Unang bumungad kay Jasmin ang napakalaking arko na may pangalang CASA EL CUEGO sa lugar na pinuntahan nila ng pinsan. Kasal ngayon ng pinsan niyang si Pedro at inimbita sila nito. Kasama niya ang isa pa nilang pinsan na si Karen at ang mga magulang nito. Ang nanay at tatay naman niya ay hindi na makakapunta dahil may ani sa sakahan nila.
"Wow! Sobrang ganda dito, ate Jas!" Si Karen na excited habang nakatanaw sa sinasakyan nilang kotse.
"Oo nga, tiyak na makakapag enjoy tayo dito dahil malamig at presko ang paligid." sagot naman niya.
Mabuti nalang at pinayagan siya ng head niya na mag leave ng tatlong araw kaya siya nakapunta sa kasal ng pinsan. Si Pedro ay pamangkin nang tatay niya dahil magkapatid ang nanay nito at tatay Lucio niya.
Ayon kay Pedro ay idadaos ang kasal nito sa hacienda ng amo nito kung saan ito mismo nakatira. Sa katunayan ay dito sa hacienda na ito lumaki at nakapagtapos ng pag aaral ang pinsan niya sa tulong ng butihing amo. Kahit na may sariling propesyon na si Pedro ay hindi parin ito umaalis sa hacienda dahil dito na rin nakatira ang mga magulang.
"Ang swerte naman ni kuya Pedro at pinayagan siyang dito ganapin ang reception sa hacienda. Maghahanap tayo ng prospect, baka nandito na ang the one mo ate." Pang aasar sa kanya ni Karen.
Umikot ang mata niya at natawa sa pinsan. Sa edad na bente sais ay isang beses palang siyang nagkaroon ng nobyo. Hindi pa iyon seryoso dahil sa maraming dahilan. Sa sobrang busy niya sa maraming bagay ay wala na siyang oras para maghanap pa ng lalaking magugustuhan. Maraming nagsasabi na maganda at kaakit-akit siya. Mula sa singkit na mata, matangos na ilong, natural na mapula ang labi at maputi ang balat. Maraming lalaki ang nagkakaroon ng interest sa kanya ngunit siya itong walang panahon. At hindi niya alam kung bakit. Isang beses palang siyang nagkaroon ng koneksyon sa isang lalaki ngunit ayaw na niyang balikan ang yugtong iyon ng buhay niya.
Nang tuluyan na silang makababa ay mas lalo silang namangha. Ang mga tanim na mangga ay halos hindi mo abot ng tanaw. May kwadra pa siyang nakikita sa hindi kalayuan at may napakalaking bahay na nasa gitna niyon. Ang sabi ng pinsan niya ay pumunta agad sila ng simbahan matapos nilang mai-deposito ang mga gamit. Kaya nang maayos na ang mga dala nila ay sumakay ulit sila sa kotse at pumunta sa simbahan. Nandoon na si Pedro na parang hindi man lang excited na ikasasal na ito. Nagkibit lang siya ng balikat. Siguro ay kinakabahan lang ang pinsan.
"Congrats Pedro." aniya sa pinsan na nakatayo sa gilid ng aisle. Hindi pa dumadating ang bride kaya hindi pa nagsisimula ang seremonya.
Masaya siya para sa pinsan. Alam niya kung gaano ito nagsikap na maging maayos ang buhay at nakipag sapalaran sa abroad. Kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataong ito. Isa siyang public school teacher sa bayan nila kaya kahit hectic ang schedule ay nagpaalam talaga siya ng maayos. Kahit pa may kalayuan ang bohol na kailangan pa nilang bumyahe ng tatlong oras bago makarating dito.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang kasal. Maluha-luha siya habang nakatingin sa ikinalasal habang ang pinsan niyang si Karen ay busy sa tinitingnan nitong lalaki. Sa hula ni Jasmin ay ito ang amo ni Pedro. May kasama itong babae na sobrang ganda at pamilyar sa kanya. Parang nakita na niya ang babae sa isang magazine pero hindi niya sigurado.
Panay ang tapik ni Karen sa gilid niya dahil kinikilig ito sa lalaki. Hindi nga naman niya ito masisisi dahil sa lahat ng nandoon ay ito ang kapansin-pansin talaga. May pagkabanyaga ang mukha at sobrang tangkad nito. Seryoso din ang tingin ng lalaki na wari hindi man lang kumukurap. Nakaka intimida din ang aura nito kumpara sa lahat.
Matapos ang kasal ay idinaos ang reception sa hacienda. Tama ang hinala niya na ito ang amo ni Pedro. May asawa na pala ito kaya bagsak ang balikat ni Karen nang sabihin mismo ng lalaki iyon sa simbahan. Ang gaga ay hindi na nakatiis na kausapin ang lalaki kahit halos siya ay gusto nang magpalamon sa lupa dahil sa hiya.
"Kakahiya ka Karen. Baka bigla kang sabunutan ng asawa! Ayan oh, masama ang tingin sa'tin." aniya sa pinsan na ngisi-ngisi na ngayon.
"Chilaks ka nga ate Jas, mabuti nang deretsahan para hindi na tayo umasa. De bali, hahanap ako ng ibang fafa para sayo." Kumindat pa ito sa kanya.
Ang seste ay para sa kanya pala ang lalaking hahanapin nito!
"Hindi naman ako naghahanap ng lalaki Karen! Nakakahiya, ano ka ba." kakamot-kamot siya sa leeg dahil sa kapilyahan ng pinsan.
"Naku! Ikaw lang ang nagsasabing hindi. Pero mula nang maging teacher ka, hindi pa kita nakitang nakipag date, kaya chance mo na ngayon. May tatlong araw pa tayo sa hacienda kaya marami pa akong oras para maghanap."
Ilang beses na niyang sinabi sa pinsan na tigilan na ang kalokohan nito. Ang totoo, ay kahit sa lugar nila ay palagi siya nitong hinahanapan ng date. Ilang date na ang nai-set nito na hindi niya sinipot. Na trauma siya noong una niya itong pinagbigyan dahil ang na meet niyang lalaki ay mukhang naghahanap na nang asawa! Nagkumahog tuloy siyang makauwi dahil akmang aalayan agad siya ng singsing kahit unang kita palang nila! Kaya simula non ay hindi na siya pumapayag sa mga pakulo ni Karen.
Hapon na nang matapos ang kasal kaya sobrang napagod siya. Pagsapit ng gabi ay nakatulog agad siya sa bahay na nilaan ni Pedro para sa kanila. Ang sabi ng pinsan ay bahay iyon ng mga trabahador at bisita sa hacienda. May tatlong araw pa sila sa bakasyon na ito kaya susulitin talaga nila bukas.
Pagsapit ng umaga, ay hindi akalain ni Jasmin na magiging kaibigan niya ang asawa ng amo ni Pedro. Naasiwa siya noong una silang mag usap pero nang lumaon ay gumaan ang usapan nila. Hindi pa pala ito asawa pero may anak na ang mga ito at may unawaan na din. Sobrang bait pala ni Abby kaya bago siya umuwi sa lugar nila pagkatapos ng tatlong araw ay naging kaibigan niya ang babae. Sa katunayan ay pumunta pa sila sa engagement party ng mga ito na ginanap sa hacienda bago sila umuwi. Kinikilig siya at naiinspire sa napaka gandang storyang pag-ibig ni Abby at Damon kaya nangako siyang pupunta sa kasal ng mga ito nang imbitahan siya ng babae.
----
Buwan ang lumipas ay nakabalik nga ulit si Jasmin sa hacienda. Kasama niya ulit ang pinsang si Karen dahil ngayon ang kasal ni Abby at Damon.
Simpleng bestidang kulay puti ang suot niya na abot hanggang sakong ang haba. Korte parin sa kanyang bewang ang damit dahil fitted iyon sa katawan niya. Pagpasok palang ni Jasmin sa simbahan ay natuon agad ang tingin niya sa loob. Napahanga siya sa disenyo ng simbahan na halatang ginastusan ng mahal. Kapag ganitong eksena ay madali siyang maiyak kaya hindi niya mapigilang tumulo ang luha nang makitang papasok na si Abby sa simbahan. Hindi paman sila sobrang close pero ramdam niya ang kasiyahan sa mga ikinakasal.
Tumingin siya kay Damon na bahagyang nagpapahid ng luha habang hinihintay si Abby na makarating sa gawi nito. He was staring at his bride like she's the only person exist that time.
Dumako pa ang tingin ni Jasmin sa katabi nitong lalaki. Ito ang best man sa kasal at ngayon lamang niya napagtuunan ng pansin na matitigan ito. Matangkad, malaki ang pangangatawan at seryoso ang bukas ng mukha. Napakunot ang noo ni Jasmin nang matitigan ang pamilyar nitong mata.
Parang bigla nalang may kumabog sa dibdib niya nang masalubong ang tingin ng lalaki. Those eyes!
Tila kinapos siya ng hangin at napahawak sa dibdib. Bumilis din ang pintig ng puso niya na gusto na yatang lumabas sa ribcage niya. Pinagpawisan siya ng malapot!
Hindi niya pwedeng makalimutan ang mga mata nito! Nag iwas siya tingin at mabilis na nag-isip kung paano makakaalis agad sa simbahan matapos ang kasal. Hindi siya sigurado kung naalala siya ng lalaki pero kailangan niyang umiwas. Limang taon ang ginugol niya upang makalimutan ang isang gabing pagkakamali ngunit sa isang iglap ay bigla nalang bumulaga ang lalaking naging parte ng nakaraang iyon!
Hanggang sa matapos ang kasal ay hindi na niya halos naintindihan ang lahat. Lalo na't nararamdaman niya ang tingin ng isang pares ng mata patungo sa kanya.
Damn, Jasmin! Huwag kang papahalata! sigaw ng utak niya.
Sa wakas at natapos ang seremonya at may dahilan na siya para makaalis. Siguro ay mauuna na siya sa reception or aalis na siya sa lugar na iyon mismo. Kinakapos siya ng hininga dahil sa sobrang tense kaya halos hindi na siya makangiti sa bagong kasal.
Humakbang siya palabas ng simbahan at walang direksyong naglakad. Ang importante sa kanya ay makalaalis na siya sa kaparehong lugar kung nasaan ang lalaking iyon ngunit bago pa man niya magawa ay may tumawag na sa kanya.
"Hey, miss. Is this yours?" husky and baritone voice that make her heart skip a bit for a seconds.
Napahinto siya sa paglalakad pero tila ayaw niyang tingnan kung sino ang nasa likuran. Lord, give me mercy please..
Paanong ganoon kadali ay nasa likuran agad niya ito?
"Nahulog mo." ulit nito.
Dahan-dahan siyang lumingon para lang masalubong ang naninigkit na mata ng lalaki.
"S-salamat." pahablot niyang kinuha ang panyo sa kamay nito, ni hindi niya inalam kung sa kanya ba talaga iyon o hindi.
"You seemed familiar. Have we met before?" Anito na nakapamulsa sa harapan niya. Sa sobrang tangkad ng lalaki ay kailangan niyang tumingala. Ang naka manbun nitong buhok ay maayos na nakatali sa likod nito na nagpadagdag sa angkin nitong karisma.
"W-we don't. I'm sorry, but I need to go." Sa nanginginig na tuhod ay mabilis siyang tumalikod. Hindi na niya hinintay na sumagot ang lalaki at tuloy-tuloy siyang naglakad.
Lumiko siya sa pasilyo sa gilid ng simbahan at nagtungo sa rest room. Doon siya huminga ng malalim at nagpahid ng pawis. Sana lang ay hindi siya nito maalala, dahil iyon ang ginagawa niya, matagal na niyang kinalimutan na minsan sa buhay ni Jasmin ay binigay niya ang pinaka iingatang p********e sa isang estranghero kapalit ng pera.