CHAPTER 4

895 Words
MILES   "Oh? Natulala ka na diyan. Anong nangyayari sayo?"   Napatingin ako sa nagsalitang si Max.  Kasama niya si Sam at pareho pa silang kunot-noong nakatingin sakin.   Nandito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa company na pinapasukan ko. Lunch break namin kaya pinapunta ko sila dito para makausap since wala naman daw silang ginagawa.   Dalawang araw na rin ang nakakalipas after my birthday. At hanggang ngayon, naaalala ko pa rin at nag-eecho sa pandinig ko ang tinig nung lalaking nakausap ko sa phone ni Jared - which is his best friend named Ethan.   Was it possible na yung Ethan na yun ay si Nate?   Pero, imposible eh. Kung siya yun, makikilala niya ako. Matatandaan niya ang pangalan ko. At pati na rin siguro ang boses ko kung hindi pa niya nakakalimutan.   Kung hindi niya ako nakilala, does it mean kinalimutan na niya talaga ako? Pero pano kung magkaibang tao sila? At hindi talaga ako kilala? Hay, ang gulo!   Bumuntong-hininga ako.   "Para saan ang buntong-hininga na 'yan, bhest?" tanong ni Sam   "Pinapunta mo kami dito para makausap diba? Hindi para titigan ka lang diyan," sabi naman ni Max.   "I think narinig - no. I think nakausap ko si Nate."    Max rolled her eyes at me. "Saan? Sa panaginip mo? Ano bang bago do'n?"    Naikukuwento ko kasi sa kanila na minsan napapanaginipan ko si Nate.   "Nope. Nakausap ko sa phone ni Jared. Kaboses ng best friend niya si Nate."   Biglang naupo yung dalawa at seryosong tumingin sa 'kin.   "Seriously? Baka naman nabobosesan mo lang sa sobrang pagkamiss mo kay missing guy?" - Sam   "Oo nga. At sa phone pa ha? Iba naman talaga minsan ang boses ng tao sa phone." - Max   "Hindi eh. Sigurado ako. Kaboses ng Ethan na 'yon ang boses ni Nate."   "So, Ethan ang name ng best friend ni Jared?" - Sam   Tumango ako. At saka waring nag-isip sila.   "Hm... Come to think of it, Ethan ang name ng best friend ni Jared. Parang hindi nalalayo sa real name ni Nathan na Errol Nathaniel, di ba? Posible kayang iisang tao lang sila?" - Max   "At kung siya nga si Nathan at nakausap mo, hindi ka ba niya nakilala?"   Natigilan ako sa tanong na iyon ni Sam. Now that I think about it, naalala ko kung paano ako kausapin ng Ethan na 'yon. He was casual and as if he didn't recognize my voice. No. He didn't recognize me at all.   "I don't think he recognized me," tanging naisagot ko na lang.   "So, it means hindi siya si Nate. Kaboses niya lang," statement ni Max.   Sana nga. Pero bakit gano'n? Nanghihinayang ako nang may posibilidad na hindi nga siya yo'n. Siguro dahil nag-e-expect ako na siya na nga si Nate. Then, naramdaman ko na lang na may mga kamay na tumakip sa mga mata ko.   "Hulaan mo kung sino 'to."   Napabuntong-hininga ako nang makilala agad ang boses niya. "Kung magbabago ka ng boses, siguraduhin mong hindi kita makikilala, Jared."   Tinanggal na niya ang kamay sa mga mata ko at saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.   "Ano ba 'yan? Kahit anong boses ang gamitin ko, nakikilala mo pa rin ako."   Sarcastic akong ngumiti. "Nagtaka ka pa? Eh, iisa lang naman ang tono ng boses na naririnig ko sayo. Ikaw at ikaw lang 'yun. At ikaw lang naman ang nagtatakip sa mga mata ko."   "Oo nga, no?" Sabay tawa niya.   Napatingin kami pareho ni Jared sa harap namin nang malakas na tumikhim si Max.   "Mas mabuti pa siguro kung lalarga na kami, ano? Nakakahiya naman sa inyong dalawa, eh. Naistorbo pa namin ang date n'yo." - Max   "Oo nga. Istorbo lang kami dito. Mukha namang masaya kang kasama si Jared kaya iiwan ka na namin sa kanya," sabi ni Sam at saka tumayo na silang dalawa ni Max.   Bago pa ako makapiyok ay tinalikuran na nila ako at naglakad palabas ng coffee shop.   "Mabuti naman at nakaramdam sila na gusto kitang masolo."   Kunot-noong napalingon ako kay Jared. "Anong sabi mo?"   "Ang sabi ko, mabuti pang makapagkape na lang ako dito."   "Malamang. Coffee shop nga 'to di ba? Siguradong magkakape ka dito."   "Ang init na naman ng ulo mo. Nga pala, may papakilala ako sa 'yo one of these days. Best friend ko galing Amerika. Si Ethan, yung kausap mo last time."   "Amerika?"   "Hindi. Galing France. Yun ang sabi ko."   Hindi ko pinansin ang sarkasmo niya. Bigla kasing pumasok sa isip ko na nandoon si Nate. Napakaliit naman ng mundo at doon din galing ang best friend niya.   "A-anong hitsura ng Ethan na yun?" hindi ko napigilang itanong.   "Well, kasing-guwapo ko,  pero mas chick boy 'yon sa 'kin."   "Matagal na ba siya do'n? Kelan kayo nagkakilala? Doon ba talaga siya nakatira?" sunud-sunod na tanong ko pa.   Matamang tumingin sakin si Jared. At ilang sandali pa, medyo nailang na rin ako sa titig niya.   "Bakit parang interesado ka kay Ethan?"   "H-hindi naman sa gano'n. Natanong ko lang."   "Don't worry, makikilala mo naman siya pag nandito na siya. And just to remind you, he's not already available," sabi niya na may pagdidiin sa huling sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD