CHAPTER 2

2293 Words
TWO: "The man in black." “GOOD afternoon, Miss Gwen. Mr. Christophen Johann is already outside,” anang sekretarya ni Gwenneth nang pumasok ito dito sa kanyang opisina para ipagbigay alam na nariyan na sa labas ang taong hinihintay niyang makita at makausap ngayong araw. “Nandiyan na?” Hindi niya naitago ang tense sa kanyang tinig, though pilit niyang tinatakpan ng kanyang confidence at composure. And why is she so tensed? Si Mr. Christophen Johann lang naman ang may ari ng isang napakagandang residential house sa Mactan na ibinebenta nito sa hindi birong halaga ng milyones. Dati pa talagang pinag-iipunan ni Kade na mabili ang bahay na ‘yon at isa na rin sa maraming mga magagandang pangarap nila noong nabubuhay pa ito, tulad na lamang na doon sila magsisimula bilang mag-asawa pagkatapos nilang maikasal, doon na rin bubuo ng sarili nilang pamilya, maghahabol ng mga chikiting at magpapalaki ng kanilang mga anak. Ang bright sana talaga ng future nila. Sayang talaga na hindi na nila matutupad ‘yon dahil wala na si Kade, kaya nga sobrang determinado si Gwen ngayon na mabili ang bahay na ‘yon para kahit na isa man lang sa mga pangarap ng katipan ay maisakatuparan niya. The fact na si Mr. Johann pa mismo ang pumunta dito sa kanyang opisina para sa negotiation. Nang pinatawagan kasi niya sa kanyang sekretarya nitong nakaraan para magpa-set ng appointment kung kailan itong pupuwedeng puntahan at makausap ay ito na mismo ang nagsabi at nagpresentang imbes na puntahan niya ito ay ito na lamang mismo ang pupunta dito sa kanyang opisina. It was really a privilege! Sa dami ba namang interesadong bumili sa residential house na iyon! It’s, actually, a competition in the market between the buyers. Gwen is just so glad, and at the same time, feeling a little bit pressured. She sighed and crossed her fingers. “Alright. Let him in.” Tumango si Leyla at sinunod ang kanyang sinabi. The next thing that happened, the door was dominated by the man in his formal black suit. Hindi nakaligtas sa ilong niya ang napakabango nitong imported and expensive signatured perfume kahit na naglalakad pa lamang ito palapit sa kanya. He’s tall and oozing in his oriental skin type. “Good afternoon, Mr. Johann. Welcome to Valencia Designs,” she greeted him and offered a handshake when he was already right in front of her. Yes, this five-storey building that they are in right now is the building of Valencia Designs. Ang kompanyang inumpisahan pa ng kanyang mga magulang at ipinamana sa kanya kaya ngayon ay siya na ang nagpapatakbo nito. She’s a fashion designer, and at the same time, she’s the big boss and President of her inherited company. The man gave her his hand without breaking his eyes on her. “Good afternoon.”  Hindi maiwasang makaramdam ni Gwen ng pagkailang. He looks so familiar. Saan at kailan nga ba niya nakita ito dati? Ang kaseryosohan sa mukha nito at malalalim na titig ng mga mata na para bang pati buong pagkatao niya’t kaluluwa ay hinihimaymay nitong isa-isa. “I wasn’t aware that the woman I’d meet today is, actually, so beautiful…” She smiled casually. “That’s quite a compliment. Thanks, Mr. Johann.” Pagkatapos ng kanilang pagkakamay, saka lamang naalala ni Gwen kung saan at kailan nga ba talaga niya unang nakita ang lalaki. It was last week! Sa sementeryo kung saan nakalibing si Kade.  Oo, tama! Ito nga ang lalaking iyon! Ang misteryosong lalaking iyon na bigla na lamang na lumutang sa likuran niya’t inalalayan siya nang muntik na siyang mawalan ng balanse sa pagkahilo! “It was you! Ikaw ang lalaking ‘yon!” she stated surely. Kumunot bigla ang noo nito sa pagtataka. “Who?” “‘Yung lalaki sa sementeryo last week. Ikaw ‘yon.” Tila mas lalo itong naguluhan. “I don’t get what you’re talking about. I arrived in the Philippines just three days ago. Your secretary contacted me the day after I arrived.” Napaiwas siyang bigla at napaisip. Tama nga naman. Iyon din ang pagkakaalam niya nang hindi pa niya nakakaharap si Mr. Christophen Johann. Marahang napailing siya… pero kasi ay sigurado siya. Ang pagkakaiba lang ng last week ay hindi niya nakita ang mga mata ng lalaking ‘yon dahil nakasuot ng sunglasses, kumpara sa ngayon na walang kung anong nakaharang sa mga mata nito. “Impossible…” Nang tingnan niya ito’y hindi ito nagsasalita pero nanatiling nakatitig sa kanyang mukha at ngayo’y bahagyang nakataas ang isang kilay. Maybe he finds her somewhat weird. Sa muli ay umiling siya at sa halip ay dumiretso na lamang sa totoong pakay. “Uhm, I’m sorry. Namali lang siguro nga talaga kita. Anyway, you’re here for business. I heard maraming may interes na bilhin ang residential house sa Mactan na ibinebenta mo. I feel so privileged that of all the interested buyers, ako ang napili mong personal na puntahan dito sa opisina ko para makausap.” Naisingit na rin niya ang pag-offer ng kung anong gusto nitong inumin*******, tea, or juice. But he refused politely and said that he’s fine. Pati ang pagturo sa upuang nasa harapan ng mesa niya para alukin itong maupo ay nagawa na rin niya, and he gladly did. Sumunod na rin siya sa upuan niya sa tapat ng kanyang mesa habang nakikinig sa sinasabi nito. “Yeah. I just get curious as to why you are so interested to buy my residential house when in fact, marami pa namang ibang ibinebentang residential houses sa Mactan na mas malalawak, mas magaganda, at mas negotiable pa for their prices. Why my house, Miss Valencia?” “‘Yon kasi ‘yung gusto at matagal nang pinag-iipunan ng isang taong napakahalaga sa akin. Gusto kong tuparin ang pangarap niya…” malungkot na ani Gwen habang malayo ang tingin at muling nanariwa sa kanyang isipan ang maamong mukha ng pinakamamahal na si Kade. “I assume that person must be very special to you?” Pinigil niyang maluha. She’s on a business discussion right now, kaya hindi dapat niya hayaang pangunahan siya ng kanyang personal na emosyon.“Sobra.” Christophen smiled. “Sigurado akong matutuwa siya kapag nalaman niya kung gaano ka kadeterminadong bigyang katuparan ang pangarap niyang ito.” Ngumiti din siya saka tumango-tango. “That’s for sure. Sayang nga lang at hindi na niya makikita pa kung papalarin akong sa akin mo ipagbibili ang bahay.” Bumakas sa mukha nito ang pagtataka. “Sayang at hindi na niya makikita? Bakit? Naghiwalay na ba kayo? Pumunta ba siya ng ibang bansa?” Masakit na umiling siya saka bumuntong. “Hindi. Wala na siya. Namatay siya a week before our supposed wedding.” Nabigla ito. “Oh that, I’m so sorry to hear that!” Tiningnan niya ang kaharap tapos ay marahan siyang ngumiti at umiling. “It’s okay. Anyway, kung nandito pa siya, alam ko namang hindi siya papayag na ako ang bumili ng bahay kasi ang palagi niyang sinasabi, siya ang dapat na gumawa ng paraan at magsikap para sa aming dalawa. Kahit pa nga gusto ko siyang tulungan, ayaw talaga niyang manghingi ng kung ano mula sa akin, gusto niya lagi siya itong nagpapakapagod at nagsisikap para sa future namin. He was a hardworking man.” Hindi nagsalita ang lalaki at bagkus ay seryoso lamang na nakatitig sa kanya habang nakikinig sa bawat malungkot na kuwento ng pag-ibig niya. “Ang ganda pa sana ng kinabukasan naming magkasama, eh, pero pinutol ‘yon ng biglang pagkawala niya.” “What happened to you and him was quite tragic. Hindi ko mapigilang malungkot din. Pero nabanggit mo, kung nandito lang siya alam mong hindi niya gugustuhing ikaw ang gumastos at bumili ng bahay pero bakit gusto mo pa rin itong bilhin?” “Tulad nga ng sinabi ko, ang dami naming pangarap na naputol at hindi nabigyang katuparan dahil sa pagkawala niya kung kaya’t sobrang determinado akong kahit na ito man lang, ang bahay na pinapangarap namin, pinapangarap niya para sa amin, ang maisakatuparan ko para sa kanya kahit na wala na siya.” He sighed. “Alright. I guess I figured out you really love that man with all your heart.” Hindi na siya sumagot at malayo lamang ang tanaw habang bakas pa din sa ngiti ang lungkot at pangungulila. If only Kade is here, if only he’s still alive.... Christopher’s eyes darted on the picture frame that’s placed on Gwen’s table. “Is that him?” She looked at the picture frame too. Litrato iyon nila ni Kade together noong sabay silang gum-raduate sa kolehiyo sa magkaibang kurso ngunit sa iisang Unibersidad dito sa kanilang Siyudad. Tumango siya sa tanong ng kaharap niya. “Puwede ko bang tingnan?” tanong nito na ang tinutukoy ay kung pupuwede nitong hawakan para mas matingnan maigi ang litrato. She nodded, giving him permission. Kinuha nito ang picture frame mula sa kanyang table at inilapit nang husto sa mga mata nito. Gwen’s eyes followed the picture frame on Christophen’s hand and watched at how he looked at it. “You looked happy together,” opinyon nito. “We really were, at ganoon pa rin sana hanggang ngayon kung hindi lang siya nawala sa akin*” Naputol siya sa sasabihin at nanlalaki ang mga mata sa pagkabigla nang bumagsak ang picture frame sa sahig at nabasag ang salamin nu’n. Agaran siyang napatayo para tingnan iyon. Kukuhanin sana niya mula sa sahig ngunit naalala niyang may mga bubog ng basag na salamin, baka masugatan siya. She’s still in the middle of discussion for the residential house. “Oh that, I was very careless! I’m sorry!” agaran namang salita nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kanyang mga mata. Gustong panindigan ng kanyang mga balahibo sI Gwen, para kasing biglang nag-iba ang tono ng kaharap. Suddenly, he sounded insincere and even sarcastic. ‘Ni hindi din niya matanto kung tama ba ‘yung nakita niyang parang sinadya talaga nitong bitawan ang picture frame mula sa kamay nito para mahulog at mabasag sa sahig o guni-guni lamang niya kasi bakit naman gagawin iyon ng lalaki, ‘di ba? Tumayo na ito at namulsa na parang walang nangyari para magpaalam na. “Anyway, I guess I have to go now. I still have another meeting to attend to. I’ll be looking forward to talk to you again soon, Miss Valencia, and to finally giving you the key to the house. Ipapalakad ko na sa tauhan ko ang mga papeles na kakailanganin para maibenta na sa ‘yo nang tuluyan ang bahay.” Bigla ay napalitan ng tuwa at labis na excitement ang kanyang pakiramdam dahil sa malaking pag-asang ibinibigay nito na sa wakas ay ipagbibili na nito sa kanya ang residential house. She extended a hand on him. “Thank you so much, Mr. Johann. Thank you.” He smiled and accepted her hand. Gwen even gladly offered Christophen na ihatid ang huli hanggang sa labas. Pagkalabas ng pinto ng opisina, kaagad na may nahagip ang kanilang mga mata. A bouquet of white roses outside her doorstep and along with it is a letter. Bahagyang tumaas ang kilay ng kanyang kasama. “Kakamatay lang ng fiancé mo pero ‘yung ibang admirers mo panay pakitang gilas na kaagad. You’re really that beautiful, Miss Valencia…” She didn’t mind the hint of mockery in his baritone. Naisip niyang baka ganito lang talaga ka-straight forward ang taong ito na lahat ng nasa isip at sariling opinyon ay sasabihin nito nang walang kagatul-gatol. Kinuha na lamang niya ang bouquet at binuksan ang nakatuping letter. Bouquet’s familiar, isn’t it? ‘Yan lang naman ang bouquet na inilalagay mo sa puntod ng namatay mong fiancé. Sa pagkagulat at pagkatakot ni Gwen, naitapon niyang bigla ang bouquet. Pati ang kanyang kasama ay nagulat sa ginawa niya. “What’s wrong?” nag-aalalang tanong nito. She looked at the photo attached behind the letter, mas lalo lamang nanindig ang mga balahibo niya! A photo of her with Zion noong huling bisita niya sa puntod ni Kade at sinundo siya ng step-brother ng huli. It was an angle from afar, a gesture na papasakay siya sa sasakyan ni Zion. May red X-mark sa litrato at sa baba ay may nakasulat na, ‘Cheating with the step-brother, huh!’ “Miss Valencia, what’s wrong?” ulit ni Christophen. Sa pagkakataong ‘yon, tiningnan niya ang kaharap at umiling siya sabay itinago ang kamay na may hawak ng litrato at sulat. “Wala. I regret to say na hanggang dito na lang pala kita maihahatid. I suddenly remember marami pa pala akong gagawin na hindi ko puwedeng ipagpaliban. Gusto mo bang ipahatid na lang kita sa secretary ko hanggang sa labas ng building?” Umiling ito. “Hindi na kailangan. I know the way out.” “Thank you again for your time, Mr. Johann.” Pagkaalis ng lalaki ay naihilot na lang ni Gwen ang kamay sa kanyang sentido. Now, it seems like she has a stalker. Kung ano man ang pakay ng nagpapadala nito sa kanya, sigurado siyang walang kaalam-alam sa totoong istorya ang taong iyon na pati si Zion na parang kapatid na niyang itinuturing ay binibigyang malisya pa ang pagiging malapit nila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD