Chapter 17

1982 Words
Wala naman siyang pakialam sa kung anumang galit ni Angel sa kanya, basta alam niya wala siyang ginagawa na para ikakagalit nito, "Miss Aminah nailagay ko na sa bulliten board ang schedule para sa meeting natin.", pahayag ni Jane "Thank you,Jane..puwede ka nang bumalik sa iyong puwesto.", saad niya na sumunod naman ito sa sinasabi "Itong si Angel, sobrang nakakainis na.. Kung wala lang mga cctv sa ofis na ito ,aba sinungalngal ko ng sandok ang bunganga.", pahayag nito nang makaupo na Natawa naman siya sa narinig na himutok ng kanyang assistant "Hayaan mo lang siya,Jane.", hintamad niyang pahayag na ang ang kanyang tingin nasa harapan ng monitor ng kanyang PC "Paano ba naman kasi Miss Aminah masayado nang epal e.", saad nito "Kasi ang ganung klaseng tao, hindi bagay na patulan,kapag pinatulan mo 'yon wala kana ring pagkakaiba sa kanya.", saad niya dito na itinigil ang pagtipa niya "Napaka bait mo talaga Miss Aminah pero basta huwag lang talaga akong sagarin ng bruhang 'yon.", pahayag nito Ngumiti lang siya sa pahayag nitong mabait siya Ayaw niya lang kasi ng gulo pero kumakasa rin siya kapag punong puno na. Mahaba lang ang kanyan pasensya dahil na rin sa turo ng kanilang mommy. Kung kayang umiiwas sa gulo iwasan ito yan ang palaging naiisip niya Hindi nila namalayan na uwian na pala kung wala pang kumatok sa labas ng pintuan ng kanyang opisina niya. Tumayo naman si Jane at binuksan ang pinto "Miss Aminah si Miss Rachel po.. pero hindi pa natapos ni Jane ang sasabihin ay pumasok na ang kaibigan "Hi beshy nasa harapan kapa rin ng computer mo?", bungad nito na deretso itong naupo sa pangdalawahang sofa. Si Jane naman ay lumabas at kukuha raw ng kape. "Tinatapos ko lang itong script para sa commercial at nang maipasa ko na sa taas.", pahayag niya "Ang sipag mo talaga, pasado na alas singko at ang iba ay nagsipag- uwian na.", saad nito na nginitian lang ni Aminah "Excuse lang mga Miss ito po ang inyong juice.", singit ni Jane Kinuha naman ni Racquel ang kanya " thanks Jane ang thoughtful mo talaga.", pakuwela sabi nito kay Jane na ikinatawa ng huli Nag-stretch muna siya ng kanyang braso nangalay kasi saka dinampot ang kanyang juice na nakalapag sa mesa. "Thank sa juice, Jane.. puwede kana palang umuwi kung tapos kana.", saad niya "Salamat po Miss Aminah", saad nito na ina-arrange naang mga gamit sa ibabaw ng lamesa saka kinuha ang sariling gamit "Mauna na po ako sa inyo ni Miss Racquel Miss Aminah.." paalam nito "Ingat Jane ", sabay pa nilang sabi ni Racquel "Bakit hindi kapa ba uuwi besh?", tanong ni Racquel "Taposin ko pa kasi itong ginagawa ko ,kailangan kasi ito bukas sa meeting ng team ko", paliwanag niya "Matagal pa ba yan?", tanong nito ulit "Meju, mauna kana lang", saad niya dito "Gusto ka pa naman sanang makilala ng kuya ko", saad nito na ikinalingon niya sa kaibigan "Anong sabi mo,besh.. paki- ulit nga?", gulat niyang sabi "Sorry besh pero naikwento kita kasi sa kuya ko.", napakamot pa ng batok ito Napansin kasi nito ang kanyang pagkabigla. "Besh, sorry pero sa totoo lang hindi ko ito inaasahan na i- kwento mo pala ako sa kapatid mo.", pahayag niya "Sorry besh, proud lang kasi ako sa iyo noong first time nating magkita, kaya ayon.", pahayag nito sa apologetic na boses "O-okay lang besh, pero next time huwag mo 'kong gulatin sa ganitong mga bagay.", pahayag niya "Promise besh!", masaya nitong pahayag na nakataas pa ang dalawang kamay na parang nanunumpa "Sige next time na lang tayo magsabay umuwi..kailangan ko talaga itong tapusin e," saad niya "Okay besh, sorry talaga nagulat kita.. "Okay lang yun", putol niya dito Tumayo na nga ito mula sa kinauupuan na sofa At dinampot ang personal bag. Lumapit ito sa kanya at nakipagbeso beso sa kanya. "Bye besh" anito "Yeah, ingat ka sa pag- uwi" saad niya rin Nakalabas na si Racquel ng pinto siya naman ay pinagpatuloy ang kanyang ginagawa sa kanyang computer. Pero naisipan niyang pumunta ng pantry at magtimpla ng kanyang favorite na kape ang cappuccino Nasa gitna na siya ng opisina niya at ng pantry, naramdaman niyang may mga mata na natingin sa kanya. Lumingon siya sa kanyang likuran pero wala naman siyang nakita. Lahat ng mga empleyado ay nag- uwian na at siya na lamang ang tanging natira sa kanilang floor. Ipinagwalang bahala niya na lang ang kanyang got feel at tumuloy na sa pakay na pantry upang magtimpla ng kape. Ala siez na kasi ng gabi. Balak niya lang magstay ng thirty minutes upang wala na siyang gawin pa sa pagdating niya sa bahay nila. Sa dalawang linggo niya sa opisina minsan naiuuwi niya ang mga paperworks na kailangan ng rush. Pagkatapos niyang templahin ang kanyang kape na nasa loob ng kanyang favorite mug ay napagpasyahan niyang lumabas ng pantry at nagbitbitrin siya ng isang choco muffins na nakita niya nag- iisa sa tray. Papasok na siya ng opisina nang may naramdaman siyang isang bagay sa kanyang tagiliran, lilingonin niya sana ito "Huwag kumilos o sumigaw pa man kung ayaw mo ibaon ko ang kutsilyo na ito sa tagiliran mo", anang isang paos na boses sa likuran niya Napasinghap siya ng malalim, hindi niya akalain na sa loob ng opisina hindi siya safe. Napabitaw siya sa paghawak ng door knob ng pinto ng opisina. Hindo niya pinahalatana nagulat siya. "Sino ka, anong kailangan mo sa akin?", mahinahon niyang sabi "Huwag kang matanong , sabihin mo kung saan ang vault ng opisina.", tanong ng kung sino "Wala ka pala e, nilooban mo ang opisinang ito ng hindi mo inaalam ang mga detalye...agggghh hindi niya natapos ang sasabihin bigla siyang hinampas ng kung ano sa likod niya "Sasabihin mo o mas lalo ka pang masaktan sa akin," pahayag nito na idiniin siya sa pader at hindi siya makakilos dahil sa payat niya at ang lakas nito. "Sasabihin ko na kung saan", saad niya "Masunurin ka naman pala kailangan mo pa masaktan ", anang paos nitong boses na parang lata na walang laman "Pakawalan mo muna sa pagkatulak mo sa akin sa dingding at alisin mo ang kutsilyo sa aking leeg", pahayag niya "Ano ako uto- uto na sundin ka," napaigik siya sa paghila bigla sa kanyang buhok at naramdaman niya ang talas ng talim na dumikit sa kanyang leeg pa lalo. Kaya napamura siya sa kanyang isipan sigurado siyang may sugat roon sa leeg niya dahil sa biglang paghapdi nito. Mabuti na lang at well train sila ng Daddy niya sa ganitong pagkakataon. Ang indahin ang sakit dulot sa kung anong bagay. Naglalakad sila palabas ng department nang nilakasan niya ang loob para malinlang ang lalaki nakahawak pa rin ang kamay nito sa batok niya at ang patalim na kanang bahagi ng leeg niya. Buong lakas niyang siniko ang tiyan nito at sabay apak niya sa paa nito gamit ang takong ng kanyang five inches na heels. Nabitawan nito ang patalim na pasalamat siya hindi tumama sa kanyang paa Mabilis ang kanyang galaw habang namilipit ito sa sakit ng paa kung saan niya buong lakas na tinapakan. Tinilapid niya ang patalim na tumalsik ito sa ilalim ng lamesa. Kasunod ng kanyang maliksing galaw sumampa siya sa isa sa office table at tinalinunan ang lalaki na nakita niya na kabuuan nitong nakasuot ng overall black na outfit at naka bonnet na black din. Inipit niya ng mga binti ang leeg nito at hanggang napasigaw ito sa sakit dahil sa pagtusok niya sa mga mata nito gamit ang kanyang mga daliri. Kumakawag kawag ito sa pagka sipit niya hanggang sabay silang bumagsak sa malamig na tiles. Alerto naman siya at inaasahan niya na talaga ito kaya ,kaya imbis madaganan siya nito nakatalon siya kaagad at gumulong sa sahig. Gamit na gamit niya ang itinuro ng Ama niya sa mga ganitong sitwasyon. Saka siya bumangon at kinuha ang isang upuan at hinampas niya sa katawan nito dahilan upang mawalan ito ng malawan ito ng malay. "Wala ka pala e", kausap ni Aminah sa sarili habang hinimas ang leeg na may sugat na dumudugo na pala. Mula sa malaking mansyon naman ni Lucero nakikita niya ang nangyari mula sa kanyang monitor kaya nagmadali siyang nagsuot ng pantalon kinuha ang susi ng sasakyan upang bumalik sa kanyang opisina. Hindi niya alam na hindi pa pala umuwi si Aminah. Hindi na kasi siya nakabalik pa sa opisina dahil sa may emergency siya sa hospital niya. Isang bata ang kailangan maoperahan kaagad dahil nasama ito sa isang car accident. Meju traffic pa dahil rush hour, kaya panay ang bosena niya para makalusot lang sa ibang motorista. Tinawagan niya ang on duty na guard ngayon at inutusan na puntahan ang 2nd floor kung saan ang marketing department na naroon si Aminah. "Copy po Sir!", sagot nito sa kanya Pagkasabi nito ay pinatayan niya na ng tawag. Nanggalaiti siya sa kung sino ang taong may lakas ng loob na pasukin ang kanyang opisina na high-tech ang building niya at saktan si Aminah, Nagulat naman si Aminah sa mga yabag na kanyang naririnig na papalapit sa kinaroonan ng kanilang department ,mabilis siyang gumulong at nagtago sa isang lamesa na hindi pansinin. Nakalatulong ang malamlam na ilaw sa loob upang kahit paano ay may maaninag pa niya ang kapaligiran. "Brad, ayon may taong nakahiga", narinig niyang sabi ng isang lalaki "Tignan mo at mag- iingat ka, naka itim pa naman 'yan.. hanapin ko lang si Ma'am sa loob ng opisina niya.", pahayag ng isa pang lalaki Nakikinig lang si Aminah mula sa pinagtataguan niya sa ilalim ng lamesa. "O ano, naroon si Ma'am Aminah?", tanong ng isang boses "Hindi ko makita, walang tao sa loob pero bukas ang kanyang computer.", paliwanag noong tinanong "Tinalian mo na pala ang isang 'yan... pero kailangan natin malaman kung saan si Ma'am Aminah kung hindi dalawa tayong mayari kay Sir Lucero nito.", pahayag ng isang lalaki "Sige dalawa na tayong maghanap, ewan na muna natin itong kumag na ito", pahayag ng isang guard Si Aminah naman naglakas loob na sumilip mula sa pinagtaguan kaya nakita niyang guwardiya pala ng opisina nila ang dumating. Aalis na sana ang dalawa upang hanapin ang inutos ng boss nila ng lumabas naman siya mula sa pinagtaguan. "Kuya!", tawag pansin ni Aminah sa mga ito na mabilis namang lumingon sa gawi niya. Sapo sapo ang kanyang leeg dahil sa may sugat nga siya roon. "Ma'am okay lang po kayo?", nag- aalalang tanong ng isang guard at inalalayan pa siya para makatayo ng maayos "Meju po kuya,huwag po kayong mag- alala okay lang po ako", pahayag niya "Ma'am sorry po talaga hindi po namin alam na may nangyari na po pala sa inyo dito.", paghingi ng tawad ng isang guard "Okay lang po kuya ,wala naman pong may gusto sa nangyari.", saad niya sa mga ito "May sugat po kayo sa inyong leeg Ma'am, at dumudugo po", pahayag ng isang guard "Maliit lang ito", saad niya "Bords kunin mo ang medical kit natin, bilisan mo at nang magamot itong leeg ni Ma'am Aminah.", utos nito sa kasama "Okay Bords, ikaw na muna dito, at tatawag na rin ba ako ng police?", tanong niti sa kasama "Antayin natin muna si Boss parating na 'yon.", sagot ng kausap Si Aminah dahil sa narinig na darating si Sir nila ay napatayo naman mula sa kinauupuan na bangko. Kinakabahan siya bigla sa pagkarinig sa binanggit na Boss, ibig sabihin pupunta si Sir nila. "Maupo po kayo ma'am, saad nito sa kanya na ikinalingon niya dito. Wala pa ring malay tao ang lalaking lumuob sa kanilang opisina na ngayon ay nakatali na ngayon nasa sahig pa rin. Tumalima naman siya sa sinasabi ng guwardiya. Samantalang nakarating na rin sa wakas si Lucero sa kanyang kompanya. Lakad takbo ang kanyang ginawa pagkababa mula sa sasakyan at deretso siya sa kanyang private elevator. Pinindot niya kaagad ang number ng ikalawang palapag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD