Chapter 15

2709 Words
Chapter 15 Nakapasok na si Aminah sa marketing department na bitbit pa rin sa isip ang kalituhan. Pinagtitinginan siya ng mga empleyado pagpasok niya pero tahimik lang ang mga ito. Walang gustong magsalita na mas lalong ikinagulo ng isip ni Aminah. Napabuga na lang siya ng hangin tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Nagtuloy-tuloy lang din siya sa kanyang opisina at naabutan niya pa si Jane na busy sa harapan ng computer. Pinalipat na kasi niya si Jane sa loob para may kasama siya. Nakakabagot na mag- isa lang siya sa loob, siguro naman walang sisita sa ginawa niya. Umupo siya sa kanyang swivel chair na mabi "Ma'am Aminah ang aga niyo po atang natapos sa inyong presentation?", tanong ni Jane na meju nagtataka "Hindi ko rin maintindihan ang sabi lang sa akin ni Racquel na siya na lang daw ang magpresent at utos daw sa kanya ni Boss. ",paliwanag ni Aminah "Ang weird ,noong umalis ka na maya- maya lang nagpunta din dito ang head ng HR tapos kinausap si Roger saka umalis silang dalawa at pagbalik ni Roger kinuha lang ang mga gamit at umalis din... hula ko malamang tinanggal na 'yun ni dragon", pahayag ni Jane "Paano mo nasabi 'yan Jane?", naguguluhang tanong ni Aminah "Wala namang magkalakas ng loob na magtanggal ng empleyado dito kundi ang boss dragon lang.", pahayag nito ulit "Sa anung dahilan naman kaya, may alam ka ba?", tanong niya ulit "Wala rin po Miss Aminah.",saad nito at itunuon na ulit ang tingin sa monitor Natampal ni Aminah ang kanyang sariling noo, naguluhan siya sa mga nangyari. Unang araw pa lang niya may ganap na kaagad. Pinilit no Aminah na magpokos sa kanyang trabaho at itinuloy ang pagperma ng mga papeles na kailangan niya ng perma Hanggang natapos ang oras niya na nasa isip pa rin ang mga nangyari, sa pag- iisip hindi niya narinig na nagpaalam na sa kanya si Jane pero bumalik ito "Miss Aminah excuse me po , pinapatawag ka po sa itaas.", nagulat pa siya sa sabi nito "A- ano 'yon Jan?", tanong niya "Pumunta ka raw po sa opisina ni Dragon ngayon na daw mismo," bumuntong hininga muna siya bago sumagot "Salamat Jane,puwede ka na umuwi.", pahayag niya "Goodluck ma'am sa pagharap mo sa boss dragon.",biro ni Jane sa kanya "Umalis ka na poro ka biro.", saad niya na nakatawa pa Inayos muna niya ang sarili at nang makita na ayos saka siya lumabas ng opisina Naabutan pa niya ang iilan sa mga kasamahan sa department "Bye ma'am... see you tomorrow saad ni Layla na himalang hindi kasabay kay Jane. "Nauuna na po ang dalawa ma'am Aminah , may tinapos lang po kasi ako.", paliwanag ni Layla "Ang sabihin mo nagpapalapad ka ng papel mo dito sa bago nating Head... if I know.", singit ni Angel "Napaka dumi talaga ng utak mo Angel, ma'am huwag niyo po siya paniwalaan, paano bitter 'yan e.", saad ni Layla na nginitian lang ni Aminah "Excuse me, mauna na ako sa inyo.. bye Layla ", pahayag ni Aminah at naglalakad na siya palabas ng department nila "Bleehh, inggit pikit..deadma ang beauty mo day ni Ma'am.", narinig pa na sabi ni Layla na ikinailing niya na lang. Pagkatapat sa elevator ay pinindot niya kaagad ang open button at close tsaka ang 3rd kung saan ang tungo niya. Pagkahinto ng elevator sa floor na pakay, nagulat pa siya sa dami ng empleyado na nakatayo sa tapat ng elevator kabubukas pa lng punto. "Excuse me, makiraan po ", saad ni Aminah na binigyan naman siya ng way. Walang lingon - lingon siyang naglalakad kahit pakiramdam niya may mga matang nakatingin sa kanya mula sa kanyang likuran. Wala siyang sinayang na oras kumatok kaagad siya sa pinto ng CEO pagtapat niya sa pinto. Tatlong magkasunod na katok ang kanyang ginawa "Come in", mula sa loob na nagtaka pa siya sa boses na hindi ata broskong brosko ang dating sa kanyang pandinig. Dahan -dahan niyang itinulalak ang dahon ng pinto nakita niya kaagad ang boss nila na tutok ang paningin sa mga papeles. "Good afternoon Sir, ipinapatawag niyo po ako.", bungad ni Aminah Dahan dahan itong lumingon sa kanyang kinatayuan na ang mga kamay niya pinagsiklop sa likuran. "Have a set Miss Silva ", at itinuro ang upuan sa tapat ng table nito Umupo naman si Aminah " Thank you ,Sir.", pahayag ni Aminah Nakita niyang tumayo ito at lumipay sa kabilang side, sinundan niya ito ng tingin lumapit ito sa isang counter na ngayon lang niya napansin na merun pala ito dito. "What do you prefer to drink, we have here coffee, tea or juice?", napalunok naman si Aminah ng kanyang laway sa sinasabi nito unexpected ito para sa kanya siya inaalok ng drinks nang nabansagan ng mga kasama na dragon.. omg saad ng utak ni Aminah "Are you okay,Miss Silva?", untag sa pagkatulala ni Aminah "A- ano pong sinasabi niyo Sir awhile ago?", parang tangang tanong ni Aminah "Ang sabi ko kung ano ang gusto mo, dahil merun ditong kape, tea at orange juice.",ulit nito pero nanatili pa rin sa seryosong mukha ang bitbit nito. "Sir ako na lang magtimpla para sa sarili ko po.. nakakahiya po sa inyo at kaya ko naman po gumawa.. ako na lang po gagawa para sa inyo", magalang na sabi ni Aminah saka tumayo at lumapit sa counter kung saan naroon din ang boss nila. "Did you know my taste for the coffee?", tanong nito na nasa conter na rin siya nakatayo "Hindi pa po Sir, pero kung sasabihin po niyo malalaman ko rin kung ano po gusto niyong templa sa kape ", saad niya na kahit kinabahan ay hinaluan niya ng ngiti na napatingin naman ito sa mukha niya kaya ibinaling niya ang kanyang tingin sa mga cupboard kung saan ang sinasabi nito na kape,tea at juice. Pero walang nagsasalita kaya siya na lang ang bahala sa kape nito, katulad na lang sa templa ng Daddy niya black coffee without cream and sugar Kinuha niya ang kape at may nakita pa siyang creamer kaya kinuha niya rin pero wala siyang makitang sugar "Ahmmm Sir nasa.. hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng makita niyang nakatapat sa kanya ang cellphone nito "Sir what are you doing?", lumapit siya dito upang silipin ang cellphone nito na mabilis naman nitong inilayo sa kanya. " Ang cute mo kasi, kanina.. but don't worry I deleted already... hindi naman kailangan ", saad nito sa kanya tinignan naman niya ito ng may doubt na tingin "Baka ipanakot mo lang ng daga sa bahay niyo Sir ang picture ko.", pabirong pahayag ni Aminah Natigil si Aminah sa pagkuha ng mug na may apat ang naroon dahil sa malakas na tawa nito na hindi niya talaga inaasahan na marunong pala itong tumawa. Tumigil na ito nang mapansin nitong nakatingin siya dito "Sir may sakit po ba kayo?", manghang tanong niya na akma pa siyang lalapit "Wala akong sakit, ikaw ang mukhang may sakit sa ating dalawa dito... ituloy mo na ang pagtitimpla ng kape", pahayag nito na nakaramdam naman siya ng pagkapahiya Tumalikod na lang siya at itinuloy ang pagtitimpla ng kape pero iisa na lang na kape ang gagawin niya, "Ito na po ang kape niyo ,Sir.. pasensya na po kung wala naman po kayong sasabihin sa akin ,at pinapunta niyo lang ako dito dahil sa kape.. uuwi na po ako", pahayag ni Aminah " You stay, did I tell you ,you can leave, Miss Silva?..where's you coffee?", pahayag nito na nakaupo ito sa may sofa katapat ng ceter table "No ,Sir but this is out my job...and it's six o'clock in the evening already... you can ask anything but not now, tomorrow will be.", pahayag niya sabay kuha ng kanyang bag nasa sofa sa tapat ng working table nito at naglalakad na siya palapit sa pinto. Bubuksan na sana niya ang pinto pero nakalock ito ayaw magbukas, wala siyang makitang lock. Nilingon niya ang kanilang Boss na prenting nakaupo sa upuan na naka- dekuwatro pa at kalalapag lang mug ng kape sa table "Sir, kindly open the door I'm leaving." "Who's the boss here now, Miss Silva?" Huminga ng malalim si Aminah sa naninikip niyang dibdib dahil nakaramdam na siya ng inis sa boss nila. Huminahon ka self, kausap ni Aminah sa sarili "Kayo po Sir, but this is illegal detention.", katwiran ni Aminah "I don't care just come back here ,make your coffee and sit down.. we need to talk about your proposal.", sa sinasabi nito nagkaroon siya ng interest at bumalik siya sa may counter. "Madali ka lang pala kausapin.", dinig niyang sabi nito "Madali your face," sagot ng kanyang utak "Sir wala po ba kayong sugar dito?", "I didn't put sugar on my coffee.. but if you want it, I will order in the cafeteria.", nagulat naman siya sa sinasabi nito. "It's okay Sir, no ... pero siniyasan lang siya nito nang stop na sinusunod na lang niya at dinala ang kape niya sa table at umupo sa pang isahang sofa. " Any moment your sugar is here. ", saad nito sa plain na boses "Your coffee is good, I like it.", komento nito na ikinangiti niya " Thank you, Sir.. Anyway that's my Dad's taste of coffee.", proud na sabi ni Aminah "You mean to say, me and your dad same taste buds when it comes to coffee?", hindi makapaniwalang tanong nito "I don't think so,Sir.", pahayag niya "Ahhh Sir, it's getting late already, puwede ko na po ba malaman ang tungkol sa ginagawa kong proposal kung ano po ang feedback ng board tungkol dito.?", curious na tanong niya Nabaling ang kanilang tingin sa may kumatok sa pinto ng opisina nito. Tatayo sana siya nang pigilan siya nito at maupo na lang daw siya. Sinundan niya ng tingin habang naglalakad papunta palapit sa pinto. Itinuon na lang ang kanyang tingin sa kanyang kape. Tinitignan niya rin ang kanyang relos seven- thirty- five na pala ng gabi. Napabuntong na lang siya ng hininga. Siguradong nag- aalalala na sa kanya ang mommy niya ngayon. Hindi niya namalayan ang paglapit ng boss nila sa kanyang inuupuan. "Bothered?", tinignan niya lang ito " Give me your mug", saad nito na ito na rin ang nag- abot ng kanyang mug "Puwede po bang tatawag muna ako sa mommy ko ,Sir.",paalam niya dito "Sure, but your coffee it's cold already ,wait I make you one...go ahead you can call your mother. ", utos nito sa kanya Tumayo siya at lumapit sa may bintana. Pero natigil siya dahil nakikita niya ang labas ng building dahil glass wall pala ito. Isinantabi niya ang magandang tanawin at itinuloy ang planong tawagan ang mommy niya. Nakailang ring muna bago sinagot ang kanyang tawag "Aminah, nasaan ka na?" bungad ng mommy niya na halatang nag- alala ito sa kanya "So- sorry mom ,nagkaroon lang po ng emergency meeting... dito pa ako sa office ngayon." ... "Okay lang po,kakain po ako pagdating ko na lang po jan sa bahay. .... "Opo mag-iingat po ako, Mom.. don't worry .... Hindi na po kailangan I have my car with me." ... "Love you ,too.. ... "Yeah see you later, bye " Ibinaba na niya ang tawag at nilingon ang boss niya na nakatingin sa kanya Bumalik na siya inuupuan kanina,gusto pa sana niyang tignan ang labas ng building nila na may magagandang ilaw pero nakakahiya sa boss niya. "Here's your coffee..at umurder na rin ako ng ating dinner.", pahayag nito Hindi niya napansin na pagkain pala ang laman ng nasa supot kanina akala niya kung ano lang. Nakita niya na nakahanda na ito sa ibabaw ng lamesa ang pagkain na sinasabi nito at may plato pang para sa kanya at para sa sarili nito. "Salamat po Sir, na appreciate ko po ang ginagawa niyong ito.", seryoso niyang pasalamat "Here's your coffee.", tinanggap niya ang bagong gawa nitong kape para sa kanya. "I don't know your favorite foods kaya umurder na lang ako ng iba't ibang putahe.", pahayag nito "Kahit ano po kinakain ko basta masarap." saad niya Suminsim muna siya ng kape niya na gawa ng boss niya dahil bigla siyang natuyuan ng laway sa lalamunan. Ang sarap ng pagkatempla ng kape niya, napaka creamy nito kaya sumimsim pa siya ulit. Sinandukan siya ng food nito na sobra niya nang ikinahiya. Anong merun sa boss niya na super bait ata ngayon sa kanya. Gusto niya na sanang magtanong kaso baka supladuhan lang siya ulit nito kaya mas pinili na lang niyang manahimik. Kaya tahimik silang dalawa na kumakain. Masarap ang pagkain na pinili nito limang putahi ang merun sa garapan nila, chicken adobo na sobrang sarap, beef stake tagalog style, pinakbet with bagnet ilokano syle, lumpiang shanghai with hot garlic sauce at ang misua soup na hindi niya natikman dahil sa sobrang busog niya na. Uminom ulit siya ng kanyang kape, napansin niya na wala na itong coat ang panloob na lang na long sleeve ang natira dito. Magana rin ito sa pagkain parang ngayon lang ito kumain puna ni Aminah sa boss. "The food were good right?", tanong nito sa kanya pagkatapos magpunas ng tissue sa kamay "Superb Sir!", sang-ayon niya dito. "About your proposal, sobrang bumulib sa iyo ang board at gusto nilang gawan ito ng commercial ", pahayag nito "Talaga po Sir, pero paano po tayo gagawa ng commercial e hindi pa naman po naumpisahan ang project.", pahayag niya " Kaya sa lalong panahon ma- purchase na natin ang mga materials na gagamitin since approved na ito ng finance.. at ipasa na sa purchasing department." "Tiyak po na tangkilikin ng masa ang project na ito Sir, dahil first time na may ganitong project... dahil poro na lang mga mayayaman ang afford na bumili ng mga bahay but this time afford na kahit sino basta may PAG- IBIG thru loans nila ma-avail ang gusto nilang bahay.", masaya niyang pahayag "Magtiwala ako sa iyo,sa iyong kakayahan Miss Silva, huwag mo akong bibiguin ", pahayag nito "Thank you so much,Sir!.. promise po hinding - hindi ko kayo bibiguin", masayang pasalamat ni Aminah. "Sir can I leave now?", tanong niya. Alas nueve na kasi ng gabi wa relos niya "We leave together", tumayo na rin ito at kinuha ang attaché case saka ang coat na nakasamay pala sa likuran ng upuan.Siya naman ay naglagay ng hand sanitizer sa kamay pagkatapos ibinalik niya sa kanyang bag. "Shall we, " aya nito sa kanya at pinauna siya nito sa paglabas ng opisina nito Sa labas ng opisina may naglilinis pa na dalawang janitress. "Good evening Ma'am and Sir", bati ng mga ito nginitian niya lang dahil nahiya siya dahil hindi niya akalain na may tao pa sa opisina ng boss. "Pakilinis ng opisina ko", utos ng boss niya sa dalawang janitress. "Yes po Sir," naglalakad na sila ulit papalapit sa vip elevator. Kahit sa pagpasok sa elevator pinauna pa siya nito. Naiilang na siya sa mga kilos nito. "Ahhhm Sir may dalang kotse po ako at nasa parking area po wala sa basement.", saad niya nang makita niyang pinindot nito ang B na basement ang ibig sabihin " I Drop you there kung 'yan ang ina-alala mo.", saad nito sa kanya "Thank you,Sir!" pasalamat niya Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa basement. Isang kotse lang naroon, isang black na latest model ng Bentley Bentayga.. ang mahal ng kotse na ito,nasa twenty million lang naman ang price nito sa peso Pinagbuksan pa siya ng pinto ng sasakyan. Sumakay naman siya at ito naman ay umikot sa driver side. Nilingon siya nito nang makaupo na sa harapan ng manibela. "I put your seatbelt", pagkasabi lumapit na ito sa kanya at ikinabit ang seatbelt niya Naiilang siya sa malapit nila sa isa't isa, naamoy niya na ang pabango nitong gamit. Halos hindi na siya makahinga sa pagkadikit niya sa upuan. "Your done?", tanong niya "Not yet, hindi ko mahanap ang pagkabitan... there is it... done.", pahayag nito para paraan din itong mokong na ito "Salamat Sir, " nagpasalamat siya kahit papaano Idinaan nga siya nito sa kanyang sasakyan. Pagkatapos ay umalis na rin siya sa parking lot at umuwi na ng bahay. Ginabi na siya ng uwi alas onse na siya nakarating ng bahay. Hindi na siya nagshower , nagpalit lang siya ng damit pantulog at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD