Chapter 06

1454 Words
Chapter 06 Araw ng medical mission Nasa sasakyan siya ng kaibigan niyang si Sakura isa itong Dentist at kasama ito sa medical mission "Mabuti naman pinayagan ka ng parents mo na sumama sa akin", saad ni Sakura "Oo naman, basta masaya ako.. at isa pa hindi naman masama ang gagawin ko.", masaya niyang sabi "Kasama din pala natin si Misaki, Sayori at Kimiko diba nakilala mo na sila noong graduation niyo.", saad nito sa kanya "Ahhh oo natandaan ko sila," saad niya "Si Misaki ay isang Dermatologist , si Kimiko naman ay isang Pediatrician at si Sayori isang Obstetrician/ Gynecologist (ob gyn)", pahayag nito "Okay, nasa medical field kayong magkakaibigan", saad niya Inayos niya ang kanyang buhok at isinuot na niya ang kanyang baseball cup na binibigay nito. "Nalapit na tayo," saad ng kaibigan niya Tinitignan niya ang paligid, mga bahay dikit dikit pumasok sila kasi sa iskinita at bumungad sa kanila ang mga bahay na maliliit. May mga batang naglalaro sa kalsada na ngayon niya lang nakikita. First time niya maka- encounter ng ganito, mga bata na walang tsinilas. "Hindi kaya sila nasasaktan sa kanilang mga paa", hindi niya napigilan na hindi isatinig ang nasa isip "Aminah mga sanay na ang mga 'yan... dito na sila lumaki.", ang sagot ng kaibigan sa kanya Mamimigay kaya ako ng slippers sa mga bata pati na rin sa mga matatanda, pagkatapos nilang pa check- up daan sila sa akin para sa tsinilas. "Good idea 'yan, pero wag sabihin pati goodies gawin mo na rin,Aminah.", pasaring ng kaibigan "Why not!.. teka tawagan ko si Mommy para magpadala ng ilang bundles ng slippers mula sa factory namin. at sa mga freebies at food mag- order na lang tayo sa food chain. "Aba mukhang seneryoso mo ang suggestion ko ah.", pahayag nito Huminto sila sa isang harapan ng covered court. Bago sila bumaba tinawagan na muna ang mommy niya at magpadala na ito ng kailangan niya. "Ang bait ni Tita talaga, " komento ni Sakura Bumaba na sila , bitbit niya ang kanyang backpack at tinulungan niya si Sakura sa mga gamit nito na nasa compartment. Nabungaran niya ang mga tao na naghihintay sa pagdating nila. Mabilis kumilos si Sakura kaya naiwan siya. Humabol naman siya dito pero sa pagmamadali niya may nakabanggaan siya. "Sorry po, saad niya ng pagtingala niya isang galit na galit na mukha ang sumalubong sa kanya. "Are you blind?", kalmado nitong sabi pero taliwas ang mga titig na ginawa nito sa kanya. "I am not, nagmamadali lang ako...", mahina niyang sabi ayaw niya kasing makakuha ng atensyon sa iba. "Stupidity!", saad nito na iniwan siya nakatigagal sa kinatayuan "Abnormal ba siya, siya na nga itong binangga ako, ako pa ang stupid. moron!", kausap niya sa sarili Pagkatapos pinulot ang bag na nahulog nagpatuloy na siyang pumasok sa loob ng covered court. "Oh bakit nakasimangot ka jan, Aminah?", dahan dahan siyang tumingin dito. "Merun lang sumira ng araw ko",sagot niya pahinamad na umupo sa upuan na naroon "Sino naman, lalaki ba o babae?", tanong nito "Isang walang modong lalaki, di porke't gwapo siya ganun na lang pakikitungo niya sa babae na katulad, siya na nga itong binangga ako dahil hindi ko naman siya nakikita at may pinulot ako ", mahabang paliwanag niya sa kaibigan "So guwapo ang bumangga sa iyo?", curious nitong tanong sa kanya "Hindi siya guwapo dahil sa ugali niyang hindi nice", pahayag niya habang naka cross arms "Kasasabi mo lang na guwapo siya.. ngayon hindi na, ano ba talaga siya, guwapo ba o maganda?", naguguluhan nitong pahayag "Basta, 'wag na natin siyang pagtatalunan pa, magtrabaho ka na, marami nang nakapila mga pasyente mo Doc.", seryosong pahayag niya sa kaibigan "Wala pa nga ang assistant ko", reklamo nito Oo nga wala pa pala ang assistant nito. Tamang tama naman na tumawag ang kanyang mommy. "Hello mom!", masayang sagot sa kabilang linya "Hija nanjan na raw ang nagdeliver ng mga inorder mong mga tsinilas, ang sukat niyan mula 3 hanggang 10 at may tutulong na rin sa iyo si Mayet at Leny.", pahayag nito "Salamat po mom, Lalabasin ko na po" saad niya "Okay, sige puntahan mo na, at nga pala nagpadala na rin ako ng pagkain niyo at saka freebies na sinasabi mo, galing sa toy factory natin. Ikaw na ang bahala diyan ", saad nito "Salamat po ulit mom, sige bye na po", magalang niyang sabi "Okay, bye..see you later, 'yong paalala ko ha," pahabol nitong paalala "Okay po mom, bye .. love you!", saad niya "Love you too, sweety!", pagkasabi nito pinatay niya na ang tawag "Wow ang sweet niyan, Hehehe", si Sakura na biniro pa siya "Lalabas lang ako nariyan na ang mga tsinilas na ipamimigay ko sa mamaya. "Okay go sweety!", biro nito "Baliw ka talaga ", saad niya at naglalakad na siya palabas Pagdating niya sa labas nakita niya nga ang close van. Nakita niya ang dalawang babae na sigurado siyang ito ang sinasabi ng mommy. "Miss Aminah, ako si Mayet at ito po ang aking kasama si Leny.", pahayag ng nagngangalang Mayet "Hi, Mayet at Leny.. 'wag kayong mahiya sa akin ,ha?", pahayag niya sa dalawang babae "Ang ganda niyo po pala talaga ma'am sa personal, pang beauty queen po ang ganda niyo ", sabi ni Leny "Salamat, pero sa atin atin na lang 'yan baka may makarinig hehe", saad niya "Sige po," na napahiya pa ata sa sinasabi niya "Kuya ,pakibuksan na po ang likod.", utos niya sa lalaki na bumaba mula sa driver side "Ako po si Maryo asawa ko po 'yan si Mayet ma'am.", napakamot pa sa ulo na sabi nito "Talaga, ang saya naman", saad niya na natutuwa talaga siyang nalalaman na mag- asawa pala ang dalawa. "Bilisan mo na nga,buksan mo na ang likod..ang daldal mo talaga.", rant ni Mayet sa asawang si Maryo. "Yes my loves," nakangiti nitong sabi kay Mayet na natatawa naman si Leny sa kanila "Ganyan po talaga silang dalawa ma'am, parang aso at pusa.. pero 'wag ka lima na anak nila niyan", si Leny na ikinagulat niya naman. Hindi kasi halata na lima na ang anak ni Mayet kasi mukhang ang bata pa kasi itong tignan. "Ma'am saan po ito ilagay?", si Maryo na pasan pasan ang bundle ng tsinilas "Doon po sa bakating iyon.", turo niya dito naglalakad naman ito papunta sa sinasabi niyang puwesto "Ma'am tutulong lang po ako", paalam ni Leny. Siya naman ay naglalakad papunta sa pinaglalagyan ng mga bundle na tsinilas. Tinitignan niya ang mga bundle, may mga sizes na nakalagay sa plastic pala kaya hindi mahirap maghanap kung anong sukat ang paa nila. Inayos niya ang pagka arrange ng mga tsinilas. "Ma'am ito po ang mga laruan, kami po ang pumili niya, may kasama po candy ang laruan sa loob.. mga manyika po 'yan at kotse kotse, may yoyo rin po at beyblade.",paliwanag ni Mayet na nakalapit na pala sa kanya "Salamat po Ate!", masayang pasalamat niya kay Mayet "Ma'am buksan ko lang po ang mga bundle para madaling kuhanin", paalam ni Leny "Sige lang ", tipid niyang sabi "Maryo ikuha mo naman kami ng upuan ", si Mayet inutusan ang asawa sumunod naman ito sa sabi ng asawa "Ito na po , kamahalan", biro ni Maryo sa asawang nakasimangot. Nagsipag datingan na ang mga taong magpacheck- up sa medical mission. Halos puno na ang covered court kaya iginilid nila ang iba nilang bundle ng tsinilas. "Ano po ' yan binibinta ang mga tsinilas niyo?", tanong ng ginang na may dalawang anak babae at lalaki "Ay hindi po ate, libre po itong pinamimigay", si Mayet ang sumagot "Nay, sira na po ang tsinilas ko", ang batang babae na narinig nila Sira na nga ang tsinilas nito nakita niya. "Anong sukat ng paa po niya Nanay?", magalang niyang sabi "Teka lang po ma'am ", hinubad ang tsinilas at tinitignan ang size "Ma'am 5 po ", sagot nito "Kuya Maryo pakiabot po ang pambabae na size 6 po", sabi niya kay Maryo na alerto naman ito "Anong kulay gusto mo baby," si Maryo "Pink po", magalang na sabi nito "O ito ang pink na gusto mo", si Maryo "Sa lalaki ko po ,7", at kinuhanan naman ni Maryo inaabot sa batang lalaki "Sa inyo po Nanay, " si Leny "9 po sa akin " sagot nito Inabot naman niya ang size 9 sa Nanay "Salamat po mga ma'am", pasalamat nito "Ito po laruan nila Nay,saad niya at tuwang tuwa naman ang mga bata na nakatanggap ng laruan Pagkatapos ng una nilang nabigyan ng tsinilas nagsipagsunuran naman ang iba kaya naging busy silang apat sa pag- asikaso. Siya nakatoka sa mga freebies. Sa hindi kalayuan may isang lalaking nakamasid sa kilos ni Aminah ang lalaking nakabanggaan niya. Isa pala itong doctor at isang cardiologist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD