Chapter Six

2337 Words
CHANGE    ROSE   "Rose, si Ashton nasa labas pa rin. Hindi mo ba talaga siya kakausapin man lang?" Ani Jelly na nakaupo sa aking tabi. Wala kaming prof ngayong first subject kaya nakatambay lang kami rito sa room. May kasunod kaming klase pero sa ibang classroom, may mga tao pa nga lang roon kaya di kami umaalis. Napatingin naman ako sa direksyon ng pinto. Hindi ko matanaw roon si Ashton dahil malamang ay nakasandal na naman iyon sa pader. Hindi ko alam kung bakit narito pa rin siya gayong malinaw naman sa ginawa kong pag- iwas kanina na ayaw ko muna siyang kausapin. Pagkadating ko kasi sa classroom kanina ay naroon na siya at naghihintay. Hindi ko siya pinansin. Tiningnan ko pero nilampasan ko rin upang makapasok sa silid. Hindi naman iyon papasok dahil nahihiya rin naman yon. Nagkibit balikat na lang ako bago bumalik sa pagbabasa ng librong hiniram ko sa library. May quiz kami sa isa naming subject mamaya kaya nag- aaral ako. Nakapag- aral na naman ako kaninang madaling araw pero gusto ko lang ulit mag- aral dahil wala naman akong gagawin sa loob ng isang oras. "Rose." Dinutdot pa ni Jelly ang aking balikat. Naramdaman kong nagsilapit ang ilan sa mga kaklase namin. Narinig ko ang pagsasalita ni Kim. "Uy Rose. Nag- away ba kayo ni Ashton?" Umiling lang ako ng bahagya. "Hindi." "Lover's quarrel?" Rinig kong sabi ni Sophia, isa sa mga kaibigan ni Kim. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. "Hindi naman kami." "Ows? Ang showbiz mo naman, Rose." Anang isa naming kaklase. "Magkaibigan lang kami." Simpleng sabi ko bago itinuon ang atensyon sa libro. Hindi ko sila masyadong binigyan ng atensyon dahil kapag nagpaliwanag pa ako hahaba lang ang usapan. Alam ko namang kahit anong sabihin ko ay hindi sila maniniwala. Paniniwalaan lang nila ang gusto nilang marinig. "Eh bakit siya nasa labas kung ganon? May kaibigan bang ganyan mag- dramahan?" Medyo nagpanting ang tenga ko dahil sa hindi magandang tono ng pananalita ni Keisha. Isa rin siya sa mga kaklase ko pero hindi kami ganoong malapit sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit basta pakiramdam ko ay hindi kami magkakasundo, at siguro isa na nga ito sa mga dahilan. Dahan- dahan kong isinara ang librong binabasa bago kalmadong binalingan si Keisha. Nakahalukipkip siya habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin. Pinanatili kong blangko ang aking ekspresyon. Hindi ko alam kung anong problema niya at ganito siya makitungo sa akin. I don't remember doing anything na maaaring maka-offend sa kanya. We never even talked before. I think isang beses lang, pero that was during the laboratory activity presentation. Nagtanong siya tungkol sa result ng activity namin at sinagot ko siya. That was it. So why would she be so hostile with me now? "If he wants to wait for me outside, hayaan natin siya. What he wants to do is out of my control." Nakita ko ang pagtiim ng kanyang bagang. Nanahimik ang buong klase dahil sa sinabi kong iyon. Nagpalipat lipat ang tingin nila sa amin ni Keisha. Ramdam ang tensyon sa pagitan namin at alam kong naghihintay sila ng kasunod na sasabihin ni Keisha. Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Bigla siyang tumawa, iyong tawang mapakla. Muli siyang tumingin sa akin at mas tumaas ang kilay. "You now have guts to speak in english? No matter what you do, you will forever be a probinsyana. Isang tagabundok. You will never fit in." "If you think it's not fitting for someone like me to speak in english then I think the same goes for you." Kalmado pa rin ang boses ko nang sabihin iyon. "You're a Filipino like me so what makes you think you're an exception? Be it Manila or Benguet. It's still in the Philippines. So I don't get your point, Keisha." Bumuntong hininga ako bago inayos ang mga gamit ko. Nang matapos ay naglakad ako palapit sa kanya. Hindi na maipinta ang kanyang ekspresyon. "Hindi ko alam kung bakit sa tingin mo maiinsulto ako sa pagtawag mo sa akin ng probinsyana. It's the truth anyway, at hindi ko ikinakahiya yon." Nginitian ko siya. "I'm very proud of where I came from and you're right, I will never fit in. That's because I will never try to." Kitang kita ko ang pagngingitngit niya sa galit pero hindi ako nagpatinag. Diretso pa rin at kalmado ang tinging iginawad ko sa kanya. I'm not fazed at all. Hindi naman ako nasaktan sa kahit anong sinabi niya. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang attitude na ipinakita niya. Hindi dahil tahimik lang ako ay papayag na akong kayanin ng kahit sino. I've trained myself to be strong. Wala na ako sa Benguet. Wala ang mga magulang ko rito upang protektahan ako. Ako lang ang tanging magpoprotekta sa sarili ko. Hindi na nagsalita pa si Keisha. Agad niya akong tinalikuran at walang pasubaling nag walk out. Pero siniguro muna niyang makakaganti siya bago gawin iyon. Alam kong sinadya niya ang pagbangga sa akin pero palalagpasin ko iyon. Dahil sa pagbangga niya sa akin ay nalaglag ang mga librong hawak ko.  Tahimik kong pinulot ang mga iyon habang ang mga kaklase ko naman ay nagkakagulo. Kanya kanya silang reaksyon sa naging pag uusap namin ni Keisha. Hindi ko na lamang pinansin iyon at sa halip ay bumalik sa aking upuan para ipagpatuloy ang naantalang pag aaral. How much longer should I endure this? Nakakapagod ang paulit na ulit na ganitong sitwasyon. Can't I get at least a week of peace? *** Nang makalabas ako ng silid para sa huli naming klase nakita ko na naman si Ashton na naghihintay sa akin. Nang matapos ang unang klase namin kaninang umaga at lumabas kami ay wala na siya. Hanggang sa mga sumunod na klase ay di ko nakita kahit anino niya kaya kahit paano ay napanatag ako. Akala ko hindi na siya ulit magpapakita ngayong araw. "Rose, please. Let's talk." Gaya ng ginawa ko kaninang umaga, hindi ko siya pinansin at nilampasan lamang siya. Batid kong nakasunod siya kaya naman mas binilisan ko ang aking lakad hanggang sa makarating kami sa labas ng engineering building. "Rose naman. Please?" "Ashton, wag muna ngayon. I don't want to talk right now." Walang lingon- likod kong sinabi. Aaminin ko na, hindi ko talaga nagutustuhan ang inasta niya kahapon. Hindi ko nagustuhan ang pagtataas niya ng boses sa akin. It's not like may ginawa akong mali para gawin niya iyon. If he was worried about what happened yesterday, wala na akong magagawa don. Hindi ko naman ginusto yon. Hindi nagpaawat si Ashton. Patuloy pa rin siyang sumunod sa akin. "Then just let me take you to your part time job. Kahit yun na lang." "Ashton, you don't need to do that. Kaya kong pumunta roon mag- isa. Umuwi ka na lang."  Nilingon ko na siya ngayon at saka tiningnan ng mariin. Bigla namang nagbago ang kanyang ekspresyon. Nakatingin siya sa bandang likuran ko kaya napalingon ako roon. Natigilan ako nang makita ang pamilyar na matikas na pangangatawan at singkit na mga mata ni Shin. Dala niyang muli ang mamahalin niyang kotse at nakasandal siya roon na tila walang pakialam sa mundo. Tila wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao sa kanyang paligid. Ang iba ay kinukunan pa siya mg litrato. Alam kong ako ang pakay niya rito. Pero nilinaw ko na kahapon sa kanya na hindi ako interesado sa kanya. And he made it clear na hindi siya basta susuko. Napabuntong hininga ako sa naisip. Wala na ba talaga akong magiging tahimik na araw dito sa university? Hindi pa ako nakikita ni Shin dahil abala siya sa pakikipag usap sa kanyang cellphone. Akmang tatalikod na ako upang lumabas sa kabilang exit nang biglang magtama ang aming tingin at kumaway siya sa akin. Napapikit na lamang ako. He saw me. "What the fuck." Narinig kong bumulong si Ashton mula sa aking likuran. Hindi pa ako nakakapag-react sa nasabing iyon ni Ashton nang magsimula nang maglakad papunta sa aming direksyon si Shin. Agad kong naramdaman ang pagbilis ng t***k ng aking puso. "Rosalie." Ngiting matamis ang pambungad niya sa akin. "S- Sir Shin..." Napatingin siya sa likod ko at bahagyang sumeryoso ang kanyang ekspresyon pero agad din niyang ibinalik sa akin ang tingin. Bumalik ang sigla sa kanyang mga mata. "You're heading home now, right? I'll drive you home." "Rose..." Naramdaman ko ang kamay ni Ashton na humawak sa aking braso. Agad kong nakita ang talim ng titig ni Shin roon. Napalingon ako kay Ashton na seryosong nakatingin kay Shin pero agad na lumambot ang ekspresyon nang balingan ko siya. Parang nagmamakaawa ang kanyang mga mata na wag akong sumama kay Shin. Sunod naman akong bumaling kay Mr. Ryuzaki na ang tingin ay inuudyukan akong sumama. Napabuntong hininga ako. Is this seriously happening again? At gaano ba kadami ang oras nila sa mundo para maghatid pa sa akin sa bahay gayong kayang kaya ko naman iyong lakarin? Marahan kong winaksi ang pagkakahawak ni Ashton saken at saka siya binalingan. "Ashton, I already told you. Not now. And I can manage. Alam mo yan." Sunod kong binalingan si Shin na ngayon ay malaki na ang ngiti. "I think I already made it clear, Sir Shin. Please stop