KILTEPAN
ROSE
"Rose, anak. Pasensya ka na. Imbes na magpapahinga ka ngayon o gagawa ng iyong speech ay kinailangan mo pang magtrabaho. Pasensya ka na talaga." Ani ama habang nakahiga sa kawayang higaan nila ni ina. Umubo siya ng ilang ulit bago muling tumingin sa akin.
Umiling naman ako at saka ngumiti sa kanya. Hindi talaga ako sanay na nakikita si ama sa ganitong katayuan. Parang hindi siya si ama na malakas at ganado sa pagtatrabaho. Putlang- putla siya ngayon at nangalumata. "Ama... Ayos lang naman po saken ang magtrabaho. Kayang- kaya ko yon at saka malapit ko na pong matapos ang speech ko. Wag po kayong mag alala."
"Pero hindi ka dapat nagtatrabaho, anak. Ikaw ang aming prinsesa. Hindi dapat napuputikan o nasusugatan ang iyong kamay." Malungkot niyang pahayag bago dahan- dahang inabot ang aking kamay at hinawakan. Napangiti ako sa kanyang sinabi.
Tama ang ama. Prinsesa nila ako. Kahit na mahirap lang ang aming pamilya, itinuturing nila akong kanilang prinsesa. Mahal na mahal ako ng ama at ina, pati na rin ni Totoy. Kaya kahit na wala ako noong mga materyal na bagay na mayroon ang mga ka- edad ko ngayon ay masaya at kontento na ako. Mayaman ako... mayaman sa pagmamahal ng aking pamilya.
"Ama, prinsesa pa rin ninyo ako ng ina kahit na magtrabaho ako. Diba po ay pangarap kong maging katulad ni Mulan?" Natatandaan ko pa iyong palabas yon na ipinapanuod sa amin aming guro noong nasa ikatlong baitang pa lang ako. Kwento iyon ng isang dalagang sa China na nagsakrispisyo para sa kanyang ama. Imbes na ang ama niya ang mag- ensayo upang sumabak sa isang gyera ay siya ang pumunta roon. Nagpanggap siya bilang isang lalaki at sa bandang huli ay naging bayani siya ng kanyang bayan.
Hindi ko pinapangarap na maging tulad niya o ng ibang bayani tulad nina Jose Rizal. Ang gusto ko lang ay iyong maging tulad ni Mulan na kahit isang babae at prinsesang maituturing ng kanyang pamilya ay may naging silbi siya sa kanyang pamilya. Nag- uwi siya ng karangalan at natulungan niya ang kanyang pamilya.
"Mahirap ang magiging trabaho mo doon anak." Paalala pa ni ama sa akin.
Ngumisi lang ako. "Kakayanin ama. Tiwala lang."
"Rose, anak! Tayo na! Naghihintay na sina Aling Greta at Mang Simeon!" Narinig kong pagtawag ni ina sa akin mula sa ibaba.
Agad naman akong bumaling kay ama at ngumiti. Lumapit ako sa kanya upang humalik sa kanyang pisngi. "Tinatawag na po ako sa ibaba. Sige ama, aalis na po kami. Magpagaling po kayo ha? Mahal na mahal po kita."
"Mag- iingat ka doon anak. Wag kang masyadong magpapagod. Mahal na mahal din kita, anak."
Ngumiti lang akong muli bago naglakad palabas ng silid. Bago ako tuluyang lumabas ay lumingon pa ako at saka kumaway. Magsisipag ako sa trabaho. Baka sakaling pumayag si Mr. Gonzales na pansamantala muna akong pumalit kay ama.
Ngayon lang kasi ang araw na ipinamaalam nila si ama na liliban sa trabaho at ako ang papalit. Bukas ay kailangan na niyang bumalik o kung hindi ay malaki ang mababawas sa kanyang sahod. Ayoko namang bumalik agad si ama sa trabaho kahit na magaling na siya bukas. Gusto kong masiguro na maayos na talaga ang kalagayan niya pag bumalik siya.
***
Tahimik akong gumagawa ng aking trabaho nang marinig ko ang boses ni ina sa aking tabi. "Rose, anak. Tayo na munang magtanghalian. Mamaya mo na ipagpatuloy iyan."
Ngumiti naman ako kay ina at saka umiling. "Mamaya na ho ako kakain. Malapit ko na rin namang matapos ang parte ko. Tatapusin ko na po ito, inang."
"Anak, mayroon naman tayong panahon para magpahinga. Tanghalian ngayon kaya kumain ka na muna." Pangungumbinsi pa niya sa akin.
"Hindi pa naman ho ako nagugutom. Marami po akong nakain kaninang almusal. Sige na po nang. Mauna na ho kayo roon." Sabi ko naman at saka itinuro ang labas ng greenhouse kung saan nakatipon ang ibang mga trabahador para kumain.
"Paano kung may ibang makakita sayo rito? Si Ginoong Gonzales lang ang pumayag rito."
"Nang, wag na kayo mag- alala. Kumain na lang po kayo doon. Susunod din ho ako." Ani ko sa kanya.
Napatango na lang ang ina. "Osige. Basta susunod ka rin agad ha? Baka maubusan ka ng pagkain."
Tumango naman ako. "Opo."
Tinapik muna ni ina ang aking pisngi bago hinalikan ang aking noo at saka tuluyang umalis. Napangiti na lang ako.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagkuha ng mga rosa mula sa puno nito. Pero medyo nahihirapan talaga ako dahil sa medyo malaking gwantes na gamit ko. Kay ama kasi ang gwantes na gamit ko kaya medyo may kalakihan ito. Mas mapapabilis siguro ako kung hindi na ako gagamit. Hindi naman ako masyadong matutusok ng tinik kung mag- iingat ako.
Kaya agad kong tinanggal ang gwantes at inilagay sa aking tabi. Ipinagpatuloy ko ang pagtatrabaho. Hindi madali ang trabahong ito pero hindi rin naman ganoong kahirap. Kailangan lang ay maging maayos ang pagputol mo sa tangkay dahil doon nakasalalay ang tagal ng buhay ng rosas at ang kalidad nito. Pagkatapos nito ay iaayos pa namin ang lahat ng nakolektang rosas para madala patungong Maynila.
Sa totoo lang ay medyo nakakaramdam na ako ng gutom pero gusto kong magpakitang- gilas kay Ginoong Gonzales para payagan niya ulit akong magtrabaho bukas. Sana lang ay tumalab ang plano kong ito. Desidido talaga ako sa plano kong ito.
'Gusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Hawak kamay
Pikit-mata
Sumasabay sa musika'
Bahagya akong natigilan nang marinig ang pag- alingawngaw ng kantang iyon sa buong greenhouse. Alam ko ang kantang iyon. Madalas iyong kantahin nina Kuya Bert sa videoke dun kina Mang Teban. Madalas ko rin itong marinig sa radyo.
Napangiti na lang ako. Nakakatuwa naman. Ang ganda ng tugtog, parang mas ginanahan ako sa pagtatrabaho. Naging isa na kasi iyon sa paborito ko simula nang marinig ko iyon. Napakaganda kasi ng tunog at mensahe. Malamyos pa ang boses noong singer. Hindi ko tuloy napigilang sumabay.
"Gusto kitang isayaw nang mabagal"
"You have a beautiful voice." Napatigil ako sa pag- awit ng makarinig ng boses mula sa aking likuran.
Sa sobrang pagkabigla ko roon ay nawalan ako ng balanse at natumba sa halamanan. Naramdaman ko agad ang matinding kirot dulot ng pagkakatusok sa mga tinik ng rosas. "Araay..."
Bumangon ako mula sa pagkakatumba pero agad kong naramdaman ang pag- alalay sa akin ng ginoong nagsalita kanina. Ang malaki niyang kamay ay nakahawak sa aking baywang at tinutulungan akong makatayo. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Hindi ko mapigilang mahiya sa nangyari.
"Your hand is bleeding." Narinig kong sinabi ng niya sa matigas na ingles.
Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong magsalita dahil agad na niya akong hinigit patungo sa kung saan. Saka ko lang naintindihang papunta kami sa opisina ni Ginoong Gonzales nang buksan niya ang pinto niyon. Sino kaya ang ginoong ito? Bakit basta na lamang siyang pumasok opisina ni Ginoong Gonzales? Baka mapagalitan kami.
"Kuya---"
"Martin, get me the first aid kit please." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Noon ko lang napansin na naroon rin pala sa loob si Mr. Gonzales. Teka, Martin? Tinawag niyang Martin si Mr. Gonzales? Kung tama nga ang naiisip ko... ibig sabihin...
Naku! Lagot! Malalagot ba kami ni Mr. Gonzales? Naku. Hindi. Paano si ama?
Agad ding bumalik si Mr. Gonzales dala ang isang puting box na may kulay pulang krus sa gitna. Binalingan naman ako ng lalaking nakahawak sa aking braso.
"Sit down, please." Sinabi niyang muli sa matigas na ingles. Napaupo naman agad ako. Hindi ko alam pero ma- awtoridad ang kanyang boses sa paraang hindi naman nakakatakot. Mapapasunod ka na lang pero walang takot na dulot sayo.
Umupo rin siya sa sofa katabi ko. Binuksan niya ang box at nagsimulang kumuha ng kung anu- anong kagamitan marahil ay para gamutin na ang aking sugat. Napangiwi ako ng makita ang bote ng alcohol. Masakit yan.
Nang tingnan niya ako ay naabutan niya akong nakangiwi kaya agad akong nagbago ng ekspresyon. Nakakahiya. Napatingin na rin ako sa kanya at nakita ko ang paglalaro ng ngiti sa kanyang mga labi. Saka ko lang napagtanto na ang lalaking nasa harapan ko ay bata pa. Hindi bata na tulad kong nasa edad na disiotso. Sa palagay ko siya ay nasa late- 20s na.
Nasabi ko lang na bata siya dahil kumpara kay Mr. Gonzales ay mas bata talaga siya. Sa paraan din kasi ng pananamit niya, para siyang dakila, makapangyarihan at matanda kaysa kanyang edad. Hindi ako sigurado pero base sa mga nakikita ko sa telebisyon, amerikana ang tawag sa suot niya.
Bahagya akong napaigtad ng maramdaman ang pagdampi ng kung ano sa aking sugat. Napatingin ako sa aking kamay na ngayon ay kasalukuyang ginagamot ng lalaki. Dinadampian niya ito ng bulak na may betadine.
"Rose, anong nangyari sayo? Bat ang daming sugat ng kamay mo?" Nag- aalalang tanong ni Mr. Gonzales. Batid kong hindi lamang dahil sa sugat ko siya nag- aalala kundi sa sasabihin ng lalaking gumagamot sa mga sugat ko.
Napakamot na lang ako sa ulo gamit ang isa ko pang kamay. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng ginoo. "I must have startled her. She fell and got pricked by the rose thorns."
Pinanuod ko lang siya habang nagsasalita. Hindi ko mapigilang humanga sa lalaking nasa harap ko. Kakaiba ang kanyang itsura sa mga nakagawian ko rito sa amin. Matatas din siya magsalita ng ingles. Tila parang iyon ang nakasanayan niyang lenggwahe.
Madalas akong purihin ng mga guro ko dahil magaling raw ako sa ingles pero iba ang lebel niya sa akin. Parang natural na natural sa kanya ang pagbigkas ng mga salitang ingles. Bago ko nagawang maging sanay sa ingles ay araw araw akong nag ensayo. Gustung gusto kong magtrabaho sa ibang bansa kaya nag aral ako ng husto ng ingles. Ngayon lang ako nakakita ng tulad niya. Taga maynila siguro siya.
"I think that should be enough now." Hindi ko alam bakit ko sinabi iyon sa ingles. Parang pakiramdam ko ay kailangan kong mag ingles dahil ganoon ang pagsasalita niya.
Napatingin sa akin ang ginoo habang tuloy pa rin sa pagdampi ng bulak na may betadine sa aking kamay. He looked slightly amused. "We should wrap it up. It might get infected."
Bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil sa naging reaksyon niya. Dapat pala ay hindi ko na sinabi iyon. Pinagtatawanan na siguro niya ako sa kanyang isipan. Hindi siguro magandang pakinggan ang english accent ko.
Inilayo ko na aking kamay sa kanya. Hindi na kailangan niyon, mahalaga ay nalinis iyon at nagamot. Gusto ko na rin makaalis kaagad. Habang tumatagal ako rito ay mas lalong tumitindi ang pagkahiyang nararamdaman ko.
Natigilan siya dahil sa ginawa ko. Napakunot ang kanyang noo kaya napalayo ako ng bahagya sa kanya. Tila instict ang nag udyok saking gawin iyon.
Bigla siyang tumawa. "Why are you so afraid of me? I don't bite. Don't worry."
Hindi ko magawang maging komportable kahit na mas maliwanag na ang kanyang ekspresyon ngayon. "B-babalik na po ako sa trabaho."
"Your hand is injured. You can't."
Pero kailangan kong tapusin ang inatas sa aking trabaho. Makakaltasan ang sahod ko kapag iniwan ko na lamang iyong basta. Ni hindi ko sigurado kung makakabalik pa ako bukas dahil sa nangyari.
"Don't worry about your pay. There will be no deductions. You can also take a break tomorrow. I'll talk to Martin. You can work again once your hand is all healed." Aniyang nakapagpatigil sa akin.
Hindi naman malala ang mga sugat na natamo ko. Kayang-kaya ko pa namang magtrabaho. Malayo ito sa bituka. Bakit kailangan ko pang lumiban sa trabaho bukas?
"Come to think of it, I don't remember letting Martin hire young workers. How old are you?"
Kinabahan ako sa tanong niyang iyon. Usapan namin ni Mr. Gonzales ay substitute lang ako ngayong araw kaya walang dapat na makaalam maliban sa mga kakilala naming trabahador rin dito sa farm.
"You don't really work here, do you?"
Nilingon ko ang pintuan kung saan lumabas si Mr. Gonzales kanina. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo sa lalaking kaharap ko pero mukhang wala naman akong ibang choice. Nahuli na kami. Might as well umamin na ako. Pero hindi ko hahayaang mapasama si Mr. Gonzales dahil rito. Laking pasalamat ko na nga sa kanya na pinagbigyan niya ang hiling kong pumalit kay ama.
Naglakas loob akong tumingin sa mga mata ng lalaking ngayon ay matamang nakatitig sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa aking dibdib. Tila naumid ang aking dila dahil hindi ko agad nagawang makapagsalita. Masyadong intense ang pagtitig niya na kinailangan kong magbawi ng tingin. Hindi ko ata kakayaning magpaliwanag kung sasalubungin ko pa ang kanyang tingin.
"Opo sir. Hindi po ako trabahador sa farm na ito." Nakayukong pag amin ko. "Mga magulang ko po ang nagtatrabaho rito sa farm. Pero dahil nagkasakit ang akin ama ay nakiusap ako kay Mr. Gonzales na pansamantalang papalit sa aking ama."
Panay ang dasal ko sa aking isipan na sana ay hindi siya magalit at maunawaan niya kung bakit kinailangan kong magtrabaho sa farm kahit na hindi naman ako nararapat rito.
"Sana po ay hindi kayo magalit kay Mr. Gonzales. Ako po ang nakiusap sa kanya na payagan akong magtrabaho rito sa farm. Hindi po siya pumayag nung una pero napilitan po siya dahil sa awa." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Batid kong namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan iyon. "Hayaan niyo lang po akong tapusin ang trabaho ko. Pagkatapos po niyon ay aalis na rin po ako. Pangako hindi na ako babalik rito sa farm."
Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na tili nangangako.
Hindi naman siya umimik. Pinagmasdan lamang niya ako hanggang sa bigla na lamang siyang yumuko at lumapit sa akin. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa biglaan niyang ginawa. Akala ko ay kung ano ang kanyang gagawin, to my surprise, inabot lang ng kanyang kamay ang kaliwang mata ko at marahang pinalis ang luha roon.
Abot abot ang tahip ng aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng t***k ng aking puso. Pakiramdam ko tuloy ay maririnig na niya ang lakas ng t***k niyon.
Ngumiti siya sa akin bago inabot naman ang aking kamay. Napatitig na lang ako sa kanya dahil doon. Kumuha siya ng bandage at saka dahan- dahang ibinalot iyon sa aking kamay. Walang imik niyang ginawa iyon. Ang atensyon niya ay naroon lamang habang ako ay nanunuod pa din sa kanya.
"How's your father?"
"P- po?" Ikinabigla ko ang tanong niyang iyon. Hindi ko naisip na itatanong niya iyon.
Ngumiti siya sa akin. "You said your father is sick. How is he now?"
"Ah... uhm, medyo maayos na po siguro ang pakiramdam niya. Nagpapahinga po siya ngayon."
Tumangu- tango siya bago biglang bumaling sa pintuan. "Martin!" Tawag niya. Agad rin namang dumating nang nagmamadaling si Mr. Gonzales. "Put her father on a two or three day paid leave. Don't let the girl work again."
Nagpalipat- lipat ang tingin ko sa kanilang dalawang. Paid leave? Seryoso ba siya? Hindi ba sa mga non- contractual at company workers lang applicable ang ganoong benefits?
Halos maiyak ako sa tuwa dahil sa narinig. Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari. Napakabait ng ginoong ito! Hindi ko alam kung siya nga ang may ari ng farm na ito pero napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya. Hindi niya alam kung gaano kalaking bagay ito para sa amin ng pamilya ko.
Dahil sa labis na kasiyahan ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Inabot ko ang kanyang mga kamay at mahigpit na hinawakan iyon.
"Sir, thank you po! Maraming maraming salamat po!" Mangiyak ngiyak ko nang sabi.
"R- Rose..."
Napatingin ako kay Mr. Gonzales nang bigla niya akong tawagin. Nang makita ko ang nakangiwi at umiiling- iling niyang mukha ay saka lang ako natauhan sa aking nagawa. Agad kong binitawan ang kamay ng ginoo.
Agad ko pinalis ang luha sa aking mga mata at nakayukong humingi ng pasensya sa kanya. "S- sorry po..."
"Okay lang." He said with a light chuckle.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Naabutan kong nakatingin na naman siya sa akin.
*Dug dug dug dug dug dug*
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang kaba ko sa tuwing makikitang pinapanuod niya ako. Alam kong hindi iyon dahil sa takot o pagkailang. Ibang klase ng kaba iyon.
Pero hindi ko nagugustuhan ang namumuong kabang iyon...
Kailangan ko nang makaalis rito.
Akma akong tatayo nang magsalita siyang muli. "Where are you going?"
"B- babalik na po ako sa trabaho." Kinakabahang sagot ko. Napatingin ako kay Mr. Gonzales na tahimik na nanunuod sa amin. Ngumiti lamang siya sa akin.
"Okay na yon, Rose. Tapos na ang trabaho mo ngayong araw. Pwede ka nang umuwi at magpahinga." Ani Mr. Gonzales.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawang ginoo. Pero mas nagtagal iyon sa ginoong gumamot sa aking kamay. Tila may gusto pa siyang sabihin ngunit hindi niya lang mabigkas.
"Or pwede mo rin namang i-tour na lang muna si Mr. Ryuzaki rito sa farm." Suhestyon ng nakangiting si Mr. Gonzales.
