THAT WAS FAST
ROSE
Nang mag- dismiss ang prof namin sa subject na Chemistry ay dali-dali na akong umalis patungong fourth floor dahil naroon ang S.C office. Pero dahil marami na ang nag-uuwiang mga estudyante galing sa kani-kanyang mga klase ay medyo hirapan pa sa pag- akyat.
I'm 30 minutes late for our meeting. This isn't good.
Our meeting was set at 7pm and supposedly, dismissed na kami from our last period class, pero sa hindi inaasahang pangyayari nag-extend yung prof namin ng klase dahil may seminar siyang aattendan on friday.
Nasa may third floor na ako ng Jose Rizal building nang aksidenten akong bumangga sa isang lalaki. Mabilis niya akong naalalayan kaya thankfully hindi ako nalaglag. Yun nga lang ang mga libro ko naman ang nalaglag. Naku. Baka masira pa to at makapagbayad ako ng wala sa oras.
"Sorry. Pasensya na. Nagmamadali lang." Hinging paumanhin ko sa nakabangga ko habang pinupulot yung mga naglaglagan kong libro.
Nakarinig naman ako ng munting halakhak kaya napaangat ang tingin ko. Pamilyar ang lalaking ito. Siya yung pinag- uusapan nung mga kaklase ko palagi.
Bigla siyang ngumiti kaya nakaramdam ako ng kaunting hiya. Masyado yatang napatagal ang pagtitig ko sa kanya.
"S- sorry. Nagmamadali kasi talaga ako." Ani ko bago tuluyang pinulot ang mga gamit ko. Maglalakad na sana ako ulit nang mabitawan ko yung isang libro. Oh god.
He chuckled. "You need help?"
Pupulutin ko na sana iyong libro nang maunahan niya ako. Ngumiti siya ng matamis. "You're in a hurry for the meeting?" Bigla niyang tanong.
How did he know? Officer ba siya? But I didn't see him dun sa previous meeting namin. Nabigla ako nang kunin niya yung isa pang makapal na librong dala ko at siya mismo ang nagbitbit.
"T- teka, sandali. Yung libro." Pigil ko sa kanya. Saan ba siya pupunta dala ang mga libro ko?
Ngumiti lang siya bago muling humakbang. "We still have a meeting to attend Ms. First year rep."
"Huh? But you're not an officer." Wait. I think that sounded rude. "S- sorry."
He chuckled again. "Ilang sorry pa maririnig ko, Rose?"
Napamaang ako sa kanya. He knows me? Paano?
I think nabasa niya ang katanungan sa mukha ko kaya agad niya ring sinagot ang tanong sa isipan ko.
"I heard some of my friends talking about you and since we're in the same building, I happened to see you a few times." He smiled. "Bilisan mo. Mapapagalitan tayo ni Kath. Mataray yon."
Napatango na lamang ako bago sumunod sa kanyang hakbang. I'm not really scared na mapagalitan dahil late ako. It was out of my control anyway.
But what he said about Ate Kath being mataray, I cannot comment on that. Hindi ko pa naman masyadong kilala si Ate Kath para um-agree don. Though I've noticed she wasn't that comfortable with me. I don't know why though.
Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay naunang pumasok si kuyang tumulong saken sa room. Narinig ko pa yung malambing na tono ng pagbati ng mga female co-officers namin sa kanya. Pati na ang pagtawag nila sa kanyang pangalan.
Ashton? Tama. Ashton Saavedra.
Siya nga yung sikat sa department namin na madalas pag usapan ng mga kaklase ko sa room. Isa rin siya dun sa mga nag welcome samin sa gate during the first day. So officer nga siya?
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakalingon siya saken. Tinanguan niya ako na para bang sinasabing sumunod lang ako. Naupo siya sa isang upuan sa may gitna tapos iminuwestra niya saken ang katabing upuan.
I was hesitant na tumabi sa kanya since hindi ko naman siya ganoong ka-close at isa pa nandoon rin naman ang iba pang freshman representatives na kilala ko na. Pero nasa kanya ang gamit ko at tinitingnan na ako nang lahat kaya sumunod na ko roon at naupo sa tabi niya.
Ngumiti siya sa akin nang maupo na ako roon. Bahagya na lamang akong ngumiti pabalik saka inilabas ang notebook at ballpen ko.
"Rosalie, you're late." Kalmado ang boses ni Ate Kath pero madiin ang pagkakasabi niya noon. "Malinaw sa usapan natin nung nakaraan na 7pm ang meeting."
"Sorry for being late. Nag-extend po yung professor namin sa chemistry ng class."
"Enough with the alibi. Usapan is 7pm. You didn't come on time. If I let this go that easily, baka maulit pa or worse isipin ng lahat that it is okay to be late on our meetings." Iniikot niya ang paningin sa buong room bago muling ibinalik ang kanyang tingin sa akin. "I have to give you a penalty for being late."
"Pero wala naman tayong napag-usapan na penalty sa pagiging late sa meeting." Kalmado kong tugon. "And it's not like I wanted to be late. Hindi naman po ako pwedeng umalis na lang sa kalagitnaan ng klase namin."
Kitang-kita ko ang pagtiim ng kanyang bagang dahil sa sinabi ko.
"Sumasagot ka pa samantalang ikaw itong mali!"
"I was just explaining my side po." Bumuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya sa akin nang hindi man lang inaalam ang dahilan ko. Pero sige hahayaan ko na. Sabihin na lang natin na ako nga ang may mali. "Sige po para matapos na to. Ano po bang penalty ko?"
"Record all the freshman student files based on the forms they submitted. And by all, I mean all of them."
Lahat ng freshman? Sa batch pa lang namin sa Engineering nasa hundreds na kami. What more kung lahat ng department?
"Kath, there are 1,756 freshman students sa university. I don't think Rose can do all that on her own." Kuya Ron, our vice president spoke up.
"My decision is final." Nakataas ang isang kilay na sinabi niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.
Looks like I will be doing that task while part-timing sa store. Hindi naman mahigpit ang supervisor ko. Pwede akong gumawa ng ibang bagay while on duty as long as di ko pababayaan ang trabaho ko. But I already planned on studying in advanced sa isa naming subject. Mukhang hindi ko ata magagawa yon.
"Ok—" Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Ashton mula sa aking tabi.
"That's too much for a penalty, don't you think Kath?"
Lahat kami ay napalingon kay Ashton dahil doon. Hindi ko inaasahan na kokontrahin niya ang inutos ni Ate Kath. From what I know, walang kumokontra sa mga sinasabi ni Ate Kath kasi she's really good at what she does at malaki ang respeto ng mga students sa kanya. Ever since, part na siya ng student council. Running for magna c*m laude na at mula pa sa mayamang angkan. I heard she's from a family of doctors pero pinili niya ang Political Science dahil gusto niyang maging lawyer.
"Ashton, what are you saying? This is the right punishment para sa mga tulad niyang irresponsible student leaders. She wanted to be a student leader, dapat panindigan niya!" Masamang tingin ang iginawad sa akin ni Ate Kath. I was taken aback. Isn't she making a big deal out of this too much?
Come to think of it. Second meeting pa lang namin to. We never set ground rules when it comes to the meetings tapos biglang ganito?
Isa pa, I never volunteered to become an officer. That was actually not a part of my plans. Napagtripan lang ata ako ng mga kaklase ko during election kaya heto ako ngayon. Pumayag na lang ako thinking na maganda rin naman sa credentials ang pagiging officer.
Pero that doesn't mean I'll do it half-heartedly. Like I said, hindi ko naman sinadyang ma-late sa meeting.
"Come on, Kathy. Rose already explained her side. Justifiable naman ang pagiging late niya. She said nagkaroon sila ng make up class. Enough reason na yun diba? Tsaka it's a good thing pa nga kasi humabol pa siya. She was in so much hurry pa ng makabangga ko siya sa third floor." Binalingan ako ni Ashton saka ngumiti. "Don't be too hard on her. Second meeting pa lang naman to."
Ate Kath's jaw tightened. Kitang- kita ko yung pagpipigil niya na sigawan at tarayan ako. "She could have at least informed us! Hindi yung bigla na lang susulpot sa gitna ng meeting! Pwede namang magtext!"
Oh, okay. Yun ba ang problema? "Wala po akong cellphone. Sorry." Matipid kong sabi.
Natahimik ang lahat ng nasa room. Nabasag lang iyon nang biglang tumawa si Ate Kath. "Oh my god! You don't have a phone? What era are you from? And san ka nakatira, sa bundok?!"
"Kath, that's enough." Kalmadong suway ni Ashton kay Ate Kath.
Hindi naman natinag si Ate Kath dahil tuloy lang ang kanyang pagtawa niya. "Gosh. This is hilarious. Tell me, Rose. Wala ka bang phone dahil naiwala mo o talagang wala ka lang phone?"
"Kath..." Ashton said in a warning tone.
"I really don't have one." I said calmly with a hint of seriousness in my tone.
Mas lalong lumakas ang tawa ni Ate Kath pero nanatiling tahimik ang mga kasama namin. My face remained stoic. Is this a laughing matter for her? Yes. I admit mahirap lang ako kaya hindi ko magawang bilhin ang mga bagay na tila para sa iba ay ordinaryo lang.
I would rather save that money para ipadala sa pamilya ko or gamitin iyon para makauwi at makasama sila. I don't understand why some people find other people's poverty funny.
"Katherine, tama na yan." Ani Kuya Ron. Bumaling sa kanya si Ate Kath ng nakangiti pero nakataas ang kilay. "Hindi gagawin ni Rose yung sa student record. Gawain ng lahat ng freshmen representatives yon. Ituloy na natin ang meeting."
"President ka na ngayon?" Nanghahamong tanong ni Ate Kath.
Kailangan ba talagang palalain pa ang sitwasyon. I was just late one time. Sigh.
"I'll do it." I said. "I will try to finish it within this week."
"Edi tapos ang usapan!" Mataray na sabi niya.
Bigla naman ulit nagsalita si Ashton kaya naiiritang bumaling sa kanya si Ate Kath. "And because I was also late that just means na I get a share to that punishment."
"A- Ashton." Napamaang si Ate Kath sa kanyang sinabi. "What?! Of course not! You were with your team for the tryouts. Excused ka."
Napatingin tuloy ako sa suot ni Ashton, ngayon ko lang napansin na naka- varsity hood pala siya. If he'a an officer, then siya yung sports committee head? Right. Wala yung sports committee head last meeting.
Umapela rin bigla si Ate Charmaine. "Tama na guys. Mag- meeting na lang tayo pwede? Kath, you're not usually like this. Stop being irrational. All first year reps will do the task. That's how it should be."
"Fine! Edi walang punishment! Ang dami mo masyadong sinabi! Let's resume the meeting!"
Isa pang masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Ate Kath bago padabog na kinuha ang kanyang notebook. Napailing na lamang ako. So much for my first week in the university.
***
"Ashton." Tawag ko kay Ashton habang naglalakad kami palabas ng building. 8:15pm na and katatapos lang ng meeting namin. I have exactly fifteen minutes before magstart ang shift ko sa convenience store. Kailangan ko lang kunin ang mga libro ko kay Ashton and I'm off.
"You're going home na, right? San ka? I'll drop you off." Nakangiti niyang alok.
Ngumiti lamang ako bago marahang umiling. "Wag na. Thank you. May pupuntahan pa ko."
"Really? Saan? Hatid na kita."
"Hindi na. Okay lang ako. Malapit lang yon." Pagtanggi kong muli. "Kunin ko na yung books ko."
Iminuwestra ko ang aking mga kamay para kunin ang mga libro ko. Pero umili siya. "Come on Rose. It's late. I can't let you walk on your own sa madilim na kalsada ng Manila. I have a car. I'll drive you there. That'll be faster and safer."
"It's just three blocks away."
Bahagyang kumunot ang kanyang noo bago tila may na-realize na kung ano. "You're meeting up with your boyfriend." He muttered.
"H-Hindi." Agad kong sagot. "S- sa F Mart ako pupunta. May part time job ako."
Biglang nagliwanag ang kanyang ekspresyon. Lumaki din ang ngiti sa mga labi niya. "Okay. Let's go then. Ihahatid kita."
"H- hindi na. Malapit lang yun." Magalang ko namang pagtanggi. Ayokong makaabala pa sa kanya. Hindi naman kami ganoong ka-close para ihatid niya ko doon. This is the first time we met, I can't ride his car so easily. I don't want people to think na mayroon kaming relasyon.
But he really won't take no for an answer. "No Rose. Hindi kita hahayaang maglakad sa gitna ng daan ng ganitong oras. Baka mapano ka pa... pano naman ako?"
"Ha? Anong sabi mo?" Agad na napakunot ang aking noo sa kanyang nasabi.
"Pano naman ang kapayapaan ng tulog ko diba? Konsensya ko kapag napahamak ka. Sige na, just get in."
Oh, okay.
At dahil sa sinabi niya, wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Kahit ilang tanggi pa ang gawin ko I don't think he will listen. Male- late ako sa trabaho ko kapag pinatagal pa namin ito.
"O-okay. Salamat." Sabi ko pagkapasok sa kotse niya.
Ngumiti naman siya. "No big deal."
Buti na lang at gabi na kaya wala nang masyadong tao sa paligid. Ilang mga estudyante na lang ang narito kasi karamihan ng mga klase ay tapos na.
"Sayang, I can't ask for your number." Biglang sabi niya habang nagmamaneho. "I really want to know you better."
That was fast.