CHAPTER 3

1420 Words
Pagkatapos ng kasal ay mabilis na umeskapo si Jasmin. Mabuti nalang talaga at naisipang sunduin si Karen ng mga magulang nito kaya sumabay agad siya. Abot-abot ang pasasalamat niya dahil nakaligtas siya sa mapanuring tingin ng lalaki na kanina niya pa iniiwasan. Matapos ng kanilang pag-uusap ay hindi na siya mapakali. Sa loob ng limang taon ay pinilit niyang kinalimutan ang gabing iyon ngunit hindi siya nagwagi. At tila naging problema pa tuloy ang pagkikita nilang muli. Hindi niya alam kung anong nasa isip ng lalaki at ganon ito umasta sa kanya. Sigurado siyang maraming babae ang nababaliw dito kaya hindi niya maintindihan kung bakit willing itong magbayad ng malaking halaga sa kanya. Habang sakay sa kotse ng mga magulang ni Karen ay hindi nawala ang agam-agam niya. "Okay ka lang ba ate Jas? Kanina ka pa tahimik eh." si Karen na napansin ang pananahimik niya. Agad siyang umayos ng upo at ngumiti ng pilit. "O-oo naman. Nahilo lang ako at medyo pagod, pero okay lang ako." sagot niya. "Pero alam mo ate, napansin ko kanina 'yong lalaking lumapit sayo ah! Syet.. Kilala mo ba iyon? Ang gwapo!" kinikilig nitong wika. Pabulong iyon sa takot na marinig ng magulang nito sa unahan. Nasa backseat silang dalawa. Bahagyang nanlaki ang mata ni Jasmin at umiling. "H-hindi! May tinatanong lang yon.. Hindi ko kilala." pagkakaila niya. "Sayang naman ate. Mukhang yummy eh, parang kaya kang ibalibag ng isang kamay lang!"nakakalokong bulong pa ni Karen. Sukat sa narinig ay namula ang buong mukha ni Jasmin. Tila tuksong pumasok sa isip niya ang nangyari sa kanila. Tama si Karen, kaya nga siyang ibalibag ng lalaki gamit lang ang isang kamay. Tandang-tanda niya kung gaano ito kalakas para idiin siya palapit sa katawan nito. Napalunok siya sa naisip. "Tumahimik ka babaeta ka! Marinig ka ng magulang mo!" saway niya sa nakababatang pinsan. May pagka maloko kasi talaga si Karen. Kahit bente dos anyos lang ito ay mas marami pa itong karanasan kesa sa kanya. Hindi lang ito open sa mga magulang dahil conservative ang lahi nila. "Namumula ka.. Oy.. Iniimagine mo no?" tukso parin nito. "H-hoy! Hindi ah! Naeeskandalo ako sa pinagsasabi mo! Tumahimik ka." sabi nalang niya. Ngising-aso lang ang pinsan at kumindat pa sa kanya. Siya naman ay nag-iinit ang pisngi dahil sa takot na mabisto ang sekreto niya. Mabuti nalang at malapit na silang makauwi kaya tumahimik na din ito. Paminsan-minsan ay sinusundot nito ang bewang niya kaya pinanlalakihan niya ito ng mata. Kung alam lang ng pinsan na higit pa sa balibag ang ginawa nila ng lalaking iyon dati. Naalala niyang hindi siya nito tinigilan hanggang sa siya na ang sumuko dahil mahapdi na sobra ang bulaklak niya! --- Balik na ulit si Jasmin sa trabaho. Matapos ang bakasyon sa probinsya ay lumuwas agad siya. Isa siyang teacher sa high school sa Makati. Ang mga magulang niya ay nasa bohol at minsan lang siyang makauwi doon. Kakauwi nga lang niya doon noong isang linggo para um-attend ng kasal. At ngayon nga ay balik na ulit siya sa pagtuturo. Nangungupahan lang siya sa isang studio type apartment sa Makati magmula ng magturo siya. Gusto niyang maging independent kaya lumuwas siya sa lugar na ito. Tatlong taon na simula nang maging teacher siya at so far ay na e-enjoy niya ang trabaho. Sa loob nang tatlong taon ay bihira siya makauwi sa kanila at nataon lang noong kasal ni Pedro at kasal ng bago niyang kaibigan na si Abby. Nag stay lang siya doon ng isang linggo sa bahay ng mga magulang para tapusin ang kanyang natitirang isang linggong leaved. "Oh, teacher Miranda, tapos na ba ang klase mo?" tanong ng kasamahan niyang guro kay Jasmin. "Oo. Pauwi na rin ako. Idadaan ko lang tong mga answer sheets ng mga bata sa faculty at bukas ko na titingnan." "Ihatid na kita." anito. "Hindi, okay lang ako Sir Velasco.. Malapit lang naman ang tinitirhan ko." Magalang niyang tanggi. Wala na itong nagawa kundi tumango at umalis. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang pagpapahaging ng kasamahan sa kanya. Sadyang wala pa siyang balak pumasok sa isang relasyon kaya umiiwas siya hangga't kaya. Marami siyang obligasyon sa pamilya at sa ibang bagay. Nang makauwi sa apartment ay nagluto agad siya ng pagkain niya. Simple lang ang tinitirhan ni Jasmin, pagpasok ay may kama sa gilid, isang malaking sofa, isang table, dalawang upuan at may tv at electric fan. Sapat na sa kanya ang ganon dahil hindi naman kailangan ng bongga. Kumain siyang mag-isa at naligo. Nag check ng mga output ng mga studyante at pagkatapos ay nag cellphone sandali at natulog. Ganon lang ang routine niya araw-araw. Kinaumagahan ay papasok ulit siya sa trabaho. Nagitla si Jasmin dahil aligaga ang buong faculty room. Maaga naman siyang dumating ngunit parang hindi siya updated sa nangyayari. Hindi na siya nakatiis at nagtanong sa isang kasamahang teacher. "May darating bang bisita Teacher Ellen?" aniya. "Oo. Isa sa malaking sponsor dito sa school. Siya yong nag donate sa pagpapatayo ng building diyan sa likod 'yong bagong PAGCOR building." sagot nito. "Bakit biglaan?" "Hindi ko din alam eh. Ang alam ko unknownymous ang sponsor diyan. Ngayon lang yata gustong magpakilala." "Ganon ba.. May program ba?" tanong pa niya ulit. "Wala naman. Ang sabi ng head at pupunta lang daw sa school para bumisita. Baka dito lang sa faculty. Katulad ng ibang sponsor na gustong makita ang project na pinatayo nila." sagot ulit nito. Tumango-tango siya at lumapit na sa mesa nila. Naiintindihan niya ang pagiging aligaga ng head nila. Ang sponsor kasi na ito ay matagal nang nado-donate sa school. Ito ang nagpatayo ng clinic, Court para sa mga athletic student at ngayon nga ay nagpatayo ulit ito ng building. Malaki ang naitulong ng PAGCOR building para mas maging komportable ang mga mag-aaral. Hindi na din masikip ang room nila dahil marami nang room sa bagong building. Meaning, malaki ang naitulong ng donation nito sa paaralan nila. Ekasaktong 10 am habang nasa klase siya ay sumenyas ang isang guro na pinapatawag siya sa faculty. Binigyan niya ng activity ang klase bago lumabas. Kapag may bisita dapat ay kompleto ang mga teacher kaya hindi na siya nagtaka na pinatawag siya. Pagpasok ni Jasmin sa faculty ay nandon na pala lahat ng guro. Tila nahiya siya ng bahagya dahil mukhang siya yata ang hinihintay. Yumuko siya at naupo sa likod ng isang teacher. Sa dami ng teacher doon ay hindi niya makita ang lalaking nakatagilid na nakaupo sa bandang unahan. Expected na niyang matanda ang sponsor dahil iyon ang lagi niyang nakikita sa tuwing may bumibisita. Nasa unahan din ang head na malaki ang pagkakangiti sa kanilang lahat. May nakita din siyang mga guro na tila kinikilig na nakatingin sa unahan kaya napakunot ang noo ni Jasmin. Ang hindi niya napaghandaan ay ang pagtayo ng lalaki sa unahan! Tila nayanig ang mundo niya ng masilayan ang matangkad at matipunong lalaki na ma hawak na mic! Baston black jeans at tinuping white polo ang suot nito na hapit sa maskuladong katawan. Hindi pala matanda ang bisita nila kundi gwapo at batang nilalang! Agad siyang yumuko at nagtago sa likod ng matabang teacher. Nagkutkot niya ang kuko sa sobrang kabado. Small world! Paano naging si Miguel Santibañez ang sponsor sa school nila? Kaya pala halos lahat ng teacher, matanda o bata ay mapula ang labi! Mukhang nagka-oras pa ang mga ito na maglagay ng lipstick nang makita ang bisita nila. Nagsalita ang lalaki at nagpasalamat sa mainit na pagtanggap ng skwelahan dito. Sobra ang galak ng head nila ng sinabi nitong may ipapatayo ulit itong auditorium. Ma swerte pala ang skwelahan nila dahil ito ang napiling sponsoran ng kompanya ng lalaki! Kaya pala kahit magkano daw ang bayad sa kanya ay hindi problema, mukhang nagtatapon pala ito ng pera dahil sobrang yaman nito. Nagpasalamat siya ng matapos itong magsalita. Hindi siya nito nakita kaya hindi na siya tumingala pa. Sana ay umalis na ito dahil hindi pa niya nakakalimutan ang pinag-usapan nila isang linggo na ang nakakaraan. Nakatakas na siya eh! Pero mukhang hinahabol yata siya ng kamalasan. Nang akala niya ay tapos na dahil isa-isa nang nagsilabasan ang mga guro, ay tumayo na din siya. Ngunit nang akma na siyang hahakbang ay siya namang pagtawag sa kanya ng head. Napapikit si Jasmin at napatigil sa akmang pagtalikod. "Ms. Miranda, please escort Mr. Santibañez, gusto niyang makita ang buong skwelahan." turan ng head teacher nila sa kanya. Hindi alam ni Jasmin kung tatakbo o haharapin ang lalaking siguradong nasa kanya na ang atensyon ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD