Chapter 08
Ang lahat ng pagod ni Aminah sa maghapon hindi niya naramdaman dahil sa tuwang naramdaman lalo pa at nakikita niya ang mgs ngiti ng mga taong kanyang nabibigyan niya ng malilit na bagay,
Kahit may isang lalaking nagbigay sa kanya ng sakit ng ulo. Naiinis siya naiisip ang lalaki na iyon na kung makabintang sa kanya ay wagas.
"Yong director niyo sa hospital, anong hitsura?", curious niyang tanong sa kaibigan
"Ayyy nako girl ' wag mo maisingit ang dragon sa ating mga tao, hindi siya masayang pag- uusapan", pahayag nito
"Ito naman parang nagtatanong lang, baka iyon nga 'yung kumausap sa akin na pinagbintangan ako nang kung ano ano at ang bumangga sa akin ang director niyo.", pahayag niya sa kaibigan lumingon naman ito sa kanyang puwesto ito kasi ang nagmaneho.
"Nabugahan ka rin bg apoy, katulad ni Kimiko kanina?", pagku-kuwento nito
:Kaya pala wala sa mood ang isa,kausap niya sa sarili.
Pagbabalik tanaw
"Bakit wala bang doctor na nag- aasikaso sa inyo?", tanong ni Doctor Lucero sa isang pasyente na kalong ang bata na may lagnat.
"Director pasensya na po , call of nature lang po kaya wala ako.", si Dra. Kimiko Nagasaki ang Pediatrician na nakatoka sa mga bata.
"Hindi 'yan reason, bulok na ang style na 'yan.", pahayag nito na nakaimik ang napagalitang manggagamot.
Ang pagtatapps ng Pagbabalik tanaw
"Ang lupit nga niyang pagktao, walang konsiderasyon sa iba.", hindi niya mapigilan na hindi magbigay ng pahayag tubgkol dito
"Sinasabi mo pa, sissy..kaya ang lahat ilag sa kanya kapag nasa Hospital siya.", dagdag pa ng kaibigan
" Sa akin hindi oobra ang style niya, isupalpal ko sa kanya ang ginagawa niya.", kumento niya
Naisip niya kung paano niya ito nilabanan kanina na ikinatahimik nito, akala niya siguro magpatalo siya dito. Kung nasa katwiran ka hindi puwede na manahimik kana lang at tanggapin ang pamamahiya ng mokong na iyon.
"Natahimik ka na ata," puna ni Sakura
"Hindi puwede sa akin ang ginagawa niya kay Kimmy.. Kung ako ang nasa puwesto ni Kimmy sasagutin ko talaga 'yun.", saad niya
"Yun lang ,dakilang palaban ka e..", may halong biro na pahayag ng kaibigan.
"Naman! sa katwiran ka ipaglaban mo!", proud niyang sabi
"Oo na po Gabriela Silang, hehe ..oo nga pala Aminah paki- abot kay Tita Kaithleen ang pasalamat ko sa tsinilas na binigay niya, ang ganda ng outcom sa mga tao kanina, pinag- usapan sa loob. ", pasalamat nito
"Sa akin walang pasalamat?", birong pahayag niya
"At sa iyo rin , a big thank you ..I forgot it's your brilliant idea nga pala 'yon. ", sarcastic nitong pahayag na ikinatingin niya dito
"Nakita ko kasi ang mga kabataan kanina na mga walang tsinilas na naglalaro sa kalye kaya naisip ko 'yon.", paliwanag niya
"Ang galing nga e nang naiisip mo..Ubos ang mga gamot at vitamins na dala namin", saad ng kaibigan
"Naawa kasi ako sa mga bata na nakikita ko wala man lang sapin sa paa na nagtatakbuhan sa kalsada, paano kong masugat sila at makaapak ng matatalim na bagay o kaya mga bato."
Paliwanag niya sa kaibigan, hindi niya kasi naranasan ang walang sapin sa paa na naglalakad pero masakit sa paa kapag walang tsinilas o anuman.
"Tama ka ,kaya saludo ako sa ginagawa mo kanina. " Masayang pahayag nito ng saloobin.
"Salamat naman kung ganun, ibahin ko ang usapan..tuloy ba tayo sa Sunday?",
"Oo naman, at yan ang hindi maaring wala tayo doon... 'no... tayo kaya ang bida hehehe"
"Anong bida ka jan, baka ang sabihin mo bida bida.!"
Samantala sa kompanya ni Brynt Lucero
"Alam niyo mo ba ang latest chicka?", si Maryjane
"Bakit ano",si Pia
"Sa medical mission daw merun daw si Dems nakaaway na isang babae and takenote ha, hindi daw nakapalag itong si Dems." si Maryjane
"Mukhang interesting nga 'yan.. sa wakas nakahanap na rin siya ng kanyang katapat.. supalpal ang facelack niya.", komento ni Layla
"Balik na kayo sa trabaho niyo, " si Angel
"Ang KJ mo talaga Angel, malapit na kaya ang uwian." si Pia
"Kaya nga malapit na ang uwian at nagkaroon pa kayo talaga ng last two minutes chickahan o tsismisan .", naka pamaywang na sabi ni Angel
"Inggit pikit, subukan mo kayang sumama sa gropo naman nang sa ganun magkaroon naman ng diversion ang buhay mo.", si Maryjane na palaban din
Isa kasi si Angel sa mga negativity sa kanilang kompanya, pamatay ng kaligayahan kumbaga.
"No way... ayoko nga sumasali sa cheap niyong kulto."
"Hoy Angel ,makasabi ka namang kulto, mukha ka pang reyna ng mga kulto kung tutuusin." si Pia na lumapit na inis rin kasi ito kay Angel
"Tse...
Nagmartsa nang umalis si Angel palayo sa kanila ni Maryjane, Pia at Layla.
"Asar talo,mukha niya kulto kamo.", si Pia nagtawanan naman si Maryjane at Layla.
"Nga pala tapusin ko muna ang pinapa rush ni Dems para presentation daw bukas ng maaga." si Layla
"Tangi nakipag chickahan ka sa amin pero ang pinagawa sa iyo waley pa.", si Maryjane
"Oo nga tapusin mo muna frenny!", si Pia
Tatlo silang magkakaibigan Si Layla ang bagong head ng Finance, Maryjane naman sa Marketing at si Pia ang sa Budget and Finance.
Magkakaiba sila ng department pero magkaibigan silang tatlo.
"Ang lakas ng loob ng babaeng 'yon na kalabanin ako at kung ano anong sinasabi." reklamo ni Brynt sa kausap nito sa kabilang linya na walang iba ang kakambal na ang tinutukoy si Aminah sa medical mission.
"Isinilang na pala ang katapat mo,kuya and takenote isang babae pa.", si Brandon na halatang iniinis siya
"Nagkataon lang 'yon.. at hindi siya ang katapat ko.",depensya niya sa sarili
"Nangingibabaw na naman 'yang pride mo ,pareho kayo ni tanda.. kahit sinasampal na kayo ng katotohanan ang lakas niyo pa ring tumanggi." ang panermon ni Brandon
"Huwag mo akong ikompara sa matandang iyon dahil magkaiba kami.!", inis niyang sabi
"Ibaba ko na ito kuya,andito na ako sa condo ng flavor of the day ko.", pahayag ng kambal niya
"Kailan ka pa kaya magtino.. poro ka babae." pahayag niya
"Magbago lang ako kapag wala ng babae sa mundo..o siya kita na lang tayo sa mansyon." pagkasabi totot na lang ang kanyang narinig at pinatayan na siya ng tawag.
Si Brandon ang kakambal niya ,nauna lang siya ng ilang minuto dito kaya siya ang matanda. Kambal man sila pero magkaiba sila ng ugali, easy go lucky si Brandon at womanizer ito. Kung magpalit ng babae dinaig pa ang nagpalit ng damit.
Pagkatapos nilang mag- usap ni Brandon ilang minuto rin ang kanyang pagmamaneho at nakarating na siya sa kanyang kompanya. Bumaba siya kaagad ng sasakyan at dumeretso sa kanyang private elevator pinindot ang number ng floor ng opisina niya.
Binati siya ng mga empleyado niya pero wala lang sa kanya na parang hindi niya ito nakikita.
Gawin nila ang kanilang trabaho ng maayos matuwa pa siya kesa makipag batian sa kanya na walang namang katuturan. Business is business 'yan ang kanyang motto sa buhay at pinamulat sa kanila ng matanda na kinilalang lolo nila.
Pagdating sa loob ng opisina niya, tambak ang kanyang pepemahan sa loob nang araw lang na iyon ,dahil wala siya at naroon siya sa medical mission na naiinis na naman siya sa naiisip ang babaeng walang takot na siya ay sagut sagutin.
Pinindot niya ang intercom na access sa cafeteria, bigla siyang nagutom .
"Hello Sir, "
"Padalhan mo 'ko ng pagkain hindi pa ako nagla- lunch. " deretso niyang sabi kilala na siya nito
"Right away, Sir." binaba niya na ang tawag
Alas singko y media na ng hapon ayon sa kanyang swiss watch.
Ilang minuto siyang naghintay sa kanyang pagkain at habang naghihintay inumpisahan niyang basahin ang mga papeles nang may kumatok.
"Come in!", matigas niyang sabi
Bumukas ang pinto at buong akala niya ang kanyang pagkain na pero hindi pala ang Head ng Finance pala.
"Good afternoon Boss, ito na po 'yong pinapagawa po ninyo para po sa presentation niyo po para bukas," bungad nito sa kanya na hindi niya inaabala ang sarili na sulyapan ito. Pokos siya sa papers na kailangan ng perma niya
"Pakilapag na lang sa table at makaalis kana." saad niya gamit ang baritonong boses
"Ahhhm boss," napatingin siya dito
"Anything else, Miss Roque?",seryosong tan niya
"Ahhm gusto ko lang po sabihin sa inyo na nagpahire po ako sa HR ng Head Marketing dahil po si Ma'am Agnes hindi na daw po babalik at kailangan niyo na rin po ng assistant Sir..
"Bakit hindi niyo ba kaya ,na kailangan pa nating maghire?", inis niyang sabi
"Ka-kaya naman po kaso maging busy po ang lahat dahil sa bagong project natin ngayon, Sir",paliwanag nito
"Sige but you wanna makes na magtatagal ang ma-hire and one more thing makes sure na incompetent sa trabaho.", pahayag niya nanakatuon na naman sa mga papeles ang kanyang attention.
"Maraming Salamat po Sir.. makakaasa ka po Boss." tarantang pahayag ng Head Finance.
"Tutuloy na po ako Boss." paalam nito
"Close the door after you.", saad niya
"Ye-yes Boss!", naglalakad na ito palabas at isinara nga nito ang pinto.
Ilang saglit pa may kumatok ulit at ang kanyang hinintay na pagkain na talaga ang dumating dala ng dalawang waiter ng cafeteria.
"Sir heto na po ang inyong order na pagkain ." magalang na sabi ng waiter maingat itong itunulak ang maliit na food cart papasok
"Pakilapag na lang jan sa lamesa pagkatapos umalis ka na at isara ang pinto. ",napalunok naman ng palihim ang waiter sa narinig.
Siya lang ang meju malakas ang loob na magdala ng pagkain sa tinaguriang anak ni Luci takot kasi mga kasama niya.
"Tapos na po Sir," sabi ng waiter bilang respito
Tinitignan naman ni Brynt ang waitet. "I said umalis kana pagkalapag mo, mahirap ba intindihin ang sinasabi ko?!"
"Sorry po Sir," pagkasabi ng waiter naglalakad na ito palabas ng opisina hila hila ang food cart.
"Mga tao talaga, simpleng instructions ang hirap makaunawa. " kausap ni Brynt sa sarili
"Brad, anong ginagawa mo dito..hindi ka pa ba umuwi?", tanong ng guard na nag- iikot sa buong floor
"Pauwi na po sana kaso ,may biglang pahabol ng order si Boss Lucero kaya po naantala ang uwi.", paliwanag ng waiter
"Wala tayong magawa,si Luci 'yon e.. bagay ang pangalan sa kanya ,Lucero.", ang guwardiya
Nagtawanan naman sila " Mauna na po ako ,Kuya...ingat ka at ayosin mo trabaho mo para hindi ka masabon ng walang banlawan...hehehe"
"Sige at mag-iikot muna ako sa buong floor."
Kanya kanya na sila ng lakad, ang isa pababa at ang isa paakyat.