There's no way to hide! Sigaw ng utak ni Jasmin.
Kagat-labi siyang humarap kay Mrs. Cañete, ang head teacher nila. Kulang nalang ay burahin niya ang mukha upang hindi masalubong nang tingin ang katabi nitong lalaki.
"Uhm.. I have a class po ma'am." kimi at mahina niyang sabi. Alam niyang hindi tama na salungatin ang utos ng head ngunit sa mga oras na 'yon ay iyon ang gusto niyang gawin.
"Let their next subject teacher attend to your class, Ms. Miranda. Mr. Santibañez is a very important visitor." may diin nitong pagkakasabi at mataman siyang tinitigan.
"Yes ma'am." wala na siyang nagawa kundi tumango.
Ni hindi siya tumingin sa gawi ng lalaki na alam niyang nasa kanya ang atensyon. Tila nagulat din ito nang makita siya pero saglit lang iyon dahil kalmado lang ang ekpresyon ng mukha nito. Nakapamulsa ang isang kamay sa suot na pants at bumaling kay Mrs. Cañete.
"I didn't know that you have a pretty teacher here Mrs. Cañete." May ngiting sambit nito kaya uminit ang pisngi ni Jasmin.
"Of course, Mr. Santibañez, by the way this is teacher Jasmin Miranda, she is a grade 10 teacher in English and definitely single." may halong panunukso ng head nila.
Nanlaki ang mata niya sa hiya. s**t!
Tumaas lang ang kilay ng lalaki at nakataas ang sulok ng labi.
"Oh, really?"
"Alright, si teacher Jas na ang bahala sayo hijo. Once again, thankyou for choosing our school to be the beneficiary of your company. Maraming studyante ang matutulungan kaya lubos ang aming pasasalamat."
"Don't mention it, Mrs. Cañete. My company is more willing to help in any circumstances. This school deserves it though." sagot naman ng lalaki.
Bago tumalikod ang head ay kinausap siya nitong samahan si Mr. Santibañez na ilibot sa buong skwelahan. Puro tango ang naging sagot ni Jasmin dahil dinudumbol ng kaba ang dibdib niya. Lalo na dahil ramdam niya ang mainit na titig sa kanyang likuran.
Nang sila nalang ang naiwan ay hindi niya kayang tumingin sa lalaki. Tense siya salungat nito na cool at tila walang pakialam na hinawakan siya sa kamay at hinila palapit dito.
"T-teka, hindi mo'ko kailangan hawakan!" piksi niya at lumingon sa paligid, kinakabahan na baka may nakakita sa paghawak nito sa kamay niya.
"What? May magagalit ba?" kunot ang noo nitong tanong.
"Una sa lahat, Mr. Santibañez, huwag mo sanang kalimutan kung nasaan tayo ngayon. Ikalawa, please act like we don't know each other dahil iyon naman talaga dapat. And lastly, don't stare at me like that." Mariin niyang sabi.
"Like what?" Pagmamaang-maangan nito.
"Like you wanted to undress me!" bulong niyang paasik.
She saw amusement in his beautiful eyes. Tila hindi nito inaasahan ang sinabi niya.
"As long as I wanted to undress you teacher Miranda, hindi ko iyan pwedeng gawin dito.. Kaya siguro.. mamaya nalang?" pabulong din nitong sagot.
Napapikit siya ng mata dahil kinilabutan siya sa sinabi nito.
"Tigilan mo yan. Have some respect Mr. CEO, teacher ho ang kausap niyo." matatag parin niyang sambit kahit ang totoo ay gusto nalang niyang manlambot ang tuhod. Sobrang prangka ng lalaki na hindi niya kinakaya ang lumalabas sa bibig nito.
"Right. I'm sorry." sincere ang pagkakasabi nito kaya bahagya siyang kumalma.
Nauna na siyang maglakad kaya sumunod ito. Nagsimula sila sa mga rooms sa ibaba. Lahat nang madadaanan nila ay napapatingin sa lalaking nasa likuran niya.
Sinong hindi titingin? Tila may diyos na naglalakad at naligaw sa skwelahan! Sa sobrang tangkad ng lalaki ay halos pumantay na ito sa bawat pinto ng rooms. Kita niya kung paano kiligin ang mga dalagitang studyante kaya napaikot nalang siya ng mata. May iba pa na halos mangisay na sa kinauupuan.
Mga mahaharot! Ang babata pa at may gatas pa sa labi!
Pagtapos nila sa baba ay doon sila sa PAGCOR. Bago palang ang building at may iilan pang rooms ang hindi nagagamit. Ini-explain niya lahat ng pagagamitan at kung ano ang maaring gawin sa mga bakanteng rooms doon. Wala naman itong sinabi na nakatitig lang sa kanya kaya sobra siyang naiilang.
Salita siya ng salita ngunit wala naman doon ang atensyon nito.
"Nakikinig ka ba?" Hindi na nakatiis niyang tanong.
"I just wanted to ask, How come you still have client? You are now a teacher.." sa halip ay narinig niyang turan nito.
Nagsalubong ang kilay niya dahil hindi niya nakuha ang tanong.
"You said may kliyente ka. Nakalimutan mo?"
Doon niya naalalang iba pala ang nasabi niya noong nagkita sila. Na loading sandali ang utak niya sa kliyenteng sinasabi nito.
"Nasa skwelahan tayo, dapat ko pa bang sagutin 'yan?"
"Yes, teacher Miranda." Pinagdiinan nito ang salitang Teacher.
"Wala akong dapat ipaliwanag sayo Mr. Santibañez. My life my rules." tanging nasabi niya.
Tumiim ang labi nito pero wala namang sinabi. Tumalikod na siya at pumasok sa ikalawang room. Wala paring ibang gamit doon kundi mga tambak na librong hindi pa nabubuksan. Malaki ang espasyo dahil iyon ang gagawin nilang bagong library ng skwelahan.
"Pagkatapos dito ay sa hall naman tayo." aniya. Mula sa peripheral vesion niya ay nakita niya itong inililibot ang tingin sa kabuoan ng malaking silid.
"Next month, ipapadeliver ko dito ang mga school supplies ng mga bata. Is there anything we can add para ma kompleto?" seryoso nitong turan.
Napatigil si Jasmin. Sa isang banda ay humanga siya sa totoong pagkakawang gawa nito. Personal pa itong bumisita para lang makita ang kakulangan ng skwelahan nila. Nakikita din niya kanina na bukal sa loob nito ang ginagawa. Sadyang iba lang ang dating ng pagkikita nila dahil sa nakaraan. Kung tutuusin ay hindi na dapat issue ang bagay na iyon sa lalaki dahil bukod sa matagal na iyong nangyari ay hindi naman siya especial upang pag ukulan nito ng panahon ngayon.
Siya lang ang asiwa dahil hindi naman talaga niya gawain ang bagay na iyon. Nadala lang siya sa sitwasyon at sa problema nila dati. Pero ang lalaki ay tila nakakita ng dating laruan sa katauhan niya! Ang akala yata nito ay sanay siya sa ganon at ginawa niyang career ang ganoong trabaho! Gusto pa siyang bayaran kahit magkano!
"Salamat sa pagmamalasakit mo sa mga bata. Dahil sayo umunlad ang skwelahan na ito kahit papano." turan niya. Sa buong durasyon na magkasama sila ay iyon palang ang bukal sa loob na lumabas mula sa bibig niya. Totoong sobrang thankful siya sa sponsorship nito sa skwelahan.
Tumango lang ang lalaki. Ang akala niya ay wala na itong sasabihin ngunit napatigil siya ng humakbang ito sa kanyang gawi.
"I've been donating this school for 2 years now, How come ngayon lang kita nakita?" may pagkunot ang noo nitong tanong habang palapit sa kanya.
Siya naman ay humakbang paatras. Hanggang sa maramdaman ng likod niya ang pader kaya wala na siyang maaatrasan.
"A-anong ginagawa mo? Nasa school tayo." paalala niyang may kaba sa dibdib.
"I know, I didn't do anything, wala pa."
Hindi man lang siya nito nilulubayan ng tingin kaya hindi na siya nakapagsalita!
"I'm just wondering.. you were a virgin when something happened to us five years ago. Did you even think about me? hm?" sobrang lapit na ng mga mukha nilang dalawa kaya napalunok siya ng wala sa oras.
Lihim siyang nagpasalamat dahil nasa medyo tagong lugar sila ,dahil kapag nagkataon ay malaking issue sa buong skwelahan kapag nakita ang posisyon nila ng lalaki. Sa sobrang lapit nila ay naamoy niya ang gamit nitong mouthwash.
"K-kinalimutan ko na iyon." nagawa niyang sambitin sa kabila ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.
"Really? Bakit takot na takot ka kapag nasa malapit ako?"
"I am not."
Tumaas ang isang kilay nito.
"Proved me, then." taas ang sulok ng labi nitong turan.
"P-paano?" naguguluhan niyang tanong.
"Tomorrow, in my place, 7pm sharp." walang kangiti-ngiti nitong sabi.
"Hindi ako makikipag s*x sayo!" agad niyang bulalas.
"I did not said that. Pero maganda rin 'yang naisip mo." nakangisi nitong wika.
"Hindi ako katulad ng iniisip mo Mr. Santibañez." sinalubong niya ang titig ng lalaki.
"I know that, Alam ko na ngayon na wala ka naman talagang kliyente, right? Kung meron man, ako lang iyon at wala nang iba. Keep that in mind Teacher Miranda."
Iyon lang ang sinabi nito bago siya lubayan at nauna nang lumabas ng room.