Chapter 13
Masaya si Aminah dahil mukhang kasundo niya ang kanyang assistant na hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila
Maya - maya lamang ay tumunog ang kanyang telepono dito sa loob ng opisina.
"Miss Aminah..pinapapunta po kayo ng Big boss sa kanyang opisina ", bungad ni Maryjane sa intercom
"Ngayon na ba?", malumanay niyang sabi
"Yes po Miss Aminah!", sagot ni Maryjane
"Thank you sa pagrelay mo, Jane.", saad niya
"Walang anuman po Miss Aminah. ", si Jane
Nagmamadali siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at inayos ang sarili sinilip saglit ang mukha baka haggard na dahil sa maraming paper works.
Nang makuntento siya sa kanyang sarili ay lumabas na siya sa opisina.. Nagsipag-tinginan naman ang mga empleyado sa kanya na walang sinasabi.
Nakita niya rin si Jane nakangiti sa kanya
She mouthed her thank you. Nagthumbs-up lang ito sa kanya pabalik.
Naglalakad na siya papasok sa elevator nang may tumabi sa kanya na isang lalaki na nakita niya sa kanyang peripheral vision isa itong matangkad lalaki.
"Hi Miss beautiful, " Narinig niyang sabi nito pero hindi niya alam kung sino ang kinakausap ng kaagapay niya sa paglalakad, kaya lumingon lingon siya
Pumasok siya sa elevator pagkatapos pindutin ang 3rd floor. Ang lalaki na nakasabayan ay hindi na ito sumabay pa.
Kinabahan siya sa totoo lang dahil ngayon pa lang niya makikita ang kanyang boss. Na ang sabi ni Maryjane dragon daw ito kapag nagaga
Pagdating sa 3rd floor kung saan ang pinaka opisina ng Boss o ng CEO mas lalong tumindi ang kaba ni Aminah
"Fighting!", saad niya sa isip
Kinumpose ang sarili at napawow siya sa lawak ng lugar, buong palapag ata ay opisina ng CEO
Nakita niya kaagad ang pinto na pakay niya,dahil may nakapaskil na PRESIDENT AND CEO OFFICE
Naglalakad si Aminah papalapit sa pintuan at palakas ng palakas ang kabang nadarama hindi alam kung bakit. Sanay naman siya makiharap at makipag- usap sa mga alta society na mga business tycoon pero bakit kabadong- kabado siya.
Ang hindi alam ni Aminah may mga mata pala na nakatingin sa kanya. Mga marites ng Real Estate International Corporation
Nasa floor din kasi na iyon ang Finance Department
"Yan ata ang binalita kanina ni Maryjane sa akin na bagong hired sa kanilang departmento sa marketing ang head marketing. ", si Pia
"Malamang dahil bagong mukha, pati naman may PA na si dragon.", saad ni Layla
Nag- uusap sila sa pamamagitan ng messenger, mahirap na may makarinig sa kanila.
"Pustahan hindi 'yan magtatagal, hehehe", si Layla ulit
"Malay natin, pero himala first time na may pinapunta sa office niya si dragon.. at inggit ako dahil ang ganda ni girl.", si Pia
"Inggiterang palaka, magtrabaho na nga tayo,see you later.. babushhh..", si Layla at hinarap na ang trabaho
Nakalapit na si Aminah sa pinto ng office ng President may napansin siya lamesa sa gilid pero walang tao kaya naglakas loob siyang kumatok.
Kumatok siya ng tatlong beses ginaya niya ang secretary ng ama kung kumatok sa office ng Daddy niya.
"Come on in", narinig ni Aminah ang baritonong boses mula sa loob
Dahan dahan niyang itinulak ang pinto.
Napakabigat na pinto sa isip ni Aminah
"Your ten minutes late Miss Silva. ", napalunok ng laway si Aminah sa narinig
"Sorry po Sir", pakumbabang paghingi ni Aminah ng sorry
Dahan dahan na humarap ang swivel chair kasabay ng pagharap ng isang guwapo na naka corporate attire na matangkad na lalaki.
Napakurap kurap si Aminah ng mata, hindi siya maaaring magkamali ang lalaki sa restaurant at ang boss niya ay iisa.
Nagulat pa si Aminah sa isang snap na gawa ng boss "Pinapapunta kita rito ,hindi upang tumunganga riyan.", pahayag nito
Sa sinasabi nito nahatak ulit ni Aminah ang sariling katinuan na muntik ng kumawala sa katawan niya.
"So-sorry po Sir!", saad ni Aminah na kino- composed ulit ang sarili at sophisticated siyang tumayo sa harapan nito.
"Sir may I know, why I am here?", seryosong tanong ni Aminah
"Have a sit and I discuss some important matters regarding sa new subdivision na ang kompanya ang developers", pahayag nito
Umup naman si Aminah sa upuan na nasa harapang bahagi ng office table nito
"And what's all about this project Sir.!", magalang na tanong ni Aminah
"Gusto ko alamin mo ang every single details at gumawa ka nang project proposal, budgeting and all like estimated cost.. ipakita mo muna sa akin bago ipasa sa Finance Department.", utos nito sa kay Aminah
"And miss Silva, I want a clearer details, understand?",
"Noted po Sir! masayang pahayag ni Aminah
"That's all po Sir?.. May I go now?", tanong ni Aminah
Iniisip niya kasi marami rami pa siyang repasuhin na mga papeles, tambak pa at dagdag pa ang paggawa niya ng project proposal
"Are you in a hurry, Miss Silva,", saad nito na gamit ang seryoso at baritonong boses habang nilalaro ang parker na ballpen sa sa pagitan ng mga daliri.
"Hmmm iniisip ko lang po ang aking mga trabaho na naiwan ko.", pahayag niya
Habang ginagawang keyboard ng piano ang mga hita
"Okay go ahead..!", simpleng sagot
"and don't forget to proposal, I need that ASAP, am I clear?"
"Yes Sir, clear and noted!.. now can I leave?", saad niya gamit composure na boses
"Akala nito papatalo siya , pero chill lang tayo self, kausap ni Aminah sa sarili baka makatakas na naman at kung ano pa ang magawa.
"Thank you, Sir and good morning. ", saad niya sa kanyang boss na dinaig pa ang isa sa dwarf ni snow white na si Mr grumpy sa pagkakunot ng noo nito. Tumayo siya mula sa upuan at nagtuloy na sa paglabas. Taas noo niyang nilingon ang boss na ngayon ay may ginagawa na.
"Guwapo sana ng kaunti, pero pinaglihi ata sa siling labuan sa anghag magsalita.", si Aminah sa sarili niya
Naglalakad na si Aminah palabas ng floor naiwan naman si Lucero na natigagal , kitang kita niya kasi ang reaksyon ng mukha nito pagkasabi niya sa ASAP.
Mukhang kakasa talaga ito sa kanya, "Tignan natin", kausap ni Lucero sa kanyang sarili
"Hi Freeny!" nabungaran ni Aminah paglabas niya mula sa opisina ng Boss si Racquel
Natutuwa naman si Aminah sa pagkikita nilang muli ni Racquel "Oh hi Freeny, ang buong akala ko hindi ka papasok...at hindi kita makikita ngayon dito. ", pahayag ni Aminah
"Hindi mangyayari 'yan Freeny!", masayang pahayag ni Racquel
Natigil silang dalawa sa pag- uusap ng bumukas ang pinto na pinanggalingan niya.
"Miss Silva your still here?!", bungad ng boss na nasa pintuan
"Miss Montecalvo go back to work!..kailangan ko ang paperworks na pinagawa ko sa iyo!", saad nito na ang tingin ay kay Aminah lang
"Ye- yes po Sir.. almost done po!.. ahh Sir before I forgot .. you have lunch meeting with the R'nB Group of Company in Dustin Hotel this 11:45 pm", pahayag ni Racquel
"I didn't forget my appointment Miss Montecalvo ", saad ni Lucero na ikitamimi ni Racquel
"I just remind lang po...Sir", nakayoko na umupo si Racquel sa kanyang swivel chair at nagtipa ulit sa kanyang computer.
"What are you waiting for,Miss Silva.. working hours supposedly!", si Lucero kay Aminah
Napalingon siya dito, "I'll go ahead Sir!", at umalis na nga si Aminah nakasunod naman ang tingin ni Lucero dito at napapailing na lang .
Bumalik si Lucero sa loob ng kanyang opisina at ibinagsak ang kanyang pang- upo sa swivel chair
Nakarating na si Aminah sa 2nd floor kung saan ang Department niya, nagtaasan naman ang mga leeg ang mga naroon lalo na mga marites.
Kapag may pinatawag kasi ang dragon umiiyak na ito pagbalik kaya nagulat sila dahil first time na naglalakad lang si Aminah na relax na relax.
Pumasok si Aminah sa kanyang opisina, sumunod naman sa kanya si Maryjane
"Ma'am Aminah kailangan niyo ng malamig na malamig na tubig?", tanong ni Maryjane sa kanyang Head
"Okay lang ako,Jane.", pagkasabi ay binuksan ang laptop at umpisahan na niya gumawa ng project budgeting.
"Ikuha po kita ng kape Ma'am, masarap po magkape kapag may ginagawa po ", alok ng assistant ni Aminah
"Okay lang ba?", nahihiyang sabi ni Aminah
"Asus para po sa maliit na bagay, huwag na po kayo sa akin mahihiya Ma'am Aminah. ", saad ni Maryjane
"Salamat, pero huwag ka na sa akin mag- Ma'am dahil hindi naman tayo nagkakalayo ng edad.. Aminah na lang ", si Aminah na sinamahan pa ng ngiti
"Salamat Aminah , ang bait niyo po pala, kabaliktaran looks po ninyo na nakaiilang, hehe peace!", saad ni Maryjane na nagpeace sign pa
"Ikuha na po kita ng kape sa pantry. ", sabay alis nito
Maaga pa lang pero exhausted na si Aminah, first day ma first day tambak kaagad ang kanyang mga paperwork.. kailangan pa niya pagsama samahin ang mga taon ,buwan na mga files na naka folder.
Naisip niya si Daddy niya, mahirapan lang daw ako kung sa labas ako magtrabaho na totoo pala talaga. Pero hindi niya sukuan ito, ngayon pa ba siya susuko na nakapagsimula na siya, paninindigan niya ito.
Ilang saglit bumalik na si Maryjane dala ang kape niya.
"Heto na ang kape mo,Aminah.", si Maryjane
"Pakilapag na lang jan Jane." saad ni Aminah na sa monitor nakatingin.
Nakakatulong din kay Aminah ang mga koneksyon nila at doon siya kumukha ng mga affordable prices at quality materials pa.
Nilalagay na rin ang mga Merchandising kung saan makakamura sila di kwakidad ang mga materials dahil pangmasa ang mga nilapitan niya. Subok na ng family business nila.
"Wow Aminah ang ganda ng gawa niyong proposal for budgeting.", pahayag ni Maryjane na nagulat pa si Aminah sa pagsasalita nito.
"Approved kaya ito ng mga board lalo na si Boss natin?"
"Oo naman, napaka detalyado nga ng gawa niyo jan. kahit isang maliit na pako nariyan pa e.", pahayag nito na alam ni Aminah na biro lang hindi naman sila gumagamit na mgs pako sa paggawa ng subdivision.
"Sana nga, kailangan niya pa naman ito mamaya, para e- present sa board.", si Aminah
:Kailangan ka pala mamaya sa board kung ganun..", saad nito
"Bakit ako, diba dapat ang assistant ang gumagawa ng presentation sa board?", takang tanong ni Aminah dito
"Dito iba, kung sino ang gumawa ng proposal siya ang magpresent nito sa board.", paliwanag nito kay Aminah na ikinatango tango ni Aminah
"Kaya mo 'yan Aminah, dalhin mo sa confident mo at sa malakas mo na charm hehe.", pahayag nito na may halong biro
"Tapos na pala ito paki-dala na lang sa Finance Department for evaluation na 'yan.", kinuha naman nito ang folder
"Okay boss, " biro nito
" Poro ka biro... May ganyan ka palang attitude. ", saad ni Aminah
" Depende sa tao ang attitude ko.", pahayag nito
Napatawa naman siya sa turan nito at tumalikod na para lumabas.
Isang pasada pa ang ginawa niya sa kanyang ginawang proposal... kontento naman siya lahat in details.
First time niyang makapagtrabaho kaya sigurado siyang lantang gulay siya nito mamaya pag-uwi ng bahay.