Chapter Seven

2744 Words
PERFECT    ROSE   "Rose, ang gwapo talaga ng manliligaw mong yon! Bat di mo pa sagutin?" Utas ng ka-change shift ko sa trabahong si Liezel. Kasalukuyan akong nagta- tally ng sales para sa shift ko. Magche-change shift na kasi at si Liezel na ang papalita sa akin kaya inaayos ko muna ang register. Si Shin ang tinutukoy na manliligaw ni Liezel. Naroon kasi si Shin sa table na pinuwestuhan niya noong una niyang punta rito. Hindi niya dinig ang usapan namin dahil abala siya sa pakikipag usap sa kanyang cellphone. Mula sa locker ay lumabas si Samuel at nakiusyoso na sa amin. Isa rin siya sa mga part-timer sa store. Siniko niya ako kaya nabitawan ko ang hawak kong mga barya. Ngumisi siya sa akin, halatang nang- aasar. "Iba talaga ang s*x appeal ng mga promdi, ano? Tingnan mo at mixed pa ang natuhog! Pilipinong hapon ang isang yan, di ba?" Sinamaan ko siya ng tingin at saka dinampot ang mga baryang naglaglagan. "Ang bastos ng bibig mo, Samuel." "Huh? Ano namang bastos sa sinabi ko Rose? Compliment yun uy!" Aniya at tumango naman Liezel. "Pero di nga Rose, bat di mo pa sagutin? Ano pang aayawan mo sa papang yan? Pogi na macho na mayaman na mabait pa! San ka pa?!" Tila nagmamalaking sabi ni Liezel. Pano naman niyang nasabi na mabait si Shin? Ilang araw pa lang niya itong nakikita at ni hindi nga sila nakakapag usap. Ganoon ba rito sa Manila? Kapag may itsura at mayaman ang isang tao ay tatanggapin na agad? Hindi ba dapat ay kilalanin munang mabuti? Hindi dahil mayaman si Shin at may itsura ay dapat ko na siyang sagutin. Not everything is about the looks and wealth. Ayokong makigaya sa mga tao sa paligid ko na kakalimutan ang mga prinsipyo sa buhay dahil lang sa nakahanap ng madaling daan para sa magandang buhay. Kahit anong mangyari, prinsipyo ang paiiralin ko. "Baka naman dahil sa age gap?" Dagdag na tanong ni Samuel. Dahil doon ay sabay- sabay kaming napatingin sa table kung saan naroon si Shin. Seryoso pa rin siyang nakikipag usap sa kanyang telepono. Minsan naiisip ko kung wala ba siyang ginagawa sa kanyang trabaho. O ganoon ba talaga ang mayayaman? Hindi na pumapasok sa trabaho kasi kaya na nilang buhayin ang mga sarili nila kahit walang trabaho? "Ilang taon na ba yang si Sir Shin?" Biglang tanong ni Liezel sa akin. Bumalik sa akin ang atensyon ng dalawa. "30." Kibit balikat na sagot ko. Sabay namang nanlaki ang mga mata ng dalawa. Agad na nag- react si Samuel. "Aba'y matanda na nga. Naku Rose, wag mong sasagutin. Madami nang experience yan! Baka ma-culture shock ka dyan." Agad na binatukan ni Liezel si Samuel. "Bunganga mo, Samuel! Napakasimpleng manyak mo talaga!" Nanlalaki ang mga matang pagalit niya rito. Napailing na lang ako. Masyadong madumi ang bibig nitong si Samuel. Palibhasa lalaki. "So, eleven years ang gap niyo?" Tumango lang ako at nag- focus na sa ginagawa. "Pero hindi naman dahil don kung bakit ayaw ko." "Kung ganon, bakit ayaw mo?" Usisa pa niya. "Laking isda na niyan, Rose! Sayang naman!" "Hindi ko naman kailangan ng tulad niya. Sapat na saken yung makakatuwang ko sa pagtulong sa pamilya ko at mamahalin ako ng tapat." Sagot kong agad na sinimangutan ni Liezel. "Sa tingin mo ba Liezel, ang isang gaya niya ay magseseryoso saken?" "H- ha? O- oo naman! B- bakit hindi? Maganda ka, mabait at matalino pa!" "Sa mundo niya, Liezel, mas maraming makahihigit saken. Siguradong marami dyang mas maganda, mas matalino, mas mabait at higit sa lahat nakaaangat sa buhay. Yung tulad niya. Hindi niya kailangan ng liability, kailangan niya yung babaeng makasasabay sa buhay niya. Yung perpekto na, walang kulang." Malalim na hininga ang aking pinakawalan at kalauna'y napatigil na sa ginagawa. Hindi ko alam kung para saan ang kirot na nadarama ko."Hindi ako ang babaeng yon..." Biglang natahimik ang dalawang kausap ko kaya naman nagtaka ako. Nang mag- angat ako ng tingin ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Shin habang pinanunuod ako. Gaya ng madalas na nangyayari, bumilis ang pagtibok ng puso ko. "I don't need you to be perfect for me, Rosalie. I already have everything I need. Ikaw na lang ang kulang." *** Inalis ko sa pagkakakabit ang seatbelt na nakaharang sa akin bago naiilang na bumaling kay Shin na ngayon ay nakatuon ang buong atensyon sa akin. Hindi ko talaga gusto ang reaksyon ko sa tuwing nasa malapit siya. Bakit ba kasi ako laging kinakabahan? Noon naman ay hindi ako ganito sa kanya. Iba yon kasi hindi pa siya nagtatapat sayo noon. Napabuntong hininga na lang ako sa naisip kong iyon. Kung bakit naman kasi kailangan pang umabot sa ganito ang lahat ng ito. Masyadong kumplikado, nahihirapan na ako. "What's the sigh for?" Bahagya akong napatalon nang biglang magsalita si Shin. Nakakunot noo siya ngayon habang mariing nakatitig sa akin. "Are you exhausted? Of course, you must be. Why don't you just quit that job of yours and use your free time to rest and study? You're exhausting yourself way too much." "Hindi ako maiintindihan ng isang tulad mo. Mayaman ka kaya kahit anong gawin mo ay pwede. Kahit hindi ka pumasok sa trabaho, you will never run out of money." Diretsong turan ko sa kanya. "The last part is true." Napangiwi siya sabay kamot ng batok. "But you got the first part wrong, Rosalie. Even if we lead different lives it doesn't mean it's all rainbows and butterflies with me. I have it hard at times too. My work can be difficult and tiring too." "Pero sigurado namang mas madali yon kesa magtanim at mag- ani." Hindi ko alam kung bakit nagtunog himutok iyon imbes na simpleng sabi lang. Hindi ko iyon sinadya. "You got a point there." Natatawang sabi niya. Mas lalo tuloy sumingkit ang singkit na niyang mga mata. "But as much as I want to stay here and talk for endless hours, I'd rather you get inside that house and rest now. I know you're very tired, Rosalie. Please take a rest." Bahagya naman akong tumango at saka ngumiti sa kanya. Kahit naman sabihing medyo napipilitan lang akong sumabay sa kanya pauwi tuwing matatapos ang trabaho ko ay hindi naman maipagkakailang, nasisiyahan ako sa ilan niyang mga sinasabi. Hindi naman mahirap pakisamahan si Shin. Mabait siya at palabiro pero hindi yung tipong nakakaasar kaya madaling gagaan ang loob mo sa kanya. "S- salamat sa paghatid, Shin..." Ngumiti siya sa akin at gaya ng madalas na ginagawa niya tuwing maghihiwalay na kaming dalawa ay kinuha niya ang aking kamay at saka hinagkan ito. Hindi pa rin ako nasasanay kahit na ilang beses na niyang ginawa ito. Ramdam ko na naman ang pamumula ng pisngi ko. "I'll see you again tomorrow. Promise me you'll sleep early, okay?" Malapit na ang prelim exam kaya kailangan ko nang magsimula sa pag- aaral. Ayoko noong saka ako maghahabol sa mga aralin kung kailan kinabukasan na ang exam. Pero hindi ko na sasabihin yon sa kanya. Alam kong magrereklamo lang siya kapag sinabi ko iyon. Kaya naman tumango na lang ako kahit na wala pa talaga akong planong matulog. Dalawang oras lang naman na review iyon. Alas- nuwebe pa naman ang klase ko, mabilis naman akong kumilos kaya kahit alas- otso na ko gumising. "Your preliminary exams are due next week, right?" Tanong niyang tinanguan ko naman. "Good luck. I really hope you won't exhaust yourself too much. That would be harder for you, if ever. A missed day in college isn't as simple in high school." Tipid akong ngumiti saka tumango. "Alam ko na yan. Osige na, papasok na ko sa bahay. Umuwi ka na ha? Salamat ulit." Pinaglaruan muna niya ang kamay bago dahan- dahang binitawan. "I'll miss you tonight." Hindi ko napigilan sa pagpula ang aking mga pisngi. Kailangan pa ba talaga niyang sabihin iyon sa akin? Hindi ba niya alam na nakakailang yon? Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya bago binuksan ang pinto ng kanyang Hummer. Ito rin iyong ginamit naming sasakyan noong magpunta kaming Sagada. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, marahil ay dahil sa naging reaksyon ko. Palagi lamang niya akong tinatawanan pag ganoon ang reaksyon ko. Tingin ko sinasadya talaga niyang tuksuhin ako. "Goodnight, angel." Isang matamis na ngiti ang pabaon niya saken nang lumabas ako at pumasok na sa loob ng boarding house. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang panahong bumisita kaming dalawa sa Sagada. That was a good memory. *** "That man is pure evil! Magbigay ba naman ng surprise quiz! Urgh! Kaasar!" Paghihimutok ni Jelly habang nagliligpit ng mga gamit niya. Nagsisilabasan na ang mga kaklase namin kasi tapos na ang ang last subject. Yun nga lang, karamihan sa kanila ay nanlulumo dahil sa surprise quiz na ibinigay ng prof namin. "Ikaw, Rose, may nasagutan ka ba?" Hindi ko alam kung anong sasabihin pero bilang pakikisama ay simpleng sagot lang ang ibinigay ko. "Meron naman." Napaangil naman siya dahil sa sagot kong iyon. Napangiwi na lang ako. Mas lalo pa atang sumama ang loob niya dahil sa naging sagot ko. Nag- aral naman kasi ako kagabi sa subject naming yon kaya may naisagot ako. "Ikaw pa nga ba mawawalan ng isasagot, ang sipag mong mag- aral tapos ang bilis mo pa maka- pick up ng lessons." Utas pa niya. "Rose! You have to help me! Turuan mo naman ako!" "O-oo sige." "Naku! Salamat! Buti na lang at nandyan ka kundi baka bumagsak ako sa subjects natin." Tuwang- tuwa naman niyang sabi sa akin. Napangiti na lang ako sa reaksyon niya. Nang makalabas kami sa silid ay natigilan kaming pareho nang makita si Ashton. Nakasandal siya sa may pader at halatang may hinihintay. Hindi ko na kailangan pang hulaan dahil alam kong ako ang kanyang hinihintay. Ilang araw din siyang hindi nagpakita, alam kong dahil iyon kay Shin. Umayos siya sa pagkakatayo nang makita ako. Ang mga kamay niyang nasa magkabilang bulsa ay inilabas niya at saka naglakad palapit sa akin. "Rose..." "Hi Ashton." Nakangiting bati ni Jelly sa kanya. Tinanguan naman siya nito tapos bumaling siya sa akin. "Sige, Rose, una na ko ha? Paturo bukas ha?" Nakangiting tumango ako. "Ingat ka." Nauna nang umalis si Jelly kaya naiwan ako roong kasama si Ashton. Okay na ako ngayon, napatawad ko na siya sa kanyang inasta kaya handa na akong kausapin siya. "Can we talk?" Ani Ashton na tinanguan ko naman. "Mamaya pa part time mo diba? Perhaps maybe we can eat out and then I'll drive you there." Tumango lamang akong muli. "Sige. Saan ba?" "There's an Army Navy nearby. Doon na lang tayo." Aniyang muli kong tinanguan. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod na lamang ako. Hindi siya umiimik kaya naman ganoon lang din ako. Siguro ay mas gusto niyang doon na lang kami mag- usap. Nang makalabas kami ng building ay dumiretso kami sa parking space kung saan naroon ang kanyang kotse. Tahimik niya akong pinagbuksan ng pinto at agad naman akong pumasok roon. Sunod siyang pumasok at saka mabilis na pinaandar ang sasakyan palabas ng campus. Hindi ko na tinangka pang lingunin o sulyapan man lang ang main gate nang mapadaan kami roon. Pakiramdam ko ay hinihintay ako ni Shin doon pero sana ay hindi. Sana ay hindi niya ako puntahan ngayon sa university. Makalipas lamang ang ilang sandali ay narating na namin iyong Army Navy na sinasabi ni Ashton. Dumiretso kami roon sa isang table sa may gilid ng fast-food. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito dahil hindi pa naman ako ganoong katagal rito sa Maynila. Pero base sa mga litratong nakapaskil sa dingding ay mukhang masasarap ang pagkain rito. Freedom fries? Libertea? I found the name of their menu really cute and creative. "What do you want? Burger? Burrito? Rice Meal? Tacos? Quesadillas?" Napatingin naman ako kay Ashton na nakatitig sa akin habang kaharap kong nakaupo sa mesang napili namin. Napatingin naman akong muli sa mga pagpipilian. Napangiwi ako sa nakitang mga presyo ng pagkain. This place is really expensive. 175 pesos for a burger? 80 pesos for an iced tea? "Y- yung freedom fries na lang." Sagot ko namang agad niyang sinimangutan. Napangiwi naman ako. I knew he would react like that. "I can pay for anything you want to order, Rose. Come on, don't insult me." Nakasimangot niyang saad. Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Ikaw na ang bahala. Wala naman akong alam sa pagkain rito." Tumango naman siya saka tumayo. "Okay. I'll order for us. Wait here." Umalis na siya at saka naglakad patungo sa counter na walang ibang umo- order. Hindi ko alam kung ano o- orderin niya para saken pero bahala na. Nakakahiya lang dahil ang mamahal ng pagkain rito. Ilang sandali lang ang nakalipas ay nakabalik na rin agad si Ashton sa table namin. Kumpara sa seryoso niyang ekspresyon kanina ay medyo malumanay na ngayon ang kanyang ekspresyon. Mabuti naman dahil medyo naiilang ako sa seryoso niyang mukha kanina. "The food will arrive in a few minutes. I hope you're not hungry yet." Aniya pagkaupo sa kanyang pwesto. "You'll like their food though. I'm sure of that. Their burger here tastes great." Ngumiti naman ako para kahit paano'y mabawasan ang ilangan sa pagitan namin. "Talaga? Sige, tingnan natin kung papasa nga sa panlasa ko." Ngumisi naman siya at doon ko nakitang nawala na yung kung anong nagpipigil sa kanyang makitungo ng normal sa akin. Pinagsalikop niya ang kanyang dalawang kamay at saka itinukod ang dalawang siko sa mesa upang idantay roon ang kanyang baba. "I missed this. I missed you, you know?" Nginitian ko lamang siya. "I'll take it as you didn't miss me." Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago pabirong hinampas ang kanyang braso. "Syempre na- miss kita! Kaibigan kita eh." Bigla naman siyang bumuntong hininga. "Kaibigan..." Mahina niyang usal saka ngumiti ng marahan. "Soon, I'll change that." Inirapan ko lang siya ng pabiro. "Asa ka pa." "Umaasa naman talaga ako." Ngisi niya. "Sorry na dun sa nangyari ha? I was just so damn jealous. Hindi ko sinasadya yung nangyari, you know I'll never do something that will upset you on purpose. I'm really sorry, Rose." "Masyado kang seloso." Sinabi ko sa kanya. Lumungkot naman ang kanyang ekspresyon. "You're forgiven na." Agad na nagliwanag ang kanyang mukha. "Talaga?" Tumango ako. "I promise not to do anything that will upset you again, at least not on purpose. Thanks, Rose." Muli ko lang siyang nginitian. "Sus, maliit na bagay." Napatingin naman ako sa counter kung saan tinatawag na ang kanyang pangalan. "Oh, okay na ata yung mga in- order mo. Tinatawag ka na don." Agad naman siyang lumingon roon at saka kinuha ang tray kung saan naroon ang mga in- order niya. Pagdating niya ay dala na niya iyong tray na mayroong dalawang burger na nakabalot sa aluminum foil, dalawang mataas na cup ng drinks at isang karton na pinaglalagyan noong fries. Inilapag niya iyong tray sa mesa at saka umupo. Ngumisi siya bago kinuha ang isang burger at inilagay sa harapan ko pati na yung isang baso. Mapapasubo ata ako rito. Sobrang laki pala ng burger na yon kaya napakamahal. "Let's eat." Nakangiting sabi niya bago sinimulang tanggalin sa pagkakabalot iyong burger. Nang matanggal naman niya iyon ay agad kong naamoy ang mabangong aroma noong burger. Masarap nga ata. Dahan-dahan kong inalis ang foil na nakabalot sa burger ko. Nang maalis iyon ay kumalat muli ang mabangong amoy ng burger. Hindi ko akalaing makakakain ako ng ganitong pagkain rito sa Maynila. Nagpatuloy ang pag uusap namin ni Ashton. Lumipas ang kalahating oras at naubos niya ang burger niya pero ako ay nangangalahati pa lamang. Hindi ko masabi sa kanya na hindi ko kayang ubusin iyon dahil sa hiya. Masasayang kasi kung hindi ko uubusin. Siya pa naman ang nagbayad ng mga kinain namin. "You don't have to eat all of it kung di mo na talaga kaya. It's alright, Rose. Hindi naman ako magagalit." Turan ni Ashton nang marahil ay mapansin na halos hindi ko na talaga kayang kagatan iyong burger ko. Umiling naman ako. Hindi, kailangan ko itong ubusin. Sayang. "Kaya ko to." Tinawanan lang niya ang naging sagot ko. "Okay. Take all the time you need, I'm not in a hurry naman. Mas gusto ko nga yong magtagal tayo rito." Binagalan ko ang pagkain para hindi ako mabigla o saktan ng tiyan. Tatlong oras pa naman bago ang shift ko sa store kaya di ko kailangan masyadong magmadali. "Where were you these past days?" Naisipan kong itanong sa kanya. Puro kasi tungkol sa school ang napag- usapan namin kanina. Pansin kong medyo umiiwas siya doon sa topic na may kinalaman kay Shin. Marahil ay iniisip niyang baka magalit ako o hindi ko magustuhan iyon. Pumangalumbaba naman siya sa harap ko at diretso akong tinitigan habang kumakain. Medyo nailang tuloy ako. "I was everywhere. I was busy watching you from afar. It was complete torture but just seeing your face was enough. Kompleto na araw ko, masulyapan ka lang." Agad namang namula ang magkabilang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi. Magsasalita na sana ako para maibsan ang nararamdamang hiya at pagkailang pero hindi ko na nagawa dahil bigla na lang may humigit sa akin patayo at may pumulupot na braso sa aking baywang. "You should start getting used to it, kid. Cause that's all you will ever be able to do from now on." Hindi ko na kailangan pang lingunin ang nagsalitang iyon dahil sa amoy pa lang at boses ay alam ko na agad kung sino iyon. How did he know we were here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD