Chapter 07

2205 Words
Chapter 07 "Halos nasa mahigit na tayo sa kalahati ma'am Aminah ang ating naipamimigay na tsinilas, " si Leny na nakaupo na ngayon "Oo nga , masaya sa feeling kapag ganitong may napapasaya kang mga kabataan at pati na rin mga magulang nila.", pahayag niya dito "Oo nga po , ma'am..alam niyo first time ko po ang ganitong gawain ma'am..at masaya po sa feeling pala.", nakangiti nitong pahayag "First ko rin naman," saad niya "Ma'am ang swerte ng maging asawa niyo", pahayag nito "Bakit niyo naman nasasabi?", tanong niya "Kasi po mayaman na kayo, mabait na at maganda pa, ano pa ang hahanapin nila sa iyo.", masayang pahayag nito "Ate Leny , ilang taon na kayo?", tanong niya "Twenty five po ma'am, at may dalawang anak na rin po...pero single mom po ako,", sa narinig nagugulat naman siya "Puwede po bang malaman kung bakit naging single parent ka, ate Leny.", curious niyang tanong " ayy mahabang storya, ma'am pero ang suma total po ay maaga po siya sumakabilang bakod po. Pagkasilang ng ikalawa kong anak." ang pahayag nito na parang wala lang dito Malungkot rin pala ang buhay nito, naisip niya. "Kumuha kayo nila ate Mayet ng tsinilas para sa mga anak niyo mamaya ate Leny ha..ngayon na pala para hindi kayo maubusan", utos niya sa mga ito "Salamat ma'am, puwede ko po kuhanan ang nanay ko at bunso kong kapatid," saad nito na meju nahihiya pa. "Oo naman, ate.. kuhanan mo ang sinong gusto mong bigyan.", pahayag niya "Ang sarili ko po ma'am hehe.", natatawa nitong pahayag Natigil sila sa pag- uusap nang may lumapit na babae sa kanilang puwesto, kumain kasi ang mag- asawang Maryo at Mayet kaya sila lang ngayon ni Leny ang naiwan. "Ma-ma'am, sabi ng kapitbahay ko namimigay raw po kayo ng tsinilas dito", nahihiyang pahayag ng ale "Ah opo Nanay, ano po ang size ng paa niyo po?" si Leny na magalang magtanong "Hindi ko alam, nakakalimotan ko kasi dahil ang anak ko ang bumibili sa akin palagi", mahinang saad nito "Dito po kayo umupo Nanay at isusukat ko na lang po sa iyo ang tsinilas," pahayag niya na napansin niyang wala pala itong tsinilas na suot at marumi na rin ang damit na may mga punit pa Kumuha siya ng size six mukhang maliit lang ang paa ng matanda "Ito po subukan niyo po na isukat,", kasyang kasya "Ate Leny kumain ka na at kami na dito .", si Mayet na kararating lang mula kumain utos kay Leny "Saktong sakto po ma'am ", ang pahayag ng matanda "Nay wala po ba kayong kasama dito na pumunta?", magalang niyang tanong "Yong apo ko na pinacheck- up ang anak sa loob.", saad nito Dahil sa awa sa matanda binigyan niya itong kunting pera para may pambili ng kailangan. "Pumasok po kayo sa loob Nanay, at para mabiggyan po kayo ng vitamins. Marami po silang vitamins na pinamimigay po.", saad niya sa matanda "Ang bait mong bata, hija.. sa ganyan mong kabaitan pagpalain ka ng bathala...at pauunlarin pa ang iyong buhay!", pahayag nito na ikinagagalak niyang marinig. "Salamat po, Nanay!", madamdamin niyang sabi na hinawakan pa ang kamay ng matanda. "Sige papasok ako sa loob,hija.. ", paalam nito sa kanya at tumayo ito ng dahan dahan. Edad nito siguro nasa eighty years old na kung hindi siya nagkakamali ng hula. Tinulungan naman ni Mayet na makatayo ng tuluyan. "Maryo ihatid mo si Lola sa loob ng clinic," utos sa asawa na sumunod naman ito sa utos ni Mayet "Ihatid ko na po kayo,Nay.. si Maryo na inalalayan itong maglakad. Ilang saglit lang dagsa na ulit ang mga tao pagkatapos ng breektime. At sabay sabay rin ang kanilang binigyan ng mga tsinilas "Mayet Kumuha na kayo ng tsinilas sa mga anak niyo ", utos niya "Ta- talaga po ma'am?",hindi makapaniwala nitong pahayag "Oo naman!", masayang sagot niya "Salamat po ma'am, ang mamahal pa naman ng tsinilas niyo sa mall...at maiisuot ko na rin ", pahayag nito na may biro pa na kasama. "Ma'am kumain na kayo at hinahanap kayo ng isang doctor sa loob, tinatanong pa kung kumain na daw ba kayo.", pahayag ni Maryo na alam na niya kung sino ang naghanap sa kanya si Sakura tiyak 'yon. "Okay lang ako, kuya Maryo.", saad niya dito Paubos na ang mga tsinilas na kanilang pinamimigay. "Good tactic, 'yang ginagawa mo.", isang baritonong boses ang narinig niya na mabilis niyang ikinalingon sa kanyang likuran. "A-anong sinasabi mo?!", naiinis niyang tanong ito lang naman ang lalaking bumangga sa kanya. "Marketing strategy, hindi mo alam o nagmaang maangan ka babae!", akusa nito sa kanya na ikinapanting ng kanyang taynga sa inis ay hindi lang inis ang naramdaman kundi galit na. "Ang lakas ng apog mo na mang akusa sa taong nagmamalasakit lang, ' no!", sarcastic niyang pahayag "Sa medical mission ko?", nakapamaywang na tanong nito "Ma'am sabihin mo lang at gi- gripuhan ko 'yan.", si Maryo na nakalapit na sa kanyang tabi "Oo ma'am, isang salita mo lang.. mahanap ng mestisong bangus na ' yan ang kanyang hinahanap, ang lakas ng loob na magsabi na kung ano ano sa iyo. ", saad ni Mayet "Kalma lang kayo, Ako ang bahala sa mokong na ' yan.", saad niya sa dalawa "For your info Mister na walang modo, kung marketing strategy man ito, bakit may nawawala ba sa iyong mga milliones?!", nakapamaywang niyang sabi na hindi nito ikinaimik "at isa pa hindi mo naman dito teretoryo, medical mission mo lang ito.. hindi mo bakuran at pagmamay- ari ang lugar.", arangkada niyang sabi na walang ano ano ay umalis na ito pero bago umalis ay tinitignan pa sila ng masakit. Na sinalubong niya rin ng titig na nakakamatay, labanan nga sila ng titigan siya blue at ang isa ay pula na para silang si Naruto at Begita sa Japanese animè. Una itong nagbawi ng tingin saka tumalikod na. "Ma'am ayos yung banat mo sa arroganting doctor na ' yon.. nakita ko sa loob 'yun kanina.", si Maryo "Oo nga, hindi ako makagsalita, kitang kita ko kung paano natahimik ang mestisong bangus at kung paano lumaki ang butas ng ilong niya kasabay ng pagtaas baba ng dibdib nito na akala ko pa nga atakihin e", si Mayet na muntikan niyang ikabunghalit ng tawa na kanya naman napigilan. "Anong nangyari, mukhang huli ako sa balita ah!", si Leny na kararating lang sa puwesto nila "May mestisong bangus na lumapit dito at kung ano ano ang sinasabi kay ma'am "Magtrabaho na kayo, parating si Doc Lucero," saad ng isang medical assistant Nagpulasan naman ang nadaanan nito, wala kasi itong pinipiling lugar kapag may tupak, bubuga talaga ito ng apoy. "Ayosin niyo trabaho niyo, hindi ang bantayan ako..saka kayo mag-tsismisan", masungit nitong pahayag Walang imik ang mga tauhan na nag- aassisti ng mga nagpacheck- up. "Ma'am mabuti hindi po inataki si Doctor," biro ni Mayet Si Leny at Kuya Maryo at namimigay pa rin ng tsinilas. "Sana nga inatake na lang siya ng mabawas bawasan ang ganung mga pag- uugali.", pahayag niya saka kumuha ng bottled water, binuksan at tinungga. Sumapit ang hapon ,wala na ring mga tao sila sila na lang at mga doctors at assistant nila kasama ang mga tanod na nag- assist sa mga tao. "Ma'am Aminah may limang piraso na lang natira sa mga tsinilas.", pahayag ni Leny lumingon naman siya dito. Mag alas singko na rin kasi ng hapon ang bilis lang ng oras. "Kung gusto niyong iuwi, iuwi niyo na , tapos magligpit na tayo" pahayag niya "Maryo, iligpit mo na raw sabi ni Ma'am Aminah.", utos nito kay Maryo na mabilis naman itong kumilos saka tinupi tupi ang mga plastic na ginamit nila saka ikinarga sa close van. "Ma'am paano po mauuna na kami sa iyo, at babalik pa po kami ng factory dahil sa sasakyan po", si Mayet "Sige salamat sa inyong tatlo ha," pahayag niya at binigyan niya ng kaunting cash ang tatlo bilang pasalamat sa pagsama sa kanya. "Salamat po ma'am, malaking tulong po itong ibinigay niyo na cash," si Leny na inilagay na sa loob ng bag ang pera. "Salamat po ma'am, at sa uulitin po. ", saad ni Maryo sa kanya "Sige po ma'am tutuloy na po kami", si Mayet na naglalakad na ito palabas ng covered court Siya naman ay inayos ang pagkatali ng buhok. Inilabas ang salamin sa purse bag at tinitignan ang sariling replica sa salamin na hawak. Nagpahid siya ng lipbalm para hindi maging dry ang labi. Pero naramdaman niyang may nakatitig sa kanya kaya lumingon siya at nakita niya ang imakpaktong lalaki na nasa bintana na nakatingin sa kanya. Kung ganun kanina pa siya tinitignan, mukha kasi jan ang puwesto nito. Dahil sa inis ay inirapan niya ito pero bago niya ginawa tinignan niya muna ito ng masakit, kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ito bumulagta e. Nagpasiya siyang egnorahin na ito tumayo siya sa kina uupuan pagkatapos ayosin ang sarili at naglalakad siya papasok sa loob kung saan naroon ang ginawang clinic ng mga doctors. Pagkapasok niya, " Closed na po kami Ma'am kung pacheck- up po kayo.. " Pero puwede po na pakiusapan natin si Doc, sigurado payag po ' yun sa ganda niyo po na ' yan", mga sabi sa kanya " Sorry pero hindi ako magpacheck up", pahayag niya na nginitian ang mga nag- alok sa kanya "Ayyy sayang , ganda pa naman sana.. ", narinig niyang sabi sa isa sa nag- alok ng check-up sa kanya Nagtuloy tuloy siyang lalapit sa puwesto ng kaibigan na si Sakura "Knock knock, biro niya sa kaibigan na sumagot naman ito "Knock knock who's there", sagot nito na palapit siya " Aminah," saad niya na nasa harapan na siya nito "Aminah who?", sakay nito sa kanya " Aminah sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito. Aminah sulyap nabighani ako Nababalot ng pag- Asa ang puso.", kanta niya sa kanta na Sa isang sulyap mo by 1:43 ang original singer "Ayy iba rin ang banat mo girl", pahayag ng kaibigan na si Sakura "Ōgoe de hazukashī koto o iwanaide kudasai..**で*ずかしいことを*わないでください", saad niya dito na tumawa lang (Huwag kang maigay at nakakahiya. ) tagalog translation from Japanese "Orokamono yo, ima wa hazukashī to omotte iru.Izen anata sore o kanjimashita. *か*よ、*は*ずかしいと*っている。**、あなたはそれを*じました." saad nito sa kanya (You silly , ngayon ka nakaramdam ng hiya. Kanina feel na feel mo.) Tumawa lang siya dito "Ano tapos ka na ba?", tanong niya sa kaibigan " We're done, masayang saad ng isang babaeng may chinita look rin katulad nila ni Sakura "Otto,sakura hakase mo isshodesu. おっと、サクラ**も**です", hinging paumanhin na pahayag nito (Oops, may kasama ka pala Doctora Sakura) "Yes, kaibigan ko siya, naalala mo noong graduation natin ipinakilala ko siya sa inyo ni Kimiko at Sayori", pahayag ni Sakura dito "Ahhhmm I remember na , it's Aminah the daughter of business tycoon in Japan and here in Philippines', pahayag nito "Nice meeting you again," saad niya at inaabot ang kanyang kamay na tinanggap naman nito "Watashi nokoto oboetemasu yo ne? *のこと*えてますよね?", pahayag nito (You remember me right?) "Natandaan kita, Doc Misaki.", pahayag niya dito "Shall we, " singit ni Sakura sa kanila ni Misaki ang Dermatologist Naglalakad na sila palabas na tatlo. May katangkaran silang tatlo kaya napapalingon ang mga nasa labas na nadadaanan nila. "Sayori to Kimiko wa sudeni soto ni dete itaga, watashi wa nesshin ni Sakurai ni denwa suru yō meiji rareta.サヨリと***はすでに*に*ていたが、*は**に**に**するよう*じられた.", reklamo nito (Nasa labas na sila Sayori at Kimiko ako lang masipag na nautusan tawagin si Sakura) Tumawa lang si Sakura sa reklamo ng kaibigan nito. Paglabas nila sa covered court nakita nila kaagad sila Sayori at Kimiko. na nakasandal sa isang sasakyan. "Kaya pala ang tagal niyo dahil andito pala si Aminah ", saad ni Kimiko sa kanila na parang siya pa ang sinisisi kung bakit sila natagalan. Binalewala niya lang,alam niya pagod ito bilang Pedia at sumakay na ito sa sasakyan na kinasandalan. Napailing na lang si Sayori ang obgyn . " Sige mauna na kami ,Doc Sakura at Aminah, " si Misaki " Salamat po Doc Misaki at nice meeting you again ", pahayag niya "Sayōnara さようなら.", paalam ni Sayori at sumakay na rin ito sa sasakyan magkasama ang tatlong kaibigan ni Sakura sa iisang sasakyan. "Huwag mo na lang pansinin si Kimiko, pagod kasi dahil sa lahat siya ang maraming pasyente..nabugahan pa ng apoy ng Director namin", paliwanag ni Sakura " Nauunawaan ko siya, kaya no worries, Sakura.", pahayag niya At naglalakad na rin sila palapit sa sasakyan ni Sakura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD