Chapter 12

2006 Words
ISABELLA: NAKABUSANGOT ako habang nakahalukipkip na sa harapan lang ang tingin. Mabuti na lang at napilit ko din itong uuwi ngayon ng syudad. May pamilya akong mag-aalala sa akin at hinihintay din ako ng mga kapatid ko. Tiyak na mag-aalala ang mga iyon na hindi ako makakauwi. Napapikit akong naisandal ang ulo na makadama ng antok. Pero hindi pa man ako nakakaidlip ay inihinto niya ang kotse at inayos ang pag-slide no'n na lihim kong ikinangiti. Pero napadilat ako ng mga mata na maramdamang tila. . . hinagkan ako nito sa mga labi! "Ahem!" kaagad itong umayos ng upo na pinatakbo na ang kotse. Pinaniningkitan ko ito na napaupo ako. Hindi naman ito makatingin sa mga mata ko na namumula ang pisngi! "Hoy, Typhus, hinalikan mo na naman ba ako!?" paninita ko. "Hindi kaya. Inayos ko lang ang pagkakahiga mo. Assuming 'to," anito na ikinamilog ng mga mata kong nag-init ang mukha. "Ako? Asumera? Ikaw itong nakaw nang nakaw ng halik!" asik ko na nanggigigil na kinurot ito sa braso. "Ouch, baby, masakit." Impit nitong daing. "Manyak ka kasi!" "Manyak? Hindi nga kasi kita hinalikan," pagtatanggol pa nito sa sarili. Pinaningkitan ko itong napapahid sa aking labi at nadamang namamasa pa nga ang labi ko! "Hindi? Sigurado ka?" "O-oo." "Huh? Mabaog ka man?" "What? Fvck, baby! Wala pa akong Jr. Baka magdilang anghel ka niyan. Ang talas ng tabas ng dila mo," natatawang asik nito. "Di inamin mo rin, hinalikan mo ako!" pagmamaldita kong ikinabungisngis nito. "Fine, I've kissed you. So?" anito na proud na proud pa sa ginawa! "So? Hoy, Typhus, hwag mo akong itinutulad sa mga babae mong easy to get, ha!?" asik kong nasabunutan ito. "Hindi ko naman naiisip 'yan, baby. Saka willing naman ako eh. . . willing to court you," nakangising kindat nitong ikinaasim ng mukha ko. "Pwes, ngayon pa lang basted ka na sa akin!" pagsusungit kong malutong nitong ikinahalakhak. "Hindi ikaw ang magde desisyon no'n, baby. Hindi ko kailangan ng permission mo. Liligawan at pasasagutin kita by hook. . . or by crook," ngisi nitong ikinaikot ng mga mata ko. "Huh!? Manigas ka! Hindi kita sasagutin," ismid kong ikinahalakhak lang nito. "Mapapasagot kita, baby. I'm pretty sure of it," puno ng kumpyansang sagot nito. Napaismid ako ditong muling nahiga na lamang na tinakpan ng coat nito ang mukha ko. "Binabalaan kita, umulit ka pa at babayagan kita," pagbabanta ko ditong ikinabungisngis lang nito. "Hindi na po. Magpapaalam ako sa susunod, baby." "Tss. Wala ng kasunod!" "Meron. Marami." Napaikot na lamang ako ng mga mata. Wala talaga akong panama sa lalakeng ito. "Tulog ka na?" muling pangungulit nito. "Baby?" untag nito na hindi ako sumasagot. "Fvck, what a yummy legs," anas nitong ikinamilog ng mga mata ko! "Manyakis ka talaga!" asik ko na napabalikwas at hinampas ito sa braso. "Ouch! Baby, 'yong fried chicken sa tapat ang tinutukoy ko," daing nito na ikinatigil ko. Napalinga naman ako sa harapan namin at tama nga ito. Nakahilera ang mga food-stand sa tabi ng kalsada na may mga tinitindang fried chicken! Nahiya naman akong umayos ng upo inayos ang pagkakalihis ng laylayan ng dress ko. Napapairap ako sa hangin dahil ngingisi-ngisi itong napapasipol pa. Tila nang-aasar na naman. "Nagugutom ka na ba? Bili tayo, baby?" anito. "Libre mo!" pagsusungit kong ikinatawa nito. "Opo. Wait for me here, huh?" saad nito na itinabi ang kotse. Hindi na lamang ako nagkomento pa at napahalukipkip na napasunod ng tingin ditong bumaba ng kotse at bumili ng manok sa tapat. Napangiti ako na hindi naman pala ito maselan sa pagkain. Kahit lumaki siyang may kutsarang ginto sa bibig ay hindi nga ito matapobre, katulad ni Dos. Okay din naman ang personality ni Typhus. May kakulitan ito na malambing. Nararamdaman kong mabuti din siyang tao. Kahit bilyonaryo siya ay hindi mapagmataas sa sarili. 'Yon nga lang ay napakalandi naman. Kaya sa kanila ni Dos ay mas kampante ang loob ko kay Dos. Napatuwid ako ng upo na pumasok din kaagad ito, matapos makabili ng makakain at inumin namin. "Kumakain ka ba talaga niyan?" pag-uusisa ko na mapansing may binili din itong chicken skin. "A, huh? Why?" anito na sumubo. "Uhmm. . . ang sarap, baby," anas nitong napaungol habang malagkit na nakatitig sa akin. "Ang landi nito. Kumain ka na nga lang!" asik ko na dumampot ng isang fried chicken at nginasab. "Subuan mo ako, baby." "Ayoko nga. May kamay ka." "I'm driving, sige na, hmm?" paglalambing pa nito na ngumuso. Nahiya naman ako dahil nagmamaneho nga naman ito. Kung nagugutom na ako, tiyak na nagugutom na rin ito sa haba ng byahe namin. "Anong gusto mong kainin?" tanong ko na nakatingin sa paper bag na puno ng pagkain. "Ikaw." "Anong ako? Manyak ka! Gusto mo akong kainin!?" bulalas ko na pinandidilatan ito ng mga mata. Napahagikhik naman itong napailing na sa unahan nakamata. "I mean. . . kung anong isusubo mo sa akin. Ikaw ng bahala. Kakainin ko anuman. . . ang ipakain mo sa akin, baby," kindat nitong saglit akong nilingon. Nag-init ang mukha ko dahil tila may ibang ibig ipahiwatig ang sinaad nitong, kakainin niya anuman ang ipakain ko sa kanya. Habang sinusubuan ko itong kumain ay nananadya naman itong sinusubo maski ang daliri ko. Sinisipsip-sipsip niya pa ito na ikinatatayo ng mga balahibo ko sa katawan. PASADO alasotso na ng gabi nang makarating kami sa compound nito. "Salamat po sa paghatid, Sir." Pamamaalam ko dito na nagtanggal na ng seatbelt. Napagala naman ito ng paningin na kunot ang noo. "Pakape ka naman, baby. Inaantok na ang dugo ko sa haba ng binyahe natin eh. Buti sana kung byaheng langit ang pinagsaluhan natin," makahulugang saad nitong ikinainit ng mukha ko. "Uhm. . . s-sige," nauutal kong pagpayag. Napangiti naman itong nagtanggal na ng seatbelt. Nauna na akong bumaba na ikinasunod naman nito. Pero hindi pa man kami nakakahakbang nito ay may motorsiklong huminto sa tapat namin. Sabay pa kaming napalingon dito na ikinamilog ng mga mata kong nakilala ang ducati bigbike motor nito! Napangiti ako na nagtanggal ito ng helmet at hindi nga ako nagkamali. Impit akong napapairit na ikinasiko naman sa akin ni Typhus. "Dos!" "Hi," nakangiting bati nito. Hindi ko na pinansin si Typhus at nilapitan si Dos na malapad ang ngiting napayapos pa sa baywang ko at bumeso sa pisngi ko. Napapadyak ako ng mga paa na impit na napapairit sa kilig! "Napadaan ka?" nakangiting tanong ko. "To check on you," kindat pa nito na inakbayan na ako. Napangiwi ang ngiti ko na mabungaran namin si Typhus na pinaniningkitan na kami at ang asim na ng mukha! "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba hinahanap ni Mommy?" pasaring ni Typhus na ikinangisi lang ng kapatid. "Dinaanan ko lang si Isabella. Ang sabi ni Manong Macky, kaninang umaga pa kayo umalis ng kumpaya. Nag-aalala lang ako, Kuya." Sagot nito. "Exactly, Dos. Kasama niya ako. So, alam mong hindi siya mapapahamak sa akin," sagot ni Typhus na sinasabayan kaming sumuot ng iskinita ni Dos. "Yon na nga eh. Ikaw ang kasama niya. Kaya hindi ako palagay kasi hindi ka mapagkaka tiwalaang nilalang," nang-aasar na sagot ni Dos ditong napa-tsk sa kapatid. "Tama na 'yan. Ang ingay niyo. Natutulog na ang mga tao dito," pag-awat kong ikinatikom nila ng bibig. "Sorry sweetheart," ani Dos. "Sorry, baby. Ito kasing Dos na 'to eh," paismid naman ni Typhus. Naiiling na lamang akong hindi na nagkomento pa sa kanilang dalawa. Pagpasok namin ng bahay ay tumuloy na ako ng kusina. Sumunod naman ang mga ito sa akin na nagpapasaringan na naman pero pabulong na. "Umalis ka na nga," asik ni Dos dito. "At bakit? Ayoko nga." Ani Typhus na naupo na ng silya. "Umalis ka na. Late na oh?" pabulong pagtataboy pa ni Dos dito. "Exactly, dude. Late na. Baka nakakalimutan mong. . . naghihintay ang Mommy sa'yo?" ani Typhus na ikinairap ni Dos dito. "Ang bait mo naman yatang boss ngayon, Kuya? Samantalang si Ate Selena na dekada mong naging secretary ay hindi mo naman nihahatid sa apartment niya. First day pa lang ng sweetheart ko sa'yo pero. . . may pahatid-hatid ka ng nalalaman," usisa ni Dos dito. "Bakit, masama bang i-secured ko ang safety niya? Secretary ko siya, kargo ko siya," palabang sagot naman ni Typhus dito. Napailing na lamang akong nagtimpla ng kape naming tatlo. Kung magbangayan sila ay dinaig pa ang mga batang nag-aagawan ng laruan. Haist. "Kaya nga inihabilin ko na siya kay Manong Macky, hindi ba? Kasi hindi na kasali sa pagiging amo mo, na ihatid siya dito sa kanila." Ani Dos na nang-uusisa sa magaling niyang kapatid. "Tama na nga. Para kayong mga bata ang kukulit niyo. Magkape na lang tayo," panenermon ko sa mga ito na tumabi kay Dos at inilapag sa harap niya ang kape nito. "Thanks, sweetheart," paglalambing pa nito na may matamis na ngiti. "You're welcome, ikaw talaga," aniko na pinaglagay siya ng natirang cassava cake na ginawa ko pa kaninang madaling araw. Sideline din kasi ng mga kapatid ko na magtinda ng kakanin sa skwelahan nila. Pandagdag na rin sa allowance nila kaya tulong-tulong kaming pamilya. Lalo na ngayon dahil nasa hospital pa rin ang mga magulang namin. Napapairap pa si Typhus sa kapatid na napapangisi sa kanya habang inaasikaso ko. Aba. . . syempre si Dos ang uunahin ko sa kanilang dalawa. Crush ko kaya 'to. "Baby, paano ako? Gusto ko din 'yan," nakangusong pagmamaktol ni Typhus na tinutukoy ay ang cassava cake. "Kumuha ka ng sa'yo. May mga kamay ka naman ah. Naka-off duty na ang sweetheart ko sa'yo. Abusado ka namang boss," pambabara ni Dos dito na inirapan ang kapatid. "Hindi ikaw ang kausap ko," ismid nito. Naiiling na lamang akong pinaglagay ito ng cassava sa platito nito para 'di na sila mangbangayan pa. Mga binata na sila pero. . . para silang mga bata kung magpasaringan, haist. "Thank you, baby." Pagpapabebe pa nito na may matamis na ngiti. "Oo na. Kumain ka na rin," aniko na kiming ngumiti dito. "Ayaw mo ba akong subuan katulad kanina, baby?" makahulugang saad nitong ikinabuga ko sa kapeng nasimsim ko! "Sinubuan? Bakit ka naman nagpasubo sa sweetheart ko? May mga kamay ka naman ah!" madiing asik ni Dos ditong nagkibit balikat na napangisi. "Tanungin mo siya. Gusto niya akong asikasuhin eh," ngisi nitong ikinamilog ng mga mata ko! "Ano? Hoy, hwag ka ngang imbento, makurot kita d'yan!" asik kong ikinahalakhak nito. "Bakit, ayaw mo bang malaman ni Dos na inaasikaso mo ako? Nag-kiss pa nga tayo eh. Hindi ba?" pambubuko pa nitong tila proud na proud pa sa sinaad! Namilog ang mga mata at butas ng ilong ko na malutong nitong ikinahalakhak. "Fvck!" "Typhus!" Panabay naming asik ni Dos dito na napatayo. Pinaningkitan ko itong may malapad na ngisi na nakamata kay Dos. Tila iniiwasan nitong magsalubong ang mga mata namin! "You, kissed him?" ani Dos na nilingon ako. "Oo." "Hindi." Panabay naming sagot ni Typhus na napahagikhik sa pagtanggi ko. Bwisit na 'to! "H-hindi ko siya hinalikan! Siya ang humalik sa akin," nauutal kong dipensa. Napahagikhik naman si Typhus na sinamaan ko ng tingin. Kahit si Dos ay pinaniningkitan na ang magaling na kapatid na nagawa pang tumawa na tila nagdidiwang! "C'mon, baby. Tinugon mo ang halik ko. Kaya naghalikan tayo. Napaungol ka pa nga, hindi ba?" paanas pa nito. Namilog ang mga mata at butas ng ilong ko at gumapang ang init sa mukha ko. Bwisit talaga ang Typhus na 'to! Sinisira na niya ako sa crush ko! Nakakainis! "Hoy, hindi noh!?" "Really? Then why are you so defensive and blushing, baby?" anas pa nito na tila hindi pa rin tapos bwisitin ako. Nanggigil na akong kalmutin ang gwapong mukha nito sa sobrang inis ko! Hiyang-hiya na ako kay Dos sa mga pambubuko nito sa akin! "Hah!? Hindi ako tumugon, noh? Ang baho kaya ng hininga mo. Ang pait din ng labi mo!" paasik kong ikinamilog ng mga mata nito. Malutong namang napahalakhak si Dos na ikinahawa kong natatawa na rin sa itsura ni Typhus. "What the heck, Isabella. Mabango ang hininga ko and fvck! Masarap akong humalik! Lapain kita d'yan eh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD