Ilang segundo lang bumukas na ang elevator at nagmamadali siyang lumabas mula dito at tinungo ang marketing department.
Binuksan niya kaagad ang pinto at bumungad kaagad sa kanyang paningin ang isang lalaki na naka overall na itim nakatakip ang mukha rin nito ng itim din.
Binalewala niya muna ito ang buong concern niya ay si Aminah na nakita niyang nakaupo sa isang upuan.
"Si-sir..
"Okay ka lang ba?.. Did you hurts?", synod sunod niyang tanong
"Okay lang po ako, kunting galos lang ito Sir.", maagap niyang sagot
"Good evening po Boss, merun po sugat si Ma'am sa may kanan ng kanyang leeg.. pinakuha ko napo ng pang first aid si Almario,Sir", singit ng guwardiya
Agad namang tinignan ni Lucero ang sinasabi ng guwardiya.
"Wa- wala lang po ito ,Sir", saad ni Aminah
Ang gusto niya lang kasi ay makauwi na sa kanilang bahay.
"Miss Silva,hindi puwede na balewalain ang natamo mong sugat kahit ba galos lang ito, hindi natin alam kung anong klaseng patalim ang ginamit baka matitano ka pa. ", pahayag ni Lucero na napalunok naman ng laway si Aminah
May ponto ang sinasabi ng boss niya
"Pakisunod niyo sa loob ng opisina niya ang first aid kit, at kayo na ang bahala sa lalaking iyan..alam niyo na ang inyong gagawin. ", utos ni Lucero sa guwardiya
" Copy po Boss!", alerto na sagot nito
Inaakay naman ni Lucero patayo si Aminah mula sa kinauupuan nito.
Isa siyang doctor kaya hindi na kailangan pa na dalhin si Aminah sa hospital
"Sir, o- okay lang po talaga ako e...gusto ko na lang po na umuwi", pangombinsi ni Aminah
" Huwag kang makulit Miss Silva.. isa pa responsibility ka ng kompanya dahil nasa premises ka ng mangyari ito...pagkatapos ako maghahatid sa iyo. ", determinadong pahayag ni Lucero
Walang nagawa si Aminah kundi manahimik na lang
Pinaupo siya nito sa pangdalawahang sofa sa loob ng kanyang opisina
"Sir, paano niyo po nalaman na narito pa ako sa opisina at worst may nangyari pa sa akin dito.", tanong ni Aminah sa boss niyang nasa pang- isahang sofa
Pero hindi na nasagot ni Lucero ang tanong ni Aminah dahil sa isang katok ng pinto
Tatayo sana si Aminah pero pinigilan siya ni Lucero at ito na ang pumunta sa pinto para tignan kung sino ang kumatok.
"Good evening Boss ,heto na .. " Akin na at asikasuhin niyo ang gagong iyon, dalhin niyo sa ating safe house.", putol niya sa guwardiya na may dala ng mid-kit
"Copy po Boss", pagkasabi nito isinara na niya ang pinto bitbit ang mid-kit na bumalik sa kinaroonan ni Aminah
"Saglit lang 'to pagkatapos ay ihahatid na kita pauwi ", saad ni Lucero sa kanya na ikinalingon niya dito
"B-bakit po,Sir? nagtatakang tanong niya
"Anong bakit?", ulit na tanong nito sa kanya
"Bakit po niyo ako ihahatid, may kotse po ako at okay lang naman po ako", pahayag niya
"Huwag kanang madaming tanong... ikiling mo ang leeg mo at gagamutin ko na.. meju mahapdi ito", saad nito
"Ouccch, dahan dahan naman po", reklamo niya dahil mahapdi naman talaga
"Tiisin mo, kung umuwi kaba naman sa tamang uwian hindi ito mangyari sa iyo.", rant nito sa kanya
"Aba ,kundi lang po dahil sa urgent niyo na para sa commercial e sana nakauwi na po ako,Sir.", pahayag niya
"Maraming paraan,Miss Silva.. pero teka lang nagre- reklamo kaba sa akin, sa ipinapagawa ko sa iyo?", tanong nito na tila naiinis sa kanya
"Hindi naman po Sir.. nagpa- paliwanag lang po.",mahinahon niyang sabi.
Ilang saglit lang natapos na ang pagga- gamot ni Lucero sa kanya at nilagyan na rin ng bandage ang may kahabaan na hiwa sa leeg niya
"Pasalamat ka't hindi malalim ang sugat mo", saad ni Lucero kay Aminah
Napaingos naman si Aminah. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanyang lamesa kung saan naroon ang kanyang computer saka ne-save ang ginawa kanina saka in- off ito.
Naiilang siya dahil ramdam niyang nakasunod ang tingin ni Lucero sa kanya.
"Sir gusto ko nang umuwi baka nag- aalala na ang mommy. ", pahayag niya dito na naglalakad na kaagad ito palabas ng pinto.
"Ugali talaga nito", sabi ng kanyang isip
"Bahala siya sa buhay niya, sino siya para sundin ko .", kausap niya sa kanyang sarili
Nagpunta siya sa kanyang powder room at inaayos ang sarili sinilip niya rin ang kanyang leeg na ngayon ay may benda na.
Hindi niya inaasahan na may mangyari sa kanya na ganito.
Nasa kalagitnaan siya sa kanyang pag- iisip ng mapasigaw siya dahil sa may humatak sa kanya bigla
"Ang tigas talaga ng ulo mo, kaya ka napapahamak e", pigil nang galit ni Lucero sa kay Aminah
"Bakit ba kasi hindi kapa umalis, nakakauwi po ako ng walang kasama...SIR!", inis niyang sabi kasabay ng pagwaksi ng kanyang kamay na hawak nito
"Hindi mo ba narinig ang sabi ko kanina na ihahatid kita pagkatapos kitang gamutin o hindi mo naiintindihan ang mga 'yon.", pahayag nito sa kanya
"Mukhang kayo po ata ang hindi po nakakaunawa sa sagot ko po sa inyo Sir", panangga ni Aminah dito
"Ang daming mo dada,halika na nga " saad nito sabay dampot ng bag niya at saka siya nito hinila palabas ng kanyang opisina
"Sir naman e, oo na po sasama na ako , pero bitawan niyo na ako..marunong naman po akong maglakad e.", reklamo niya dito
Binitawan naman siya at laking pasalamat naman niya sa isip.
May pagka bipolar siguro itong boss niya
Sala sa init sala sa lamig kumbaga, paiba iba ng isip.
"Gusto mo bang kumain muna tayo?", tanong nito na ikinalingon niya dito bigla
"Huwag mo na akong tignan sa ganyan na tingin mo.. nagma- magandang loob lang ako dahil alas nueve na ng gabi", panangga nito sa sarili
"Nakakatuwa po kasi kayo,Sir e.. hindi kasi ganyan ang character na pinakita niyo sa iba pero bakit po kayo ganyan ngayon sa akin.", pahayag niya
Kahit si Lucero ay nagtataka rin sa kanyang sarili, tama ito hindi nga siya ganito sa iba. Paki- alam niya ba kung kumain na ang isang babae o hindi pa.
"Kitam mo po, Sir.. andito lang po ang elevator , lumampas na po kayo", pukaw niya sa Boss niya na ngayon ay wala na rin sa sarili
"May sinilip lang ako, parang may anino kasi akong nakita ", saad nito
Kinilabutan naman bigla si Aminah takot pa naman siya sa multo o anong mga nilalang na hindi pangkaraniwan.
Hindi naman siya nagpapahalata na takot, pasimple lang siyang tumabi sa paglalakad nito.
"Oyy Sir, hindi po ako takot sa sinasabi niyo.", pahayag niya
" Did I say anything?", pamilosopo na sabi nito sa kanya
"Tseh!", pagkabukas ng pinto ng elevator nauuna siyang pumasok at deretso sa dulo sa tabi ng dingding.
Naka cross arm siyang nakatayo at hindi tinitignan ang nakasunod na Boss niya.
"Sarap sipain talaga", kausap niya sa kanyang sarili
"Nagsasalita na mag- isa nakakatakot.", saad nito
Hindi niya naman pinansin
Ilang sandali pa huminto na ang elevator sa basement kung saan ang kotse nila pareho nakapark.
Deneretso sana siya sa kanyang Maybach na sasakyan ng harangin siya ng lalaking kanyang kasama na boss niya
"Ang tigas naman ng ulo mo Miss Silva...doon tayo", saad nito sabay hila sa kanya
"Te-teka lang po, paano ang kotse ko?", reklamo niya
"Akina ang susi ", pagkasabi nito sabay hablot ng susi sa kamay niya at tinapon sa guwardiya na ngayon lang niya napansin na andoon pala ito.
Alerto namang sinalo ng guwardiya ang binatong susi ng boss niya dito
"Sumunod ka sa amin", utos nito sa guwardiya
"Problem solved!?", sarcastic na tanong nito
Wala nang nagawa pa si Aminah sa boss na hindi niya malaman kung anong ugali ang merun.
Nasa daan na sila ng magsalita itong muli.
"Next time once na nasa opisina ka pa nang ganitong oras,suspended kana!",
Ang sama talaga ng ugali ng hudyong ito.
Pero hindi puwede na masuspende siya wala pa siyang napatunayan sa daddy niya.
"Sir, sorry na po... hindi na maulit", paghingi niya ng tawad
Sabay kapa ng sugat niya sa leeg na meju sumakit at nakadama na rin siya ng gutom
"Very good!", maiksing saad nito sa kanya
Ayaw niyang kausapin ito kaya ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana.
Mas maganda pang tignan ang mga ilaw kesa makipag sagutan sa boss niya na ipinaglihi ata sa sama ng loob.