JUICE Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko. Ang sama na nga ng tingin sa akin ni Deus dahil mukhang naiinis na rin siya. "Gawin mo na," utos niya. Napakamot ako sa batok bago muling binasa sa phone ang text ni Nathan kaninang umaga. Juice, you told me that I was your basketball captain during our college days, right? I want to meet the other members. As in today. Tell them I'm back. I want to meet all of you in MEU after lunch. Makalipas lang ang isang linggo na pagkikita namin, muli siyang nagparamdam sa amin. At ngayon nga, nire-request niyang makita at ma-meet din ang iba pang gago. Nasabi na namin ni Deus sa mga gago na nakabalik na si Nathan at meron itong amnesia. Ang problema, hindi namin nasabi sa kanila na itinanggi ni Miles na nagkaroon sil