Chapter 11

2106 Words
ISABELLA: LIHIM akong napapangiti habang nakasakay kaming dalawa ni Typhus ng kabayo. May kalayuan daw ang kabilang farm na sadya namin dito sa Zambales para bilhan nito. Hindi naman ako marunong sumakay ng kabayo mag-isa kaya heto. . . magkaangkas kami. Nakakailang pa ang posisyon namin dahil ako sa harapan kaya nakayakap na ito sa akin at sinasadyang yumapos sa tyan ko habang nakasubsob sa balikat ko. Hindi naman ako makaangal dahil natatakot akong baka tumakbo ang kabayo. May isang tauhan naman itong nakasunod sa amin na dala ang kotse nito. Napakaarte kasi nito na gustong sa kabayo kami sumakay. Gusto lang yata akong niyayakap eh! Manyakis talaga ang hudas. "Hwag mo nga akong singhutin," pagalit ko na nasa leeg ko na ang mukha nito. "Ang tapang kasi ng pabango mo. Parang 'di pambabae eh," sagot naman nito na natatawa. Nasiko ko ito napaiktad at humigpit ang pagkakayapos sa tyan kong ikinanigas ko. Para tumalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko sa pagyayakap nito sa akin. "B-bitawan mo nga ako. Yakap na 'yan ah!" nauutal kong asik ditong umiling lang at mas kinabig pa ako padiin sa katawan nito. "Baka mahulog ka," anito. Sasagot pa sana ako pero pinatakbo na niya ang kabayo na impit kong ikinatili at napakapit sa braso nito! Parang tumalon maski kaluluwa ko at nahihilo sa bilis ng takbo ng kabayo! Naiinis na ako dito dahil umaalog-alog ang dibdib ko at tumatama iyon sa braso nitong nakayapos sa ibaba ng dibdib ko. Tatawa-tawa pa ito na tila nananadyang madadama ang dibdib ko na hindi ako makaangal! "Manyak ka talaga! Ang s**o ko, nasasagi mo na!" singhal ko na 'di ko na napigilan pa. "Inaalalayan kita. Manyak ka dyan." "Hwag ako, Typhus!" singhal kong malutong nitong ikinahalakhak. "I'm still your boss, baby." Napalapat ako ng labi na natauhan sa sinaad nito. Tama nga naman siya. Kahit nasa labas kami ay amo ko pa rin siya. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang ganda ng lugar dahil sa hudas na 'to. Ang galing lumusot, nakakainis! PAGDATING namin sa kabilang farm ay nauna itong bumaba na inalalayan ako. Sinalubong naman kami ng ilang katao dito na magalang pang binabati kami ni Typhus. Tahimik akong nakasunod dito na magiliw na nakikipag-usap sa mga taong sumalubong sa amin. Hanggang sa nakarating kami sa isang magarang bahay na bato. Napapayuko pa ang mga taong naabutan namin dito na tila kagalang-galang ang lalakeng ito. Haist. Kung alam lang nila kung gaano ito kalandi at kamanyak eh. "Sandali lang po, señorito Typhus, tawagin lang namin si Don Aldolfo," saad ng isa. Nanigas ako na marinig ang itinawag nito sa tatawaging. . . Don! Nangatog ang mga tuhod ko na pinagpawisan ng malamig. "Hey, what's wrong, baby?" nag-aalalang saad nito na malingunan ako at kaagad akong inalalayan. "T-Typhus. . . u-umalis na tayo, please?" nauutal kong saad. Kumunot ang noo nito na bakas ng katanungan ang mga mata. "Huh? Why, baby? Mabilis lang tayo. Kausapin lang natin si Don Aldolfo para sa presyo ng lupain niya," sagot naman nito na ikinailing-iling ko. Nangilabot ako na tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko na hirap kong ikinahinga. Paano kung ang Don na makakaharap namin ngayon ay. . . ay siyang humalay sa akin?! Paano kung siya ang taong 'yon? Nakita niya ang mukha ko kaya tiyak akong makikilala niya ako. "U-umalis na kasi tayo!" napakalas kong singhal na napapalingon sa hagdanan. "O-okay. H-hwag ka ng sumigaw. Ito naman," sagot nito na ikinahawak ko sa kamay niya at kinaladkad na palabas. "Teka. . . madapa naman ako, baby." Reklamo nito. "Bilisan mo na lang!" asik ko na halos patakbo ng lumabas ng bahay. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko, pagkalabas namin ng bahay. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag. Inalalayan naman ako nitong makapasok ng kotse bago lumapit sa mga tauhan ng Don at nagpaalam na aalis na kami. Napasapo ako sa noo ko na tagaktak na pala ng pawis. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko. Kahit hindi ako sigurado kung siya ang tinawag nung sumundo sa akin sa compound namin na tinawag na Don ay hindi ko pa rin maiwasang matakot at kabahan. Kahit pilit kong binubura sa isipan ko ang ganap na 'yon sa buhay ko ay hindi ko pa rin maiwasang maalala. "Are you okay?" Napapitlag ako na sinalat ako nito sa leeg at noo. "Are you afraid of something? What's the matter, ha? Namumutla ka na, oh?" nag-aalalang saad nito. "W-wala 'to. Umalis na tayo, please?" "Okay." Tumango-tango ito na binuhay na ang makina. HABANG nasa daan ay pilit kong nililibang ang sarili sa magagandang tanawin na nadaraanan namin. Bulubundukin kasi dito na puro taniman at pastulan ng mga baka at kabayo ang makikita mo. Malamig at presko ang hanging nalalanghap. Malayo sa syudad na puro usok, sasakyan at nagtataasang building ang makikita. "Feel better?" anito na pinagsalinop ang mga daliri namin. Napalunok ako na napatitig sa kamay naming magkahugpong. "Y-yeah. A-ang laki pala ng kamay mo," bulalas ko na ikinahalakhak naman nitong napasipol pa. "Do you know what that means, baby?" makahulugang tanong nito na may pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi. Nagtatanong ang mga mata na napatitig ako ditong nagpipigil mapangiti. "A-ano?" "Ahem! Soon. . . you'll discover it by yourself," kindat naman nito na nangingisi. Nag-init ang mukha kong umiwas ng tingin sa mga mata niyang nagniningning. Para kasing may ibang ibig sabihin ang sagot nito. At dahil galing 'yon sa isang katulad niyang malandi at palekerong lalaki? Tiyak na may kamanyakan na naman ang sinaad nito kaya napapangisi ang hudas. "Tss, wala akong planong alamin, noh? Sabihin mo na lang," saad ko na nginisian ito. Napangisi din ito ng nakakaloko na ikinalunok ko. Hindi talaga ako mananalo sa kanya pagdating sa mga kalokohan. Lalo na sa mga dirty things na usapan. "Are you sure, you want to know the meaning of having a big hand?" ngising asong saad nito. "Oo." Matapang kong sagot. "It means. . . ." pambibitin nito dahil tutok na tutok ako sa sasabihin niya. Ngumuso ito sa kanyang ibaba na ikinasunod ko ng tingin sa nakaumbok nitong. . . hinaharap! Eksaheradang napalunok ako ng laway na namimilog ang mga matang nakatitig sa kanyang umbok na may kalakihan nga! Nag-init ang mukha ko na maalala ang unang tagpo namin. Kung saan tandang-tanda ko pa kung gaano kalaki at haba nga naman ng kargada niya! Hindi ko pa siya natatanong kung nakilala niya na ba ako? Pero ako? Kilalang-kilala ko na siya kaya tiyak kong siya ang lalakeng 'yon. Kaagad akong nag-iwas ng tingin na napapatikhim sa malutong niyang paghalakhak. Pilit kong binawi ang kamay ko dito na ikinahigpit naman ng pagkakahawak niya doon. "B-bitawan mo nga ako," kulang sa diin kong asik. "Ayoko." "Haist! Bwisit na 'to!" "Amo mo ako, baby." Nakagat ko ang ibabang labi na pinaalala na naman niyang boss ko siya. Hindi tuloy ako makaapila dahil tama naman siya. Mabait pa nga siya dahil ganto ang pakikitungo niya sa akin. Unang araw pa lang namin pero ang dami ng ganap sa pagitan namin. PAGDATING namin sa farm nito ay nauna na akong bumaba. Kaagad naman itong sumunod na napaakbay pa. "Ano ba?" inis kong asik na tinabig ang kamay nito. "Oops, sorry." Napairap ako dito dahil kita namang labas sa ilong ang pagso-sorry nito. Ngingisi-ngisi pa ito na nagtataasbaba ng mga kilay. "Anong oras tayo babalik ng syudad, S-sir?" pag-iiba ko ng usapan. Napasulyap naman ito sa wristwatch niya na napanguso. "Bakit?" "Anong bakit?" takang tanong ko. "Bakit ka nagmamadaling bumalik ng syudad, hmm?" nag-uusisang tanong nito. "Wala ka na do'n." "Aba't. . . teka. . . may date ba kayo ni Dos, ha?" tanong nito na namimilog ang mga mata. Napangisi naman ako sa inaasta nito at nakaisip ng kalokohan. "Oo. May dinner date kami ni Dos mamaya. Kaya kailangan na nating makabalik ng syudad bago magdilim. Hindi ako pwedeng ma-late sa date namin," pananakay kong ikinaawang ng bibig nito. Pigil-pigil ang sarili kong mapahalakhak sa nakikitang reaction nitong animo'y isang jealous boyfriend ang peg! Nalulukot na ang mukha pero mare kay gwapo pa rin ng hudyo! "Huh? Date pala, huh? Walang uuwi!" "Ano!?" Napatayo ako na napasunod ditong nagdadabog na umakyat ng hagdanan! "Hoy, Typhus, anong ibig mong sabihing walang uuwi!?" natatarantang saad ko na hinahabol ito. "Next week na tayo babalik. Ay hindi, next month na lang. O baka next year!" pagdadabog nitong ikinamilog ng mga mata kong napahawak sa braso nito. "Nababaliw ka na ba? Hindi pwede! Kailangan kong makauwi sa pamilya ko. Manatili ka dito kung gusto mo!" singhal kong ikinangisi nito. "Gusto mong. . . umuwi na tayo?" paanas nitong napahakbang palapit. Napapalunok naman akong napaatras lalo na't may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi nito. "O-oo." Utal kong sagot na napapaatras. Mariin akong napapikit na maramdaman ang malamig at matigas na dingding. Nangingisi naman itong itinukod ang mga braso sa magkabilaang gilid kong ikinakulong ko. Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingala ditong halos dumikit na ang mukha sa akin sa pagyuko nito. "Cancelled it." Maawtoridad nitong utos. "A-alin?" nauutal kong tanong na parang maiihi dahil halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha nito. "Your date. Cancelled it." "Baliw ka ba? Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Dahil ayoko." "Huh? Ano ba kita?" "Boss mo ako." "Tama. Boss kita. Boss lang kita," asik ko na pilit pinapatatag ang boses. Nangangatog na ang mga tuhod kong nagbabadyang bumigay sa tensyong nadarama ko. "Ako na lang ang i-date mo," paanas nitong ikinamilog ng mga mata at butas ng ilong ko. Napataas naman ito ng kilay na nanatiling nakayuko habang nakatukod sa gilid ko ang braso niya. Kung may ibang taong makakakita lang sa posisyon namin ay aakalain nilang naghahalikan kami nito! "Ano? Ayoko nga." Madiin kong sagot. "At bakit? Anong meron si Dos na wala ako, hmm?" tanong nito na ikinangisi ko dito. "Hindi siya palakerong lalake, katulad mo," nakangising ingos ko. Mas napangisi naman itong ikinalunok ko. Napatitig kasi ito sa mga labi ko na napalunok. Tila natatakam na naman siyang lapain ang mga 'yon. Shuta, Mare! Ang sarap pa naman niyang humalik! "Babaero 'yon, baby." "Ikaw ang babaero." Ngumisi ito na napapisil sa baba ko at mas itiningala sa kanya. "Lahat ng mga lalakeng Montereal ay babaero, baby. Pero. . . kaya naming magbago kapag nahanap na namin ang tamang babaeng nakapag patibok ng puso namin," paanas nitong nakamata sa mga labi ko. "S-sinisiraan mo lang siya," utal kong saad. "Of course not. Babaero din 'yon. Ang kaibahan lang namin? Tinatago niya ang mga babaeng ka-fling niya. Habang ako? Open lang," ngisi nito na ikinasama ng paningin ko sa kanya. "Hwag mo akong sinasamaan ng tingin, baby. Patirikin ko ang mga mata mo, sige ka." Pananakot nitong nakangisi. "Hah!? Paano, aber?" palabang sagot ko na nginisian ito. Ngumisi din naman ito ng nakakaloko na ikinalunok kong halos tumigil sa pagtibok ang puso ko at walang kakurap-kurap na nakasunod ng tingin dito. "Like this," anas nitong idiniin na ako ng dingding! Namilog ang mga mata ko pero hindi pa man ako nakakahulma ay napahawak ito sa batok kong siniil ako sa mga labi! Nanigas ako na pigil-pigil ang paghinga at halos hindi na makakilos sa kapangahasan nitong nilalamutak lang naman ang mga labi ko! "Uhmpt! T-tama na," asik ko na nilalayo ang mukha pero mas idiniin lang naman ako nito sa dingding! "Oh my God, uhmm!" Napaungol akong tumirik ang mga mata ko na sumapo lang naman siya sa aking kaselanan at saka hinagod-hagod iyon! "Oohhh, s**t! So good," anas ko sa paghagod nito sa c******s kong kay sarap nga naman! Naghahabol hininga akong tinabig ang kamay nito na matauhan ako. Napangisi at lumamlam naman ang mga mata nito sa akin na kitang apektado din. "See? Kayang-kaya kong patirikin ang mga mata mo sa masarap na paraan, baby." Anas nito na nakangisi pa rin. "Bwisit ka! Manyak!" asik kong nasuntok ito sa sikmura na natatawang napadaing. Gosh! Nahawakan niya ang kabibe ko! Nahaplos pa niya at napaungol pa ako. Nakakainis ang bilis ng kamay nito! "Atlis gwapong manyak, baby." Kindat nitong ikinaikot ng mga mata ko. "Namo ka! Namumuro ka na!" asik ko pa dito. "Namumuro? Hindi pa nga ako nakaka-score, baby," kagat labing paanas nito. "Bwisit ka! Manyak!" "Manyak talaga? Manyakin kita d'yan eh," ngisi pa nitong nasabunutan ko. Tatawa-tawa naman itong binaklas ang kamay koa t mabilis hinagkan iyon na ikinamilog ng mga mata at butas ng ilong ko! "Typhus!" Malutong itong napahalakhak na kaagad napatakbo palayo sa akin. "Typhus! Bwisit ka talaga!" "Gusto kita, baby!" "Leche ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD