CHAPTER 1
ONE: "The incident."
WITH a heavy heart, Gwen Valencia placed the bouquet of fresh white roses beside her man’s grave—Kade Sebastian. Mamumugto ang kanyang mga mata at kahit nais man niyang maiyak, wala na halos siyang mailuha dahil ubos na ang kanyang mga luha nitong mga nakaraang buwan sa sakit at pagluluksa mula nang iwanan siya ng lalaking dapat sana ngayon ay asawa na niya.
Mabigat ang dibdib na napabuntong-hininga siya at napapikit hanggang sa muling sumariwa sa kanyang gunita ang nangyaring insidente six months ago…
Isang linggo na lang bago ang kasal nila ay dumating dito sa bayan nila sa Cebu si Kade. Nanggaling ito sa isang bayan sa Luzon dahil may kliyente mula roon na nagpatayo ng apartment units at ito ang kinuhang Engineer para sa malaking project na ‘yon.
Ngayong nakabalik na ito ay hindi man lang ito nagpasabi, basta tumawag na lamang ang lalaki sa kanya at pinapapunta siya dito sa labas ng paborito nilang coffee shop. Nabigla at ganoon na lamang ang kanyang tuwa sa ibinalita nito.
“I’m standing in front of you. Looking at you from a far…” Malambing, katulad ng lagi, ang boses nito habang nag-uusap sila over the phone.
“Ha? Nakauwi ka na—” Natigilan siya at ganoon na lang ang saya niya nang mamataan ang fiancé na nasa kabilang side road lamang pala, isang lane road na tatawarin, bago makarating dito sa kinaroroonan niya. “You’re here, Kade!”
He chuckled on the line. “Surprise!”
“Ikaw talaga!” Magiliw na natawa na rin siya. “Hindi ka man lang nagpasabi na nakauwi ka na pala!”
Ngumisi ito. “Hindi na magiging surprise ‘yon kapag sinabi ko sa ‘yo.”
“Kunsabagay,” malambing na sang-ayon niya sabay tango.
“Gwen!” Sumigaw na ito mula sa kabilang side road sabay magiliw at excited na kumaway sa kanya habang hawak pa rin sa kamay nito ang cellphone nito at hindi pa naibababa ang tawag.
She did the same—waved at him too and called his name.
“Diyan ka lang. Pupuntahan kita diyan!”
“Oo! Hihintayin kita!”
Ibinaba nito ang tawag at nag-umpisang humakbang para tawirin ang distansya nila. Hindi naman ganoon kahirap para rito ang tumawid dahil bukod sa alas nuwebe na ng gabi, hindi rin talaga tipikal na dinaraanan ng maraming sasakyan ang lugar na ito, semi-rural kasi at diversion road lang din ang lane dito.
Gwen smiled and with full of love in her heart, she looked at the engagement ring she’s wearing noong mag-propose sa kanya si Kade. Isa sa mga araw na hinding-hindi niya makakalimutan sa kanyang buhay. Magiliw na kinintalan pa niya ng simpleng halik ang suot na singsing. She can’t wait to become Mrs. Gwenneth Valencia Sebastian and spend the rest of her life with the man she loves and start a family with him…
Napakasaya niya nang mga sandaling iyon at wala na halos pang mahihiling… ngunit isang malakas na ugong ang kanyang narinig at nagpabago sa lahat.
Shocked and horrified, she screamed at the top of her lungs. “Ahhhhhhhh!”
Right before her eyes, she witnessed how Kade was ruthlessly hit by a rushing car nang nasa gitna na ito ng tahimik lamang kanina na daan, at kahit ang binata ay hindi inaasahan iyon. Bago pa man maiwasan ni Kade ang rumaragasa sa bilis ng tumatakbong sasakyan ay huli na ang lahat. Malakas na nabangga na niyon ang lalaki kung kaya’t nahagip ito ng windshield ng nasabing sasakyan at nagpagulong-gulong hanggang sa likuran at doon na nahulog saka tumama sa malamig sa semento ng daanan.
Pagkatapos nu’n ay hindi man lang tumigil o bumaba ang may ari ng sasakyang nakasagasa kay Kade. Nagdire-diretso lamang iyon ng takbo palayo na parang walang pakialam, na parang walang anumang nagawang masama, at klarong-klaro balak na takasan at wala man lang planong panagutan ang ginawa!
Tinakbuhan na kaagad niya’t dinaluhan ang nobyong naliligo sa sarili nitong dugo at wala nang malay. Nagtumpukan na rin ang mga tao at pinalibutan ang biktima. Ang iba sa mga ito’y nakikiusisa lamang sa nangyari ngunit karamihan ay naroon para tumulong. Basang-basa na ang mukha dalaga ng walang tigil na luha nang nagtangka siyang hawakan si Kade—her poor and helpless Kade! Ngunit pinigil siya ng mga tao kahit anong pagpupumilit niya dahil bawal hawakan o magalaw ang biktima kasi baka lalong mapahamak, tanging medical team and rescue lamang ang pupuwedeng gumawa nu’n.
Somehow, she’s thankful sa mga tao na kahit hindi nila kaanu-ano’y hindi nagdalawang-isip para tulungang maagapan at maligtas si Kade. Ang mga ito ang tumawag sa numero ng medical team na malapit dito sa kanilang lugar kung kaya’t ilang minuto lang, dumating din kaagad ang ambulansya para madala si Kade sa pinakamalapit na pagamutan.
Presently, nasapo ni Gwen ang kanyang dibdib na naninikip sa sakit dahil sa masasaklap na alaalang iyon na bumawi sa buhay ng nobyo niya. Ang akala niya’y naiyak na niyang lahat at wala na siyang mailuluha ngayon ngunit nagkamali siya. Naglandas pa rin ang kanyang mga luha…
She knows that what happened to Kade was intentional killing. Kung bakit at sa kung anong dahilan, hindi pa niya alam sa ngayon ngunit aalamin niya at hinding-hindi siya titigil hanggang sa mahuli ang gumawa nu’n kay Kade!
Naikuyom niya ang kamao habang masakit na nakatitig sa puntod ng minamahal.
Huwag kang mag-alala, mahal. Hindi ako titigil hangga’t hindi kita nabibigyan ng hustisya. Hahanapin ko ang gumawa nito sa ‘yo at ibabalik ko sa kanila ang ginawa nila!
Sa pagkakaalam niya’y walang kahit sinumang kaaway si Kade. Mabait itong tao at matinong lalaki, mabuti ring nobyo sa kanya. Kailanma’y hindi ito nagloko at kahit kailan hindi ito nanlamang sa kapwa kaya hindi lubos akalain ni Gwen na mangyayari ang ganito. Oh sure, it wasn’t just an accident. Naniniwala siyang planado ang lahat at pin-lano talagang maigi ang pamamaslang sa lalaki. Kung aksidente lamang iyon, panigurado namang makukunsensya ang gumawa at paninindigan ang nagawa, pero hindi, ‘ni anino ng demonyo ay hindi nagpakita at wala ring planong sumuko kung kaya’t siya na mismo ang maghahanap at gagawin niya ang lahat magtagumpay lang siya.
Kumikilos din naman ang mga awtoridad ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring matagpuang lead ang mga ito. Bukod kasi sa walang CCTV sa lugar na nangyari ang insidente ay wala ring plaka ang kotse ng sumasaga kung kaya’t hirap na matukoy kung sino ba talaga ang nasa likod ng pagkamatay ni Kade Sebastian. In her own ways, she’s working hard on giving Kade justice.
Nahilot bigla niya ang sentido dahil parang dumilim ang kanyang paningin at sumakit ang kanyang ulo. Nahihilo na naman malamang siya dulot ng stress at pag-o-overthink niya, idagdag pang masakit sa balat ng sikat ng araw sa tanghaling-tapat.
Sa pagkahilo niya’y nawalan siya ng balanse at matutumba na sana kung wala lamang matitipunong mga brasong maagap na pumulupot sa kanyang baywang upang saluhin siya…
Nagpatingala siya sa mukha ng lalaki at maging ito ay nagbaba ng tingin sa kanya. May katangkaran ito. He doesn’t look familiar at all but his face seems unfriendly and serious. Hindi niya maaninag ang mga mata nito dahil sa suot nitong itim na halatang mamahaling sunglasses, ngunit tila ramdam niyang tinititigan siya nito at ang paraan ng pagtitig nito ay napakalalim na para bang hinihimay ang buong pagkatao at kaluluwa niya.
“Ayos ka lang ba, Miss?” tanong nito sa malalim na tinig.
Nuon lamang niya naalalang napakalapit pala ng mga mukha nila sa isa’t-isa at hawak-hawak pa rin siya nito kung kaya’t agaran siyang lumayo rito at inayos ang sarili.
She notices that the man is in his high-priced complete set of black suit and tie.
“I’m sorry,” tanging nasambit niya. Nahihiya na naiilang siya.
Mabilis na nilampasan na niya ito at iniwan at nang medyo makalayu-layo na’y muling nilingon ang estranghero. Nanatili itong nakatayo sa puwesto nito at sinusundan siya ng tingin. She decided to shrug the thought off, and convinced herself na baka nag-o-overthink na naman siya na kahit simpleng gesture ng taong hindi niya kilala ay pinag-iisipan niya ng kung ano.
“Gwen, let’s go?”
Tumango siya kay Zion**** step-brother ni Kade*** nasa labas ng sasakyan nito. Muli niyang nilingon ang estranghero ngunit wala na ito roon.
“Are you okay?” Zion checked on her using his slang tone, as he also glanced in the direction she was looking at.
Tumango siya. “Yes. Tara na.”
Sumakay na siya sa loob ng kotse ng kinakapatid ni Kade at sumunod na rin ito sa driver’s seat. Nagpresenta kasi si Zion na ihahatid at susunduin siya dahil may daraanan umano itong transaksyon malapit lang din sa lugar na ito kaya sumama na nga si Gwen. Besides, parang kapatid na rin talaga ang turing niya sa lalaki. Lahat, actually, ng mga taong malalapit kay Kade ay pinahahalagahan din ng dalaga. Ganoon niya kamahal ang yumaong fiancé.
Nang makaalis na ang sasakyan, lingid sa kaalaman nila’y patuloy sa pagmamasid ang isang tao mula sa malayo, at naikuyom na lamang nito ang kamao nito…