CHAPTER 8

936 Words
SAM   "Ano itong nabalitaan kong may male model na gustong kuhanin ang serbisyo mo?"   Binalingan ko ng tingin si Dervin at tinaasan ng isang kilay. "And who's that unreliable source of yours? And will you stop that tone on me? You sounded like I'm a p****i here. Besides, nagre-request pa lang naman ang kampo ni Kier Gatchalian na ako ang maging photographer niya sa darating na photo shoot dito sa agency natin."    "Hindi na importante kung kanino ko nalaman. Hindi ikaw ang magiging photographer niya. And that's final," mariing pahayag niya.   "And why?"   "Because I said so. At baka nakakalimutan mo rin na may ipinangako ka sa 'kin noon pa man? Nangako ka na ako lang ang male model ng camera mo."   I pouted. "Hindi ba puwedeng ibang lalaki naman ang kuhanan ko? Nakakasawa na ang guwapo mong mukha, eh. Ibang guwapo naman ang makita ng camera ko. At ibang tao din ang makasilay ng ganda ko."   "Saang banda? Wala silang makikitang ganda mo," kunot-noong sabi niya.   "I hate you," naiinis na sambit ko.   "And I love you, too. Alam ko naman 'yan eh."   Hmp! Kainis talaga 'tong Dervin na 'to!   "Excuse me, Sir Deus. May naghahanap pong lalaki sa inyo," sabi ng sekretarya niya nang kumatok sa office niya.   Binalingan niya nang masamang tingin si Ate Mitch. "If that guy is the male model named Kier Gatchalian, pakisabi na lang sa kanya na hindi si Samantha ang magiging photographer niya. May ibang naka-assign na photographer sa kanya."   "Eh, Sir, hindi naman po ang male model na 'yon ang naghahanap sa inyo. Although, mukha rin siyang hot male model, kaso iba ang pakay sa inyo."   "Sino ba 'yan?"   Nanlaki ang mga mata namin ni Dervin nang isang mukha ng pamilyar na lalaki ang bumungad sa 'min.   OMG! Hindi ba kami namamalik-mata sa aming nakikita? Talaga bang si Errol Nathaniel Montecaztres ang narito at nakatayo sa harapan namin ngayon?   "Sorry to disturb you, guys. I'm Errol Nathaniel Montecaztres. I'm here to talk to Mr. Deus Shervin Roncillo."   Naguguluhang nagkatinginan kami ni Dervin. At mukhang pareho kami ng nasa isip. Bakit napakapormal niya sa 'min at nagpakilala pa?    Ako ang unang nakabawi. "Nathan? Is that you?" "Oo nga, Nathan. Tagal mo ring nawala dito, ah? Musta na ba?" pangungumusta ni Dervin na lumapit pa sa kinatatayuan ng basketball captain nila noon na itinuring na rin niyang kaibigan. Lumapit na rin ako at tumabi sa boyfriend ko.   "Pardon? Do you know me?" he asked, frowning at us.   Pareho kaming natigilan ni Dervin at lalong naguluhan sa mga sinabi niya. Bakit niya kami tinatanong ngayon kung kilala namin siya? Hindi ba niya kami nakikilala?   "Of course, we know you. We were classmates during our third year college. Medyo hindi nga lang tayo gano'n katagal magkakilala dahil transferee lang ako no'ng panahon na 'yon. Si Juice ang talagang kaklase mo simula first year college," paliwanag ni Dervin.   "Hi, guys!"   Sabay-sabay kaming napalingong tatlo sa babaeng nagsalita. Sina Max at Juice ang dumating. At gaya ng reaksyon namin ni Dervin kanina, natigilan at nanlaki rin ang mga mata nila nang makita si Nathan.   "Nathan?!" sabay na bulalas nina Juice at Max.   "Well, my family calls me Nathan. But, my friends call me Ethan. Hindi ko lang alam kung ako ba ang Nathan na tinutukoy n'yo sa kilala n'yong Nathan."   "Of course, you are! Wala ng iba pa! Hinding-hindi namin makakalimutan ang hilatsa ng pagmumukha mo dahil ikaw lang naman ang-uhm!"   Hindi na naituloy ni Max ang sinasabi dahil tinakpan na ni Juice ang walang prenong bibig nito. "Ang ibig sabihin nitong Lemon Max ko ay ikaw lang naman ang kaklase namin ni Deus noong nasa kolehiyo pa tayo. Since first year college tayo magkaklase, Nathan. Wait, hindi mo na ba kami naaalala?"    "Sorry, but I don't remember anyone of you."   Muli kaming natigilan sa rebelasyon niyang iyon. Seriously? Hindi niya kami naaalala? Mahigit three years pa lang naman ang nakakalipas, ah? Hindi naman nagbago ang mga mukha namin. Ni hindi nga rin nabawasan ang kagaguhan ng mga kaibigan niya kaya imposibleng hindi niya kami naaalala.   Tinanggal ni Max ang nakatakip na kamay ni Juice sa bibig nito. "Eh, ang kapal din talaga ng mukha mo, ano? Anong hindi naaalala? Don't tell me pati si-uhm!"   Muling tinakpan ni Juice ang bibig ng kasintahan. "Lemon Max, 'wag ka ngang high blood. Can't you see the point here? Hindi niya tayo kilala at lalong hindi niya tayo maalala."   Tinanggal naman ni Max ang kamay ni Juice sa bibig niya at masama itong tiningnan. "And so? Paano kung sabihin kong hindi ko rin siya kilala? Na nakalimutan na rin natin siya?"   I just rolled my eyes at her. Talaga naman itong si Max. Pinairal na naman ang galit at init ng ulo kay Nathan.   "It's better kung tawagan mo na si Miles. Something's wrong with him. And I think pare-pareho tayo ng mga nasa isip maliban kay Max dahil nauunahan siya ng high blood," baling sa 'kin ni Dervin.   "Yeah, right. Tawagan ko lang siya," sabi ko at bahagyang lumayo sa kanila.   Dalawang ring lang nang sagutin ni Bhest ang tawag ko.    "Sam, I have something to tell you. And you won't believe this," bungad niya mula sa kabilang linya.   "Same here. I have something to tell you and you won't believe this, either. Pumunta ka rito sa agency ni Dervin. May mahalaga tayong pag-uusapan."   "Ano?"   "Can't tell you over the phone. Just get your butt in here as soon as possible. No. Be here right now."    Pagkasabi ko no'n ay pinutol ko na ang tawag at humarap ulit sa nagtatakang mukha ni Errol Nathaniel Montecaztres. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD