DENIAL QUEEN
ROSE
Binawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Ashton. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahiya dahil sa tila basag na ekspresyon ni Shin. Hindi ko na alam kung anong ekspresyon ni Ashton dahil ang buong atensyon ko ay na kay Shin. Natauhan na lamang ako nang tumayo siya at harapin si Shin.
"How did you get in here? You're not a student here. You don't have business here either." May diing sinabi ni Ashton sa kay Shin. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang dilim sa kanyang mga mata.
Binalingan ni Shin si Ashton nang blangko lang ang ekspresyon. Walang galit o iritasyong makikita roon. Hindi ko malaman kung alin ang mas maganda, iyong pinakikita niyang galit siya o iyong blangko lang ang kanyang ekspresyon. Parang mas nakakatakot ang ganitong reaksyon niya ngayon.
"Is that even a question? I have the means to do anything, even the unimaginable." Kinilabutan ako sa tinig niya. Hindi ko alam pero parang may pagbabanta roon. Siguro ay nagkamali lang ako. Bakit niya naman pagbabantaan si Ashton, hindi naman siguro siya aabot sa ganoong punto diba?
Medyo naging tensyonado ang paligid dahil sa mga salitang iyon na binitawan ni Shin. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil batid kong nasa akin ang buo niyang atensyon ngayon. Si Ashton naman, mula sa gilid ng aking mga mata, ay nakikita kong masama ang titig kay Shin. Pinanalangin ko na lamang na bumalik na ang doktor para makaalis ako sa tensyonadong eksenang ito.
Agad din namang nasagot ang aking dasal dahil biglang bumukas ang kurtina at pumasok ang school doctor. Medyo nabigla pa siya nang maabutan si Shin roon. Hindi niya siguro alam na narito ito.
Naglakad siya papalapit sa akin at saka inabot ng dahan- dahan ang braso ko. Napatitig ako kay Shin na hanggang ngayon ay diretso pa rin ang pagkakatitig sa akin. Hindi ko sigurado kung anong ibig sabihin ng tingin niyang iyon pero batid ko ang iritasyon doon. Bumaba pa ang tingin niya sa kamay ng doktor na nakahawak sa pulso ko. Don't tell me pati ang doctor ay pagseselosan niya?
"Pwede na yan, Ms. Bernardo." Anang doktor pagkatapos inspeksyunin ang pulso kong bahagyang nawala ang pamamaga. "Lalagyan ko na lang ng ointment and then we'll wrap it after it dries off."
Tumango na lamang ako habang ang doktor naman ay may kinuhang maliit na tube sa bulsa ng lab gown niya. Binuksan niya iyon at saka niya nilagyan niyon ang aking pulso. Maingat at magaan ang kanyang kamay habang ginagawa iyon pero hindi naman maiiwasan na mapangiwi ako dahil masakit pa talaga iyon.
Napatingin akong muli kay Shin na tahimik na pinanunuod ang ginagawa ng doktor. Saktong pag- angat niya ng tingin sa akin ay napangiwi ako. Nakita ko ang pagtiim ng kanyang bagang kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
"There. It's done." Nakangiting wika ng doktor matapos pahiran ng ointment ang pulso ko. Ngumiti na lang rin ako pabalik. Narinig kong suminghap si Shin pero hindi ko na lang siya pinansin. "I'll check on you after ten minutes para i- wrap ang wrist mo."
Tumango na lang ako. Ngumiti pa siyang muli bago marahang tinapik ang ulo ko at umalis na.
"I swear to God I'll hit him if he continues hitting on you."
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I swear to God may mali na sa pag-iisip ni Shin. "Shin!"
I heard Ashton sigh kaya napalingon ako sa kanya. Bumaling siya saken habang kumakamot sa batok. "He's got a point though, Rose. The doctor was obviously hitting on you."
"Seriously, Ashton? Ang lawak ng imahinasyon niyo!" Di makapaniwalang utas ko. Seryoso talaga sila? Nagkasundo nga ang dalawang to pero sa maling bagay naman.
"We're men, Rosalie. Alam namin ang istilo ng isa' isa." Sabi ni Shin. "It was too obvious. I can see the way he looks at you. f**k! He likes you!"
"Stop it, Shin. You're imagining things. That was the doctor, I can't believe pati siya pag iisipan mo ng masama! He was just being nice!" Pagalit kong sinabi dahilan kung bakit muling nairita ang kanyang ekspresyon.
Umirap pa siya bago muling nagsalita. "There's a difference between being nice and being a damn flirt! That guy was obviously hitting on you. I know cause that's what this guy is trying to do with you."
Itinuro pa niya si Ashton kaya nainis naman ang huli. "f**k you man. My intentions are pure."
"Shut up, kid." Utas ni Shin kay Ashton.
Napabuntong hininga na lang ako. Nagsisimula na naman ang dalawang ito. "Stop it you two! You're overreacting lalo ka na!" Sinabi ko saka itinuro si Shin. "Lahat na lang ng lalaking lalapit saken ay pinag iisipan mo ng masama. Ang laki ng problema mo!"
"I wouldn't have a problem if only they would stop hitting on you! I'm losing my mind here, can't you see?" Tila bigong sabi ni Shin. Pakiramdam ko tuloy ay ako pa ang masama rito.
Napatingin naman ako kay Ashton na nakatingin kay Shin at tila ba naaasiwa sa pinagsasabi nito. Nabaling na rin sa akin ang kanyang atensyon nang mapansin niya ang tingin ko. Tinanguan ko siya ng bahagya at para bang alam na niya agad ang ibig kong sabihin dahil tumango rin siya pabalik.
"Thank you, Ashton. Mamaya na lang ha?" Sabi ko sa kanya.
Muli lang siyang tumango bago hinawakan ang braso ko. "I'll drop by your last class later para sunduin ka, okay?" Tumango ako. "See you later."
Lumabas na si Ashton ng clinic at ni hindi man lang pinansin si Shin. Nang makaalis si Ashton ay saka lang tuluyang lumapit sa akin Shin. Umupo siya sa tabi ko kaya naman umisod ako ng kaunti. Hindi ko siya magawang tingnan dahil sa pagkailang. Batid ko namang nakadungaw siya sa akin habang ako ay nakatuon ang buong atensyon sa malaking pasang namuo sa pulso ko.
"I'm sorry if I keep on annoying you. I'm sorry if I can't help but be aggressive whenever a guy is near you. I'm sorry if I can't control my words and actions. I'm sorry, angel." Naramdaman ko ang dahan- dahang paggapang ng kamay niya upang mahawakan ang kaliwang kamay ko. Nang matunton niya ito ay maingat niyang pinagsalikop ang aming mga daliri dahilan kung bakit nagsimulang bumilis ang pintig ng aking puso. "I want you to know that I'm trying. That's why I stayed away yesterday... I wanted to give you your space and so I can reflect on my actions... but angel, I really can't just stand and do nothing while some other guy is hitting on you. I'm telling you, I'll really lose it."
Nasapo niya ang kanyang noo at tila hirap na hirap nang tumuloy sa pagsasalita. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa aking kamay pero hindi naman tipong nasasaktan ako. Marahan niyang hinaplos ang palad ko at saka dinala iyon sa kanyang bibig. Hinalikan niya ang likod niyon at buong puso akong tiningnan sa mga mata. Ayokong magpadala sa ekspresyon ng mga iyon ngunit mahirap... kahit anong pagpipigil, natatangay ako. Mali ito. Hindi pwede.
Nagbawi ako ng tingin bago inalis ng marahan ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Bumuntong hininga ako. "Nasanay kang madaling nakukuha ang mga gusto mo, Shin. Nasanay ka na sa isang salita mo ay susunod na ang lahat. Sa mundo mo, ganoon ang madalas na nangyayari. Ikaw ang mataas at ang mga tao sa paligid mo ay pawang mga sunud- sunuran sayo. Pero sana isipin mo na ako... hindi ako kabilang sa mundo mo. Mayroong koneksyon ang mga mundo natin dahil sa empleyado mo ang mga magulang ko pero... hindi ako kabilang roon. Hindi mo ako pag- aari o empleyado upang diktahan mo kung kailan mo gugustuhin. May sarili akong isipan at ako ang magdedesisyon para sa sarili ko."
Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at saka tumayo upang makaharap siya. Sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ko at saka tinitigan ng diretso sa mga mata. Nakita ko ang pagkabigo roon ngunit kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang nasa isipan ko.
"Hindi ko idedepende ang mga desisyon at galaw ko sa kung anong magugustuhan mo at makapagpapasaya sayo. Ang mga desisyon ko ay para sa sarili ko dahil iyon lang ang nararapat. Sino pa bang magpapasaya sa akin kung hindi ang sarili ko?" Huminga ako ng malalim dahil parang nahihirapan akong ituloy ang mga susunod ko pang sasabihin. Nahihirapan ako dahil sa nakikitang pagkabigo sa kanyang mga mata. "Kaya kung hindi mo iyon matatanggap, wala na akong magagawa pa. Kung hindi mo ako matatanggap pati na ang mga taong nagmamalasakit sa akin, sa tingin ko ay wala na ring saysay para ituloy mo ang pagpursige sa akin."
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang minutong nanatiling walang umiimik sa amin. Hinihintay ko siyang magsalita ng kahit ano ngunit mukhang nawalan na siya ng sasabihin. Hanggang sa makabalik ang doktor ay hindi kami nag- usap.
"Just remember what I said, okay? Wag masyadong igalaw at pagpahingahin ng one to two days. Cold compress for twenty to thirty minutes every three or four hours. And if ever you feel pain, you are allowed to take pain relievers." Paalala pa ng doktor matapos balutan ng bandage ang pulso ko. Nginitian niya ako pagkatapos niyon. Medyo nag- aalangan akong ngumiti pabalik dahil nasa malapit lang si Shin. Kasasabi ko lang na magdedesisyon ako para sa sarili ko pero heto at parang kinakain ko agad ang mga salita ko. "Ayaw ko mang sabihin to but, I hope you won't come back here anymore Ms. Bernardo. You take more care of yourself."
Tinapik pa niya ang ulo ko kaya nahihiyang tumango na lang ako. Bahagya kong tiningnan si Shin mula sa gilid ng aking nga mata at nakita kong nakahalukipkip siya habang iritadong nakatingin sa kawalan. Halata sa pagkuyom ng kanyang kamao ang iritasyon. Kailangan ko nang umalis dahil pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na siya.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama at saka nakangiting nagpaalam sa doktor. Hindi maitatangging may itsura at maganda ang pangangatawan ng doktor na ito, kaya siguro ganoon na lang ang reaksyon ni Shin. Idagdag pa na mas bata pa ito sa kanya ng dalawang taon.
"Thank you po." Sinabi ko sa doktor.
Tumango naman ito at sumabay sa paglalakad ko palabas. "You're welcome, Ms. Bernardo. You go now and take your lunch. May klase ka pa hindi ba?"
"Opo. Sige po, mauuna na kami." Wika ko bago inabot ang braso ni Shin na nakatayo di kalayuan sa amin. Hinigit ko na siya upang makaalis roon. Tumango lang ako sa doktor at saka lumabas na ng clinic habang hinihila ang wala pa ring imik na si Shin.
Nang makarating kami sa parte ng corridor na wala nang katao- tao dahil mukhang nasa canteen na ang mga ito ay biglang bumitaw sa pagkakahawak ko si Shin. Natigilan ako sa ginawa niya at napalingon sa kanya. Marahan lang naman iyong paghigit niya sa kanyang braso, sadyang nabigla lang ako sa kanyang ginawa.
Nang lingunin ko naman siya ay nakita kong blangko lamang ang kanyang ekspresyon habang nakatingin sa ibang direksyon. Magsasalita na sana ako pero naunahan naman niya ako.
"I'm sorry for how I acted. Please, make sure you'll eat your lunch. I'll go on ahead now." Sinabi niya ang lahat ng iyon ng hindi man lang ako tinitingnan. Tinalikuran rin niya ako nang ganoon lang. Walang lingon likod niya akong iniwan roon. Natameme ako sa naging reaksyon niya. Hindi ko inexpect na pagwo-walk out-an niya ako ng ganoon.
Masama na ba ako dahil sa pagsasabi ko ng nararamdaman ko? Alam kong hindi niya magugustuhan ang sasabihin ko pero I still said it kasi kailangan niyang malaman yon. He wouldn't know if hindi ko sasabihin. He wouldn't learn if hindi ko ipapaliwanag sa kanya. Is he mad at me now? Kung ganoon wala na akong magagawa. I shouldn't please him just because he's someone higher than me. Kung talagang gusto niya ako, he will understand. He will try to adjust for me.
Napairap na lang ako sa kawalan bago naglakad paalis roon. Dumiretso ako sa canteen upang mananghalian. Papasok na ako sa pinto nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko iyon at nakita ko si Jelly na tumatakbo papunta sa akin. Tumigil ako para hintayin na siya.
"Oh, Jelly. Bat nasa labas ka? May klase pa tayo diba?" Nagtataka kong tanong sa kanya. May halos kalahating oras pa para sa isang subject namin eh.
Inayos niya ang pagkakasabit ng bag niya sa kanyang balikat bago nagsalita. "Nag- dismiss ng maaga si prof kasi may importanteng lakad." Sinabi niya habang bahagyang hinihingal. "Pinapasabi nga pala nung supervisor mo na di mo na kailangan pumasok ngayon at bukas sa trabaho."
"Ha?" Gulat kong tanong. Paano niya nalaman iyon? "Kanino mo naman nalaman?"
Inikot niya yung mga mata niya na para bang obvious na yung sagot at ang bagal ko para di malaman iyon. "Tinatanong pa ba yan? Edi sinabi saken ng Shin mo."
Nilampasan na niya ako at saka binuksan ang pinto patungong canteen. Hinawakan naman niya iyon hanggang sa makapasok ako. Naglakad kami patungo sa pila upang makabili ng pagkain.
Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi niya. Si Shin ang nagsabi? Ibig sabihin ba noon ay kinausap niya ang supervisor? Ano naman kayang sinabi niya rito?
"K- kelan niya sinabi sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina, nung bago kita puntahan rito. Nakasalubong ko siya. Sa kanya ko rin nalaman na dito na ang punta mo." Simpleng sagot naman niya habang dinudungaw ang mga pagkain sa di kalayuan. Bigla naman siyang bumaling saken nang nakangisi. "Bongga mo ha? Inasikaso niya pa talaga lahat para di ka na mahirapan. Excused ka na sa trabaho, excused ka pa sa mga klase natin."
"A- ano?" Naguguluhan kong tanong.
Mas lalo pang lumaki ang ngisi niya. "Nang sinabi ko sa kanyang naaksidente ka kanina, nagpunta siya agad sa part time job mo para kausapin yung supervisor mo. Tapos dumiretso siya rito sa university para kausapin yung mga prof natin. Excused ka na hanggang bukas sa mga class works pero kailangan mo pa ring pumasok. Ang sweet masyado ha!"
Napalunok ako. He did all that for me? And instead of thanking him, kung anu-ano pang mga sinabi ko.
"Hindi na dapat niya ginawa yun. Dapat di na siya nakialam." Iyon ang namutawi sa aking bibig. Magkaiba ang iniisip ko sa lumalabas sa aking bibig. Rosalie anong nangyayari sayo?
Ngumiwi sa akin si Jelly. "Arte mo, girl. In denial ka masyado. Halata namang may feelings ka sa kanya."
"Hindi! Wala akong nararamdaman para sa kanya, Jelly." Mariin ko namang pagtanggi.
Inikot niya lang ang mga mata niya. "Whatever you say. You can lie to me pero sa sarili mo, hindi. Bahala ka dyan, denial queen."
Natahimik ako dahil doon.
In denial? Ako? Hindi. Hindi talaga. Bakit ko naman ide deny? Hindi ko naman talaga siya gusto...