CHAPTER 3

2597 Words
THREE: "Real culprit behind strange stuff." HINDI lang isang beses, kundi dalawa. Dalawang beses na napadalhan si Gwen ng pictures nila ni Zion nang kaswal silang nagkikita ng huli noong mga araw na bago sila ikasal sana ni Kade.  Ang pangalawang beses na nakatanggap siya ay paglabas niya ng kanyang opisina para personal na tunguhin si Christophen sa opisina sa malaking kompanya nito pagkatapos na ibalita sa kanya ng sekretarya niya ang pagtawag ng lalaki para ipaalam na hindi na umano nito itutuloy ang pagbebenta sa kanya ng bahay. Muli siyang pumasok sa loob ng kanyang opisina matapos na kuhanin ang maliit na box na nasa labas ng pintuan niya. Inilapag iyon sa kanyang mesa at binuksan. Mga pictures nila ni Zion na magkasama! The sender is really into something against her and Kade's step-brother! Kung anong problema ng taong nasa likod ng mga ito at nagpapadala ng mga ganito sa kanya ay hindi niya alam! Pinunit niya ang mga litrato at bastang itinapon ang mga piraso nu'n sa loob ng kanyang drawer. Likewise, kung hindi niya alam ang intensyon ng nagpapadala, mas lalong wala itong alam sa totoong mga nangyari! At sa ngayon, hindi muna niya ito pagbibigyang pansin dahil ang mas importante sa ngayon ay makumbinsi niya si Christophen na sa kanya ibenta ang residential house sa Mactan! "Mr. Johann, bakit naman ganito? Akala ko ba maayos na't ipinagagawa mo na lang sa mga tao mo ang papeles para mabayaran ko na't maibigay mo na sa akin ang susi ng bahay? You were even so positive selling it to me the last time we talked about it. Anong nangyari? Why did you change your mind?" sunod-sunod na tanong niya nang makarating sa matayog na gusali ng kompanyang pinatatakbo at pagmamay ari nito. Tumungo lamang ito habang prenteng nakasandal sa swivel chair nito. "I happened to remember I can't sell it to anyone anymore." "Pero bakit? Alam mo naman kung gaano ako ka-eager na mabili 'yon, ‘di ba? Do you wanna double the price? Just tell me! Bibilhin ko kahit doblehin o triplehin mo pa ang presyo basta sa akin at huwag mo sa iba ibebenta! Please naman!" Gwen begged almost looking desperately. "Even you make it ten times higher, hindi ko maaaring ibenta sa 'yo ang residential house na 'yon sa Mactan. Naalala kong naibenta ko na pala iyon a year ago, bayad na't settle na rin ang papers, iaabot ko na lang ang susi sa bagong may ari ngayong taon kapag nagdesisyon na siyang lumipat doon. I'm so sorry, Miss Valencia." Tuluyang bumagsak ang mga balikat ng dalaga. Naibenta na sa iba, nabayaran na't naayos na rin ang mga papeles, susi na lang ang hindi pa naaabot! All this time, wala palang kaalam-alam si Kade bago man lang namatay ang huli na ang bahay na pinapangarap at pinag-iipunan niyon ay hindi na pala niyon mabibili dahil naibenta na sa iba! "Why don't you take a look at other residential houses for sale out there? May mga kakilala akong nagbebenta na may mas magaganda pa nga'ng disenyo at mas malalawak ang areas and their unused yards. Kung gusto mo, puwede kong i-refer*" "Hindi na," malungkot at disappointed na putol niya. Kung sinabi lang kasi kaagad nito na naibenta na pala sa iba, hindi sana siya parang baliw na excited na mabili ang residential house na iyon. Heto tuloy at umasa lang pala siya sa wala! "Salamat na lang. I have to go. Goodbye, Mr. Johann," paalam niya at kahit na hindi pa ito nakakapagsalita ay tinalikuran na niya. Nakakailang hakbang na siya palabas ng opisina nito nang biglang may pamilyar na bagay na nahagip ang kanyang mga mata sa isang tabi sa sahig ng opisina. Hindi na sana dapat talaga niya papansinin dahil nahagip lang naman pero nang maalala niyang pamilyar ang bagay na iyon ay talagang natigilan siya. She stared at the red x-mark stamp na nagkalat sa sahig na kung hindi lamang pamilyar sa kanya ay hindi naman niya sana mapapansin dahil isa lamang malamang iyon sa mga gamit ni Christophen na nagkalat sa sahig, ngunit ang isang ito ay napakapamilyar sa kanya! She suddenly recalled in her mind that the red x-mark was stamped in the first letter she received from the sender of strange stuff sent to her office's doorstep lately! Ang pangalawa nama'y kanina! Hindi siya maaaring magkamali! Kaparehong-kapareho ng stamp na nakikita niya ngayon ang stamps na naka-attached doon sa mga ipinadalang bagong litrato sa kanya kanina bago siya nagtungo dito! "Miss Valencia, may problema ba?" She turned to look at the man who asked and checked on her. Nagkatitigan sila ng lalaki. Sino ba talaga ito?! Mayamaya pa'y nag-beep ang cellphone na hawak niya at agarang binasa ang text message na nanggaling sa private investigator niya. Ma'am, tawagan ko po kayo ngayon. Tukoy ko na kung sino ang taong nasa likod ng pagpapadala sa inyo ng mga bagay-bagay nitong mga nakaraan... Wala pang ilang segundo, tumatawag na nga ang kanyang tao. She answered it without breaking her eyes on the man in front of her. "Hello?" "’Christophen Johann,’ Ma'am. 'Yon ang pangalan ng nagpapadala sa inyo. Base sa mga impormasyong nakuha ko, kakauwi lang nito ng Pilipinas mula sa ilang taong paninirahan sa Australia kasama ng mga magulang nito. Matalik siyang kaibigan ni Sir Kade." Her eyes widened in shock. Matalik na kaibigan ni Kade! "Sa ngayon, nasa Pilipinas siya para pamunuan at patakbuhin ang mga negosyong ipinagkatiwala sa kanya ng napakayaman niyang pamilya mula sa Australia. Kung bakit niya ginagawa ang mga ito at pinadadalhan ka niya ng mga kakaibang bagay, iyon pa po ang patuloy kong inaalam sa ngayon, Ma'am." She sighed, at kung nakamamatay lang ang sama ng titig, kanina pa malamang humandusay si Christophen sa harapan niya! "Alright. Thanks for the information. I'll call you again later." Pagkatapos ng tawag, nag-send naman ng MMS messages ang tao niya. Ang nilalaman ng mga ‘yon ay mga litratong magpapatunay at magsusuporta sa claim nitong si Christophen ang nasa likod ng pagpapadala ng strange stuff sa kanya at na kaibigan nga ito ni Kade. First photo was a man hiding in his black cap and facemask wearing all-black leather jacket, black jeans, and black rubber shoes. Second photo was clearly Christophen behind that all-black getup! Nakatanggal na ang facemask nito kung kaya't kitang-kita ang mukha nito! Surely, Christophen did it himself the second time she received stuff from him, kasi hindi naman nito magagawa personally ang naunang natanggap niya dahil nga may discussion sila no'ng mga sandaling iyon sa kanyang opisina, so it wasn't him the first time. Siguro'y tauhan lang din na inutusan at binayaran nito upang gawin 'yon. But the second time around, which happened just earlier, it was clearly shown in the photos that it was personally him who left stuff on her doorstep just hiding in his mask and cap and all-black getup. Third photo was showing Christophen removing his cap. It was really him! And the last photo was a picture of him and Kade. Magkaakbay ang dalawa at mukhang matagal nang kinuha lang din sa album na nakalkal ng kanyang private investigator. The latter was right! Magkaibigan nga'ng talaga ito at si Christophen. Maraming tanong ang nasa isipan niya. Bakit siya pinadalhan ni Christophen ng mga bagay na nagkokonekta sa kanya sa step-brother ng kaibigan nito na parang ang labas ay niloloko niya si Kade para kay Zion? Most importantly, bakit nagkukunwari si Christophen na walang alam tungkol kay Kade when all along the two of them were actually close friends! Naikuyom ni Gwen ang mga kamao bago galit na galit na bumalik sa harapan ni Christophen at walang pakundakang kinuwelyuhan ang lalaki. The latter was so shocked with her sudden aggression. "Sino ka ba talaga, Christophen Johann?!" "Anong sinasabi mo*" "Huwag ka nang magkaila dahil alam ko na! Alam ko nang ikaw ang nagpapadala sa akin ng mga kahina-hinalang bagay nitong mga nakaraan! At alam ko na ring best friend ka ni Kade! Bakit ka nagkukunwaring walang alam, ha! Sino ka ba at bakit mo ginagawa 'to?!" Ito naman ang nabigla sa pagkakataong 'to, alam niya dahil wala pa man itong sinasabi ay nakikita na niya sa reaksyon nito. Huling-huli na kaya tila wala na ring planong magkaila. "Totoo ang sinasabi mo. Ako nga ang nagpadala sa 'yo ng mga 'yon, at best friend ako ni Kade." Marahas na binitawan na ito sa pag-amin nito. "Pero tama naman ako, ‘di ba? You were secretly meeting your late fiancé's step-brother even before he died. Nai-open up 'yan minsan sa akin ni Kade. May alam siya. Nararamdaman niya tuwing may hindi ka sinasabi sa kanya." Siya naman ang natigilan. "Si Kade? Nag-open up si Kade sa 'yo tungkol sa akin at kay Zion?" "Absolutely!" His voice thundered. "Why? Bakit mo nagawa sa kanya 'yon? At bakit sa step-brother pa niya?! Akala mo ba hindi siya makakatunog? Alam ni Kade na ikaw at si Zion ay may secret affair!" "Hindi totoo 'yan!" she screamed at the top of her lungs as her tears started to fall. "Wala kaming relasyon ni Zion at hindi ko kailanman magagawang lokohin si Kade! Wala kang alam sa buong katotohanan kaya wala kang karapatang husgahan ako!" He laughed ironically. "Really, Gwen? Really?!" "I was talking and coordinating with Zion before my supposed wedding with Kade because we were planning to surprise the groom for a unique and fun stag party! It was Zion's idea na kaagad kong sinang-ayunan dahil wala akong ibang hangad kundi ang mapasaya ang mapapangasawa ko, and I wanted him to enjoy the last days of his being a bachelor before he will be forever tied to me! That's the reason why I kept seeing Zion without letting Kade know about it! I wanted to make my late fiancé happy, and I never cheated! Hindi ko magagawa sa kanya 'yon!" Tuluyang lumambot ang ekspresyon ng mukha ng lalaking kaharap sa kanyang paliwanag. "Oh Pete! If only I knew Kade was, actually, mistaking me for committing a secret affair with his step-brother! 'Ni hindi man lang niya nalaman ang totoo bago siya nawala!" Nanghihinang napapaiyak na lang si Gwen. "Nawala siyang may pagdududa pala siya sa akin at kay Zion! Nawala siya nang may bumabagabag sa isipan niyang posibleng niloloko ko siya para sa kinakapatid niya, at wala man lang akong kaalam-alam tungkol doon!" She felt Christophen sympathetically tapping her shoulder. Agaran niyang tinabig iyon at pinandilatan ito ng mga mata. "Huwag mo akong hahawakan!" He sighed heavily and explained, "Inaamin kong nagkamali ako sa panghuhusga ko sa 'yo at sa pagdududa kong niloloko mo ang kaibigan ko nang hindi ko muna inaalam ang buong katotohanan. I'm sorry, Gwen. But I want you to know another thing..." He gets very serious this time. "What happened to Kade was not accident at all, it was a murder, Gwen! Kade was killed intentionally." "At sa tingin mo ba hindi ko alam 'yon?! Alam kong sinadya siyang sagasaan nang gabing 'yon! At gagawin ko ang lahat mahanap ko lang ang demonyong walang awang gumawa nu'n sa kanya! Pagbabayarin ko ang walang-hiyang 'yon! I am going to make sure Kade gets the justice he deserves!" "Kung gano'n, magtulungan tayo, Gwen. Parehas tayong gusto ng hustisya para kay Kade. Let's have each other's hands for this fight!" "No!" mariin at sigurado niyang sagot. "Hindi ko kailangan ng tulong mo! Kaya kong gumalaw mag-isa nang hindi nanghihingi ng tulong ninuman lalo na sa 'yo!" Tinalikuran na niya ito at akmang tutunguhin na niya pinto para lumabas nang muli itong magsalita na ikinatigil niya. "Si Kade! Si Kade ang sinasabi kong nakabili ng residential house sa Mactan noong nakaraang taon pa." Muli niya itong nilingon. Nilabas nito mula sa bulsa ang susi na naka-chain holder pa at inilapag sa mesa nito para iabot sa kanya. "He wanted to surprise you, so he didn't tell you yet. Balak sana niyang sabihin sa 'yo pagkatapos na ng kasal ninyo, pero nangyari nga ang pamamaslang sa kanya kaya hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong masabi sa 'yo na last year pa niya nabili at nabayaran sa akin. The papers were already legally signed and it was under your name, Gwen. Ipinangalan sa 'yo ni Kade ang bahay." Binuksan nito ang drawer at kinuha ang mga papeles doon. Lumapit si Gwen at kinuha ang inaabot ng lalaki na mga dokumento. Binuklat niyang isa-isa. May pirma ng seller at buyer. And the name of the beneficiary to receive and be the sole owner is no other than her! "Pareho naming pangarap ang bahay at pin-lano naming tumira at bumuo ng pamilya nang magkasama roon pero bakit sa akin lang nakapangalan?" "He wanted to give everything to you, Gwen. Ganoon ka kamahal ni Kade, and now that I proved you love him the same, hayaan mo akong tulungan kita sa paghahanap ng hustisya para sa pagkamatay niya! Best friend ko siya! Fiancé mo siya! Parehas na mahalaga siya sa ating pareho kaya magtulungan tayo." Inilapag niya ang papeles sa harap nito para iabot pabalik dito. "Hindi. Hindi ako makikipag-alayansa sa 'yo, Christophen." Tuluyan siyang lumabas at madaling tinungo ang elevator papuntang ground level parking area kung saan naroon ang sasakyan niya. Si Christophen nama'y nahilot na lang ang sentido. Galit na galit si Gwen sa kanya dahil sa panghuhusga niya sa dalaga, at hindi naman niya iyon masisisi. Nahagip ng kanyang mga mata ang susi na nasa mesa pa rin niya at hindi pala kinuha man lang ni Gwen, kung kaya't nagmadali siyang lumabas para habulin at maabutan ang dalaga at nang maiabot man lang niya ang nais na ibigay ng best friend niya rito bago nawala si Kade. Nakaabot siya ng parking area at doon ay namataan niya ang dalaga papunta sa sasakyan nito. Ganoon na lang ang gulat at takot niya nang makita ang humahangos na paparating na sasakyan. Mababangga ito! "Gwennnn!" In instinct, he immediately ran to her as fast as he could and saved her by pulling her on the arm. Nagawa nga niyang mahila palayo sa humahangos na sasakyan si Gwen ngunit parehas silang nawalan ng balanse at natumba sa may sementadong sahig. Before Gwen realized it, she was, actually, saved from being hit by a car. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya si Christophen na nakahiga din sa gilid niya at napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. Nakahilig ang kanyang ulo sa matipunong braso nito dahil ipinulupot nito ang braso nito sa kanya bago sila natumba at nang hindi mabagok ang kanyang ulo sa semento. He obviously protected her head with all his might. She couldn't help but stare at him seriously. Why did he save her up to this extent? "Ayos ka lang ba, Gwen?" mahina ngunit puno ng kaseryosohang tanong nito. Agaran siyang lumayo mula rito at tumayo. Tumayo na rin ito, mas nauna pa nga itong makatayo nang tuwid para alalayan siya. Bumaba ang may ari ng humahangos na kotse na isa pala sa mga empleyado ni Christophen at agaran silang nilapitan para humingi ng pasensya sa muntik nang pagkakasagasa kay Gwen. Panay ang sorry nito ngunit 'ni isa sa kanila ay walang pumapansin dito. Deep concern was drawn all over Christophen's face, especially as he tightly held her shoulders while examining her all over. "Gwen, tinatanong kita. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" Strange but she felt her heart skip a beat. This man saved her and he was so worried about her. Dapat ba talaga niyang pagkatiwalaan ang taong ito?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD