Chapter Four

2093 Words
SOMEONE   ROSE   "Roseeeee! Andito na si Ashton mo!" Nakikipag- usap ako sa isa sa mga kagrupo ko para sa group presentation noon nang biglang sumigaw si Jelly. Napalingon ako sa kanya at sumalubong sa akin ang kanyang malaking ngisi habang ang mga tingin ay mapang- asar. Napailing na lamang ako sa kalokohan niya. Sunod kong nilingon ang pinto namin, hindi ko man siya makita ay sigurado akong naroon nga si Ashton. "Osige Joel. Yung presentation ha? Ikaw na bahala mag- type non. Magpatulong ka na rin kay Grace. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa contents." Sinabi ko sa kagrupong kong si Joel at agad naman siyang tumango habang nakangisi. "Pasensya na talaga kung hindi ko kayo matutulungan dyan sa presentation at visuals. Wala kasi akong laptop gaya niyo." Ngumisi lang naman si Joel at nag- thumbs up. "Okay lang yun no. Ikaw na nga nag research ng contents eh. Ita- type na lang naman to at pagagandahin ang visualization. Madali na to tsaka mas gusto ko na to kesa ang magpaliwanag at dikdikin ni Sir Herrera." "Madali lang naman ang topic natin. Sigurado akong kaya nating tatlo yon. Kaya mo rin yun ipaliwanag no. Basta basahin mo lang mabuti." Ngumiwi naman siya. "Hindi ako mahilig magbasa, Rose at hindi naman ako kasinggaling mo. Dito niyo lang ako maaasahan." "Osige. Bukas na lang ulit ng umaga natin yan pag- usapan. Kailangan ko nang umalis eh. Andyan na yung kaibigan ko." Ani ko na bigla naman niyang nginisihan. Alam ko na agad ang ibig sabihin niyon. Sa mahigit isang linggo ba naman na panunukso nila saken, hindi pa ba ako masasanay? Wala namang namamagitan sa amin ni Ashton, magkaibigan lang kami. Well, yun ang usapan namin. Pagkatapos ng pag uusap namin noon sa Starbucks ay hindi na niya muling binanggit ang tungkol sa panliligaw sa akin. Hindi na rin siya masyadong nagpupunta sa klase namin. Pero dahil nga ilang beses na kaming nakita ng mga tao na magkasama, nasa isipan na nila ay mayroon kaming relasyon. Palagi ko naman iyong itinatanggi. Ganoon rin si Ashton. Alam niyang hindi ako komportable na pinag uusapan kami ng mga tao kaya naman madalas ay siya na ang sumasagot at nagpapaliwanag sa mga nagtatanong. Alam kong nahihirapan siyang ipaliwanag yon sa iba lalo at ako ang tumanggi sa kanya. Kaya naman humanga ako sa kanya. He really is a nice person. Talagang nirerespeto niya ang desisyon pati na ang nararamdaman ko. Kinuha ko na ang gamit ko mula sa upuan ko at naglakad na palabas. Habang palabas ay narinig ko pa ang pahabol na panunukso ng mga kaklase ko. Napailing na lang ako. Nang makalabas ako ay naabutan ko na naman sa ganoong pwesto si Ashton. Nakasandal habang nakatukod ang isang paa sa pader, ang isang kamay ay nakalagay sa bulsa ng kanyang pantalon. Nagmumukha tuloy siyang modelo dahil sa posisyong iyon. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o hindi pero gwapo talaga ang isang to. Kung siguro katulad lang ako ng iba kong mga kaklaseng babae ay pumayag na akong magpaligaw sa kanya. Pero I still have a lot on my plate kaya hindi pwede. "Hey." Pagbati niya saken saka umalis sa pagkakasandal sa pader upang makalapit sa akin. Ngumiti siya ng matamis at saka isinukbit ng ayos ang kanyang backpack. Isang strap lang ang nakasabit doon, nakalaylay ang isa. Napapakunot noo na lang tuloy ako palagi kapag nakikita kong ganoon siya magbitbit ng bag. "What's the problem? Kunot na kunot yang noo mo." "Nagtataka lang ako kung bakit isang strap lang ang ginagamit mo dyan sa backpack mo. Diba kaya nga dalawa, para sa dalawang balikat?" Nag- angat ako ng tingin sa kanya pero batid kong naroon pa rin ang kunot sa aking noo. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa tanong ko, pero bigla na lang siyang tumawa. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng aking noo. "Bat ka tumatawa?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Ngumisi siya bago biglaang kinurot ang aking pisngi. Napaaray ako dahil sa ginawa niya. Gumanti ako ng kurot sa kanyang tagiliran. "Ow! That hurts, Rose. Walang ganon. Masakit yon." "Masakit din kaya yung ginawa mo sa pisngi ko." Reklamo ko sa kanya. "Bakit ba kasi tumatawa ka kanina? Ano bang mali sa tanong ko?" Ngumisi siya at akmang tatawang muli pero inambahan ko siya ng kurot kaya agad niyang ginawang panangga ang kanyang kamay. "Hindi na. Hindi na. Sasabihin ko na." Tumatawa niyang sabi. "Eh kasi nakakatuwa yung tanong mo tapos ang cute pa ng reaction mo. Para kang inosenteng bata." "Huh?" Bakit naman? "Damn. Ang cute mo talaga." Iiling iling niyang sabi bago tumalikod sa akin at naunang naglakad. Pero bigla din siyang lumingon saken. "I'm not Dora the explorer. Cool kids use only one strap." Iminuwestra pa niyang muli ang bag niyang sa iisang balikat lang nakasabit. Agad naman akong napatingin sa balikat ko. Parehong nakasabi ang dalawang strap ng bag ko roon. So, he's saying na si Dora ako? Ganon? Humalakhak siya ng makita niyang naintindihan ko ang pang-aasar niya. Napailing na lang ako. Puro talaga kalokohan. Habang naglalakad kami ay tuloy ang aming pag uusap. Nagtatanong ako sa kanya ng ilang bagay tungkol sa mga subjects ko and nasasagot naman niya lahat. I didn't expect na matatandaan pa niya ang mga subjects sa first year. He must be really smart. Napag-usapan naming kumain uli sa karinderya malapit sa boarding house ko. Pero bago iyon ay dadaan muna kami sa print shop para i-print ang lab papers niya. Isa-submit niya iyon mamaya pagbalik niya ng campus. "Na-miss ko yung bopis dun kina Ate Merl. Ilang araw na kong nagke-crave don." Nakangiting sabi ni Ashton sa akin na nginisihan ko lang. He must have really liked the food. Sabagay, kahit naman karinderya lang yon masarap at malinis naman ang pagkakaluto. "Try mo din yung Ginataang Tulingan nila. The best yun!" "Talaga? Sige, order din tayo nun." May bahid ng excitement ang pagkakasabi niya noon. "How bout vegetables? Ano mare-recommend mo?" "Yung langka ang madalas kong inoorder eh. Pero since redundant yung parehong ginataan, try natin yung chopseuy nila." Sa gitna ng pag-uusap namin ni Ashton ay bigla na lamang naramdaman kong may humawak sa aking braso kaya napalingon ako. "Rosalie." Kulang ang sabihing nabigla ako nang makita ang taong nasa harap ko. B-bakit siya narito? "Sir Shin..." Bumitiw siya sa pagkakahawak sa aking braso at gamit ang isang kamay ay inabot sa akin ang napakagandang bouquet ng mga rosas. "For you..." "Sir Shin... ano po ito?" Mababakas sa aking boses ang pagkalito. Pero iyon ang totoo, nalilito ako sa nangyayari. Hindi ko maintindihan kung bakit siya narito at para saan ang mga bulaklak. Bakit niya ako binibigyan niyon? Ngumiti lamang siya sa akin. "Rosalie, I want to court you." "P- po?!" Laglag ang pangang napatitig ako kay Shin. Tama ba ang naririnig ko? "Rose, what is going on? Who is he?" Nabaling kay Ashton ang aming atensyon nang bigla siyang magsalita. Nakita ko ang matalim na tingin na iginawad sa kanya ni Shin. "Sir Shin, ano po bang sinasabi niyo? Hindi po ito magandang biro." Napunta sa akin ang kanyang atensyon at agad kong nakita ang paglambot ng kanyang ekspresyon. "I'm serious, Rosalie. I'm serious about you." Dinig ko rin ang sinseridad sa kanyang boses kaya halos mapaniwala niya ako. Napangiwi ako sa isiping iyon. Hindi pwede, hindi ako maaaring mahulog sa kanyang bitag. "Kung sa tingin niyo po ay madadala ako sa pa-rosas niyong ito ay hindi po." Marahan kong itinulak pabalik sa kanya ang dala niyang rosas. I can't believe I'm in this kind of situation again. What's up with all the men here in Manila? Tingin ba nila ay kaya nilang paibigin na lang basta ang isang probinsyanang tulad ko? Hindi ko nagustuhan ang naisip kong iyon. With all the strength and confidence I could muster, diretso kong tiningnan sa kanyang mga mata si Shin. "I will forget what you did today, sir. I'll pretend you were never here. So please, umalis na po kayo. You're attracting too much attention here." Matapos kong sabihin iyon ay minabuti ko na lamang na umalis dahil masyado nang mabilis ang t***k ng puso ko. Kahit na mukhang kalmado lang ako, hindi ko naman maitatangging kinakabahan rin ako. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya sa mga sinabi ko. I need to get away from here as soon as possible. Hinawakan niya ang braso ko bago pa ako tuluyang nakalayo sa kanya. Agad akong kinabahan dahil doon. Is he mad? Hindi ko ba dapat sinabi yon? Rosalie. Paano na. He's not just anybody. "What do you think you're doing?"  Abot- abot ang aking kaba nang marinig ko ang galit sa tinig niya. Now you've done it! Pero nang lingunin ko naman si Shin ay nakita kong kay Ashton siya nakatingin. His stare was deadly. I knew I needed to do something. Pero ano? "She's not interested sir. Respect the lady." Mas lalo akong kinabahan sa naging pagsagot ni Ashton. Di hamak na mas malaki ang katawan ni Shin sa kanya. Kung magkakagulo siguradong dehado siya. "A- Ashton..." I called to him in hopes that he will loosen up a bit. Hinawakan ko ang kamay niya pumipigil kay Shin.  "Sir, hindi ko po alam kung bakit niyo ito ginagawa. Hindi ko alam kung anong nasabi ko noong unang beses tayong magkita pero sa tingin ko po wala naman para gawin niyo ito. This may seem harsh po pero I'm not interested with you po. Hindi rin po ako interesado sa yaman niyo. I will never be. I'm sorry." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Shin bago nagsalita at tumingin ng diretso sa aking mga mata. Hindi ko makayanan ang intensidad na hatid ng kanyang mapanuring mga mata kung kaya't sa huli ay napaiwas lang rin ako. "I've already thought this through. I'm not joking nor am I playing with you. I'm too old for games of love, Rosalie. I'm here for the real thing. I want a serious relationship with you but first I want to court you. " Why does he sound so sincere. I've heard Ashton pour out his feelings for me previously pero iba ang pakiramdam ko this time. His voice is laced with so much sincerity and his eyes looked so soft. I could feel something crumbling within me. "P- pero---" Hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking sasabihin. Bigla niya akong hinigit palapit sa kanya. Nanlaki na lang ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi sa aking noo. "I hope you'll give me the chance." Hanggang sa makaalis siya ay hindi ko na nagawang mag-react sa nangyari. *** Nakatitig lang ako sa bouquet ng rosas sa ibabaw ng mesa nang biglang tumabi sa akin si Ashton. Napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso ang kanyang ekspresyon habang iminumwestra sa akin ang platong mayroong isang serving ng rice. Nasa tapat namin ang mga ulam na inorder niya. Narinig ko ang kanyang pagbuntong- hininga. "Who is he, Rose?" Alam kong itatanong niya iyon sa akin. Pero hindi ko alam kung paano sasagutin. I don't really know Shin that much anyway. "He's just someone I know from my hometown." I answered vaguely. "I don't think he's just 'someone' you know though." He said. "Hindi pupunta rito ang 'someone' lang with a bouquet of expensive roses, Rose." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang sinasabi iyon. Napabuntong hininga na lamang ako. I should at least be honest with him. I rejected him saying na wala akong panahon sa pagliligawan pero wala pang ilang linggo at may dumating na lang bigla at nag anunsiyong liligawa ako. "He's a businessman based here in Manila. He owns a flower farm in Baguio. He knows me kasi nagtatrabaho sa farm niya ang mga magulang ko." "Bakit siya nagpunta rito?" Tanong ni Ashton sa akin. "You said your parents work for him. How did you meet him then? I'm sure a man like him wouldn't know every single one of his employees much more yung mga anak nila." "My father got sick one time and since harvest season noon, kailangan ng maraming tauhan sa farm. He couldn't work so I had to replace him." I answered , trying ti remember that day kung kailan una kaming nagkita ni Shin Ryuzaki. "He was in town for a site visit and that's when we met." Kumunot naman ang kanyang noo. Nakita ko ang pagguhit ng inis sa kanyang mukha. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagtaas siya ng boses. "That's it? And then he just came out of nowhere to give you flowers and profess his undying love for you?" Napatunganga na lang ako sa kanya dahil sa pagkabigla. "R-Rose..." Marahil ay nakita niya ang ekspresyon sa aking mukha kung kaya't biglang umamo ang kanyang ekspresyon. "I'm sorry I didn't mean to raise my voice." I was slightly disappointed with how he reacted. "It's okay. Wala yon." I decided to leave since I wasn't feeling comfortable anymore. "U- una na ko Ashton. May kailangan nga pala akong gawin. Sorry." Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Mabilis ang naging pagtayo at pag alis ko roon. Ni hindi ko na kinuha ang bigay na rosas ni Shin na naiwan sa mesa. I hate being in a situation like this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD