INTENTIONS
ROSE
"Bernardo, service."
Huminga ako ng malalim habang hawak sa dalawang kamay ko ang bola. Pinatalbog ko iyon ng dalawang beses bago muling hinawakan at saka inihagis sa ere, tumalon ako at pinalo iyon. Saktong lakas upang makapasok pa rin sa court. Nahampas pabalik sa side ng court namin ang bola pero alerto ang mga kagrupo ko.
"Mine!" Sigaw ni Jessa bago pinalo pabalik sa kalaban ang bola. Agad namang kumilos ang mga kalaban namin. Nag- spike si Kim, yung isa sa mga kalaban namin, saken papunta ang bola. Hinampas ko iyon pabalik, napalakas ata. Hala. Matatalo kami dahil saken! Hala!
"IN! Team Bernardo wins!" Sigaw ng professor namin sa PE. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Nanalo kami? Jusko! Nanalo kami! Yes! "Team Bernardo, uno. Team Alvarez, singko."
Nagsipuntahan saken ang mga ka- team ko na pawang masasaya rin sa naging resulta ng laro namin. Sobrang saya lang kasi ang ganda ng naging laro namin tapos bonus yung mataas na grade.
"Rose. Ang galing mo!" Si Jessa yung nagsalita.
Bigla namang kumapit sa braso ko si Angel. "Oo nga, Rose. Dapat siguro mag- tryout ka sa volleyball team. Magaling ka eh."
"Marunong lang ako. Hindi naman ako magaling." Nahihiyang sabi ko sa kanila. Nagkataon lang siguro na hindi talaga kami magagaling lahat kaya medyo tingin nila ay magaling ako.
Naglalaro ako ng volleyball noong high school. Galing akong public school sa Benguet pero maayos naman ang sistema ng edukasyon. Hindi man kasingganda ng mga pasilidad at gamit sa mga eskwelahan rito sa Maynila, masasabi ko namang maganda ang naging paghubog nila sa aming mga estudyante nila. Tsaka tine- train nila kami sa sports kaya medyo may alam ako sa volleyball at iba pang laro. Yung mga equipment at facilities di kasing ayos, pero natuto naman ako.
"Congrats, Rose. You were really good there." Ani Kim sa siyang tumayong captain ng kabilang koponan. Sa pagkakaalam ko, magta- tatryout siya sa volleyball team sa sabado. Sa sabado kasi magaganap ang lahat ng tryout para sa mga sports games tulad ng volleyball, basketball, soccer, lawn tennis, table tennis at badminton.
Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. "Salamat Kim. Ikaw din, ang galing nung spike mo."
"Tryout tayo sa volleyball team." Anyaya niya saken.
Umiling naman ako. "Hindi ko kakayanin ang maging varsity. Hindi naman ako magaling masyado, mapag- iiwanan lang ako don."
"You're being too nega. You're good kaya, surely kakayanin mo yon. Mae- enhance pa skills mo. Baka ma- discover ka at maging next Rachel Daquis."
Natawa na lang ako sa kanyang sinabi. Sobrang ganda at galing naman kaya ni Rachel Daquis tsaka galing FEU yon. Hindi naman ako magiging tulad niya kahit pangarapin ko pa. Tsaka wala naman sa plano ko ang maging atleta bilang trabaho. Hindi ako aasenso don.
Ngumiti na lang ako sa kay Kim. "Hindi na. Di para saken ang volleyball. Ikaw na lang Kim, sigurado akong makakapasok ka sa varsity. Magaling mga serve at spike mo eh."
"Sayang naman." Parang nanghihinayang niyang sabi pero bigla namang umaliwalas ang kanyang ekspresyon. "OMG!"
Napakunot noo ako sa naging ekspresyon niya. Para kasing nakakita ng isang sikat na artista. Pati yung iba naming mga kaklase ay naging ganoon din ang mga reaksyon. Bakit naman kaya? Sa kuryosidad ko ay nilingon ko na rin ang kung sinong tinititigan nila.
Medyo natigilan pa ako nang makita ang nakangiting mukha ni Ashton. Bakit kaya siya nandito? Wala nang PE ang mga higher year tapos mamaya pa yung training nila. Sino kaya pinunta niya rito?
"Gosh. Bakit nandito si Ashton?" One of my classmates gushed.
Nilingon ko silang muli at ganoon pa rin ang mga reaksyon nila. Para silang mga na- starstruck. Kala mo ay artista ang mga kaharap nila. Sabagay. Medyo naiintindihan ko naman sila. May itsura nga naman si Ashton. Medyo mahaba yung buhok niyang wavy, yung mga mata niyang sobrang expressive ay kulay tsokolate tapos medyo parang singkit, malalantik rin yung mahahaba niyang pilikmata, matangos yung ilong niya tapos pinkish pa yung labi niya. Bukod pa doon ay maganda ang built ng katawan niya tapos matangkad pa.
Hindi kataka-taka kung bakit karamihan ng babae rito sa university ay may gusto sa kanya. Maihihilera mo kasi ang itsura niya sa mga sikat na artista ngayon. But not that I'm interested. Napakaraming bagay sa mundo ang mas dapat pagtuonan ng pansin.
"Ohmygosh! Papunta siya rito!" Natatarantang sigaw ng isa sa mga kaklase kong babae. Medyo napailing na lang ako.
Kinuha ko yung bag ko sa bleachers at saka isinukbit iyon sa aking likuran. Magla- lunch pa lang naman ngayon tapos 3pm pa ang klase ko, pwede pa kong umuwi para maligo at magpalit. Sa bahay na rin ako kakain para makatipid.
"Uy sige. Uuna na ko ha? Uuwi pa kasi akong boarding house para maligo." Pamamaalam ko sa kanila. Yun nga lang si Kim lang ang tanging pumansin saken, busy kasi sila sa paninitig kay Ashton. Tinanguan na lang ako ni Kim kaya naglakad na ko paalis.
Pero di pa man ako masyadong nakakalayo ay naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa braso ko. Agad kong nilingon ang taong nakahawak sa braso ko. Nabigla ako nang makita si Ashton na nakangiti saken. "A- Ashton!"
Ako ba ang pinunta niya rito?
"Hi Rose." Nakangiting pagbati niya saken.
Nagtataka man kung bakit niya ako kinakausap at nginingitian ngayon ay ngumiti na lamang ako. Hindi ko naman pwedeng talikuran siya at hindi pansinin, nagmagandang loob pa siyang ihatid ako kahapon sa part time job ko.
Pero...
Inilibot ko ang paningin sa buong gym at doon ko lang napansin na halos lahat pala ng mga kapwa namin estudyante ay nanunuod samen. We're attracting too much unnecessary attention. "Ashton. May kailangan ka?"
"Wala naman. I was watching your game kanina. You were really good."
"Thank you." Tugon ko.
Muli akong napalingon sa mga kaklase ko. Nakatitig pa rin sila samen at mukhang nagtataka. Hindi naman ako ganoong kamanhid, alam ko na ang kanilang iniisip. Nababasa ko rin at napapanuod ko ang tungkol sa mga ganito. "K- kailangan ko nang umalis. May klase pa ako."
Pilit akong ngumiti sa kanya bago sinubukang lampasan siya at umalis pero natigilan ako nang magsalita ulit siya. "You have class?"
Umiling ako. "I mean, uuwi ako para makapagpalit at kumain for the next class."
Tumangu tango pa siya bago biglaang ngumiti. "Why don't you join me for lunch? Hatid na rin kita sa inyo after."
"H- Ha?"
"Let's have lunch together. My treat." Ngumisi pa siya.
Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Mas okay kasi sakin ang umuwi na muna para magpalit at kumain sa bahay para tipid. Paano ko siya tatanggihan?
"You don't want to?" Nakangiti pa rin niyang tanong pero napansin ko ang biglaang paglungkot ng kanyang mata.
"S-sige na nga. Tara na." Nag- aalangan kong sagot.
Umaliwalas bigla ang ekspresyon niya. "Talaga? Sure?"
"Oo nga. Pero saan mo ba balak kumain?" Sana ay hindi sa mahal na kainan. Wala akong balak na magpalibre sa kanya. Syempre ako magbabayad ng kakainin ko.
"There's a newly opened cafe near the campus. Tara dun!"
Cafe? Hindi ba mahal sa ganun? Tsaka usually coffee at cake ang meron dun so anong kakainin namin dun?
"Don't worry may rice meals don." He said as if reading my mind.
"Hindi ba mahal don?" Bakit ko pa ba tinanong? Mayaman si Ashton. Syempre sa mga mamahalin siyang kainan kakain.
"Sakto lang. I think the food is worth the price naman. I saw their menu sa IG and my friends told me the food tastes great naman. So you get what you pay for."
Hindi pa rin ako kumbinsido. Tingin ko hindi bababa sa 200 ang bawat order dun. Hmmm...
"Or we can just go to a place of your recommendation." Ngumisi siya sa akin.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Gusto mo yata dun eh." Medyo alanganin kong sabi. "Why don't yougo with your friends na lang? I'm sure they'll gladly go with you."
He made a sad face all of a sudden. "But I wanna go with you."
"Pang- karinderya lang ang budget ko eh." Nakangiwi kong tugon.
Bigla naman siyang tumawa at sa pagkagulat ko ay umakbay pa saken. Sa pagkabigla ko ay halos manigas ako sa kinatatayuan ko. From behind us, rinig ko ang tilian ng mga kababaihan sa paligid. I could even hear some gasps. "Okay then. Carinderia it is."
Too much attention. I don't like too much attention.
Agad pa akong napalayo sa kanya. Sigurado akong nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla.
Natawa siya sa reaksyon ko pero nagtaas ng dalawang kamay na parang sumusuko. "You're too stiff, Rose. Relax."
"I- I'm not comfortable with guys getting too close to me." I said truthfully.
"Oh, sorry. I won't do it again without your permission."
Without my permission?
"T- Tara na." Anyaya ko matapos tingnan ang paligid namin. Nanunuod pa rin ang lahat sa amin na tila ba isang kaming scene sa pelikula.
"Akin na yang bag mo. Parang ang bigat eh." Bigla niyang sinabi.
Nabigla ako ng kunin niya ang backpack ko. W-why is he doing this?
"K- kaya ko na. Tara." Mabilis kong binawi ang bag ko bago nakayukong tumalikod sa kanya. Nauna na akong maglakad dahil hindi talaga ako komportableng pinanunuod kami ng lahat. Ano na lamang ang iisipin ng nakararami? Na may namamagitan samin?
Sa pagkakaalam ko pa naman ay sikat siya rito sa university. Dahil sa pangyayaring yun siguradong kakalat sa buong campus ang eksenang yon. Hay naku.
I expected a peaceful college life before I got here sa Manila. Mukhang hindi yon mangyayari.
"Rose. Wait up." Medyo natatawang pagtawag ni Ashton sa akin. Hindi ako lumingon o tumigil para hintayin siya, sa halip ay mas binilisan ko pa ang lakad para makalabas na roon. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagkahiya sa mga tao sa paligid ko.
***
Dumiretso kami ni Ashton sa karinderya malapit sa boarding house ko. Hindi naman ganoon kalayo yung tinitirhan ko mula sa school kaya nilakad na namin, mga sampung minutong lakad lang naman kaya di na kailangan pang mag- jeep o sumakay ng kahit anong sasakyan. Nagpipilit siya kanina na gamitin na namin yung sasakyan niya kesa naman daw maglakad kami sa gitna ng kainitan pero sinabi ko lang sa kanya na magkotse siya kung gusto niya basta ako maglalakad.
Hindi ko maintindihan ang pananaw ng mga mayayaman. Bakit pipiliin mo pang mag- kotse papunta sa isang napakalapit na lugar kung pwede at kaya mo namang lakarin. That's waste of gas. That's not eco-friendly either.
Masyado nang mausok rito sa Maynila at kung dadagdag pa siya sa magpapausok, wala nang mahihingang matinong hangin rito.
"Hello, Ate Merl." Bati ko sa babaeng nasa likuran ng malaki at mahabang counter. Nakahilera sa harapan niya ang iba't ibang putaheng itinitinda nila.
Nginitian naman ako ni Ate Merl tapos bumaling rin sa akin si Ate Mimi. Binati ko na rin siya. "Oh, Rose. Tapos na klase mo?"
"Hindi pa po. Babalik pa po ako mamaya, umuwi lang para kumain at maligo. Napawisan ako sa PE namin kanina eh." Tugon ko naman saka isa- isang ininspeksyon ang mga lutong ulam nila. Binalingan ko naman si Ashton na nakatayo lang sa tabi ko. Ano kayang kakainin ng isang to?
Nagliwanag ang mukha ni Ate Merl ng makita ang katabi ko. "Boyfriend mo neng?"
"H-hindi po." Agad kong sagot. Napatingin ako kay Ashton na nasa tabi ko at nakitang nangingiti siya, parang natutuwa pa sa nangyayari.
"Ang gwapo ng boyfriend mo, Rose. Bagay na bagay kayo!" Kinikilig na sabi ni Ate Merl.
Napangiwi ako sa kanyang nasabi. Aapela na sana ako kay Ate Merl nang biglang makiusyoso sina Ate Mimi at Kuya Oscar. Gaya ni Ate Merl ay malaki ang ngisi nila.
Biglang nagsalita si Kuya Oscar. "Ganyang- ganyan din ang itsura ko noong kabataan ko!"
"Ilusyonado!" Ani Ate Mimi sabay batok sa kay Kuya. "Baby girl, ang pogi ng boyfriend mo. Gaano katagal na kayo?"
Hindi talaga sila naniniwala sakin.
"Magdadalawang araw pa lang po." Biglang sagot ni Ashton na siyang ikinagulat ko. "Este magtu- two days pa lang po kaming magkakilala."
Ashton! Binibigyan mo ng maling ideya ang mga taong to. Ano baaa
"Kala ko naman kayo na! Jusko! Nagulat ako don sa dalawang araw!" Halakhak ni Ate Mimi.
"Hindi pa po kami ni Rose. Nanliligaw pa lang po ako." Biglang banat ng lokong si Ashton.
Nahampas ko siya sa braso dahil sa sagot niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ashton, umayos ka!"
"Peace!" Nakangising sabi niya habang naka- peace sign at hinahaplos ang brasong nahampas ko. Bumaling naman siya kina Ate Merl. "Joke lang po yun. Magkaibigan lang po kami."
"Asus! Dun din ang punta non." Nang- aasar na sabi ni Ate Merl bago nakuha ang atensyon niya nung mamang nandun sa kabilang dulo at o- order ata. "Oscar, asikasuhin mo yung customer."
"Si ate talaga. Masyadong palabiro." Nasabi ko na lang.
Ngumisi lang siya ng nakakaloko. "Totoo naman yun, Rose. Hay naku. Yan ang hirap pag masyadong inosente sa mundo. Hala sige, mamili na kayo ng kakainin ninyo. At dahil ang cute niyong dalawa, may tig isa kayong free rice."
"Thank you, ate! The best ka talaga." Nangingiti at malambing kong sabi. Binalingan ko si Ashton na nasa tabi ko. Naabutan kong nakatingin siya sa akin at pinapanuod ako. Bahagya akong nahiya dahil don. "A-Ashton, pili ka na."
Ngumiti lang siya bago sinimulang tingnan ang lahat ng ulam. Hindi ko mabasa yung ekspresyon niya habang tinitingnan yung mga ulam. May nagustuhan kaya siya? Tingin ko wala.
"Wala ka bang nap---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na siyang nagsalita. "Isang order nitong calderetang baboy at bopis. Isa't kalahati naman nitong langka. Dalawang rice akin. Rose, anong sayo?"
Hindi pa agad ako nakasagot kasi nabigla ako sa dami ng inorder niya. Seryoso? Kakainin niyang lahat yon? "Bat ang dami mong inorder? Kaya mong ubusin lahat yon?"
"Hindi." Sagot naman niya na nagpakunot ng noo ko. "Syempre hati tayo sa mga inorder ko. Tinatanong lang kita ngayon kasi baka may iba kang gusto."
O-okay.
"W- wala. Okay na yun. Okay na saken yong inorder mo." 50 pesos ang karneng ulam. 30 naman sa gulay. Bale 130 plus yung rice pa. So almost 200 lahat.
Biglang kumunot ang noo ni Ashton habang nakatitig saken. Teka, bat na naman siya nakatitig? "Are you thinking na pagbabayarin kita nitong mga kakainin natin?"
"H- ha?" Nanlalaki ang mga matang naitanong ko sa kanya. Teka. Pano niya nalaman? Bakit ba everytime na lang ay nababasa niya ang nasa isipan ko?
Bigla siyang napabuntong hininga. "I won't ask you to pay for this. It's my treat nga diba? Isa pa, I never let my girl pay for me."
Napalunok ako dahil sa intensidad ng pagkakatitig niya sa akin. Why is he looking at me like that? And anong 'my girl'? Tama bang pagkakarinig ko sa sinabi niya kanina?
Since when did that happen?
"Come on, Rose. Mamili ka na. Ako ang nagyaya, so this is my treat."
Ngumiti na lang ako saka umiling. What was I thinking. Hindi naman siguro ganoon ang ibig niyang sabihin. "Okay na saken yung mga napili mo. Pero baka naman kulangin ka? Dagdagan mo na lang kung gusto mo."
Napapangiti siyang umiling. "Nah. I'm good. Di naman ako malakas sa ulam. Solve na ko sa maraming kanin."
Tumango na lang ako. Hindi pala siya mapili sa pagkain o maarte sa mga kainan. Yung ibang mayayaman kasi ay hindi kakain rito kung may pagpipilian sila. Sabagay, bat ka nga naman kakain pa sa karinderya kung pwede ka naman sa mamahaling restaurant o fast food.
"You go ahead and take a seat. Ako nang bahala rito." Medyo nag aalangan pa kong sundin siya pero sinabihan niya lang din akong muli. "Sige na, Rose."
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi niya. Naghanap ako ng mauupuan at may nakita naman akong bakante mesa na kasya ang apat na tao. Naupo ako roon at pinagmasdan lang si Ashton na ngayon ay sinasabi ang mga order namin kay Ate Merl. Medyo nangingiti pa silang pareho habang parang may pinag- uusapan. Ano naman kayang pinag- uusapan nila?
I don't know what his intentions are. And I don't think coincidence yung sa gym kanina. Pero parang ayoko masyadong pag iisipan ang mga kinikilos niya. Again I want my life here to be peaceful. Nandito ako para mag aral at makatapos. Nothing else.
If tama ang hinala ko. I don't know if kaya ko siyang tapatin. He's persistent but really nice.
Biglang lumingon sa akin si Ashton kaya nabigla ako. I didn't realize na nakatitig pala ako sa kanya. Nagtama tuloy ang paningin namin. And then all of a sudden he winked at me.
Biglang bumilis ang t***k ng puso.
Napaiwas na lang ako ng tingin at bumuntong hininga. This guy really...