Mr. Ryuzaki?
Hindi iyon tipikal na pangalan ng mga Filipino. Kung ganoon, hindi siya Filipino? Or may lahi siyang banyaga?
Naibalik ko naman ang tingin ko sa ginoong Mr. Ryuzakin kung tawagin ni Mr. Gonzales. Kita kong maaliwalas na ang kanyang ekspresyon. Kaiba sa ekspreyon na ipinakita niya kanina.
Tour sa farm? Ngayon lang ba siya nakapunta rito?
"That would be nice. Is it okay with you?" Ani Mr. Ryuzaki.
Agad naman akong tumango sa tanong niyang iyon. Wala naman ako sa posisyon para tumanggi. Laking pasasalamat ko pa sa kanila dahil hindi na nila ako pinatuloy sa trabaho.
"Nice! Let's go then!" Malaki ang ngiting anyaya ni Mr. Ryuzaki. Napangiti na lamang din ako.
********
Naglalakad kami sa kahabaan ng farm nina Mr. Ryuzaki nang bigla siyang tumigil at harapin ako.
"I haven't introduced myself officially." Panimula niya. "I am Shin Ryuzaki."
Tumango ako sa kanya. Shin. Iyon pala ang pangalan niya. "Rosalie Bernardo po. Pero pwede pong Rose na lang."
Ngumiti siya sa akin bago iniabot ang kanyang kanang kamay. "Nice to meet you, Rose."
"N-nice to meet you din po, sir."
"Just call me Shin. You're not my employee, Rose." Ani Shin. Parang hindi naman magandang tingnan kung tatawagin ko siya sa kanyang pangalan. Empleyado niya ang mga magulang ko at isa pa mas matanda siya sa akin. Dapat i-address ko pa din siya as 'sir'. "Does it make you uncomfortable?"
"H- hindi naman po."
He chuckled. "You can loosen up a bit. I'm not your boss, Rose. I will not scold you for being comfortable with me."
Alanganin ang naging ngiti ko sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang magiging tugon ko roon.
"Did you grow up here?"
"Y-yes."
He nodded. "How old are you by the way?"
"18 po."
Bigla siyang bumuntong hininga. "Legal, but still young." Pabulong niyang sabi.
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko masyadong narinig iyon. Anong sabi niya?
"Have you been to any place except from here?" Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Opo. Pero sa Sagada lang." Technically it's still in the mountain province pero since magkalayo pa rin naman it still counts as ibang lugar diba?
"I haven't been to Sagada. I heard there's a place there where you can see the clouds from below? Is that true?" Curious niyang tanong.
Tumango naman ako. "That place is called Kiltepan Peak. It's a very famous tourist spot in Sagada."
"Really?"
"Yes. Tourists who go to Sagada always has that place on their list to go to. If you're in Sagada you can't not visit Kiltepan Peak."
"It must be a nice place." He said with a small smile. "Too bad I can't go there."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Why? You have the means to go there. Why can't you go?"
"It's sad going to places all by yourself."
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng mag isa pero tingin ko ay malulungkot rin ako tulad niya kung mangyari iyon.
"Is it too much if I ask you to go to Sagada with me?" Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. "I'm just curious about that Kiltepan Peak you were talking about. I thought it would be nice if I could visit before I go back to Manila."
Ngumiti siya sa akin. It doesn't seem like he was pressuring me to go with him. It was more like he was just mentioning it in hopes na papayag ako.
I didn't know how to answer him though. He's someone I barely know. Hindi ko pa siya ganoong kakilala para sumama na lang basta sa kanya. But the more na tinitingnan ko siya, the more I felt comfortable with him.
Parang pakiramdam ko okay lang naman. Parang hindi ko kailangan masyadong mag alala kasi safe naman ako with him. I don't know where I got that feeling pero iyon talaga ang pakiramdam ko.
"Okay." He had a look of surprise when he turned to me. "Let's go see Kiltepan before you leave."