Chapter 14
Pagkatapos gawin ni Aminah ang proposal, Nakailang ulit siya dahil ayaw niyang may masilip na kahit na maliit na butas ang kanilang Boss.
Pinadala niya na ito kaagad kay Jane sa 3rd floor na agad namang sumunod sa utos niya.
Bumalik naman ito kaagad
"Aminah, nai- abot ko na doon sa bagong secretary ni Dragon." saad nito
"Ikaw talaga Jane, poro ka kalokohan, alalahanin mo bubuga ng apoy ang Dragon kapag ginalit mo ito.", ganting saad ni Aminah
"Alam ko 'yan, pero dito kasi sa ating department naging ordinary na lang namin 'yan ,ang ganyan na term.", pahayag ni Maryjane
"Bumalik ka na nga doon sa puwesto mo.. Hayaan mo na siya, ayosin na lang natin ang ating trabaho...alalahanin mo bago pa lang ako dito, sayang naman masisanti na kaagad ako. ", pangonsinsya ni Aminah sa assistant niya
"Babush, ay ito nga pala.. ibigay ko raw 'to sa iyo galing sa secretary ni Boss ", iniabot ang nakatuping papel kay Aminah na tinanggap naman ng huli
"Ahhh si Racquel, bago kong kaibigan.", hintamad niyang pahayag na ang tingin nasa mga papeles na ulit.
"Sige Aminah tutuloy na ako.",paalam nito sa kay Aminah
May ilang na siya sa gingawa pero hindi pa tapos may limang folders pa. Sumakit na ang kanyang leeg.
Nasa panghuling folder na siya nang mapansin niya na tampered ang perma at ang total hindi tugma kahit anong ulit niyang gawin. Anong nangyari dito?
Kaya tinawagan niya si Jane at kaagad naman itong pumasok
"Yes Aminah, may kailangan ka ba?", tanong nito
"Jane, sinung gumawa ng report na ito?",pinakita ni Aminah ang folder
"Wait lang, five months ago pa ito e, wala pa ako dito...anong problema ba jan?", nagtatakang tanong nito
"Tignan mo ang signature halatang tampered at ilang ulit kong tinotal ayaw magtally sa isang record. ", pahayag ni Aminah
"Iwan lang po, kung hindi magtugma may mali nga jan... marami na kasing mga umaalis dito, labas masok nga kung tutuusin dahil iilang araw lang umaalis na sila kaagad.", paliwanag ni Jane
"Ganun ba,so anong gawin natin dito.. Hindi ba natin sabihin sa itaas ang tungkol?", tanong ni Aminah
"Huwag na, what's the used kung sasabihin pa natin e matagal na rin naman 'yan nangyari. Tsaka sino pa ang hahabulin ni Boss nagresign na pareho ang gumawa niyan at ang nakaperma jan na taga Finance. Ang concern nating ang sa ngayon Kaya tayo maging alerto. Safety mo mga gawa mo pagdating sa proposal dahil pera pa naman ang involved. ", paliwanag at paalala ni Jane
"Salamat Jane ", pahayag ni Aminah
"Walang anuman ", saad naman ni Jane
"Luch time na , wala ka bang balak kumain ?", pahayag ulit at kinuha ang files na hawak saka nilagay sa folder at isinama sa tambak na file.
Tinitignan naman ni Aminah ang kanyang wrist watch, Lunch time na nga.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at umikot sa kabilang side upang kunin ang kanyang cellphone sa loob.
Pero bago nangyari may kumatok sa kanyang pinto. Naglalakad naman palapit si Maryjane upang tignan kung sino ang kumatok.
"O hi, dito ka pala ", narinig ni Aminah ang pamilyar na boses ni Racquel
"Hello ,Miss Montecalvo.", pahayag ni Maryjane kay Racquel kasabay niluwagan ng bukas ang pinto ng opisina.
"Hi Freeny, shall we", saad ni Aminah
"Sure let's go.", sang- ayon ni Racquel
"Jane sumabay ka na sa amin ni Racquel", aya ni Aminah
"Huwag na po Miss Aminah..kasabay ko mga kaibigan ko na ininguso ang may likuran ni Racquel na may dalawang babae na nakatayo doon.
"Isama mo na sila, the more the merrier ", kuwelang banat ni Racquel
"Okay lang ba sa inyo?" alinlangang tanong ni Maryjane
"Oo naman!", si Aminah
"Layla at si Pia ,mga kaibigan ko.. Miss Aminah", pakilala ni Jane sa mga kaibigan
Nakarating na silang lima sa cafeteria ng kompanya kung saan sila balak maglunch
Tuwang- tuwa si Aminah dahil sa wakas feeling niya napaka- simply na niyang tao.
Pumila sila para umorder at pagkatapos ng order nila , naghanap sila ng mauupuan na swerteng may umalis kaya silang lima ang pumalit sa inalisan na lamesa na tama rin na lima.
"Okay na sa iyo ang order mo freeny?", puna ni Racquel kay Aminah
"Okay na 'to sa akin", sagot niya dito
Pinusan muna niya ng tissue ang kutsara at tinidor.
Nakatingin naman ang mga kasama sa lamesa sa kanya
"May mali ba sa ginawa ko?",tanong ni Aminah sabay tago ng tissue na ginamit
"Wala naman po ,bago lang sa amin", si Pia
"Ganun ba.. paano ba ang tama?", mahinang tanong ni Aminah
"Wala namang mali sa ginagawa niyo Miss Aminah.. ", pahayag ni Maryjane
"Kain na nga lang po tayo ", si Layla
Nagtaka siya bakit biglang tumahimik ang lahat pati ang mga kasama niya sa lamesa.
Nilibot niya ang kanyang tingin ng may mahigip siyang isang lalaki na naglalakad papasok na nagtama pa ang kanilang paningin. Ang boss lang naman ng kompanya nila ang nasa cafeteria ngayon.
Masasabi niyang guwapo ang boss nila ang pero hindi man lang siguro ito marunong tumawa o ngumiti man lang, palagi pang naka-tiger look na animo'y nasa training ng Rotc.
Siya ang unang nagbaba ng tingin , hindi niya nakayanan ang intent ng mga titig nito sa kanya.
Nagtataka nga siya dito noong nasa opisina siya nito kailan lang, iba ang tinginan nito sa kanya.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain kailangan pa nilang bumalik kaagad sa kanilang trabaho.
"Freeny kanina ka pa tinitignan ni boss .. type ka ata hehehe ", anas na biro ni Racquel sa kanya
"Ano ka ba, kung ano ano 'yang napapansin mo riyan... tapusin mo na 'yang food mo.", bulong na saway ni Aminah sa kaibigan
"Himala world breaking record ang nangyari ngayong araw na ito," napalingon siya sa sinasabi ni Layla kaibigan ni Jane
"Oo nga 'no napansin ko din 'yan..wala akong narinig na may nasigawan at look pumunta pa dito sa cafeteria na hindi naman 'yan dito nagpupunta.", komento rin ni Pia
"Matatawag nga na isang himala ito.", si Jane
Nakikinig lang sila ni Racquel at Aminah sa pinag-uusapan ng tatlong kasama sa lamesa.
Makalipas ang ilang minuto natapos na silang lima kumain
"Shall we " aya ni Racquel sa kanila
Kumuha muna ng wet tissue si Aminah sa dala niyang bag na nasa kandungan niya.
"Did I do something wrong?", nagtatakang tanong ni Aminah sa kasama na nakatingin sa kanya maliban kay Racquel na nasa cellphone ang atensyon
"Natutuwa lang kami sa iyo, Miss Aminah", saad ni Jane
Nagtataka talaga si Aminah sa mga ikinikilos ng tatlong babae kasama ang kanyang assistant.
Tumayo na siya na sa paglingon niya nasa kaliwang bahagi niya ang kanilang Boss na tubig lang ang nasa mesa nito.
Busy ito sa cellphone. Kaya instead na batiin niya sana huwag na lang baka maka- estorbo lang siya dito.
Dumaan siya sa gilid nito dahil meju may kasikipan ang lugar dahil sa upuan.
Napatingin siya sa mga kasama niya na umikot sa kabila ang akala niya susunod ito sa kanya.
Nasa may bukana na siya at inaantay na lang ang mga kasama.
"Your blocking the way,Miss Silva!", nagulat pa si Aminah sa nagsasalita na ang boss pala nila
"So-so..", hindi na natapos ni Aminah ang sasabihin
Likod na lang nito ang kanyang nakikita nasagi pa siya sa pagdaan o sadya siyang danggilin
"Anong nangyari?",
Anong sinabi?",
Nabugahan ka ba ng apoy?",
Sabay sabay na sabi ng tatlo di Maryjane, Pia at Layla
Natawa naman siya sa tatlo
"See you later Freeny!", saad ni Racquel
Lumabas na sila ng elevator at naiwan naman si Racquel dahil sa 3rd floor pa ito.
"Akala talaga namin mapagalitan ka dahil nasa gitna ka pa naman ng daanan.", si Jane
"Sinabihan nga ako, pero mukhang hindi naman galit... plain lang naman nitong sinabi. ", saad ni Aminah
Nakarating na sila sa kanilang department.
"Bye Aminah, nice meeting you", si Pia
"Mee too, nice meeting you.", saad ni Aminah
Kumaway lang si Layla kay Aminah pagkatapos ng beso sa kanila ni Maryjane
Silang dalawa ni Jane sa kanyang opisina
"Okay na diba ang ipe- presents mo mamaya sa taga board ?", tanong ni Jane sa kanya
"Aayosin ko pa lang, kinabahan ako.. first time e", pahayag ni Aminah sa totoong naramdaman niya
"Kaya 'yan!.. ako noong una ganyan din pero makasanayan mo na rin... basta be yourself and be confident..pinaka importante ay tiwala sa kakayahan... inhale at exhale. ", payo ni Jane dahil baguhan si Aminah
"Salamat Jane, go back to work na tayo.", pahayag ni Aminah
Goodluck ang sabi ni Jane at naglalakad na ito palabas ng opisina dahil nasa labas ng pintuan ang table nito
Lumipas ang kalahating oras, inihanda na ni Aminah ang sarili,kailangan presentable siya .
Nagre-touch siya ng kanyang makeup, hindi naman talaga makeup dahil face powder lang nilagay niya at lip gloss lang din sa labi niya na sadyang mapula na
Pagkatapos isinuot ang kanyang corporate coat, skirt ang partner na level lang sa kanyang tuhod.
Mas lalo namang na- emphasize ang kinis niyang mga binti sa suot na 4- inches high heels shoes
Pagkatapos naayos ang sarili ,umupo siya sa kanyang swivel chair at inayos ang laptop na dahil niya sa presentation
Samantalang sa opisina ni Lucero natutuwa siya sa panonood kay Aminah na nag- aayos ng sarili.
Lingid sa kaalaman ng lahat ,pinalagyan niya ng secret camera ang opisina nito.
Hindi niya mapigilan ang sariling gawin ang mga bagay na hindi niya dating ginagawa.
Sa gitna ng kanyang pag-iisip ay tumunog ang intercom na nasa side table. Pinindot ni Lucero ang receiver.
"Speak up!", saad niya sa seryosong boses
"Ahh Sir , pina-ready ko na po ang board
"Tell them ,I'll be there at thirty minutes.", utos niya sa bagong hired niyang Secretary na magaling naman at wala siyang masabi.
Samantalang sa Marketing Department
"Pia, bakit niyo kasama ang bagong hired na head natin?", sita ni Angel
"Bakit inggit kaba,",si Layla ang sumagot
"Bakit ako maiinggit na di hamak na mas maganda naman ako kesa sa kanya.", sagot nito
"E di lumabas din ang totoo, inggit ka sa bago naming mga tropa lalo kay Miss Aminah na sobrang ganda at sobrang bait pa.. nilibre pa nga niya kami ng lunch.", pang- aasar ni Pia kay Angel
"Panuhol lang 'yon.. if I know my hidden agenda siya... at kayo mga uto- uto palibhasa pgt (patay gutom talaga)kayo.", balik pahayag kay Angel
"Nakatuwa ka talaga ,Angel.. anghel na anghel ang pangalan kabaliktaran naman ang ugali", si Layla na inaasar na lang si Angel
"Oo nga, I'm sure noong bata 'yan mabait naman 'yan kaso nagpapanggap lang pala, katunayan sungayan talaga siya na nagkatawang tao.", si Pia at Nagtawanan naman silang dalawa
Pati nasa paligid nagtawanan na rin,
Paglabas ni Aminah sa opisina niya naabutan niyang nagkasayan ang mga empleyado " Anong merun?", tanong niya
"Tseh!", sabay walk out ni Angel
"Ayy wala po 'yon,ma'am ", si Pia ang sumagot
"Hi po ma'am!", masayang bati ng ibang empleyado
"Hello, kumusta kayo dito?", tanong niya na tinignan ang may sampong empleyado anim na lalaki at apat na babae hindi kasama si Pia at Layla dahil kilala na niya ito
"Okay lang po kami dito Ma'am", sagot ng isang babae na may maiksing buhok
"Ang ganda niyo po pala ma'am", anang isang lalaki sa dulo na may kaputian
"Go back to work na nga kayo, baka bubungad sa atin ang apoy..mayari pa tayong lahat. ", si Layla na nagsipuan naman ang mga kasama
"Maiwan ko muna kayo at may presentation pa ako , salamat sa inyong lahat.. Next time na lang tayo bonding.", pahayag nu Aminah
"Ay masaya po 'yan ma'am.", anang isang babae na nasa gitna ang puwesto
"Goodluck po ma'am sa presentation niyo", si Pia
"Salamat!", masayang sagot ni Aminah
Naglalakad na siya papunta sa elevator nasa first floor kasi ang conference room bitbit ang folder at laptop niya kung saan ang files na ginawa para sa presentation at sa folder naman ang hard copy na ipamimigay niya sa board.
Kabado siya ng kaunti dahil first time niya magsalita sa maraming tao. Hindi siya sanay sa public speaking.
Sa opisina naman ni Lucero
Nanggalaiti ito sa galit at pinagtatapon ang mga papeles sa ibang ng lamesa sa nasaksihan sa Marketing department na nagkatuwaan ang kanyang mga empleyado dahil kay Aminah.
Anong merun sa babaeng ito pagdating sa kanya parang gusto niyang balian ng leeg ang isang lalaki na kumausap dito.
Baliw na ba siya, pero hindi niya mapigilan ang manginig ang kalamnan sa galit, nakikita niyang ngumiti pa si Aminah sa lalaki.
Si Racquel ay nagulat sobra sa narinig na kalabog na nagmula sa opisina ng boss.
Gusto niyang puntahan ito pero nanaig sa kanya ang takot na baka mabugahan din siya ng amoy o kaya lava kaya tiniis ang takot at pangamba sa sarili.
Kaya siguro walang tumatagal dito na secretary dahil sa takot na ganito palagi ang eksena.
Ilang saglit tumunog ang intercom na konektado sa opisina ng boss.
"Miss Montecalvo,ikaw ang magpresent sa board!", narinig ni Racquel na sabi ng boss kahit naguguluhan "Ye-yes po Sir!", sagot niya
"Kunin mo ang mga kailangan mo sa kanya."
"Yes po Sir!", tarantang sagot ni Racquel
"Right now!", sigaw nito na muntik na maalis ang tutuli ni Racquel sa lakas ng sigaw
"Tawagan mi rin ang Janitress at ipalinis mo opisina ko.. Pronto!", Noted po Sir!" Totot na narinig ni Racquel
Nagmamadali siyang tumawag sa maintenance department at nagpadala ng janitress sa opisina ng Boss niya
Pagkatapos nagawa ang utos ng boss ay nagmamadali siyang naglalakad papunta sa elevator at pagkabukas pumasok naman siya kaagad pinindot ang first floor, tutungo siya conference room. Nagtataka man wala siyang magawa kundi ang sundin ang utos.
Nasa loob na si Aminah ng conference room. Ang lahat ng nadatnan niya sa loob ang napatingin sa kanyang pagpasok sa loob na may limang katao ang kanyang nadatnan dalawang babae at tatlong lalaki.
Nginitian niya ang mga ito na hindi naman siya nabigo at ngumiti rin sa kanya ang mga ito pabalik.
Napansin niyang wala pa ang boss nila kaya inikot-ikot niya ang paningin sa kabuuan ng conference napansin niya ang pagkakaiba ng conference nila sa opisina ng Daddy niya. Ang nakikita ay simpleng merun lang ,may mahabang lamesa na kasya bente katao sa daddy niya ay oval style kasya ang sixty.
May projector at white board na malamang doon makikita ang mula sa computer.
Lumapit siya sa project at nilapag niya ang laptop upang ma- assemble niya na para ready na mamaya pagdating ng kanilang boss na nilalangit.
Pa vip lang ang peg nitong boss nila. Tinitignan niya ang mga kasama sa loob ng board room, may kanya-kanyang pinagkaabalahan ang bawat isa.. may hawak ang cellphone, may nagbabasa at may naglalaro ng mga daliri na animo'y piano ang lamesa na nasa harapan.
Natigil sila sa kanya-kanyang ginagawa sa pagbukas ng pinto at nagtaka pa siya sa pagdating ni Racquel but at the same time natuwa siya dahil makakasama niya ito.
"Freeny may importante akong sasabihin, utos sa akin ni Boss ibigay mo sa akin ang para presentation at ako na magpresent. ", saad ni Racquel
"Sa anong dahilan, Freeny?", nagtatakang tanong niya
"Hindi ko alam e,basta sinunod ko lang ang utos sa akin.", pahayag ulit ni Racquel
Walang nagawa si Aminah dahil order ng boss nila ,okay lang sa kanya advantage pa nga sa kanya ito
"Good afternoon ladies and Gentlemen first and foremost allow me to introduce myself I'm Racquel Montecalvo the newly hired secretary." pakilala ni Racquel sa sarili
"I just want to announce there's a slight change, Our boss told me I'm the one who present the company proposal that our head marketing made it. I hope it's clear to everyone.", pahayag ni Racquel
Pagkatapos binulungan ni Racquel si Aminah na puwede na umalis na sinunod naman ng huli.
"Sorry for the inconvenience Ma'am and Sir", nginitian ni Aminah ang bawat isa
"It's okay hija, it's not your fault. ", saad ng isang may edad na na ginang na tingin ni Aminah ay nasa 40's ito.
Pagkasabi ni Aminah kinuha niya ang kanyang bag at naglalakad na ng conference room.
Samantalang sa Marketing Department dumating ang Head ng HRD at tinawag si Roger ang lalaking kumausap kay Aminah.
"Bakit po ma'am may mali po ba akong nagawa?", nagtatakang tanong ni Roger sa Head
"Sa akin wala,sa katunayan nga nito ay isa ka sa mga empleyado na efficient sa trabaho at maasahan. Pero ang ating boss ay may reklamo sa iyo ,nakikipag usap ka raw sa oras ng trabaho.", paliwanag ng Head HR
"Ma'am ano po ibig niyo sabihin,?", tanong nito
"Dahil magaling ang performance mo dito sa Real Estate, ang sabi ko sa ating boss na huwag ka nang alisin at ilipat ka na lang ng department.", maluha luha naman si Roger sa narinig
Paano na lang kung matanggal siya sa trabaho, umaasa pa naman ang kanyang fiancee na pakasalan na niya ito ngayong taon.
"Ma'am saang department niyo po ako ilipat", nag- aalalang tanong ni Roger
"Ipinalipat ka ni Boss sa Alabang Branch natin ' yan din ang suggestion ko sa kanya... Mas advantage sa iyo dahil mapalapit ka sa tirahan mo.", pahayag ng Head HR
"Maraming salamat po ma'am, tanawin kung malaking utang ito sa inyo.", madamdamin na pasalamat ni Roger
"Sige puwede ka na umuwi ngayon, dumaan ka sa HR department para sa iyong recommendation sa iyong paglipat sa ibang branch. Sa Marketing ka pa rin dahil jan ka naman nag- excel.", paliwanag ng Head ng HRD at lumabas na ito.
"Bakit daw 'yun , Roger pare?", tanong ng kasama ni Roger na si Wharine
"Bumalik na kayo sa trabaho niyo kung gusto niyo pang magtagal sa inyong mga trabaho. ", si Roger na naglipit ng gamit
Nagsi- upuan naman ang mga kasamahan na naki- usyoso kung anong nangyari.
Madali lang nalipit ni Roger ang mga gamit at nagpaalam sa mga kasamahan.
"Ano ba kasi ang nangyari?",si Pia
"Hindi nga alam e, pagkaintindi ko inalis na yata siya sa trabaho dahil dala na niya lahat mga gamit niya e.", si Layla
"Dapat lang alisin kapag chismosa... hindi magtatagal kayong dalawa ang susunod.",
"Mauna ka,ang layo mo pupunta ka talaga dito sa puwesto namin para maghasik nang malangsa mong amoy, Angel.", si Layla
"Tsehh,may araw din kayong dalawa sa akin.. mga pangit!", sabay talikod
"Nagsasalita ang leader!", saad ni Pia
Nagtawanan naman silang dalawa ni Pia at Layla
"Asar talo si Angel"
Naglalakad na si Aminah papalapit ng elevator at pinindot niya ang open button pero hindi pa man sumayad ang daliri niya sa button ng bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki na namukhaan niya na taga Marketing Department ito.
Batiin sana ni Aminah pero tuloy tuloy lang ito sa paglalakad ni hindi nga ito lumingon sa kanya.
Ipinag-kibit balikat na lang ito ni Aminah at pumasok na siya ng elevator at pinindot ang 2nd floor.