CHAPTER 9

1180 Words
MILES   Agad akong nag-ayos ng gamit ko dito sa opisina bago nagpasyang pumunta sa agency ni Deus gaya ng utos ni Sam. And I'm wondering kung ano ang mahalagang sasabihin nila. Hindi ko tuloy nasabi kay Sam na nakita ko na si Nate kahapon sa mall.   Nakita ko si Jared na may kausap sa phone. Hindi ko naiwasang pakinggan ang mga sinasabi niya sa kausap.   "Where are you, Ethan?...Kailan mo ba balak magpakita sa 'kin?...Ah...Importante ba 'yan?....Ok. Good. Sana maging malinaw sa 'yo ang lahat at makatulong sila sa 'yo...Sige, bye."   Nang maibaba niya ang tawag, humarap siya at bahagya pa siyang nagulat nang makita ako.   Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Magpapaalam sana ako. Mag-half day lang ako today kasi may importante akong pupuntahan."   "Gano'n ba? Samahan na kita."   "'Wag na."   "Bakit?"   "Ahm...Girls' talk?" alanganin kong sagot.   "Hindi ka sigurado?" kunot-noong tanong niya.   "No. I mean, girls' talk talaga ang pupuntahan ko. Kami nina Max at Sam."   Tumango-tango siya. "Okay. Panatag na 'ko dahil sila naman pala ang kasama mo. Ingat kayo."   "Salamat."   "Sunduin na lang kita mamaya."   "‘Wag na. Baka matagalan kami, eh. Sige, alis na ako."   Pagkasabi no'n ay lumabas na ako sa company building at sumakay sa naghihintay na taxi. In just  less than thirty minutes, nakarating ako sa agency na pag-aari ni Deus. Pagtuntong ko pa lang sa building, kakaibang kaba na ang naramdaman ko.   Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko nang makita ko mula sa direksyon ko ang likod ng isang pamilyar na lalaki habang nakaupo at kaharap sina Max, Sam, Juice at Deus.   Kaya ba ako tinawagan ni Sam? Siya ba ang dahilan?   Hindi ko inaalis ang tingin ko sa lalaking nakatalikod habang papalapit ako sa kinaroroonan nila. Tumayo ang apat nang makita na nila akong dumating.   "Miles," pagtawag ni Juice.   Lumingon ang nakatalikod na lalaki at napatayo nang magtama ang mga mata namin. Muli kong naramdaman ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko.   Sa ikalawang pagkakataon, nakita ko na naman si Nate. At sigurado na ako ngayon na nagbalik na nga siya sa bansa.   "Miles, siya ang dahilan kung bakit kita tinawagan at pinapunta dito," narinig kong sabi ni Sam.   Hindi ko magawang alisin ang tingin kay Nate. Gano'n din naman siya. Nakatitig lang kami sa isa't-isa at hindi alintana ang mga kasama namin ngayon. Na wari bang hindi namin naririnig ang mga sinasabi nila. Ilang sandali pa, nagsalubong ang mga kilay niya.   "I remember you."   Three words from him and it was enough to make my heart flutter. Nabuhayan din ako ng loob dahil sa tatlong salita na iyon. At nababasa ko rin nga sa mga mata niya na parang natatandaan niya ako. Hindi katulad noong magkita kami kahapon, there wasn't any recognition on his face. Totoo bang naaalala na niya ako?    "Ikaw ang babaeng humarang sa 'kin sa mall at tinawag ako sa pangalang Nate, 'di ba?" Ang kaninang namuong pag-asa sa puso ko ay unti-unting nawala. Malungkot man, pero pilit akong ngumiti sa kanya. "O-oo. A-ako nga 'yon. Napagkamalan kitang si Nate."   Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pagtataka sa mga mukha ng mga kaibigan namin, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Anong magagawa ko kung hindi talaga ako natatandaan ni Nate?   "A-ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong ko pa.   "Gusto ko sanang makausap itong si Engr. Deus Roncillo about sa isang property namin. And it turns out na kilala nila akong lahat. Sorry, guys, pero hindi ko kayo natatandaan, eh."    "Why?" sabay-sabay na tanong ng apat kahit alam ko na may sapantaha na rin sila kung bakit hindi sila matandaan ni Nate.   "I was suffering from amnesia. Mahigit tatlong taon na rin akong walang naaalala sa nakaraan ko."   Inaasahan ko na iyon kaya hindi na ako nagulat. Iyon din ang una kong hinala ko. Ayoko lang isipin ang malaking posibilidad na nasa gano'ng kondisyon nga si Nate.   Kaya hindi niya ako matandaan. Literal akong nabura sa mga alaala niya. Lahat kaming mga kaibigan niya. Hindi niya kami naaalala.   Deus cleared his throat. "I think it's better kung mauupo muna tayo dahil mukhang mahaba-habang pagsasalaysay ang kailangan nating gawin."   Gano'n na nga ang ginawa namin. Naupo muna kaming lahat bago muling pinakinggan ang pagsasalaysay ng kuwento ni Nate.   "According to my family, I met an accident three years ago. And I was in coma for almost a month. Nang magising naman ako, wala na akong naaalala na kahit ano. Do'n ko rin nalaman na nasa Amerika kami at nagpapagamot dahil sa tinamo kong pinsala sa nangyaring aksidente sa 'kin. Ang pamilya ko ang nagsabi sa 'kin kung sino ako at kung ano sila sa buhay ko. After my recovery, pumasok ulit ako at ipinagpatuloy ang pag-aaral ko sa isang sikat na school sa LA. Doon ko nakilala ang best friend kong si Red. Magkaiba man kami ng course, may ilang subjects na magkaklase kami. Then that's it. Doon na umikot ang mundo ko for three years."   "Hindi ba nabanggit ng pamilya mo na may mga kaibigan ka dito sa Pilipinas?"   "Well, wala silang masyadong nabanggit. Siguro dahil akala nila I will be staying there for good. Pero nang alukin ako at pakiusapan ako ng kaibigan ko na tulungan muna siya sa pamamahala sa kompanya, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon dahil gusto ko ring bumalik dito."   Tumango-tango si Juice. "Gano'n pala. Kaya pala bigla ka na lang nawala no'ng time na 'yon at hindi nakapagpaalam sa 'min."    "Since nasabi mo na ang kuwento mo, kami naman ang magpapakilala. Ako si Deus Shervin Roncillo. At gaya ng nabanggit ko sa 'yo kanina, isa rin ako sa mga naging kaibigan mo during your college days dito sa 'Pinas. Transferee ako noong third year college kaya wala pang isang taon tayong magkakilala. Girlfriend ko itong si Samantha Nicole."   "Ako si Juan Crisostomo Carredano. Juice ang tawag mo sa 'kin at tayo ang talagang best friends noong magsimula ang college days natin. Then, ikaw ang basketball captain no'ng magkasama pa tayo sa pinapasukan nating university. At itong si Max naman ang girlfriend ko."   "I'm Maxene Lalaine Fortalejo. Ang masasabi ko lang, boyfriend ako ni Juice and one of Miles' best friends."   "Samantha Nicole Samonte here. And same like Max, boyfriend ako ni Deus at isa sa matalik na kaibigan ni Miles."   Then tumingin silang lahat sa 'kin. "Ako si Millicent Buencamino. Mga kaibigan ko sina Max at Sam," simpleng pakilala ko lang sa kanya.   "And?" he asked, as if he was anticipating something.    "Na naging kaibigan mo rin dahil nga naging boyfriend nina Max at Sam ang mga kaibigan mo."   "Therefore?"   "Magkaibigan tayo."   Nakita kong umiling-iling sina Juice at Deus, samantalang umikot naman ang mga mata nina Max at Sam.   "Really? I just thought..."   Medyo kinabahan ako. "Y-you thought what?"   Tumingin siya sa 'kin nang diretso sa mga mata. "Kung naging magkasintahan ang mga kaibigan natin, hindi rin ba tayo nagkaroon ng relasyon? I mean, hindi ba naging tayo?"   Pilit akong ngumiti sa kanya kahit na parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko at bumabaon ang matatalim na kutsilyo.   "Hindi. Hindi naging tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD