Los Angeles, California
ETHAN
Napangiti ako nang makitang naiayos ko na lahat ang mga gamit na dadalhin ko pabalik ng Pilipinas. Excited na ako sa pagbabalik ko next week. But at the same time, parang kinakabahan din. Ewan ko ba. Para kasing may gusto akong makita doon, pero hindi ko alam kung ano o sino.
At hindi si Jared ang tinutukoy ko, ha? Alam ko naman na magkikita kami ng lalaking 'yon. May iba pa talaga akong gustong makita.
Kinuha ko ang phone ko. And I was about to call him when I suddenly stops. Hindi ko kasi maiwasang maalala ang babaeng sumagot sa phone niya sa huling tawag ko kahapon. Nag-return call din naman ang kaibigan ko that same day, pero hindi ko na nagawang itanong kung sino ang babaeng iyon.
What if magkasama sila sa oras na 'to? What if maistorbo ko na naman ang kung anong ginagawa nila gaya ng pag-istorbo ko kahapon? What if ang babaeng iyon ulit ang makausap ko?
Napahigpit ang hawak ko sa phone at mariing ipinilig ang ulo. Parang may kung anong nagtutulak sa 'kin para tawagan ang kaibigan ko at umaasang ang babaeng iyon ulit ang makausap ko.
And that woman's voice... still lingering and kept echoing inside my head.
Napaupo ako sa kama at napapikit nang may kung anong pumitik sa sentido ko. Ganito na lang ang nangyayari sa 'kin simula nang marinig ko ang boses na iyon. As if something inside of me was telling me that I know that voice. Hindi ko lang talaga matukoy kung sino iyon.
Hinilot-hilot ko ang sentido ko para kahit papa'no ay maibsan ang pagkirot no'n.
"Hey, what's happening to you?"
Nang magmulat ako, pumasok si Zelline.
"My head aches," simpleng sagot ko.
"Let me help you."
Tumayo siya sa harapan ko. Banayad niyang sinimulang i-massage ang sentido ko gamit ang kanyang mga daliri. Pumikit naman ako at nag-relax. Unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam ko nang biglang may lumitaw na imahe ng isang babae sa isip ko.
Kagaya ng una ko siyang mapanaginipan, nakatalikod siya sa 'kin. At kapag humaharap siya, hindi ko nakikita nang malinaw ang mukha niya. Sobrang liwanag lang ang nakikita ko.
After more than three years, ngayon lang ulit siya lumitaw sa isip ko.
Nagmulat ako at hinawakan ang mga kamay ni Zelline para pigilan sa pagmasahe sa sentido ko. Pakiramdam ko kasi ay mas dumoble ang pagsakit niyon dahil sa babaeng biglang pumasok sa isip ko.
"I'm okay, Zelline. Iinom na lang ako ng gamot ko."
"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya.
"Yeah," tipid ang ngiting sagot ko.
"Okay. Kukunin ko lang ang gamot mo."
Sinundan ko siya ng tingin paglabas. Naisip ko noon na baka siya ang babaeng nakita ko sa isip ko. Na siya ang babaeng tumatawag sa 'kin noon para magising mula sa pagka-comatose ko.
Pero, ngayong nakita ko ulit sa isip ko ang walang mukha at misteryosong babae na iyon, I doubt it now if it was really Zelline. At malakas ang kutob kong ibang babae iyon.