's a Starbucks nearby. Okay lang bang doon na tayo mag- usap?" Bakit doon pa? Gagastos pa kami. "Y- you don't have to worry about anything. S- sagot ko, Rose." Bumuntong hininga na lamang ako saka tumango ako at sumakay na sa kanyang kotse. Ganoon rin naman ang ginawa niya kaya naman maya- maya ay bumibiyahe na kami patungo sa Starbucks na sinasabi niya. Wala pang limang minuto ay pumaparada na kami sa harap niyon. Sabay kaming bumaba ng sasakyan niya at saka magkasunod na pumasok sa shop. Agad kong naamoy ang mabangong aroma ng kape sa loob ng shop. Tahimik rin at presko ang dating ng lugar. Mangilan- ngilan lang rin ang mga taong naroon kaya mas naging tahimik. "Over here, Rose." Niyaya niya ako patungo sa isang table malapit sa may bintana. Nasa dulo iyon at malayo sa ibang mga customer kaya makakapag usap kami ng maayos rito. "Order muna tayo." "W- what do you want?" Medyo nag- aalangang tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya. "H- hindi ko alam. Ikaw na lang bahala." Tumango lang siya at saka kinausap ang nasa counter. Matapos lang ang ilang sandali ay bumalik na rin kami sa pwestong napili namin kanina. Hindi na ako nagpaliguy- ligoy at agad na akong nagsalita. "Ashton, hindi ba nasabi ko na sayo ang dapat kong sabihin nung nakaraan?" Bumuntong hininga siya. "Yes, I know that. Pero Rose, you didn't even give me a chance to speak... to explain myself... to let you know just how serious I am. You only said your side, p- pano naman ako?" "Ashton, di ba nga sinabi ko nang hindi pwede? Ayoko pa. Nag- aaral pa ko at 19 lang ako. Wala akong panahon sa mga bagay na yan." "Kaya nga manliligaw muna ako, Rose. I'm not demanding anything from you, I'm not expecting you to accept me right away. Kaya kong maghintay, maghihintay ako kahit matagal." Aniyang halata ang determinasyon sa boses. Nakagat ko ang aking labi dahil sa sakit ng ulo ng hatid ng kanyang kakulitan. Hindi niya ba maintindihan ang punto ko o ayaw niya lang talagang intindihin? "Ashton. Makinig kang mabuti ha? Hin---" "Strawberries and Cream Frappuccino and Dark Mocha Frappuccino for Rose and Ashton!" Walang sabi- sabing tumayo si Ashton sa kanyang upuan para kunin ang order namin kaya hindi ko naituloy ang aking sasabihin. Agad din naman siyang bumalik na may dalang isang tray. Nakalagay ang dalawang inumin at isang isang slice ng cake doon. Inilagay niya iyon sa harap ko pati na ang Strawberry drink. Strawberries. Super na- miss ko to. Naramdaman ko tuloy ang pangingilid na aking mga luha. This reminds me so much of my hometown and my family. "Rose." Napatingin ako sa kanya nang bigla niya akong tawagin. Ipinikit pikit ko ang aking mga mata upang mawala ang bakas ng luha roon. "A- are you okay?" Tumango naman ako. "Oo. N- naalala ko lang ang pamilya ko sa Benguet." "You miss them?" "Sobra." Sagot ko naman. "Ashton, gusto kong maintindihan mo kung bakit hindi pwede. Hindi dahil sa hindi kita gusto or anything like that. I just really need to focus on my studies. Itong scholarship ko... ito lang ang susi ko para maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. Nagsakripisyo kaming lahat para matupad itong pag- aaral ko. Kinailangan kong mapalayo sa kanila, nang wala kahit anong paraan para makausap sila sa loob ng ilang buwan or taon, kasi ito lang talaga ang paraan. Bukod pa roon, gusto ko ring mapabilang doon sa mga estudyanteng ipadadala nila sa susunod na school year doon sa New York." "You're eyeing the foreign studies program?" Tumango ako. "Simula nang malaman ko ang tungkol don, nailagay ko na sa plano ko yon. Gusto ko yon, kailangan ko yun actually. Isasakripisyo ko ang tatlong taon na hindi makikita ang pamilya ko... kung yun ang tanging paraan para gumanda ang buhay namin." "You think I will only be a distraction to you?" Agad akong umiling. "Hindi yun sa ganon. A- alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin." "Hindi talaga pwede?" Umiling ako. "We're both in engineering. Pareho pa tayong civil. I can help you a lot. I may not be the best student but I can help you with acads. I will not be a distraction, instead I will be your support." "Why would you settle for something like that when you can easily find someone who's willing to sacrifice for you?" "Cause I like you that much. Hindi naman ganoon kahirap yon. If I help you, it's like reviewing myself na din for my licensure exam. And since you will be busy sa pag aaral, I can be just as busy. I will be busy with you. We can study together. Our dates would be studying in the library." Sumimangot ako sa mga sinabi niya. I appreciate his effort to convince me but I made up my mind. "I can't do that to you. I'm sorry Ashton but buo na ang isipan ko." Nahigit na lamang niya ang kanyang hininga. Sumandal siya sa sofa at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. He looked devastated but agad rin naman siyang ngumiti at saka tumingin sa akin. "Then I guess... friends?" Sigurado ba siya? "C'mon, Rose. Kahit friends na lang." Pabiro ang pagkakasabi niya noon. I don't know if it's right to still be friends with him after all this. But this is better instead na manligaw siya saken. "Okay. Friends."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD