Chapter 12

2290 Words
Chapter 12 Matapos masettle ang lahat ay umalis na rin sila ni Racquel at Aminah sa restaurant. "Ang galing mo rin pala sa self defense Freeny, tatahimik lang pero may aking talento pagdating sa martial arts. ", Na pinagkibit balikat lang ni Aminah ayaw niyang ipagsasabi ang tungkol dito "Kaming dalawa ng kuya ko ay pinaaral kami sa isang martial arts school...kaya natuto ako sa mga basics.", paliwanag ni Racquel Pareho silang dalawa ni Racquel na nag- aaral ng martial arts... pero ang psgkakaiba sa kanilang dalawa.. silang magkakapatid ay ang daddy lang nila ang kanilang ** sensei ( teacher) " So Freeny see you na lang sa Monday, sa bagong work natin." "Yeah see you, then..Friend", saad ni Aminah Pumasok na siya sa kanyang at uuwi na siya. Inalala ang nangyari sa restaurant, ngayon lang siya nakaranas na nabastos at sa isang public place pa. "Sana hindi ito makalabas sa social media ", kausap ni Aminah sa sarili Iniwaksi niya muna ang mga isipin at nag- concentrate na lang sa pagmamaneho. Inabot rin sila roon ni Racquel ng hapon sa sinasabing restaurant. Nakalimotan niyang kunin ang numero ng bagong kaibigan pero hayaan na, magkikita pa naman sila sa Lunes. Dahil sa hindi naman traffic nakarating siya sa bahay nila ng maaga pa. "Oh hija dumating ka na pala?", ang kanyang Yaya "Yes po Ya, sila daddy at mommy po?", Lumapit siya dito at nagmano sa kinilala niyang pangalawang mommy "Ang mommy mo nasa grocery at ang daddy mo naman nasa kuwarto nila ng mommy mo.", "Salamat po 'Ya".. nga po pala may trabaho na ako at start na ako sa Monday!", masayang balita niya "Wow ang galing mo anak.. masaya ako para sa iyo." "Salamat po 'Ya!" masaya niyang pasalamat "Magluto ako ng mga paborito mong ulam ngayong dinner.", "Masaya po 'yang naisip mo 'Ya... bababa po ako para tulungan ko po kayo. ", "Huwag na,kaya ko naman e." " Basta tulungan ko po kayo, dati naman po kitang tinutulungan ah", kunwari nagtatampo na pahayag ni "Ikaw talagang bata ka, at kagaya ka pa rin nung maliit ka pa.. makulit...ipipilit na tulungan ako", saad ng kanyang Yaya Na ikinatawa lang ni Aminah, nagtatakbong umakyat siya sa kanyang kuwarto upang makabalik kaagad sa kanyang Yaya. Kumuha siya kaagad ng damit sa kanyang closet pagkapasok sa kanyang kuwarto ,pagkatapos mailapag ang gamit sa side table saka pumasok sa kanyang lavatory to freshen up. Habang nasa tapat ng kanyang shower si Aminah Masaya si Aminah sa kabila nang nangyari ss kanila ni Racquel kanina sa restaurant dahil sa wakas makapasimula na siya at hindi niya akalain na pareho rin sila ni Racquel ng goal kaya agad niya itong nakagaanan ng loob. Iniimagine niya sa unang sahod maghahanap siya ng condo para doon na titira, Perfect para sa kanyang plano na maging self independent. Pero naiisip pa lang niya sina Mommy at Daddy niya parang pinipiga ang kanyang hininga, dahil mahabang paliwanagan na naman ang kanyang gagawin dito. Pero fighting lang! Pagkatapos naligo lumabas ng banyo upang isuot ang pinaka comfortable niyang printed flowerette house dress niya. Nagsuklay siya ng buhok, na tinuyo lang gamit ang towel. Bago pa siya natapos ay tumunog naman ang kanyang cellphone na nasa loob pa ng kanyang bag. Lumapit siya kung saan ang bag niya nakalagay at kinuha sa loob ang kanyang cellphone pero walang number na nakaregister ,kakaiba. Sinagot niya pero pinakikinggan niya lang ang kabilang linya "I just wanted to check on you if you're going home safely . That's it.", pahayag ng kung sino nasa kabilang linya Iniisip niya kung saan niya narinig ang malalim na boses na ito pero wala siyang idea. Pero bakit nasabi nito ang mga sinasabi ng lalaking ito.. kausap niya sa kanyang sarili "Who's this?", "It's doesn't matter who am I, the important your safety.", anang lalaki "Wh... Pero totot na lang kanyang narinig at wala na ito dahil ibinaba na ang tawag. "Bahala ka nga sa buhay mo.. Kung sinong Pontio Pilato ka", sabi ng isip ni Aminah Bumaba na siya at naabutan niya si Yaya niya na naghahanda na sa kusina kung saan kasama ang dalawa pa nilang kasambahay "Hi po Ya, I'm here na po ..Hello mga ate. ", Lapit ni Aminah sa Yaya niya na nakatalikod sa kanya at bati niya din sa mga kasamahan ni Yaya niya "Hi po Miss Aminah", bati ng dalawa "Akala ko nakalimotan mo na ang bumaba dito.", saad ni Yaya "Tutulong basta kayo lang maghiwa ng sibuyas," na ikinatawa ng mga kasama si Pearl at Jean mga bago nilang kasambahay "Pinaiiyak ka ba niya Miss Aminah. ", saad ni Pearl Siniko naman ito ni Jean dahil nahihiya ang daldal daw ni Pearl na nakita naman ni Aminah "Sorry Miss Aminah, ang daldal po ni Jean sa inyo.", hinging paumanhin ni Pearl "Nako okay lang 'yan ate Pearl masaya ngang nag- uusap po tayo dito, diba Ya?", malumanay na sabi ni Aminah "Kayong dalawa huwag kayong mahiya dito kay Aminah, dahil kilalang- kilala ko ito pero huwag mo niyo lang din abusuhin ang kabaitan ng batang ito. Silang lahat dito mababait lalo na katulad natin na nagtrabaho sa loob ng bahay.", paliwanag ni Yaya Meding "Opo nauunawaan namin Manang... ang ibig niyo po na sabihin.. kahit sino po naman kung abusuhin ay magagalit talaga.", si Pearl "Ya , para po saan ang mga ito na hinihiwa namin?", si Aminah Para lang ma- divert sa ibang bagay ang topic. "Para sa mechado na favorite niyong magkapatid ", sagot ng Yaya ni Aminah "Anong merun dito, mukhang nagkasayahan kayo ah!", si Kaithleen ang mommy nila Aminah, Amaya at Ahrum. "Ikaw na ang magkuwento sa mommy mo anak.", utos ni Meding na Yaya nilang tatlong magkapatid "May dapat ba akong malaman, ate?", anang sabi ni Kaithleen sa kay Aminah "E mommy... natanggap po ako kanina sa inaplayan ko!", masayang balita ni Aminah sa kanyang mommy "Oh wow , congratulations ate.. I know you can make it!", masayang pahayag ng ina ni Aminah "Thank you mom.. tsaka nagkaroon din ako kaagad ng bagong friend...one day ipakilala ko siya sa iyo.", masayang saad ni Aminah Nakangiti naman ang nasa palibot ng mag- iina si Meding na masayang- masaya sa nakikita na malaki na ang kanyang unang inalagaan at ang dalawang bagong katulong na napaka swerte nila na nagkaroon sila ng mga amo na hindi matapobre. Mababait lahat ang mga amo nila. "We need to celebrate, kung ganun pala.. Bakit hindi mo na lang tawagan ang new found friend mo ate.", suhestyon ni Kaithleen sa anak "Oo nga sana mom, kaso nawala sa isip ko na hingin ang kanyang number e.",pahayag ni Aminah "But next time hindi ko na kakalimutan talaga. ",dagdag pa ni Aminah "Masaya ako para sa iyo ,anak ..", humiwalay naman ang ina sa pagkayakap sa anak "Meding anong na ang naluto niyo na putahi?", tanong ni Kaithleen sa Yaya "Tapos na ang kare- kare "niyora at ito namang nakasalang ay ang mechadong baka.", saad ni Meding "Okay tama na ' yan at mag- order na lang tayo ng food sa Japanese restaurant... oo nga pala, anong gusto mo pa ate maliban sa Japanese food?", tanong ni Kaithleen sa Anak "Ma'am kanina po kasi, kumain kami ni Racquel sa Spanish restaurant at ang sarap ng kanilang Fish Bacalao, Chicken Croquetas at Seafood Paella.", pahayag ni Aminah "Salamat 'nyora, may time pa kaming makapagpahinga ng kunti,", si Meding "Pagkatapos niyo dito , puwede na kayong magpahinga, ipaayos oo na lang sa driver ang lanai para doon tayong lahat mamaya... maiwan muna namin kayo.", ang pahayag ni Kaithleen "Sige po", sabay- sabay sabi ng dalawang kasambahay "Ang babait pala talaga nila Manang ano?", si Pearl Fast forward Natapos ang gabi ng celebration ng masayang- masaya ang lahat sa bahay nila Aminah Lunes ang araw na unang pasok ni Aminah sa bagong work bilang Head Marketing Maaga siyang nagising ng umaga ng Lunes gusto niya ng good impression sa kompanya. Tulog pa ang mommy niya ng siya ay umalis, nag- iwan na lang siya ng note sa pintuan ng ref.. iwasan niya ang traffic sa edsa. Pero talagang na traffic pa rin siya. Sakit na ng Edsa ang Traffic na 'yan. Nakarating siya sa tapat ng three story building ng maaga pa naman, nine ang kanyang pasok nakarating siya ng eight am Pagkatapat niya sa entrance ng building kagaya ng una niyang punta dito may valet boy na naman na kumuha ng kanyang susi at ito ang nagpark sa parking lot ng kompanya. "Good morning ma'am, " bati ng guwardiya na nasa entrance kay Aminah "Good morning din po ,Kuya Guard. ", bating balik ni Aminah "Natatandaan po kita, Ma'am kayo po 'yong noong last Monday po.. Congratulations po at natanggap po kayo dito, bagay na bagay po kayo sa kompanya nang aking boss po.", pahayag ng guard "Salamat po kuya, sige po tutuloy na ako " paalam ni Aminah sa guard "Goodluck po ma'am...at sana makatagal ka.", saad ng guard na hininanaan ang huling mga kataga Hindi na dumaan pa si Aminah sa HRD alam niya na ang kanilang Department sa ikalawang palapag "Girl di ba siya 'yung babaeng aplikante nong Monday na naka- corporate attire?", tawag pansin ni girl 1 sa reception area "Oo nga,anong merun sa kanya kung andito siya?", si girl 2 "Ang hina ng iyong IQ day.. ibig sabihin tuloy ang ating pustahan dahil natanggap siya.",saad ni girl 3 receptionist "Basta ako 1 week lang 'yan.. walang nakakatagal sa kanilang departmento sa marketing.", girl 1 "Paano mo naman nalaman na sa marketing siya?", si girl 3 "Duhh ano kaba naman Clariss Jean, wala namang ibang hiring kundi ang marketing at ang personal assistant (PA)", si girl 1 "Ang sabihin mo naglevel na ang pagiging marites mo Angel Mae ,how can you be so sure na sa marketing si...hindi na natapos ang sasabihin ni girl 2 at nahampas na ni girl 1 ng piraso ng papel na hawak "Of course, hindi mo ba nakikita sa uniform niya.. hayyyst , mahirap talaga kapag bulag na nga low pa mag- isip", pahayag no girl 1 "E di wow, ikaw na... basta ako hindi na aalis 'yan.. bawiin ko dati kong pusta na 2 weeks ",pahayag ni girl 2 na si Amanda "Ako magstick sa tatlong araw ,deal or no deal... ", si girl 3 "Sige game !", sabay sabay na saad ng tatlong nasa receptionist " Hmmm ang aga ng daldalan niyo jan ah!", si Brandon na kambal ng boss nila na si Lucero "Sorry po Sir, may dini- discuss lang po ako related sa work.", pahayag ni Angel Mae "Okay go back to work.. lagot kayo kapag si Kuya ang nakakakita sa inyong tatlo sisanti na kayo.", nakayoko naman ang tatlong nahuli sa akto na nag- uusap sa oras ng trabaho Once nasa puwesto ka na bawal na ang mag- uusap na hindi related sa trabaho ang topic..yan ang patakaran ng kompanya na nasa contract na pinimerhan ng mga empleyado. Pagdating ni Aminah sa department ng marketing may nakikita na siyang mangilan- ngilan na empleyado na nasa harapan ng mga kanilang cubicle. "Good morning sa inyong lahat..", napalingon naman ang empleyado sa kanya Wala siyang nakuhang sagot sa kanyang pagbati sa mga ito pero binalewala niya na lang Dumating na kaya si Racquel, hindi niya kasi nakita ito dahil ito ang Personal Assistant ng big boss ng company Lumapit siya sa isang pinto na may nakalagay na Head Marketing Office.. wow may sariling opisina siya sa loob bg Marketing Department Pumasok siya bitbit ang kasayahan at excitement na naramdaman sa mga oras na iyon. Pagkapasok ni Aminah sa loob ng kanyang bagong opisina, nag- usap usap naman ang mga empleyadong mga babae Si Mary Jane na nasa marketing ay ang tampukan ng lahat "Wow makawala kana sa wakas sa anino ng dragon at may pumalit na sa iyong trono.. sana makatagal para 'wag na bumalik sa iyo", si Lucy na nasa kaliwang bahagi ng cubicle ni Mary Jane "Nako nako, sa mga baguhan walang makakatagal diyan sa dragon na palaging bumubuga ng apoy .", si Claire na nasa unahan ni Mary Jane "Huwag nga kayong nega ,sa bago malay natin dahil hindi pa naman natin siya nakasama at ngayon pa nga lang siya nag- uumpisa. ", pagtatanggol ni Mary Jane Kay Aminah "Para malaman natin ,ipasa mo na sa kanya ' yang tambak na papel na nasa harapan mo dahil gawain naman talaga niya 'yan, bilang head natin.", si Marionette "Oo nga Mary Jane, para puwit niya naman magsala..", si Claire "Tama kayo, gawain niya ito", tumayo naman si Maryjane mula sa kinauupuan at sinamsam ang gabundok na folders at binitbit papunta sa opisina ni Aminah Sa loob naman ng opisina ni Aminah, nabungaran kaagad niya ang mga naka folder sa kaliwang bahagi ng lamesa. Mukhang mapapasabak ako ,sa isip ni Aminah Ilang minuto lang siya sa upuan at may narinig siyang katok "Come on in", pahayag ni Aminah At bumukas anv pintuan, iniluwa si Maryjane na maraming dala na mga naka folders. Nilapag sa center table "Hi good morning po ma'am, I want to introduce myself, I Maryjane Calderon I'm your assistant. ", pakilala sa sarili sabay abot ng kamay sa pakikipagkamay kay Aminah "O hi Nice meeting you, Miss Calderon... anyway my name is Aminah Saraya Sandoval Silva as you said your my assistant then I'm the newley hired head marketing... sana we work as a team dito. ", mahabang pahayag ni Aminah na nakangiti pa sa kaharap "Sure po Ma'am.", magalang na saad ni Maryjane "Salamat, huwag mo na akong i- ma'am hindi naman tayo siguro nagkakalayo ng edad. ", nagulat naman si Maryjane sa narinig, Unexpected ni Maryjane na ganito ang approach ng bago nilang head marketing .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD