NATHAN "...Hindi naging tayo." "Argh! Damn it!" naiinis na sigaw ko at napasabunot pa ‘ko sa buhok ko nang paulit-ulit na mag-echo sa utak ko ang mga salitang iyon. Seriously, what was happening to me? Ang plano ko lang naman talaga kanina ay puntahan ang kilalang engineer s***h model na si Deus Shervin Roncillo para sa isang property namin na gusto kong ipaayos. And it turns out na kilala niya ako at ng girlfriend niya. At nakilala ko rin ang dalawa pang tao na naging bahagi rin daw ng buhay ko during my college days here in the country. Hindi naman ako nagduda sa kanila dahil kahit papa'no, palagay ang loob ko lalo na doon sa dalawang lalaki. Tapos, doon ko rin nalaman na may kaugnayan pala sila sa babaeng nakita ko sa mall kahapon. I admit. Nagulat ako, but at the