TYPHUS: NAPAHAGULHOL ito sa dibdib ko na mahigpit akong yakap-yakap. Hindi ko na rin mapigilang maging emosyonal na totoong nandidito ito. Yakap-yakap ko. Ilang minuto kaming nagkaiyakan sa isa't-isa habang magkayakap. Kumalas ako dito at marahang pinahid ang kanyang luha. Namumugto na rin ang mga mata nito at kitang-kita ang paghumpak ng matambok niyang pisngi. . . dati. Dalawang buwan ko lang siyang hindi nakita pero ang laki ng ipinayat niya. Hindi ko tuloy mapigilang ma-guilty na napabayaan ko ito. "T-Typhus," sambit nito na nakatingala sa akin. Puno ng halo-halong emosyon ang mga mata nitong luhaan at nagsusumamo sa akin. Ngumiti ako na mariing hinagkan ito sa kanyang noo. Napayakap naman ito sa baywang ko na napapalabi pa rin. Parang batang nagtatampo at nagpapasuyo ang itsura.