Chapter Eight

2331 Words
LOSE MY MIND   ROSE   Agad kong inalis ang pagkakapulupot ng braso ni Shin sa aking baywang. Mali itong ginagawa niya. Kung umakto siya ay para bang pagmamay- ari niya ako! Ayokong isipin niya na ayos lang sa akin ang ginagawa niya, hindi pwede to, dapat niyang malaman na hindi ko gustong binabakuran ako. "Shin." Panimula ko pero agad din itong naputol nang biglang magsalita si Ashton. "You're on the first name basis now?" Napalingon ako sa kanya at nakita kong kunot na kunot ang kanyang noo. Pinanlakihan ko siya ng mata at agad namang lumamlam ang kanyang ekspresyon. "Sorry..." Muli kong binalingan si Shin at saka binigyan ng isang matalim na tingin. "Ayoko ng binabakuran ako. I already told you, no one owns me. No one can and no one will. Kaya pwede ba Shin, stop acting sa possessive!" "Possessive? Angel, you can't call this possessive yet kasi kung possessive ako, hindi mo kasama ang lalaking yan ngayon. If I'm possessive, you will not be working part time jobs. You won't even have to attend classes in a university dahil ako mismo ang magdadala ng mga professor sayo. If I'm possessive, you'll be living with me in my house. You won't be serving other people, dahil ako na mismo ang magsisilbi sayo." Mariin niyang wika habang diretso ang tingin sa aking mga mata. Panay ang pagkuyon ng panga at halata sa kanyang tinig ang pagkairita. "My girl doesn't deserve a life like this. You deserve all the best and I can give you all that!" Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Nasanay ba siyang nasusunod ang lahat ng gusto niya kaya ganoon din ang ineexpect niya pagdating saken? Nasanay siyang nakukuha niya ang kahit na anong gusto niya kaya ngayong nahihirapan siya pasunurin ako ay nagkakaganito siya. "You heard her man! Stop forcing her into something she doesn't want! You do not own her! Nobody owns her!" Galit na turan naman ni Ashton sa kay Shin. Naalarma naman ako dahil sa mga salita niya. I can see Shin's already pissed. Baka magkagulo ang dalawang ito. Matalim na tingin ang iginawad ni Shin kay Ashton. "You keep your mouth shut, kid. You won't like it when I'm mad." "You don't scare me." Gumanti ng matalim na tingin si Ashton sa naunang si Shin. Nagsimula na akong kabahan. "Just because you're a f*****g billionaire, doesn't mean you can have everything you want. Ibahin mo siya, Shin Ryuzaki. Rose is not something you can own. She has a mind and will of her own." "I'm not trying to own anything or anyone here, kid. My goals are simple. To get rid of the likes of you and to make her fall so deeply and madly in love, she won't ever think of anyone else but me. You don't always have to own it to possess it, you just have to know the right things to do to keep it." Pahayag ni Shin na siyang nagpatahimik sa aming dalawa ni Ashton. Sinasabi niyang hindi niya ako kinakanya o binabakuran pero sa mga kilos naman niya ay ganoon ang nangyayari. Hindi ba't ang pagpapalayo sa mga tulad ni Ashton ay pag- aangkin na rin? Kumuyom ang panga ni Ashton at kita ko na ang iritasyon sa kanyang mukha. Para bang gusto na niyang undayan ng suntok si Shin pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Sana kumalma lang siya. "Then fight fair, man! Wag kang madaya, hindi porke boss ka ng mga magulang niya, you already call the shots! Let her decide on what she wants to do!" Apela pa ni Ashton saka tumingin sa akin. "I'm sorry, Rose but I can't keep my promise na maghihintay lang ako. I can't just do that, not anymore. I have to do something I can't let him take you away so easily." "A- Ashton..." Gusto kong ipaintindi sa kanya na walang kompetisyon rito. Walang magpapagalingan o magpapalakasan dahil wala akong balak na baguhin ang desisyon ko. Gaya nga ng sinabi ko noon, wala akong panahon para sa mga relasyon na yan. "Try, kid. Make a move. Fight for her. I'll let you do that. But I'm telling you now, trying is futile. She'll choose me eventually and you can't do anything about it." Tila sigurado nang sabi ni Shin. Nabaling tuloy ang atensyon ko sa kanya dahil sa mga salitang binitawan niya. Gaano naman siya kasigurado na mahuhulog nga ako sa kanya? Anong plano niya? Tingin ba niya ay tulad ako ng mga babae sa mundo niya, na madali niyang mabibilog at makukuha? Dapat ngayon pa lang alam na niyang iba ako. Hindi ako tanga. Hindi ako kailanman magpapakatanga sa pag- ibig. Hindi ako kailanman susugal sa pag- ibig. Gaya na nga lamang sa tunay na buhay, marami ang tumataya at nawawalan, pero kahit na ganoon ang nangyayari ay tuloy pa rin sila. Taya lamang ng taya hanggang sa makuha na ang gusto pero ako... hindi ko magagawa ang pagtaya na yan. Dahil hindi ko kakayanin ang tumaya at kalauna'y matalo. Kasi kung matatalo ako, mauubos ako... at kung mangyayari iyon, baka hindi ko na kayaning bumangon. "Try, Shin. Try making me fall... but I'm telling you now. Trying is futile. No one will ever get me." Matapos iyong sabihin ay tinalikuran ko na silang pareho at saka umalis sa lugar na iyon. Bukas na lamang ako hihingi ng paumanhin kay Ashton. Mali yong iniwan ko na lang siya basta pero sana ay maintindihan niya. *** "Rose, focus! Matatalo na tayo!" Napalingon ako kay Jelly na sumigaw ilang metro lang ang layo sa akin. Kasalukuyan kaming naglalaro sa fourth set ng volleyball game na magsisilbing preliminary exam namin at aaminin ko, hindi ako makapag- focus. Kahit anong gawin ko, wala talaga sa game ang isip ko. Rose! Umayos ka! Grade niyo ang nakasalalay dyan! Kalaban niyo pa si Keisha kaya ayusin mo! Kung ayaw mong matamaan ng bola sa mukha. Ayaw ko sanang isipin na sinasadya niyang i- spike papunta sa akin ang bola sa tuwing magkakaroon siya ng pagkakataon, pero iyon talaga ang pansin ko. Kagaya ngayon, nag- spike na naman siya at kung hindi ko pa iyon na-block agad ay baka tinamaan na ako sa mukha. Iyon nga lang mukhang napasama ang paghampas ko sa bola. Agad kong naramdaman ang matinding kirot sa aking pulso matapos hampasin pabalik sa kabilang court ang bola. Napangiwi ako at nasapo ko na lamang ang palapulsuan kong matinding ang pagkirot. Narinig ko ang pito ng referee at saka biglang pumalibot sa akin ang mga kaklase ko. Nasa tabi ko na agad si Jelly at kita ko ang pag- aalala sa kanyang mukha. "s**t. Are you okay, Rose? Ang sama nung hampas mo sa bola!" Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Ramdam ko ang sakit sa aking pulso pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanilang lahat. Sunod kong narinig ay ang boses ng prof namin na pinatatabi ang mga kaklase ko upang malapitan ako. "Bernardo, that was a bad hit. You were obviously out of it. How's your wrist?" Anang prof namin bago dahan- dahang kinuha ang braso ko at ininspeksyon ang kanang pulso ko. "Namamaga ang pulso mo. You need to get it checked asap. Alvarez, samahan mo siya sa infirmary." "Yes, sir." Sagot naman ni Jelly at agad na akong inalalayan para makatayo ng maayos. Hindi ko na naisip pang maaaring mababa ang makuha kong grade sa PE dahil distracted ako sa sakit na dala ng na-sprain kong kamay. Ingat na ingat si Jelly habang inaalalayan ako sa paglalakad. Kung hindi siguro masakit ang pulso ko ay natawa na ako. Sobra kasi ang pag- aalala niya, malayo naman ito sa bituka. "Super sakit ba?" Bakas pa rin sa kanyang boses ang pag- aalala. "Hindi naman. Masakit lang, hindi sobra." Pagsisinungaling ko sa kanya. Bumuntong hinga siya. "Ikaw naman kasi, kung anu- anong iniisip mo. Hindi ka mag- focus sa laro eh halata namang pinupunterya ka talaga ng demonyitang Keisha na yon." "Pasensya na. May mga iniisip lang talaga ako." Hinging paumanhin ko naman. Pumalatak lang siya sa naging tugon ko. "Halata naman. Ano ba kasi yang mga problema mo at hindi mo man lang magawang isantabi kahit panandalian. Maaaksidente ka sa ginagawa mo eh." "Wala. Hindi naman mahalaga." "Sus. Lokohin mo lelang mo. Hindi mahalaga eh distracted ka buong game. Yan tuloy. Pustahan iyong manliligaw mong hapon ang iniisip mo no?" Bahagya naman akong natigilan sa kanyang sinabi. Paano niya naman nalaman na si Shin nga ang iniisip ko? Pero hindi ko pwedeng aminin. Ayokong may iba pang makaalam sa isyu tungkol kay Shin. "H- hindi ah. Bat mo naman nasabi?" "Kasi yun lang naman ang posibleng problema mo ngayon. Hindi mo naman nako- contact ang pamilya mo sa Benguet diba? Kaya imposibleng sila ang pinoproblema mo ng ganyan. Imposible rin namang si Ashton kasi kahit nga ilang araw yong hindi nagpakita ay parang wala lang naman sayo." Nagkibit balikat pa siya. "Tsaka alam kong problema ang dala non lalo na't nalaman niyang magkasama kayo ni Ashton kahapon." Agad na napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Paano niya nalamang... teka. Wag mong sabihing. "Nakausap mo siya, Jelly?!" "Oo. Actually, madalas ko siyang nakakatext lalo na pag kasama kita. Di ka kasi niya ma- text kaya saken siya nangungulit." Tila walang pakialam pa niyang saad. Para bang hindi iyon big deal! Nasapo ko na lang ang aking noo. "Jelly naman, bat di mo sinabi sa akin ang tungkol don?" "Kasi magagalit ka sigurado. Tsaka ayaw niyang ipaalam sayo, kaso nadulas naman ako. Kaya good luck sa kanya kasi alam kong aawayin mo siya mamaya." Ngisi pa niya. Naku, sumasakit ang ulo ko sa babaeng to. "Hala ewan! Bahala nga kayo." Iyon na lamang ang aking nasabi bago tumuloy sa paglalakad papunta sa infirmary. *** "Mild sprain lang naman so eventually ay maghi- heal rin yan. Just remember to put cold compress for twenty to thirty minutes every three or four hours. That way, mas mapapabilis ang paggaling. I just have to remind you though, umiwas sa mabibigat na trabaho. Kahit simpleng paggalaw o paggamit lang niyang pulso mo ay iwasan. You need to let it rest for at least 48 hours. Baka lumala pa iyan." Pagpapaliwanag ng university doctor sa akin habang nakaupo ako sa clinic bed sa loob ng infirmary. Naroon sa waiting area si Jelly at naghihintay na matapos ako. "For now, tapusin mo muna ang pagko- cold compress then I'll put an ointment sa affected area. I'll also wrap it with a bandage para hindi mo masyadong ma- strain ang wrist mo. Okay?" "Okay po." Pagtango ko naman. "You can go back to class if you want to but I suggest that you stay here and rest for a while. I'll just write you an excuse letter para sa subjects mo. What do you think?" Ngumiti lang ako at saka bahagyang umiling. "Papasok na lang po ako sa klase." Napangiti naman ang doktor sa sinabi ko. "Okay then. Tawagin mo na lang ako kapag tapos na yan. Papabalikin ko na rin sa klase iyong kasama mo." "Salamat po." Utas ko at simpleng tango ang naging sagot niya roon. Nang makaalis siya ay sunod namang pumasok sa nakaharang na kurtina si Ashton. Hingal na hingal pa siya at pinagpapawisan ang noo, halatang kagagaling lang sa pagtakbo. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka. Anong ginagawa niya rito? Wala ba siyang klase? "Ashton, bat ka nandito?" "I heard what happened." Sagot niya. "I ran here as soon as I heard about it." Nginitian ko siya upang makita niyang na- appreciate ko ang pag- aalala niya. "Salamat sa pag- aalala at pagpunta mo rito pero wala ka bang klase ngayon? Baka naman nag-cut ka para lang mapuntahan ako? Wag ganon, Ashton." "Don't worry, tapos na ang klase ko nang magpunta ako rito. Mamaya pa ulit 1pm ang next class ko." Aniya saka umupo sa upuang nasa tapat ng kamang inuupuan ko. Bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa cold compress kaya natigilan ako at napatingin sa kanya. Kinuha niya mula roon ang cold compress at saka dinungaw ang pulso kong ngayon ay namamaga at kulay violet na. Tumunghay siya sa akin. "This is a bad bruise. What did the doctor say?" Nagkibit balikat ako habang siya ay marahang dinampi ang cold compress sa pulso ko. "Di naman daw malala. Kailangan lang i- cold compress every three or four hours tapos lalagyan daw ng bandage para di ma- strain. Ipahinga ko rin daw ng dalawang araw." "How about school and work? Will you be able to write or even work sa convenience store?" Magkasunod niyang tanong. Sa totoo lang di ko pa alam. Siguro madaling solusyonan yung sa pag- aaral at pagsusulat ko pero yung sa part time, medyo komplikado. Mukhang kakailanganin kong lumiban ng dalawang araw para magpagaling. Napailing na lang ako. "Bahala na. Di ko pa naiisip. Pero papasok ako sa next class, ayokong mahuli sa lessons. Yung sa part time ko, mamaya ko na iisipin pagpunta don." "Ihahatid kita mamaya, okay?" Sabi pa niya. "Please, wag ka na tumanggi. Hindi ako mapapalagay kung hindi kita maihahatid." Napahinga na lang ako ng malalim saka tumango. "Sige na, mapilit ka eh." Ngumiti na lang siya at saka itinuloy na lang ang pag- aasikaso sa pulso ko. Hinayaan ko na lang siyang gawin iyon, nakakatuwa rin kasing panuorin yung ekspresyon niya habang ginagawa iyon. Sakto namang nag- angat siya ng tingin sa akin kaya naabutan niya akong nakangiti. Agad kong inalis ang ngiti sa mga labi ko at nagkunwaring seryoso. Bigla naman siyang ngumisi at saka kinurot ang ilong ko. "Huli ka na, kunyari ka pa dyan." Natatawa niyang sabi. Iningusan ko lang siya kaya mas lalo siyang natawa. "Nai- in love ka na saken no?" Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ang lawak ng imahinasyon nitong si Ashton. "Baka!" "Sayang! Akala ko pa naman!" Pagbibiro naman niyang tinawanan ko lang muli. "Pero babag---" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil bigla na lang may marahas na humawi ng kurtinang nagpaparte sa mga kamang nasa loob ng infirmary. Halos mapatalon ako mula sa pagkakaupo sa kama nang makita ang seryoso at tila galit na ekspresyon ni Shin. Tiim na tiim ang kanyang bagang pero nang makita niya ang halos magkahawak na naming kamay ni Ashton ay napabuga na lang siya ng hininga. Napalitan ng... sakit? Tama ba ang nakikita ko? "I promised myself I wouldn't let yesterday happen again cause I don't want you mad at me." Bumuntong hininga siya bago nasapo ang kanyang ulo. "But damn it angel, this is too much. Hanging out with him is one thing but him touching you is a whole different situation. If this continues, I'm definitely going to lose my mind."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD