Matapos ang kasal ay hindi muna siya pinauwi ni Abby. Sa reception ay hindi siya halos makapagfucos dahil damang-dama niyang may isang pares ng mata ang mainit na nakatingin sa kanya. Sa sobrang kaba ay hindi niya kayang alamin kung sino ang taong iyon. Kahit ang totoo ay alam naman talaga niya kung sino.
May host sa stage at nasa bandang unahan ang bride at groom. Kanina pa nagsimula ang program pero aligaga siya simula pa nang makarating galing simbahan. Ilang beses niyang tinangka na magpaalam pero hindi siya makalapit kay Abby. At ang katotohanang malapit pa yata ang lalaking iniiwasan niya sa ikinakasal dahil best man ito ng groom!
She was sitting at the corner while her head was straight. Takot siyang lumingon sa gilid at ayaw niyang lumikot ang tingin. For sure magkaka-stiffneck siya pagkatapos nito pero wala siyang pakialam. Palakpak at maliit na ngiti lang ang ginagawa niya sa tuwing nasasalubong niya ang tingin ni Abby. Gusto na niya itong lapitan upang tuluyang magpaalam pero hindi siya makahanap ng tiempo.
Dinampot niya ang wine sa harapan niya at sumimsim doon. Si karen ay busy na sa kausap nito kaya mag-isa siya sa mesa. Lihim siyang nagpasalamat ng hindi na niya makita ang lalaki sa upuan nito ng lumingon siya sa gawi kung saan ang table ng mga kaibigan nito. Sana naman ay umuwi na at hindi na sila magkita pang muli.
Ilalapag na sana niya ang goblet ng may biglang magsalita sa kanyang likuran dahilan para mapaigtad siya. Ang wine ay bahagyang natapon ang laman sa kanyang dibdib dahil sa gulat!
"Holy fu-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng makita ang lalaking iniiwasan niya.
Paano ito kadaling napunta sa harap niya?
"Just relax, I didn't do anything." sumasayaw ang amusement
sa mata ng lalaki sa harap niya. Ni hindi niya namalayan kung kailan ito nakalapit sa kanya ng hindi niya namamalayan.
Kumuha siya ng tissue at pinahid ang dibdib na nabasa ng wine. Nanginginig ang kamay ni Jasmin at ang gusto nalang niyang gawin ay tumakbo paalis.
"Let me do it."
Nanigas siya sa kinauupuan ng dumampi ang kamay ng lalaki sa puno ng kanyang dibdib. Kahit may hawak itong tissue ay hindi iyon nakakatulong para maibsan ang init ng kamay nito na dumadampi sa balat niya.
"Kaya ko na," paasik niyang wika nang makabawi.
Ano bang gusto nitong palabasin? At bakit pa ito lumapit?
"I think we already met before." he stated. Hindi tanong o anupaman.
"Excuse me?"
"I know that you knew what I mean, lady."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Mr." ni hindi niya pala ito kilala pero naging bangungot ang alaala niya sa taong ito.
Masarap na bangungot!
"Miguel. Call me Miguel Santibañez."
"I'm not interested." Aniya na hindi pinahalatang kinakabahan.
"Oh, too bad. But that's not what I heard when you moaned and screams under me.. five years ago." mahina ang boses nito pero kinikilabutan siya.
Wala sa sariling tumiim ang labi ni Jasmin at nanlaki ang mata.
Ang tagpong iyon na pilit niyang kinakalimutan pero tila tuksong gabi-gabing pumapasok sa panaginip niya. Ang gabi kung paano niya binigay sa lalaking ito ang kanyang dangal. Kung paano niya nalasap ang kakaibang sarap sa tanang buhay niya. Hindi siya lasing ng mangyari iyon kaya bawat detalye yata ay natatandaan niya!
"You remembered." He snapped in her face kaya nagising si Jasmin sa malalim na pag-iisip.
"Wala akong alam sa sinasabi mo." paninindigan niya.
Kahit pa alam nitong alam niya ay hindi parin siya aamin. Paninindigan niya ang kasinungalingan dahil iyon lang ang kaya niyang gawin sa mga oras na iyon.
"Right.. But, I think you deserved your p*****t, it's five years late, woman."
Nag-init ang ulo niya. Sa tingin talaga ng lalaki ay isa siyang bayaran. Totoong hindi niya nakuha ang isang milyong bayad na napag-usapan. Pagising niya ng madaling araw ay labis niyang pinag sisihan ang kagagahang ginawa! Nagmadali na agad siyang makaalis sa lugar na iyon at ilang ulit umusal ng panalangin na sana ay hindi ito magising.
Kahit pa sabihing parehas silang nasarapan ay hindi niya matanggap sa sarili na binenta niya ang puri. Ng isang milyon! Kahit pa hindi niya nakuha ang naturang pera ay iyon parin ang napag usapan nila. Pumayag parin siya.
Dumukwang ito palapit at tila tuksong bumulong pa sa kanya. Nanigas si Jasmin at hindi man lang nakahuma.
"Stop denying the obvious. How about I'll make it 5 million for an another night?" bulong nito sa tenga niya.
Kumuyom ang kanyang kamao at gusto itong sapakin. This arrogant bastard!
Nasaling ang ego niya at tila naligwak ang confident na inipon niya sa sarili ng ilang taon. She was a teacher now at hindi na koliheyala na willing kumapit sa patalim!
"Oh, I'm sorry, but 5 million is not just my worth, now." aniya.
Nakita niyang parang natigilan ito at tumiim ang labi. Lihim siyang napangiti.
Mabuti nalang at busy ang mga tao sa paligid kaya hindi sila napansin na nag-uusap.
"Name your price then," malagom ang boses nitong sambit.
"Sinasabi ko sayo Mr. Santibañez, hindi mo na afford ang halaga ko ngayon."
"You don't know that. Money is never a problem to me."
Napataas ang kilay niya. Gaano ba kayaman ang lalaking ito?
"May cliyente ako ngayon kaya hindi ako pwede." Hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya.
Gusto niyang sabihin na hindi siya bayaran pero para saan pa? Limang taon nang nakaukit sa isip ng lalaking ito na isa siyang bayaran kaya wala nang halaga ang paliwanag niya.
Nakita niya ang pagdilim ng anyo nito sa narinig.
"I don't care. I'm sure mas gwapo at mas bata ako sa kliyente mo."
He really was testing her patience! Kanina lang ay para siyang tanga na umiiwas sa lalaking ito pero ngayon ay heto sila, tila bumalik sa nakaraan at nakikipag negosasyon!
"Hindi nga pwede.." may inis niyang sambit.
"Why? I will double his offer." hindi parin tumitigil nitong turan.
"Maghanap ka ng iba dahil hindi na ako pwede." Nasabi nalang niya. Ngali-ngaling bulyawan niya ang lalaki pero siguradong makakakuha sila ng
atensyon sa mga tao. Nakakahiya sa ikinakasal.
Sobrang liit talaga ng mundo dahil hindi niya akalain na magkikita pa sila!
"No, I only want you.."
Wala na siyang nasabi dahil bigla nalang itong tumalikod. Ni hindi ito naghintay ng sagot niya. Pero sigurado si Jasmin na hindi pa ito ang huli nilang pag-uusap sa araw na ito.