bc

One Night Stand [TYPHUS MONTEREAL SERIES20]

book_age18+
5.3K
FOLLOW
59.5K
READ
billionaire
one-night stand
HE
opposites attract
dominant
sweet
bxg
office/work place
multiple personality
assistant
like
intro-logo
Blurb

Kaya mo bang ibenta ang iyong dangal. . . para masagip ang buhay ng iyong magulang na nag-aagaw buhay?

Ngunit paano kung ang isang gabing pagbebenta mo sa isang stranghero sa iyong puri ay mahuhumaling sau ang stranghero. Tatanggapin mo ba ang offer nito kahit na ang relasyon niyo ay nagmula sa isang. . . one night stand?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
***Kaya mo bang ibenta ang iyong dangal. . . para masagip ang buhay ng iyong magulang na nag-aagaw buhay? Ngunit paano kung ang isang gabing pagbebenta mo sa isang stranghero sa iyong puri ay mahuhumaling sau ang stranghero. Tatanggapin mo ba ang offer nito kahit na ang relasyon niyo ay nagmula sa isang. . . one night stand?**** ISABELLA: ALIGAGA ako habang naghihintay na tawagin ako ng kaibigan kong si Symon. Nandidito ako sa silid ng hotel na pinasukan namin. Ang sabi nito ay may magaganap na stag party sa mga kilalang bilyonaryo ng bansa sa kabilang silid. Isa ako sa mga sasayaw sa kanila ngayong gabi. Pero dahil ako ang pang-final ay ako ang huling tatawagin. Kailangan ko pang ipagkasya ang sarili sa malaking cake na props namin para exciting daw ang paglabas ko. Kabado ako dahil hindi ko naman trabaho ito. Ang ibenta ang sarili sa mga lalakeng makakatipo sa akin. Pero kailangan ko ng malaking halaga para madugtungan ang buhay ng ina kong nag-aagaw buhay sa hospital. Street vendor sila Nanay at Tatay kaya sa kalye sila madalas pagala-gala. Pero may isang barumbadong driver ang nakahagip kay Nanay at ang walang hiya. . . ? Tinakbuhan ang ina kong naghihingalo sa gitna ng kalsada. Malaki ang na-damage kay Nanay. Kailangan namin siyang ipa-opera para sa kaligtasan niya. Ayon sa doctor ay napuruhan din ang binti nito kaya maaaring hindi na siya makabalik sa dati. Hindi ko alam kung saan ako hahagilap ng two hundred thousand sa isang gabi lang. Kaya naman pikit mata kong tinanggap ang offer ni Symon na kaibigan ko na maki-one night stand sa mga parokyano nila. Ayon dito ay galanteng magbayad ang mga ito. Hindi nila alintana ang pera dahil barya lang sa kanila ang one hundred thousand na ibabayad sa babae. Iba pa ang tip na ibibigay nila kung magustuhan nila ang mapili at masabayan ang mga ito sa kama. Ang problema ay birhen pa ako. Ni makipag halikan ay hindi ako marunong. Iisipin ko pa lang na ipagkakaloob ko ang sarili sa lalakeng hindi ko manlang kakilala ay para ng babaliktad ang sikmura ko. Pero para sa ina ko. . . ? gagawin ko maski ano. Handa akong magbenta ng laman. Maisalba lang ang buhay ng pinakamamahal kong ina. NAPAHINGA ako ng malalim na mapait napangiti sa sarili. Kanina pa ako umiinom ng wine na dinala ni Symon sa akin para magkalakas loob daw ako. Pero heto at naubos ko na ang isang bote ay parang wala namang epekto sa katawang lupa ko. Nangangatal pa rin ako at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pagbukas ng pinto ay kaagad akong napatayo na niluwal non si Symon. Si Symon ay isang binabae na may-ari ng isang club dito sa Manila. Mabenta ang club nito kaya malakas lakas ang kita. Ilang beses na niya akong inalok magtrabaho sa kanya pero paulit-ulit ko lang tinatanggihan. Isa kasi akong nagtitinda sa palengke ng mga gulay. Hindi ko naman masikmura ang magtrabaho sa isang club. Kaya kahit malaki ang kita doon kumpara sa palengke? Mas pinili kong maging tindera ng mga gulay kaysa magsasasayaw na kapiranggot lang ang suot sa harapan ng mga lalakeng lasing at hayok sa laman. "Handa ka na ba?" tanong nito. "Oo naman." "Kaya mo? Sigurado ka? Isa, kapag pumasok na tayo doon ay wala ng urungan. Malalaking tao ang kliyente natin at once in a blue moon lang namin silang maging ahente. Baka naman ipahiya mo ako, ha?" pagpapaalala pa nito. Napahinga ako ng malalim na mariing napapikit. Ilang beses akong napa-enhaled exhaled para kalmahin ang puso ko. "Kaya ko. Kailangan ako ng ina ko. Hwag kang mag-alala, Sy. Hindi kita ipapahiya," sagot ko na buong-buo. Ngumiti ito na hinaplos ako sa buhok. Bakas ang awa at simpatya sa kanyang mga mata. Pilit akong ngumiti na pinipigilan ang pangingilid ng luha. "Sige. Tara na." Sabay kaming lumabas ng silid. Katabi lang naman namin ang silid na kinaroroonan ng mga kliyente nito. Nandoon na rin ang apat na GRO nito na kasalukuyang sumasayaw na sa loob. Hinihintay na lamang ang pagpasok ko. Muli akong napahinga ng malalim bago pumasok sa malaking cake na props namin. Isinuot ko rin ang maskara ko na siyang magkukubli sa buong mukha ko. Nang maramdaman kong gumalaw na ang kinasasakyan kong box ay lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Senyales na tinutulak na nila ang cake papasok sa silid. Dinig ko namang naghiyawan at palakpakan ang mga lalake sa malapit. Sunod-sunod akong napalunok na tinungga ang isang beer na nandidito para tamahan ako at magkalakas ng loob gumiling sa harapan nila. Marunong naman akong sumayaw. Kayang-kaya ko ang pinakita sa akin ni Symon na video na siyang gagayahin ko. Isa pa ay isang lalake lang naman ang bibili sa akin ayon dito. Kaya wala akong dapat ipangamba dahil hindi ako pagpapasa-pasahan. Wala akong ideya sa mga lalakeng sasayawan ko. Pero nasa isip ko na na mga matatanda ang mga ito. Mga kulang sa aruga ng asawa kaya naghahanap ng babaeng babayaran para paligayahin sila. Kapit sa patalim at patibayan na lamang ng sikmura ang kakailanganin ko para maisalba ko ang buhay ni Nanay. Handa akong mawalan ng dangal. . . mabuhay lang ang pinakamamahal kong ina. MARIIN kong kagat ang ibabang labi nang dahan-dahan ng bumukas ang cake kung saan sasabay akong sasayaw ng napaka-daring at sexy. Hindi ko na lamang iniisip na may mga lalake sa harapan ko na nanonood. Pinagbuti kong igiling ang balakang na ikinahiyaw ng mga itong nagpalakpakan. Sobrang init ng mukha ko pero nandidito na ako. Hindi ako pwedeng umurong dahil may ina akong nangangailangan ng pera. Isa-isa kong marahang hinubad ang kasuotan ko. Mula sa mahabang manggas ng long sleeve na suot ko. Sa nakapatong na mahabang skirt sa baywang ko. Hanggang sa tanging ang two piece black bikini na lamang ang natitira. Panay ang hiyawan ng mga ito na nakatayo na rin habang matamang pinapanood ang marahan kong paggiling sa harapan at sinasabayang hinahaplos-haplos ang sarili. Litaw na litaw ang kabuoan ko na tanging kapirasong tela na lamang ang nakatabing. Hindi ako katangkaran. Nasa 5'3 lang ang height ko. Pero balingkinitan ang katawan ko at nabiyayaan ng malusog na hinaharap. Makinis din ang balat ko kahit may pagka-morena ang kulay ko dahil sa uri ng trabaho ko. Isa pa ay wala naman akong ginagamit na pang pamuti ng balat kaya natural na skin tone ang kulay ko. Maliit lang ang mukha ko na korteng puso. May pagkabilog ang mga mata kong kulay berde na malalantik ang pilikmata kong natural lang din. Namana ko iyon sa foreigner kong ama. Na hindi ko na nakilala pa. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na natapos ko ng maayos ang performance ko. At sa nakikita kong resulta ay na-satisfied naman ang mga kliyente ni Symon. Kaagad din akong nagsuot ng roba at lumabas ng silid. Nanginginig na nga ang katawan ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng silid o dahil sa kaba ko. Tumulo ang luha ko na mapatitig sa repleksyon ko sa salamin. Matabang na napangiti na nagpahid ng luha. Inayos kong muli ang sarili ko dahil ilalabas na ako maya-maya ng lalakeng nakabili sa akin. Masakit sa akin na sa isang 'di kilala at matandang may kaya ipagkakaloob ang virginity ko. Pero wala naman akong ibang pamimilian na pagkunan ng two hundred thousand sa isang gabi lang! "Kaya mo 'to, Isa. Alalahanin mo lang kung bakit mo ito gagawin. Mas mahalaga ang ina mo kaysa ang dignidad mo," piping usal ko. Nang maayos ko na ang sarili at nakapag bihis na rin ng strapless red dress na kay iksi ay lumabas na ako ng banyo. Sakto namang pumasok na si Symon na may matamis na ngiti sa mga labi. Pinasadaan pa ako nito ng tingin mula sa 4 inches na red stilleto ko, sa dress kong hapit na hapit sa aking katawan na hanggang gitnang hita ko lang ang manggas. Sa nakalitaw kong malulusog na dibdib at braso. "Okay ka na? Sigurado ka, ha?" muling saad nito na nag-aalala ang tono. Pilit akong ngumiti na tumango. Wala naman akong pamimilian. Nandidito na ako. Ngayon pa ba ako uurong? "Kaya ko. Isang gabi lang naman eh," sagot ko. Inakay na ako nitong makalabas ng silid. Suot ko pa rin ang maskara ko na tumatabing sa mga mata ko. Pero laking gulat ko na isang bata-bata at napaka-gwapong nilalang ang naghihintay sa amin dito sa tapat ng silid! Napasulyap pa ito sa wristwatch na tila kanina pa naghihintay. Hindi ko mapigilang pasadaan ng tingin ito. Mula sa black leather shoes niyang kay kintab. Sa black pants na pinaresan ng white long sleeve na naka-tuck-in. Nakabakat tuloy ang kagandahan ng katawan nito na ikinaawang ng bibig ko. "Let's go?" anito. Napakurap-kurap ako na napatitig sa kamay nitong nakalahad. Saka ko lang napansing wala na si Symon sa tabi ko at itong mala-Greek-God na nilalang na lamang ang nasa harapan ko. "Hindi ka pa ba tapos pakatitigan ako?" nanunudyong tanong nito. Napalapat ako ng labi nang mahina itong natawa at hinapit ako sa baywang. Napaiktad ako na makadama ng kakaibang kuryente sa pagyapos nito sa baywang ko. Para akong de battery na napasunod dito nang akayin na niya akong pumasok ng elevator. Hindi ako maka-imik habang pababa ang elevator. Ni hindi ko siya matitigan sa repleksyon namin sa salamin na kaharap namin. Ramdam ko kasi ang matiim niyang pagtitig na nakakatunaw. "Let's go?" anito na bumukas ang pinto. Nangangatog ang mga tuhod ko na inihakbang ang paa palapit sa napakagara niyang red mclaren f1 car na nandidito sa parking! May hinugot ito sa bulsa na remote key na itinapat lang sa kotse ay tumunog na iyon, umilaw at kusang bumukas! Manghang napatitig ako doon na hindi kumukurap! Sa mga hollywood action movies ko lang kasi nakikita ang mga gantong uri ng kotse! Pero ngayon ay heto. . . nasa harapan ko na higit sa lahat. . . ? masasakyan ko pa! "Hop in, baby." Napapitlag ako nang mapapisil ito sa baywang ko na nasa likuran ko at marahan akong itinulak papasok ng sportcar nito! Naninigas ako na walang kakurap-kurap na nakamata sa kotse nito! Hindi ko maitago ang kamanghaan na nakalarawan sa aking mukha na naigala ang mga mata sa loob nito! Napakagara, linis at bango dito sa loob. Maging ang inupuan ko ay napakalambot na ang komportable sa pwet upuan. Mahina itong natawa nang mapaiktad ako na dumukwang itong ikinabit ang seatbelt sa akin. Pigil ang hininga ko na nakamata ditong gahibla na lang ang layo ang mukha sa mukha ko. Kitang-kita ko tuloy kung gaano kakinis ang mala porselana niyang balat na 'di hamak na mas makinis at maputi sa akin! Halos maduling ako nang dahan-dahan itong lumingon na ikinatama ng matangos niyang ilong sa ilong ko! Nagkakapalit na rin kami ng hanging nilalanghap sa sobrang lapit nito. Tuloy maging ang puso ko ay hindi na pumirmi sa ribcage nito na sobrang lakas ng dagundong! "H-hwag," mahinang saad ko sa akmang pagkalas nito sa maskara ko. Napalunok ito na titig na titig sa aking mga mata. Ang ganda ng mga mata niya. Chinito kasi siya na kulay abo ito. Idagdag pang katulad ko.ay malalantik ang pilikmata nito at may kakapalan din ang naka-firm niyang mga kilay. "I want to see your face, baby. So that I can recognize you in the future," bulong nito. Napapikit ako na masamyo ang kay bango at init niyang hininga. Kahit may halo ng alak ang naaamoy ko doon ay kay bango pa rin na nakakaanyaya. Napatitig ako sa mapupungay niyang mga mata. Tila nanghihipnotismo ang mga iyon na nakikiusap ang itsura. Kahit sinong babae ay bibigay at bibigay kapag nakipagtitigan dito. Hindi ko tuloy maawat ang puso kong nagtatatalon na sa loob ng ribcage nito. Para akong maiihi sa kakaibang kiliti na hatid ng matiim niyang pagtitig! "Hwag na, please? Hindi naman na tayo magkikita pagkatapos ng gabing ito. Mabuti ng hindi mo alam ang katauhan at buong mukha ko. Katawan ko lang ang pag-aari mo ngayong gabi, Sir. Hindi kasali ang puso at katauhan ko. Umalis na po tayo." Pakiusap ko dito. Napalapat ito ng labi na kita ang panghihinayang sa mga mata nito. Kabado ako lalo na't hindi ko naman siya kakilala. Baka mamaya ay magalit pa ito at maartehan sa akin. Pilit itong ngumiti na umayos ng upo at nagkabit din ng seatbelt nito. Kahit paano ay naibsan ang kaba ko na makitang hindi naman ito na-bad trip sa akin. Binuhay niya ang engine at saglit lang ay pinaharurut na niya ang kotse palabas ng hotel na mariin kong ikinapikit. "Kaya mo 'to, Isabella. Para sa iyong ina." piping usal ko na pilit kinakalma ang puso ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.2K
bc

His Obsession

read
89.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook