MILES "Jared Jimenez, do you know what time is it?" bungad ko sa pagkaaga-agang caller ko nang maalimpungatan ako sa pagtunog ng phone ko. Hindi ako nakatulog nang maaga kagabi dahil sa mga nangyari nitong nakaraang araw. Nakatulugan ko na lang ang sobrang pag-iisip kay Nate. "I should be the one asking that kind of question because I think you already forgot what time it is. Dahil kung alam mo, ang ibubungad mo sa 'kin sa mga oras na ito ay 'you're on your way here'. And I bet na nakahiga ka pa rin sa kama mo ngayon dahil sa tono ng bagong gising na boses mo." Nanlaki ang mga mata ko at biglang napabalikwas ng bangon nang makitang alas siete y medya na ng umaga. Natampal ko ang aking noo at mariing pumikit. "Damn it, Jared! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" naiinis na