Chapter 34

1533 Words
“Hi Chen, kumusta ka na.” bati ni Nataniel sa dalagita, napahinto naman si Chenley sa kanyang paglalakad ng marinig nito ang malambing na boses ni Nataniel. Maraming kababaihan ang nagkandarapa kay Nataniel dahil bukod sa mayaman ito ay guwapo at mabait pa. Kaya naman walang dahilan upang hindi ito papansinin ni Chenley sa tuwing binabati siya nito. “Hello Nataniel, ayos lang ako, ikaw kumusta?” ang malambing na sagot ni Chen dito, napapatingin naman ang mga babae sa kanilang dalawa may mga nakataas ang kilay may mga nakangiti na hindi naman umabot sa tainga. Nang makapasok na sila sa cafe kung saan dito madalas bumibili si Chen ng pagkain ay agad naman umupo ang dalaga. Si Nataniel naman ay nagmamadaling omorder para sa kanilang dalawa nakangiti pa ito masaya si Nataniel dahil nakasama niya ulit si Chenley. Mahigit isang buwan rin kasi ang lumipas nong huli silang nagkita at napaglitan pa siya ng kanyang uncle ni Chen. Ilang saglit lang ay bumalik si Nataniel sa kanyang upuan maraming mata ang nakatingin sa kanilang dalawa ni Chen. Wala naman pakialam ang dalawa dahil wala naman silang ginagawang masama. “Sobrang namis kita, akala ko ayaw mo na akong kausapin, sorry kung umiiwas ako last few days natatakot lang ako sa uncle mo.” pag-amin ni Nataniel kay Chen napangiti naman ang dalaga, ilang sandali lang ay dumating na ang order nila. “Salamat sa libre, hayaan mo kapag magkapera ako ilibre kita kahit cheez cake lang.” natatawang sabi ni Chen sa binata, lumapad naman ang ngiti ni Nataniel kinilig ito sa mga sinabi ni Chen. Inabot ni Chen ang chocolate milk at agad niya itong ininom, napa-aray ang dalaga dahil sobrang init pala ng chocolate milk. “Are you okay? Oh, shet I’m sorry nakalimutan ko sabihin na mainit pala.” sabay punas ni Nataniel sa labi ni Chen na namumula. Actually mapula naman talaga ang labi ng dalaga, ngayon mas lalo itong namula dahil napaso ito sa mainit na chocolate milk. “No, it’s my fault dahil hindi ko man lang naisip na mainit pala. Nataniel pakitanggal ng kamay mo baka mamaya mag-iisip ang mga tao dito kapag nakita nila ta’yo, alam mo naman maraming marites sa paligid.” sabi pa ni Chen, sabay hawak nito sa kanyang labi. Napayuko naman si Nataniel bigla kasi itong nakaramdam ng init sa kanyang katawan. “I’-I’m sorry, ang ganda pala ng labi mo Chen, I like the shape of your lips.” utal pang sabi ni Nataniel kaya naman naalerto si Chen dahil sa sinabi nito. “Ahemm, ah Nataniel kumain na ta’yo.” aniya, sabay subo sa cheez cake nito. Nagtataka naman si Chen dahil nanatiling nakatitig pa rin ang binata sa kanyang mukha lalo na sa labi nito. “Oo nga baka lalamig pa ito, pasens’sya ka na sa akin ito na nga ang sinasabi ko baka hindi ako makapagpigil.” anito, napakunot naman ang noo ni Chenley hindi niya makuha ang ibig sabihin ni Nataniel. Kaya naman naglakas loob itong magtanong para malaman niya ang gusto ipahiwatig ng binata. “Makapagpigil saan?” tanong nito, tumigil ito sa paginom ng chocolate at tiningnan niya si Nataniel. “I’m sorry, alam ko hindi ito ang tamang oras at panahon upang sabihin ko sa iyo ang nararamdaman ko. Chenley, matagal na kitang gusto nahihiya lang akong umamin sa iyo. Chen, sa tingin ko mahal na kita unang pagkikita pa lang natin ay nabihag mo na ang puso ko. Chen, hindi ako nagmamadali hihintayin ko kung anong desisyon mo.” lakas loob na sabi pa nito sa dalaga, napahinga naman si Chenley ng malalim sa buong buhay ni Chen ay ngayon pa niya naranasan ito. Parang gustong magdiwang ang puso nito dahil sa saya ngunit ng maalala niya si Uncle Timothy ay nawala ang kanyang masayang ngiti. “I’m sorry Nataniel pero bawal pa ako magkaroon ng boyfriend, isa pa ayaw ko mapagalitan ni uncle alam mo naman iyon masyadong mahigpit sa akin. Baka mamaya kapag malaman ni uncle na nagbo-boyfriend ako ay palalayasin nila ako sa sarili nilang pamamahay. Nataniel ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo hindi ta’yo bagay kaya pasen’sya ka na.” Napapikit pa si Chenley ayaw man niya sabihin kay Nataniel ito ngunit ito ang nararapat ayaw ng dalaga makasakit nang damdamin ng iba kaya mas mabuti na itong ginawa niya. “Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin katulad nga ng sinabi ko handa akong maghihtay kahit matagal pa iyan.” anito, hindi pa rin sumuko si Nataniel mahal niya ang dalaga at handa itong maghintay sa kanya. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sila, mapilit si Nataniel kaya naman wala nang magawa si Chenley kundi ang sumakay sa kotse nito at pumayag na magpahatid sa kanilang bahay. Tahimik si Chenley habang nasa loob ito ng kotse habang si Nataniel naman ay seryoso itong nagmamaneho. “Are you okay? Parang ang lalim naman ng iniisip mo?” puna sa kanya ng binata, napatingin naman si Chen sa guwapong mukha ni Nataniel. Sa totoo lang lumipad ang isip ni Chen, iniisip nito kung ba’t hindi man lang tumawag si Timothy. Mag-iisang linggo nang hindi nagparamdam si Timothy sa kanya kaya naman hindi niya mapigilan ang magduda dito. “Okay lang ako marami lang akong nakain kaya medyo inaantok na ako.” aniya, sabay hikab pa nito na parang bata, natawa naman ang binata. “Umidlip ka muna gisingin na lang kita mamaya kapag dumating na ta’yo sa bahay ninyo.” malambing na sabi ni Nataniel kay Chenley, napangiti ito naalala niya tuloy ang kanyang Uncle Timothy. Talagang namis niya lang ang kanyang uncle dahil nasa kanya ang fucos nito at wala kay Nataniel. “Thank you, mawawala rin ito saka malapit na rin ta’yo.” aniya, umupo si Chenley ng maayos masaya ito dahil malayo pa lang siya ay nakita na nito ang sasakyan ng kanyang Tita Elena. Ilang sandali lang ay nasa mismong harapan na sila ng bahay, mabilis naman bumaba si Nataniel at pinagbuksan nito si Chenley. “Mag-ingat ka, see you tomorrow at salamat nga pala sa binigay mong oras kahit papano nakasama kita.” masayang sabi pa ng binata na agad naman ikinangiti ni Chen. “Hindi mo ba ipapatuloy sa loob ang kaibigan mo? I’m sorry kanina ko pa ka’yo nakikita I think bagay ka’yo.” nakangiting sabi ni Elena sa dalawa, agad naman lumapit ni Nataniel at inabot nito ang kamay ni Elena at nagmano. “Magandang hapon po, ako nga pala si Nataniel manliligaw ni Chenley nice to meet you po Tita Elena.” ang magalang na sabi ng binata abot tainga naman ang ngiti ni Elena sabay hawak niya sa kamay ni Chenley at bumulong. “Hindi mo man lang sinabi sa akin na may bisita ka.” ani Elena, at sabay na silang pumasok sa loob. “Ikaw bata ka nilihim mo pa kay tita na may manliligaw ka na pala, infairness ang guwapo niya.” aniya, at masayang dinala ni Elena ang dalawa sa dinning table. Wala ng magawa si Chen kundi ngumiti hindi naman niya puwiding sabihin na may nobyo na siya at si Uncle Timothy iyon. Pinaghila pa ito ni Nataniel ng upuan nanatiling tahimik lang si Chen nakamasid sa Tita Elena nito na panay ang asekaso sa kanilang bisita. Nagsimula na silang kumain panay ang puri ni Nataniel sa pagkain dahil masarap raw ito. Tudo ngiti naman si Elena tinatapakan pa niya ang paa ni Chen sa ilalim ng mesa. Nagtataka man ang dalaga ay pinili na lang nito ang manahimik, sa tingin ni Chen mukhang bet ng tita nito si Nataniel. “Masaya ang Uncle Timothy mo kapag malaman niya na may manliligaw na sa iyo.” sabi pa ni Elena, lumaki naman ang mata ni Chen at agad siya nagsalita. “Tita, puwidi po bang huwag muna ipaalam kay uncle ito? Kasi po baka magalit siya kabilinbilanan pa naman niya sa akin na mag-aral muna ako bago mag boyfriend. Isa pa nakita na niya si Nataniel noon sa school at nagalit po siya.” sabay yuko ni Chen, sa totoo lang natatakot ang dalaga dahil kapag malaman ni Timothy ito sigurado uuwi na naman iyon ng wala sa oras. Mabuti na lang madaling kausap si Tita Elena, natatawa pa ito dahil sa pakiusap ni Chen. Matapos nilang pagsaluhan ang masarap na dinner ay nagpalaam na si Nataniel. Nang makaalis na ang binata ay sunod-sunod na ang mga tanong ni Elena kay Chen. “Bagay ka’yo ni Nataniel sa tingin ko wala namang masama kung liligawan ka niya, isa pa singel ka naman at singel siya? So walang dahilan para pahirapan mo iyong tao. Chen, maganda ka, masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng minamahal sa buhay. Iyong para bang palagi kang masaya sa araw araw dahil may isang taong palaging nagtatanong sa iyo kung kumusta ka na? Kumain ka na ba? Bihira lang dumating sa buhay natin ang mga ganung bagay kaya e grab mo na.” ani Tita Elena. Kung puwidi lang sabihin kay Elena na may nagmamay-ari na sa puso nito. Biglang nakaramdam ng takot si Chen na baka isang araw malaman ni Elena ang secreto nila ni Timothy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD