CHAPTER 7

939 Words
MILES   Nandito ako ngayon sa mall. Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas nang huli naming mapag-usapan nina Max at Sam ang tungkol kay Nate. Kinalimutan ko na rin ang tungkol doon dahil maaaring kaboses nga lang niya. Nag-iiba naman talaga ang boses ng isang tao sa phone, 'di ba?   Habang naglilibot ako dito sa bookstore, biglang tumunog ang phone ko. Si Jared ang tumatawag.    "Bakit? Ayaw ko ng istorbo ngayon," natatamad na bungad ko sa kanya.   "Good morning too, Miles! Hindi ka talaga nakalimot na batiin ako sa energetic voice mo."   "What now, Jared?" tanong ko sa halip na patulan ang sarkasmo niya mula sa kabilang linya.   "Where are you?"   "Sa mall."   "Gano'n? Yayayain pa naman sana kitang lumabas."   "Why?"   "I want to see you."   Napangiti ako. It was direct and no beating around the bush. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot. "Okay. I'll wait for you." Sinabi ko rin sa kanya kung saang mall ako naroroon.   "Okay. I'll be there in thirty minutes. Wait for me, Miles. Bye." And he ended the call.   Habang naghihintay kay Jared, nagpasya akong maglakad-lakad muna ako at maglibot. Napadpad ako sa isang bookstore. Pumasok ako at tumingin sa Literature section. Kinuha ko ang isang libro at binuklat-buklat iyon. Ilang sandali pa, bahagya akong natigilan nang may mahagip ang mga mata ko. Isang nakatalikod na lalaki ang nakatayo di-kalayuan sa puwesto ko at may libro ring binubuklat. Nadako ang tingin ko sa librong hawak niya. 'How Will You Know If You Still Have Feelings For Your Ex?' ang title ng librong binabasa niya. Gumalaw ang lalaki at bahagyang lumingon. And I was taken aback when I saw his face. Kahit side view profile pa lang niya ang nakikita ko, sapat na iyon para mapukaw ang buong atensiyon ko.    Ang tindig at pangangatawan niya... Ang mukhang iyon... Pamilyar na pamilyar sa 'kin.  "Nate..." mahinang sambit ko.   Tila slow motion sa pelikula nang dahan-dahan siyang umikot paharap at mag-angat ng tingin. My heart skipped a beat and almost jump out of my rib cage when I met his gaze. My surroundings became blurry at siya na lang ang nakikita ng mga mata ko ngayon.   Mas lalong nagwala ang puso ko nang magsimula siyang maglakad papalapit sa direksyon ko. Hindi ko naman magawang gumalaw dito sa kinatatayuan ko. And I was really waiting in anticipation.  Nang ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa, doon ko lang nagawang humakbang. "Nate-" Agad din akong natigilan at hindi naituloy ang sasabihin nang lagpasan niya lang ako. Tuluy-tuloy siya sa paglalakad na para bang hindi niya ako nakita.   What was that? What happened? Hindi niya ba ako napansin? Dumaan siya sa harapan ko. Imposibleng hindi niya ako nakita o napansin man lang. I even met his gaze kahit saglit lang iyon.   Lumingon ako at sinundan siya ng tingin. Nasa cashier na siya at nagbabayad ng librong binili niya. Naglakad ako papalapit sa kanya para silipin ulit ang mukha niya.  Isang tipid at malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ko habang nakatitig sa kanya. Sinundan ko rin ang bawat galaw niya para masigurong hindi siya mawawala sa paningin ko.  Hindi ako maaaring magkamali. It's him. You're back, Nate. You're really here.     Pagkatapos niyang magbayad, naglakad na siya papalabas ng bookstore. Doon lang ako kumilos at hinabol siya. At bago pa man siya tuluyang makalayo, mabilis kong hinablot ang braso niya para humarap sa 'kin.  Parang milyun-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa balat ko nang mahawakan ko ang braso niya. Same feeling I felt every time I would feel his touch years ago.  "Nate?" tawag ko sa kanya.   The moment I met his familiar gaze, I felt mixed emotions. Masaya, galak, but at the same time, may lungkot at sakit din. Dahil hindi rin naman naging maganda ang huling pagkikita at pag-uusap namin noon.    "You're back," sambit ko pa.   I smiled at him. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Gusto kong mag-sorry sa kanya, pero walang anumang salita ang lumalabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa guwapong mukha niya. Hindi nagtagal, unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko nang alisin niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at kunot-noong tumingin pabalik sa 'kin. At alam mo 'yung masakit? He was looking at me as if he didn't recognize me. "Sorry, Miss. Do I know you?"   My heart sunk. Para ring mga patalim na sumaksak sa puso ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya.    It's been what? More than three years? Tatlong taon lang naman kaming hindi nagkita at nagkausap, pero hindi na niya agad ako kilala? Gano'n ba kabilis kalimutan ang pinagsamahan namin? Sobra ko ba siyang nasaktan noon to the point na kinalimutan na niya ako sa buhay niya?    "I think you've mistaken me from a person you're looking for," sabi niya bago tumalikod at muling naglakad. No. Hindi ako nagkakamali. You're really the person I've been waiting for all along... bulong ko sa sarili ko. Mabilis akong humabol at humarang sa daraanan niya. Sa pagkakataong ito, nagsalubong na ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Nando'n na naman ang pagtataka sa buong mukha niya.   Halos mangilid na ang luha sa mga mata ko, pero pinigilan ko pa ring umiyak. "H-hindi mo na ba ako naaalala?" halos mabasag na ang boses ko nang tanungin ko iyon sa kanya. Ngumisi siya nang sarkastiko. At ang naging sagot niya ang parang nagpatigil sa pagtibok ng puso ko. "How can I remember you if I don't even know you?" Iyon lang ang sinabi niya bago niya ako tuluyang lagpasan at iwan sa kinatatayuan ko.   I was left shocked and dumbfounded. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD