MILES Three years ago... Ang lakas ng t***k ng puso ko habang katabi si Margarita Montecaztres dito sa loob ng magara niyang kotse. Pagkatapos niyang lumitaw sa harap ng bahay namin, pinasaky niya ako sa sasakyan nila dahil gusto niya raw akong makausap tungkol sa apo niyang si Nate. Mas lalo akong kinabahan nang pagsulyap ko sa kanya, seryoso pa rin at napakalamig ng tingin ang ibinibigay niya sa akin. Napalunok ako at mabilis na yumuko. Kahit sino ay mangingiming humarap sa kanya. She looks very classy, authoritative and intimidating. And she really intimidates the hell out of me. "I won't beat around the bush, Ms. Buencamino." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang malamig na boses na iyon ng matanda. Nang mag-angat ako ng tingin, nasalubong ko ang mga mata niya. Kung gaano