coming here. Hindi na magbabago ang isipan ko." Agad na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para makaalis na roon. Napahinga ako ng maluwag nang mapansing hindi sumunod ang kahit na sino sa kanilang dalawa. Halos takbuhin ko na ang gate para makalabas roon. Sa kagustuhan kong makalayo sa kanila ay pinara ko ang padaang jeep at sumakay roon kahit na hindi naman dapat ako magji- jeep. Bago tuluyang makaalis ang jeep na sinakyan ko ay nakita kong binalikan ni Shin ang kanyang sasakyan. Sumakay siya sa roon. Kitang kita ko ang disappointment at lungkot sa kanyang mukha. *** Matapos kong magbihis sa uniform ko sa part time job sa convenience store ay lumabas ako ng locker room dala ang backpack ko. Kapag natatapos ko ang pag aayos ng mga item sa store at pagre- restock ng mga products ay nag aaral ako sa counter. Madami-dami pa din ang customers sa store tuwing gabi pero nakakahanap pa rin naman ako ng chance mag aral. Hindi ko naman napapabayaan ang trabaho ko dahil bantay ko pa rin yun gamit ang cctv monitor. Iiwan ko na sana sa counter ang gamit ko nang mapansin ko ang lalaking nakaupo sa isa sa mga table sa tabi ng bintana. Agad akong lumapit sa kanya, nakakunot ang aking noo. "B- bat ka nandito?" "Is that how you talk to a customer?" Seryoso niyang tanong kaya naman natigilan ako. Pero bigla rin siyang ngumisi at saka hinigit ako paupo sa tabi niya. "I will buy everything in this store so you can close early tonight and rest at home. I will be your only customer for tonight. Just give me an hour." Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Is he seriously going to waste his money for something so trivial? "Are you crazy? Bakit ka magsasayang ng pera para saken?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. "You have an early class tomorrow. You need to sleep early." Malumanay ang pagkakasabi niya noon. Hindi ko pa rin tanggap ang dahilan niya. Hindi sapat na dahilan iyon para magsayang ng pera. Humalukipkip ako sa kanyang harapan. "Shin—" Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil biglang nagliwanag ang kanyang ekspresyon. "You called me Shin." He said softly. Napalunok ako. Hindi ko namalayang natawag ko pala ulit siya sa kanyang pangalan. "Sir Shin—" "Call me by my name, Rosalie." Seryoso ngunit malumanay niyang sabi. Ang tingin niya sa akin ay parang tumatagos sa buong pagkatao ko. Hindi ko agad nagawang magsalita dahil doon. Kinailangan ko pang mag iwas ng tingin upang maituloy ang aking sasabihin. "Shin... I already told you. I already made it clear. I- I'm not interested with you." "And I think I also made myself clear, Rosalie. I will court you even if you don't want me to." Ngiti niya. "Just let me do this. I'll gladly wait until you agree to be mine." Napangiwi ako sa pagiging masyado niyang diretso. Pareng pareho sila ng sinabi ni Ashton sa akin. Ganito ba talaga ang paraan ng panliligaw ng mga taga Manila? Bukod ba sa pagiging masyadong straightforward ay hindi sila marunong makinig sa sinasabi ng mga babaeng gusti nila? "I'm not something you can own, Shin." Ngumiti lamang siya sa akin bago marahang kinuha ang aking kamay. Bago pa ako makapag react ay nailapat na niya iyon sa kanyang dibdib. "You can own me instead. I'll gladly let you own me." Batid kong namumula na ang aking mga pisngi ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi dahil sa pagkahiya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Agad kong nahigit ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak. "Stop this, Shin. Please." "I can't do that, Rosalie. That's something I cannot do. I already made up mind, it's you or no one else. I don't want anyone else but you." "Bakit ba kasi ako pa? Bat hindi na lang iba?" "Bakit hindi ikaw?" Nagulat ako sa balik tanong niya. It's been so long since I heard him speak in tagalog. "You're everything I asked for. Kaya bakit hindi ikaw ang pipiliin ko?" Napalunok ako dahil sa tingin niyang diretso sa akin. "You do know you're nine years older than me right?" "Age is only a number, Rose. What matters is that my intention with you is pure and sincere." He reached for my hand, and gently kissed the back of it. "I'm not after your innocence or your pretty face. I'm not in for the breath of fresh air or the challenge. It's just you that I want. It's just you that I like. Just let me do this, Rosalie. Give me a chance to change your mind." But I can't change my mind, Shin. I just can't.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD