Chapter 16
Pagpasok ng sasakyan ni Aminah sa loob ng kanilang gate, saka naman tuluyan ng umalis ang itim na 75oS McLaren ni Lucero na hindi namalayan ni Aminah nakasunod pala ito sa kanya. Gusto lang ni Lucero na makakarating ng bahay si Aminah nang ligtas.
"Oh anak, andito ka na pala?", ang bungad ng Yaya nila
Lumapit naman si Aminah dito at nagmano
"Bakit po gising pa kayo ?", tanong ni Aminah sa Yaya niya
"Kaawaan ka ng panginoon.. talagang inaantay kita.", pahayag nito
Niyakap naman ni Aminah ang kanyang butihing taga- alaga sa kanya maging sa kanyang mga kapatid
"Sana po natulog na kayo,Ya.. hindi po maganda na magpuyat kayo,alas dyes y media na po ng gabi.", paglalambing na sabi ni Aminah
"Paano ako makakatulog kung wala ka pa dito sa bahay.", saad naman nito
"Ayyy si Yaya talaga love you Ya,sya ngayon na andito na po ako puwede na po kayong matulog... ako na po ang bahala sa sarili ko Ya," saad ni Aminah na bumitaw na mula sa pagkakayakap sa kinilalang ikalawang ina
"Yung pagkain mo nasa lamesa tinakpan ko,initin mo na lang .. favorite mo lahat ang niluto ko para sa iyo.", bilin nito na napangiti naman si Aminah sa sweetness ng Yaya niya.
"Opo Ya, maikling sagot niya kahit kumain na siya sa opisina dahil sa boss nila pero gusto pa rin niyang kainin ang pinaghirapang lutuin ng Yaya niya.
Pag- alis nito sa harapan niya, umakyat muna siya sa kanyang kuwarto upang maglinis muna ng katawan at magpalit ng pambahay.
Si Lucero naman ay nagtuloy sa hospital dahil may biglaan siyang operahan na pasyente sa madaling araw,
Hindi namalayan ni Lucero na napangiti na siya kapag naalala ang magandang mukha ni Aminah na kanina lang ay kasama niya ng matagal sa kanyang opisina. Hindi niya mapigilan na hindi tignan ang maamo nitong mukha na binabagayan ng magagandang singkit na mga mata, hindi katangusan na ilong pero ang cute at ang mapupulang mga labi nito na kahit tapos na silang kumain hindi pa rin nahbabago ang kulay.
Kahit nagalit ito sa kanya noong una pero sa paningin niya mas lalo pa itong naging cute at kaakit-akit. Inlove na ba siya sa isang babae, tanong niya sa sarili kaya alamin niya ito.
Nakarating na siya sa kanilang hospital si Aminah pa rin ang laman ng isipan niya. As usual nagparking siya sa basement parking lot sa kanyang designated area ng parking slot.
"Good evening po Doc," bati ng guwardiya sa kanya na tinignan niya lang ito at tinanguan, nagtuloy lang siya sa kanyang private elevator na maghahatid sa kanyang opisina dito sa hospital. Pagdating niya sa floor nadaanan pa niya ang mga cubicle ng mga staff na wala nang mga ito roon dahil sa nag- uwian na.
Pagpasok niya ng kanyang opisina, nakita niya kaagad ang isang black folder na may nakasulat na medical record at ang pangalan ng pasyente na kanyang ooperahan mamaya.
Bago siya umupo ay pumasok muna siya sa kanyang secret room na siya lang nakakaalam nito at wala nang iba.
Pagpasok niya sa loob binuhay niya ang air-condition kahit gusto man niyang mahiga na sa kanyang malambot na kama pero may kailangan siyang tapusin at unahin. Kailangan niya pang review- hin ang records noong pasyente na nagkaroon intracerebral hemorrhage na dahilan upang comatose ang pasyente kung hindi kaagad ito maagapan at patuloy sa pagdurugo maaring sanhi ng kanyang maagang kamatayan.
Nagpalit siya ng comfortable na white shirt at white pajama saka isinuot ang white slippers.
Ganun palagi ang routine niya, opisina sa araw sa real estate at sa gabi sa hospital naman. Pero minsan nasa hospital siya sa araw kapag kailangan, kapag may emergencies katulad ng walang surgeon o request ng pasyente na siya ang mag-perform ng surgery.
Pagkatapos niya ng proper hygiene sa katawan,lumabas na siya at gumawa muna ng kape bago umupo sa harapan ng kanyang swivel chair.
At inumpisahan na buksan ang record ng pasyente na lalaki pala. Siya ang Head Surgeon ng kanilang hospital
Inabot siya ng halos maghating gabi.pagod siyang nag- iinat ng katawan saka tumayo at nagtungo na ng kuwarto niya pagkatapos inaayos ang records saka ibinalik sa loob ng folder.
Pagod na ibinagsak ang kanyang katawan sa kama at ilang saglit nakatulog na.
Samantalang si Aminah habang nasa kanyang kama ay nasa isip pa rin ang boss niya ,nalilito siya sa mga kilos nito. Sa interview sa kanya masungit ito sa kanya. Hindi kaya bipolar itong boss nila at siya ang napagtripan sa lahat nila sa opisina.
Sa naiisip kinilabutan siya, kaya tinakip niya ang unan sa mukha niya hanggang sa nakatulog siya sa ganung pag- iisip.
Kinabukasan maaga siyang nagising at bumaba siya ng kusina nila na as usual daily routine ng mommy niya ang ipaghanda sila ng breakfast.
"Good morning mom,"bati niya dito
" Morning too,Ate.. What time did you came last night?", usisa ng mommy niya
"Ten sharp po.. Hinintay po ako ni Yaya,", saad niya at lumapit siya sa coffee maker at gunawa ng kape para sa kanila ng mommy niya.
"How's your work,did you enjoyed?", tanong nito habang hinahalo ang batter ng pancake.
"Exciting siya at the same nakaka- pagod din.. merun na akong mga bagong friend pero may isa doon mukhang ayaw sa akin , lagi akong iniirapan, 'my" kuwento niya
"Ganun talaga , lalo ba naman e ke ganda ganda mo.. insecure talaga sila sa iyo...
"At mabait pa.. sabay silang napalingon sa nagsasalita mula sa pintuan na ang bunsong kapatid pala nila si Ahrum
"Good morning 'lil brother.", unang bati ni Aminah
"Good morning din sa pinaka- magandang ate sa buong universe at sa mommy na pinaka maganda sa buong World.", pahayag nito na ikinatawa nilang dalawa ng mommy niya
" Parang sasali lang kami sa beauty Pageant niyan ah," ang mommy niya
"Yes of course dahil kayo ang pinaka maganda para sa akin, ate at mom!", masayang pahayag ni Ahrum
"Huwag ka na mambola pa, umupo ka na jan.. you forgot something, Ahrum?" ang mommy niya ulit
" Hmmm What is it mom?", curious na tanong nito kay mommy
"How about my kiss, you forgot it?", kunwari nakasimangot si Mommy
Lumapit naman ito sa mommy nila at hinalikan sa pisngi ang kanilang ina at umupo na ulit.
Ganito ang set- up nila sa lamesa ang daddy na sa kabisira nakaupo , si mommy nasa kanan katapat niya, katabi ng mommy si Amaya na katapat naman nito si Ahrum. Sila ni Ahrum ang magkatabi ng upuan.
"Ate you make them milk for your brother and for your sister.",utos ng mommy niya sa kanya
"Yes mom ", tumayo siya at lumapit sa electric kettle
"Hello everyone, sorry I'm late", malambing na saad ni Amaya.
"You just in time little sis ", saad niya
"Siya kain na tayo,tapos na itong mga niluto ko.", announced ng mommy niya
Tumayo naman si Ahrum upang tulungan ang mommy nila na maglagay ng mga pagkain sa lamesa. Typical lang na breakfast ang hinahanda ng mommy tuwing umaga kapag wala ang daddy nila pero kapag nasa bahay ang Daddy, automatic Japanese ang nakahanda sa lamesa nila and they used chopsticks.
Pagkatapos niyang nagawan ng milk ang mga kapatid umupo na ulit siya sa upuan niya. Five thirty pa lang ng umaga, maaga pa.
"Ate kumusta ang first day ng work mo.. marami bang mga guwapo sa office niyo?",si Amaya na ikinalingon ng mommy niya dito
"Mukhang interesado ka na sa mga pogi, baby girl?", puna ng mommy nila
"Hindi naman po,Mom.. my friend told me ,sa office daw ng kanyang brother alot daw po ng pogi e.", sagot nito
"Huwag kang makinig sa kanila, okay?", saad ng mommy
"Yes tama ang mommy little sis, pag- aaral muna ang unahin mo bago ang sinasabi mong mga pogi... right bro?", paliwanag ni Aminah sa nakababatang kapatid at sinangguni pa ang bunsong kapatid na lalaki.
Tatlo silang magkakapatid siya ang panganay sa tatlo, pangalawa si Amaya at pinaka bunso ang lalaki si Ahrum.
"Excuse me, I'm done", saad niya na tumayo na mula sa kinauupuan.
"Mom, aakyat na po ako.. you know office girl, never be late.", pahayag niya
"Sure hija, go ahead!", masayang sagot ng mommy
Pagdating ni Aminah sa opisina , binati niya ang guard na nakilala niya.
"Good morning, kuyang", bati ni Aminah
"Hayyy Salamat naman may nakita rin akong maganda ngayong umaga na ito.", saad ng guwardiya na nakangiti ito sa kanya
"Ikaw talaga kuya, lahat naman po ay maganda dito.", pagtatama niya
"Pero angat ka talaga sa kanila ma'am aa totoo lang, at puna ko rin mabait din kayo sa tulad namin.", saad nito ns ikinakunot ng noo ni Aminah
"Ganun po ba, sadyang ito po talaga ako kuya. ", katwiran niya
"Sige po mauna na ako,baka abala na po ako sa mga puma- pasok.", paalam niya
"Mag- iingat po kayo ma'am.", saad ni manong guard
"Cheap niya talaga, pati ang guwardiya ewww..", narinig ni Aminah sa kanyang tagiliran sabi ng babae
"Oo nga, kala mo naman kagandahan.", dinig niya ulit
Deadma lang ni Aminah, pero ung utak niya sumisigaw at nagtatanong kung sino ang tinutukoy nila.
Pilit niyang inignora dahil wala naman siyang ginagawang masama.
Pagdating niya sa ikalawang palapag, mga empleyado sa kanya nakatingin nagtaka naman siya kung bakit.
"Good morning ma'am", bati ni Layla kay Aminah
"Good morning too,Lay.", ganting bati niya saka nagtuloy na siya sa kanyang opisina
"Good morning,Jane.", unang bati ni Aminah sa kanyang assistant na nakatalikod sa kanya na may inayos sa may bookshelf.
" Ay kabayong pula!", gulat na gulat ito sa bigla niyang pagsalita
"Ay ma'am nariyan na po pala kayo.
"Napaka- seryoso mo kasi jan sa ginagawa mo, hindi mo namalayan na nandito na ako.", pahayag niya na nilakipan pa ng mahinang tawa.
"May iniisip lang po kasi ako, Ma'am.", saad ni Jane na nakatayo sa hindi kalayuan ni Aminah
"Care to share, what's bothering you..Jane?", tanong niya na ngayon ay nakaupo na siya sa kanyang swivel chair.
"Igawa ko po muna kayo ng coffee ninyo ma'am... excuse me", saad nito at naglalakad na ito palabas pupunta na si sa pantry.
Naiwan naman si Aminah na naguguluhan sa kilos ni Jane.
"Pssst Jane," Tawag ni Pia kay Maryjane
Lumapit naman ang huli dito
" Sa pantry tayo, huwag dito.. alam mo na maraming mga marites sa paligid." saad ni Maryjane
Naglalakad na ang dalawa papunta sa kanilang pantry. Hindi nila expected na naroon pala si Angel pero ang ugali kabaliktaran sa pangalan
"Ano natauhan na kayong dalawa?", pasaring ni Angel sa dalawa
"Bakit kami ba ay tulog, para matauhan.. ayosin mo Angel mainit pa naman ang kape baks gusto mo ipaligo ko sa iyo nang sa ganun luminis yang dumi ng bunganga mo.", pikon na sabi ni Pia
"Hmmm mga tanga kasi kayo, palibhasa ganun rin kayo.. mga bobo", saad nito ulit
"Sabihin mo nga sa amin ng deretso, Angel ..ano ba ang pinaglalaban mo dito... kontrabida kontrabida ang dating mo kasi e," pikon na saad ni Maryjane dito
"Kayo ang nagmaang- maangan dahil sa bago niyo kunong kaibigan, isa ring makating higad na ang boss natin kinalantari niya .. o diba kayo ang feeling na kunwari walang mga alam.. ngayon niyo sa akin sabihin sino sa atin ang bobo.", pambara ni Angel sa dalawa.
"Angel ito lang masasabi namin sa iyo, kung totoo nga ang balita na 'yan na kinalantari nga niya ang boss natin gaya ng sabi mo diba dapat hindi tayo mangi- alam dahil buhay na nila 'yon e hindi sa atin.", si Pia na sinupalpal si Angel
"Oo nga ,tsaka bakit nanggagalaiti ka riyan, dahil ba gusto mo ikaw ang gumawa noon sa boss natin at kasamaang palad hindi mo nagawa dahil dika type, ha Angel..?", panuyang tanong naman ni Maryjane
"Tse!.. makakabawi rin ako sa inyo.. basta ang kaibigan niyo sobrang landi pati guwardiya nilandi na rin.", pahayag nito muli
"Nakakatawa ka, Angel na walang pakpak, ang merun lang sa iyo buntot at sungay, bakit ka ba dito nagtrabaho na mas bagay pala naman sa iyo ang isang clowns dahil nakakatawa ka e, tsaka piece of advice lang ha, magvitamins ka para sa utak ang purol e.", panuyang pahayag ulit ni Maryjane
"Tsehh!..
Lumabas ng pantry si Angel na pikon na pikon at naghihimutok ang galit sa katawan.
"Anong nangyari sa bruha na nakasalubong ko sa labas?", bungad ni Layla pagkapasok ng pantry na ang tinutukoy ay si Angel
"Huwag mo pansinin 'yon .. asar talo e, ang pag- uusapan natin kung paano natin sabihin kay Ma'am Aminah ang bali-balita ngayon dito sa opisina?", si Pia
"Oo nga e,naksusap ko kanina si Ma'am pagdating niya mukhang wala pang idea si Ma'am Aminah tungkol dito.", saad ni Layla
"Ikaw lang talaga Jane,ang maaring magbasabi kay Ma'am." si Pia
"Oo nga ,kasi nasa loob ka ng opisina niya." si Layla naman
"Sige pero hanap ako ng good timing mamaya.", sagot ni Maryjane
"Tara let's go na, start ng work natin.", si Pia
Lumabas na nga sila ng pantry, na may kanya kanyang bitbit na kape, si Maryjane tray ang dala dahil kumuha pa siya ng bread sandwiches para sa kanila ni Aminah at dalawang kape.
Pagbalik ni Maryjane sa loob ng opisina, "Ma'am ito na po ang coffee niyo.", pukaw ni Maryjane sa busy na busy niya boss na nasa harap ng computer nakatutok ang mata na may reading glass pa.
"Pakilapag ng jan ,Jane.. please", utos ni Aminah kay Jane
Ginawa naman ni Maryjane ang utos ng kanyang Head pagkatapos pumunta na sa sariling table.
"Jane, can you do me a favor,", napalingon naman si Maryjane sa kanyang boss
"Sure po ma'am , ano po 'yon?"
"Can you make an announcement for a meeting with all the marketing staff.. kailangan ko makausap ang team para sa gagawing commercial na gusto ng boss natin..regarding sa project ng company na murang pabahay", pahayag ni Aminah
"Kailan po niyo balak makipag- usap sa kanila ma'am?"
"Puwede kaya sila tomorrow after work?", pahayag ni Aminah
"How about over the lunch po?", suggest ni Maryjane
"Magandang suggestion 'yan,Jane.. okay shoot tomorrow lunch dito na lang sa ating area.. sagot ko ang food and drinks nila."
"Mas lalo pong maganda 'yan ma'am.. ngayon pa lang po magpapasalamat na po ako para sa libre niyo po ma'am na foods.", si Maryjane
"Walang anuman ", saad ni Aminah
"Sige po gagwin ko na po ang inutos niyo", masayang sumunod si Maryjane sa utos ng kanyang boss na maganda.
Pagkatapos gawin ni Maryjane ay pinasa niya agad ito kay Aminah for finalization at signature na rin.
Approved naman kay Aminah ang ginawang announcement letter ni Maryjane .
Pinaskil na kaagad ni Maryjane sa kanilang bulletin board sa bukana ng kanilang department. Nakita niya pa si Angel na sumilip sa gawi niya pero hindi niya na pinagtuunan ng pansin.