CHAPTER 6

1612 Words
ETHAN   Napangiti ako nang sa wakas ay makalapag na ang sinasakyan kong eroplano dito sa Pilipinas. Finally, I'm home...   Hindi ko alam kung pa'no ko nasabi iyon. Basta, nararamdaman ko na matagal ko na ring gustong bumalik dito. May gusto akong balikan na hindi ko lang maalala kung ano.   Siguro, may kinalaman ang lugar na ito sa pagkawala ng memories ko. Baka dito ko mahanap ang sagot sa nakaraan ko.   Agad akong dumiretso sa latest Mercedez Benz na pinadala ng lola ko. Ito ang sasakyan ko dito. Since nasa Amerika pa ang buong pamilya ko, sa condo muna ako didiretso na ayon sa lola at mama ko ay meron ako.   Pagkabukas agad ng pinto sa condo ko, parang pamilyar nga siya sa 'kin. Hindi ko man naaalala, pero siguradong matagal-tagal nga rin akong tumira dito.   Nang dumiretso ako sa kuwarto ko, ewan ko ba. Parang may gusto akong hanapin at makita pero hindi ko alam kung ano 'yon. Basta tiningnan ko ang mga cabinet at drawer, ang ilalim ng kama ko, at maski nga sa banyo ay may hinahanap ang mga mata ko.   Nang wala akong makita, bumalik ako sa kuwarto at humiga sa kama. Tinakpan ng kanang braso ko ang mga mata ko.   "What was happening to me? Bakit may hinahanap akong mga bagay na sa tingin ko ay pagmamay-ari ko? Bakit pakiramdam ko kulang ang gamit ko dito sa loob ng kuwarto ko?"   Natigil lang ang pag-iisip ko nang tumunog ang phone ko. Bahagya akong napangiti nang makitang si Jared ang tumatawag.   "Hey, dude! Kelan ba talaga ang balik mo dito sa 'Pinas?"   "Why? You already missed me? Don't worry, you will see me and I will see you one of these days."   "You mean, you already arrived here?"   Tumawa ako nang malakas. "Yes. An hour ago. And actually, nakahiga at nagpapahinga na ako dito sa condo ko dahil sa jetlag."   "Gago ka talaga, Ethan. Bakit hindi mo agad sinabi?"   "So that you can welcome me with your freaking banner and shouting babe to embarrass me in front of many people in the airport? No, thanks," I answered, full of sarcasm.  Kinikilabutan pa rin talaga ako sa tuwing naaalala ko iyon noong minsang sinundo niya ako sa airport. Tsk.   Narinig ko ang malakas na pagtawa niya mula sa kabilang linya. "Fine. Magpakita ka sa 'kin, ha? May papakilala ako sa 'yo. And I'm warning you now, she's off limits. Hindi mo siya puwedeng magustuhan."   Napataas ang isang kilay ko sa pagiging possesive niya. "As if I can do that, Red. That girl of yours must be interesting. Nagawa ka niyang tagalan at patinuin, eh."   Muli siyang tumawa bago nagsalita. And this time, I sensed the seriousness on his voice. "Yes. She's really interesting and amazing woman, Ethan. And she's not yet mine. But she will be mine on the right time. At kapag ready na rin siyang magmahal ulit."   Natigilan ako nang parang paulit-ulit na mag-echo sa pandinig ko ang isang salita. Mine. Mine. Mine…   Bumangon ako at napaupo sa kama. I c****d my head on the side and dismissed the thought. "So, who's the unfortunate and unlucky girl?" tanong ko.   "The birthday celebrant and the same girl who talked to you last time. No'ng hindi ko agad nasagot ang tawag mo dahil naliligo ako."   "Oh... They're the same person," sambit ko.   "Yeah. And I think I'm already falling for her."   Hindi agad ako nakasagot. Wari bang tumututol ang kabilang bahagi ng utak ko. Pero, bakit? Ilang sandali pa...   "Okay, good luck, Red. Ipagdarasal kong i-reject ka niya," pilit kong pagbibiro sa kanya.   "Gago! Magpahinga ka na nga at mukhang hindi ka pa nakakapag-isip nang matino. Mag-usap na lang tayo kapag nagkita tayo."   "Okay, bye," pagpapaalam ko na bago patayin ang tawag.   Muli kong ibinagsak ang katawan sa kama at nanatiling nakatitig sa kisame. The birthday celebrant that night and the woman I talked to last time was the same person. Now that I think about it, para ngang magkaboses sila. What a coincidence... Aaminin ko. The first time I heard that woman's voice on the background and singing out of tune when I called my friend, I couldn't help but listen to her. And somehow, my heart skipped a beat the moment I heard her voice.     I have this urge para makita at makilala siya. Pero, ngayong alam ko nang siya ang babaeng iniibig ni Red, kahit papa'no ay nakakaramdam ako ng panghihinayang... At para rin talagang may tumututol sa kaibuturan ng puso ko na hindi ko maintindihan. I don't even know that woman. Ni hindi ko pa nga nakikita ang hitsura niya.    Itinaas ko ang mga kamay ko at ginawang unan ang mga braso ko bago pumikit. Iwinaksi ko rin sa isip ko ang babaeng iyon. I have other important things to do kaya umuwi rin ako dito sa bansa. I have to find my missing memories. And I have to find someone.   Mahigit tatlong taon lang akong tumira sa LA. Ang eighteen years of existence ko ay dito sa Pilipinas, pero wala akong maalala. Nagising akong walang naaalala nang kahit ano. Ngayong umuwi na ako, siguro naman kahit papa'no ay may maaalala ako. At siguro naman ay may nakakakilala sa 'kin dito, 'di ba? May mga naging kaibigan din naman siguro ako noong nag-aaral pa ako dito.   At naalala ko rin ang mga sinabi nina Mama at Lola noon na nagkaroon daw ako ng ex-girlfriend dito sa 'Pinas...   Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang magkamalay ako dito sa ospital. Mga ilang tao din noon ang hindi ko nakilala sa unang pagdilat ng mga mata ko.   Nang magpakilala naman sila sa 'kin, nakaramdam ako ng lukso ng dugo at magaan din ang loob ko sa kanila kaya hindi ako nagduda sa mga sinabi nila na sila ang pamilya ko. Isa pa, kahawig ko ang nagpakilalang Papa ko. Sa kanila ko rin nalaman kung sino ako. Ako si Errol Nathaniel Montecaztres.   Si Zelline ang nagbabantay sa 'kin ngayon. Ayon sa Lola ko, kababata ko raw siya. Nagkahiwalay lang kami no'ng mag-migrate sila at tumira na dito sa LA noong eight years old pa lang kami. At siya ang tumatawag sa 'kin ng Ethan.   Nakaupo ako sa kama habang nagbabalat ng mansanas si Zelline. Naramdaman ko na lang na parang may bagay na nakasabit sa leeg ko at parang sinasakal ako.   Kinapa ko ang bagay na iyon at tumambad sa 'kin ang isang kuwintas. Bilog ang locket pendant at katamtaman ang laki. Pinakatitigan ko muna iyon bago binuksan.   Isang nakangiting babae ang bumungad sa 'kin. Natigilan ako nang biglang bumilis ang t***k ng puso ko pagkakita sa larawan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang pamilyar ang mukha niya, pero hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita at kung sino siya?   Habang nag-iisip ako, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Lola ko.   "How are you, grandson?"   "I'm okay. 'La, did you know this girl?" Ipinakita ko sa kanya ang pendant nang lumapit siya sa 'kin. Ilang sandali rin siyang nakatingin doon at hindi nagsalita.   "Do I know her?" tanong ko ulit. "Bakit meron akong kuwintas na siya ang nakalagay sa locket? Magkakilala ba kami?"    I have this urge na kilalanin ang babaeng iyon. Pakiramdam ko kasi, parang naging parte talaga siya ng buhay ko.   Saglit ding natigilan si Lola Margarita at napatingin kay Zelline. Bumuntong-hininga si Lola at ilang sandali pa, nagsalita rin siya.   "I will be honest with you, Nathan. Mas mabuti ngang malaman mo na ngayon kaysa malaman mo pa sa iba."   "What is it, Lola?"   "You know her and she knows you. She was part of your life before. Not now. She was your ex-girlfriend."   "E-ex-girlfriend?" natitigilang tanong ko.   "Yes. And she was the reason why you're here in the hospital. Siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente. You were miserable because of her. Because she broke up with you a couple of months ago."   "But, why? Why did she break up with me? May nagawa ba akong masama sa kanya? Masama ba akong boyfriend sa kanya? Sinasaktan ko ba siya?" hindi ko napigilang itanong.   Ewan ko ba. Bigla-bigla na lang parang may kung anong malakas na puwersa ang nagtulak sa 'kin para alamin ang totoong dahilan ng paghihiwalay namin. Gusto kong malaman. Kahit hindi ko siya nakikilala, pakiramdam ko naman minahal ko siya nang sobra kaya naging miserable ang buhay ko gaya ng sabi ni Lola.   Pero, ang sinabi ni Lola ang talagang nakapagpatigil ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko pa, huminto rin ang pag-ikot ng mundo ko.   "Because for her, she doesn't deserve you. You're not worthy to her. And most of all, she was in love with someone else."   Napamulat ako at mapait na ngumisi. Hindi ako karapat-dapat sa kanya? Hindi ako mahalaga sa kanya? Bakit? Hindi ba ako naging sapat sa kanya? Hindi ba naging sapat ang pagmamahal na ibinigay ko kung talagang minahal ko siya?   Mas matatanggap ko pa ang dalawang dahilan na yun kaysa sa huling dahilan. Hindi ko alam kung bakit hindi matanggap ng puso ko na may mahal siyang iba. Kahit hindi ko pa man naaalala ang sinasabi nilang ex-girlfriend ko.   Mahigit tatlong taon na rin nang huli kong makita ang larawang iyon. Hindi ko na nga matandaan ang mukha niya. Isang beses ko lang nakita ang picture niya. Pagkatapos kasi ng araw na yun, nabitawan ko ang kuwintas at parang nawalan na ako nang ganang tingnan pa.   Nang subukan ko namang hanapin, hindi ko na rin nakita pa. Tinanong ko sina Lola tungkol sa kuwintas, pero hindi nila alam kung nasaan. Wala raw silang nakita.   I would do everything to know her. And I'll do whatever it takes just to find her.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD