Chapter 19
Ilang oras din siya sa magarang sasakyan ng kanyang boss ng wala silang imikan.
Ayaw niya talaga itong kausapin kahit kating kati na siyang tanungin ito kung bakit kabisado nito ang daan papunta sa kanilang bahay .
Pinili niyang magkunwaring tulog na nauwi sa totohanan.
Nagising na lang siya sa mainit na hangin na pakiwari niya nasa malapit lang.
Nagulat na lang siya pagkamulat ng kanyang mata. Nakatunghay lang naman sa kamya qng kanyang boss
"A-anong ginagawa niyo, S-sir?", nagkakanda bulol bulol niyang sabi
"I didn't did anything, it's happened that we are here in your place.", saad nito saka umayos ng upo sa driver set.
Dali-daling niyang inayos ang sarili at tinitignan ang labas.. nasa harapan na nga sila ng bahay nila.
"Salamat sa paghatid,Sir!", mahina niyang sabi tama lang na marinig nito
" Huwag ka munang pumasok bukas, I'll give you three days leave sapat na siguro 'yan para gumaling ang sugat mo.", saad nito na ikinagulat niya gusto niya sanang magtanong pero mas pinili na niyang huwag na lamang magsalita
"Salamat po Sir!", maikling saad niya
"With pay 'yan..at nasa likod na rin ang bulok mong kotse.", dagdag pa nito
Sa narinig gusto niya sanang sabunutan pero naghunos dili siya at walang paalam na lumabas ng sasakyan ng boss niya.
Paglabas niya siya namang pagbaba ng isang lalaki mula sa kotse niya ,at malamang ito ang inutusan ng boss niya para ihatid ang kotse niya.
Lumapit siya at kunuha ang susi na inabot nito sa kanya.
"Salamat po kuya", pasalamat niya dito
"Mag- iingat po kayo ma'am sa susunod..hindi natin alam ang paligid marami po talaga ngayong mga loko- loko riyan sa tabi-tabi", saad ng kaharap
Sabay pa silang napalingon sa gawi ng kotseng pinanggalingan niya sa malakas nitong pagsarado ng pinto
"Mauna na ako Ma'am.", paalam ng kausap at mabilis na naglalakad palayo bago pa man nakalapit ang boss niya
"Ano pa ang pinag- uusapan niyo ng driver ko?", sita ng boss niya nang makalapit na ito sa kanya
"Aba Sir.. parang sumobra ka na ata..hinay hinay lang sa pag- interrogate niyo sa akin.", reklamo niya
"Ang dami mong sinasabi, pumasok kana sa loob ng sasakyan mo", saad nito sabay bukas ng pinto sa driver's side
"Ayyy..! put me down Sir!", napatili na lang siya sa bigla nitong pagkarga sa kanya at pinaupo siya sa driver's set
Marami pa sana siyang sasabihin nang malakas nitong isinara ang pinto kaya wala na siyang nagawa kundi ang imaneho ang kanyan Maybach at ilang sigundo pspasok na siya sa automatic nilang gate.
Hindi niya na alam kung nakaalis na ang boss niya pagkatapos siyang ipasok sa kanyang sasakyan dahil ayaw niya itong tignan sa inis na naramdaman para dito.
Pagka- park ng kanyang kotse lumabas siya kaagad at nagmamadaling pumunta sa guard house upang silipin ang cctv na konektado sa kanilang front gate.
"Good evening po Miss Aminah", bati ng guard on duty
"Kuya may titignan lang ako sa cctv natin
"Dito po sa loob Ma'am", alok ng guard sa kanya
Pagdating nila sa isang kuwarto na may apat na monitor
"Kuya iwan niyo na ako dito at kaya ko na ang sarili ko.", saad niya sa guwardiya
Pagkaalis ng guard hinahanap niya agad kuha sa oras kung saan sila ng boss niya. Kailangan niyang burahin ang record ng cctv mahirap na kung makita pa ng kanyang Daddy.
Hindi naman siya nahirapan na maghanap at kaagad niya itong binura.
Pagkatapos niya sa kanyang paksa ay lumabas siya kaagad.
"Thank you, Kuya!", masaya niyang sabi sa guard
"Walang anuman Ma'am.", saad naman ng guard
Nagmamadali siyang naglalakad sa porch papasok sa kabahayan ng may marinig siyang mahinang yapak.
Pasimple siyang naglalakad pero alerto siya sa anumang mangyari
"Yahhh!
Isang lalaki ang naka black overall ang lumanding sa kanyang harapan
Kaya naghanda siya." Sino ka?", tanong niya pero imbis siya ay sagutin sinugod pa siya nito
Mabuti na lang at nailagan niya ang palo nito sa hawak na kulay itim na tila isang batuta pero mas malaki ito hamak kesa sa batuta. Inilapag niya ang kanyang bag sa tabi at soya naman ngayon ang sumugod dito.
Patakbo siyang sumugod sabay talon at sipa at tumama sa panga nito, na hindi nito napaghandaan kaya tumilapon ito sa sahig. Nilapitan niya ito at inapakan ang dibdib na napaaray ito dahil sa pagdiin ng takong ng kanyang heels.
"So-sorry po Mi-miss Aminah, napag- utusan la-lang po ako ng Da-daddy niyo", nagkanda bulol- bulol ito sa pagpapaliwanag sa kanya
Yumuko siya at tinanggal ang bonnet na nakatakip sa mukha nito.
Tauhan nga ito ng Daddy niya kaya inalis niya ang kanyang paa na nakadiin sa dibdib nito.
Napapailing- iling na lang siya at tumalikod iniwan ang lalaking namilipit pa rin sa sakit gawa nga ng pagsipa niya sa panga nito.
Tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng kanilang mansyon gamit ang kanyang finger print
"Dad...! Dad..!", sigaw niya nang makapasok sa loob ng kanilang living room
Ilang minuto siyang nakatayo sa living area nang makarinig siya ng yabag papalapit
Alerto siyang muli. Baka kung sino na naman ang lilitaw na muli at mapahamak pa siya.
"Bravo, hindi ako nagkakamaling turuan ko kayo ng self defense, ngayon ang gagaling niyo na.", saad ng Daddy niya mula sa madilim na parte ng living room.
"Dad... ipapatay mo ba ako sa mga tauhan mo?!", himutok niya
"もちろん*の*ではありません
Mochiron watashi no musumede wa arimasen", saad ng Daddy
"Of course not my dear daughter."
"Bakit nasa madilim kayong dalawa?", ang mommy niya
Binuksan ni Kaithleen ang ilaw kaya tumambad sa paningin nito ang mag- ama
Natahimik naman sila ng Daddy niya sa pag- uusap
Lumapit naman siya sa kanyang mommy at nag-bless
"*かが*こりましたか Nanika ga okorimashita desuka", saad ng mommy niya
(" May nangyari ba?")
"Wala po 'my", maikling sagot niya
"Anong nangyari dito sa leeg mo?", tanong nito sabay hawak sa naka- bandage niyang sugat
kaya napausog siya mula dito
"Wala po ito 'my.. sumabit lang sa kuko ko kanina.. si- sige po aakyat na ako sa room ko", saad niya
"Sige, kumain kana ba..'nak?", pahabol ng mommy niya
"Opo, tapos na po 'my.. sige po Dad.. 'My..", paalam niya sa mga magulang
Wala namang nagawa ang mga magulang niya kundi ang tignan ang likod niyang paakyat na sa kanilang hagdanan
Pasalampak siyang umupo sa kanyang malambot na kama at dahan- dahan na inalis ang benda sa kanyang leeg. Nakaramdam siya ng kaunting kirot pero tiniis niya lang.
Nang maalis niya na ang gasa tumayo siya at nagtungo sa kanyang bathroom upang doon ipagpatuloy ang balak na paggamot sa kanyang sugat.
Pagkatapos niyang nagamot at nalagyan ulit ng gasa saka siya naglinis ng katawan at pagkatapos ay nagpalit ng pambahay.
Lumubas siya ng banyo na balak na niyang ilatag ang sarili sa kama nang may anino siyang namataan sa may sliding door.
Dali- dali niyang tinakbo ang ilaw at binuksan. Laking gulat niyang makilala kung sino ang nasa loob ng kanyang silid
"S-sir.. ano po ginagawa niyo dito..paano po kayo dito nakapasok sa aking silid?", sunod-sunod niyang tanong
"Huwag kang maraming tanong naririndi ako sa boses mo... I wanna make sure na okay ka.. huwag mo lagyan ng malisya ang ginagawa ko.", masungit na saad ni Lucero
"Okay ka rin e 'no?... natuwa na sana ako dahil concern kayo sa akin despite sa mga bali-balita sa opisina na anak ka raw ni Lucifer sa asta mo!", mataray niyang sabi
"O anong masasabi mo?", nakapamaywang niyang sabi
"Marites ka rin pala, wala ka namang pinagkakaiba sa kanila.", pahayag nito
Natahimik naman siya sa sinasabi nito
"Next time make sure naisara mo mabuti ang lahat ng pinto ng kuwarto mo.", masungit pa rin pahayag nito sa kanya.
"Tsehhh. ", tanging nasabi niya lang
"Trespassing itong ginagawa mo, alam mo ba 'yon at wala na tayo sa opisina kaya hindi na kita boss!", mataray niyang sabi
"You're so noisy..." Aba naman , ikaw invader.. umalis ka na nga bago kapa dito mabogbog!", potol niya sa sasabihin nito.
Tumayo siya at lumapit upang paalisin na ito pero bigla naman itong humarap kaya na off balance siya.
"Sabihin mo lang kung gusto mo ng halik ko.. " Kapal mo naman!.. Bitawan mo nga ako", putol niya sa sinasabi nito na nanggalaiti na siya sa inis
"Hindi ka lang hambog, assuming ka pa!", pigil niyang sabi baka marinig siya ng kanyang mga magulang sa labas. Hindi soundproof ang kuwarto niya kaya naiwas soua sa maaaring mangyari kung marinig ng Daddy niya ang boses niya.
Lumayo siya kaagad noong pinakawalan siya nito.
"Sir..please umalis ka na po.. gusto ko na rin pong matulog", malumanay na niyang sabi
"Okay," tumalikod na ito at binuksan ang kanyang sliding door. Sinundan niya ito at nakita niya ito kung paano naglambitin sa kanyang veranda saka tumalon pababa.
Napahanga siya sa galing nitong bumaba sa dalawang palapag.
"Hindi kaya akyat bahay ang boss niya..nagkatawang mayaman at may- ari ng kompanya at hospital.", sa naiisip kinilabutan siya tuloy
Dinungaw niya ito sa ibaba at nakita niya pa ito na sumampa na naman sa bakod palabas ng kanilang solar
'Ibang klase talaga ang isang ito.", saad ng utak niya
Bumalik na siya sa loob ng kanyang silid at nagulat pa siyang nasa loob ang kanyang mommy
"M-mom a- anong ginagawa po ninyo dito.?", nabubulol niyang tanong
"Gusto ko lang malaman kung ano talagang nangyari riyan sa leeg mo..impossible naman kung kamot lang 'yan", pahayag ng kanyang mommy
"Ang totoo po niyan mom, may nagtangka po na hold- apin ako pero nanlaban ako kaso nadali pa rin ako sa leeg ko", paliwanag niya
"Omg.. huwag ka na kasi magtrabaho pa.. ito na nga ba ang sinasabi ko sa iyo na dilikado sa labas magtrabaho e.", napasapo sa noong sabi ng mommy niya
"Mom, hayaan niyo po kung maulit pa ito..titigil na po ako sa work ko.. "Aantayin ko pa ba 'yon na may mangyari sa iyo ito ulit...Aminah anak ,makinig sa mommy mo..please.", putol ng mommy niya
"Hindi ko na po hahayaan na mangyari sa akin ito ulit 'my.. pagbigyan niyo lang po ako ngayon.. matagal ko na po itong pangarap na maging independent at magkaroon ng sariling identity in my own... hindi aasa sa yaman ni Dad.",paliwanag niya
"O sige pero ipangako mo sa akin na huli na ito,anak", saad ng mommy niya
Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at saka niya niyakap ng mahigpit
"Thank you ma'am!", saad niya
"I love you too ,Ate!", saad ng mommy niya
"Sige magpahinga ka na, bago pa sumunod dito ang daddy mo..alam mo naman 'yun mawala lang ako ng matagal nakabuntot na kaagad sa akin.", dagdag pa
"Okay po 'my.. Goodnight po and love you!",
"Love you..too..Magsara ka ng pinto at maglock.', paalala ng mommy niya
"Okay po !", masigla niyang sabi
Nagtungo na siya sa ibabaw ng kanyang kama at inilatag ang pagod na ring katawan.
Nagising siya ng may maramdamang matigas sa kanyang gilid
"Holy craft.. napabalikwas siya ng bangon nang makapa ang isang katawan ng tao na nasa kanyang kama.
Binuksan niya kaagad nang kanyang lampshade na nasa side table
Pero hindi niya makita ang mukha dahil nakatakip ito ng unan at ang unan pa niya ang ginamit nito.
Hinampas niya ito ng unan
"Hoy gising ka kung ayaw mo mabalda riyan.", saad niya habang pinaghahampas pa rin ito ng unan
"Huwag ka ngang maingay..inaantok ako." saad ng kung sino pero nabosesan niya ito
Kaya itinulak niya ito at tumambad sa paningin ang boss niyang may sa pusa ata, alam niyang inilock niya ang kanyang sliding kagabi
"A- ano na naman ang ginagawa niyo dito ,Sir?", saad niya na napatampal pa siya sa kanyang noo
"Halika ka nga dito.. ang ingay mo, gabi pa oh.."Ayyy...! ano ba," dahil sa biglang paghila nito bumagsak siya sa ibabaw nito.
"Bi- bitawan niyo ko Sir... mahina niyang reklamo.
"Gusto mo naman yata ako pagnasaan e", maos nitong sabi
"Kapal mo ah.. s- sino po kaya ang nanghihila riyan.", saad niya na pakiramdam niya namumula na ang pisngi niya
Mabuti na lang nakapikit ang boss niya
Bumangon siya at inayos ang sarili
"Somosobra na talaga siya", kausap niya sa sarili na gusto niyang isatinig kaso baka maalarma ang nasa labas na makarinig
"Argggghhh...!", nilapitan niya ulit ito pero alisto na siya ayaw niyang maulit ang nangyari kanina
"Bumangon ka na nga riyan..kakainis kana talaga!", gigil niyang sabi
"Your bed smell good ,I'm addicted to it.... Gago... doon ka sa bahay mo, pati ako na abala mo na!", asar na talaga siya
"Kiss muna", nginuso pa nito ang labi
"In your dreams.. bilisan mo nang umalis.", taboy niya dito
"Okay..okay.. baka sasabog kana sa inis..ang cute mo pa naman lalo kapag naiinis.", pahayag nito sabay kindat
"Flirting is a crime!", saad niya
Tumayo na ito at inayos ang buhok na nagusot mula sa pagkahiga
"Shit.. bakit ang guwapo nitong impakto na ito.", saad ng utak niyang salawahan
"Manahimik ka, hindi niya guwapo.. pogi siya means pure onggoy galing india ", ang isa niyang utak
"Pakiss nga!", naramdaman na lang niya ang paglapat ng labi nito sa labi niya
Sabay alis nito na hindi kaagad siya nakareact
"Ba- bastos ..!", nabubulol niyang sabi
"Kakainis ka talaga...! pahabol niya na tuluyan na itong lumabas ng sliding
"Ang first kiss ko, ayyy nakakainis siya.. argggghh.. nakakainis siya talaga... ouchhh!", sa inis nakalimutan niya ang sugat sa kanyang leeg